5

1584 Words
"Miel, write your name." "Lana may bisita ka!" Asus eto na naman. Parang kahapon lang ah? "Saglit lang ho." Itinigil ko muna yung ginagawa namin ni Miel na assignment nya saka nagpunta sa may sala. Sino pa nga bang nandito? Edi yung makalaglag panting kagwapuhan ni Iñigo Crisologo. "Can I have your decision now?" Grabe naman. Hindi pa nga ako nakakaupo nagtatanong agad, nagmadali may lakad?! "Saglit lang ho pwede? Nauupo muna ako oh?! Atat lang?" Padalagang Filipina akong naupo habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin si Mr. Crisologo. "So?" Ay ang impatient talaga nitong bakulaw na ito. huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot. "Yes." nakita kong nag lopside smile siya na medyo ikinalaglag ang panga ko pero inalis niya rin agad. "Yes, I'm going to be your girlfriend." Dagdag ko pa. Pang asar lang. "That's not what I came here for." Iritableng sagot niya. "Ay, Hahaha. Akala ko pa naman, nanliligaw ka kaya inaaraw-araw mo 'ko." Lalo akong natawa nung kumunot ng todo yung noo niya. Sorry Sir, malakas ako mang asar. Ngayon pa lang dapat masanay ka na. "Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari, pero may mga gusto pa akong idagdag sa mga benefits ko." "Name it." Walang alinlangan niyang sagot. "Hindi ko kailangan ng tripleng sweldo. Gusto ko four times na mas mataas. Ang day off ko every monday lang sana saka hanggang seven p.m lang ang trabaho ko kase may pasok ako sa school ng eight." Nagsukatan kami ng tingin. Hindi naman ako nagpatalo. Akala niya ha, kelangan ko kaya ng pera.. I badly needed it. Tawagin nyo na akong mukhang pera pero wala akong pakialam. Sa huli ako din naman yung nanalo. Nauna siyang nag iwas ng tingin eh. "Okay. " Nagdiwang yung buong pagkatao ko. Nasunod ba naman kase lahat ng gusto ko eh. Makakasama ko pa si Berto pag monday. "Wait may isa pa pala." Nginitian ko siya ng wagas. Yung ngiting kita gilagid. Haha nagsalubong na naman yung kilay niya. "Fine. Ano pa?" Mukhang galit na siya. Hahaha okay lang wala akong pake. "I want my I.d back." Inilahad ko yung mga kamay ko. Tinignan niya pa ulit ako saglit bago niya kinuha yung wallet niya saka inilabas yung I.d ko. Titig ng titig, kapag ito nainlove sa akin, hindi ko kasalanan ha. Nung gabing yun din sumama na ako sa bago kong amo sa bahay niya. Pero nag umiyak pa si Miel bago ako makaalis. Sabi ko naman sa inyo, parang ako na nanay nito e. "Don't worry Miel, dalaw-dalawin ka namin dito ni Kuya Berto, okay?" Nagliwanag naman yung mukha ni Miel saka tumango tango. "Stop crying na baby ha. I love you." Pinunasan niya yung mukha niya saka ngumiti. Nagpaalam na din ako kay tita bago umalis. ----------- Sumakay kami sa sasakyan niyang sing gwapo niya ng walang imikan. Ayoko namang makipagkwentuhan dahil hindi naman ako ganun kadaldal na tao so, nagpanisan kami ng laway. eeeww! Infairness sa kanya, ang laki ng bahay ah. May malawak pa siyang garden tapos may fountain sa may gitna. "Sir Iñigo andyan na po pala kayo." Bati samin nung matandang babae. Siguro mayordoma ito dito. Nginitian siya ni Sir tapos tumingin sakin. Take note nakakatakot na tingin. "Nanay Violly, si Lana po. Bagong mag aalaga kay Zylie." Yung if-looks-can-kill-look na binigay sakin kanina ni Nanay Violly ay napalitan ng ngiti. "Ikaw pala si Lana! Nako salamat naman at nakumbinsi ka na ni Iñigo! " At niyakap niya pa ako. wow lang ha! Fc much? Ahaha joke lang! "Si Zylie, Nay Violly?" Napasimangot naman si nanay Violly sa tanong ni Sir Iñigo. "Nasa library, kasama si Serene." Naglakad kami papuntang library. Malayo pa lang rinig na rinig ko na yung boses nung babae. Kumatok muna kami bago pumasok si Sir. "Serene, kamusta si Zylie?" Nag angat naman ng tingin yung Serene. Wow lang ang ganda. "Oh Iñigo! Andyan ka na pala. Zylie's doing good. Umiiyak pa rin maya't maya pero tolerable naman." Lumapit sa kanya si Sir kaya all smiles naman yung Serene. Nagulat na lang ako nung magtukaan sila sa harapan ko. 'Siya siguro yung nanay ni Zylie. Hmmm. K. Bagay sila . "Yan si Serene.. Zylie's tutor and Iñigo's personal slut." Nagulat nalang ako nung may magsalita sa tabi ko. Masyado ata akong nadala sa panonood ng live show sa harapan ko na may kasama ng dila ngayon. Grabe! laplapan lang ang peg! "By the way, i'm Rhoanne Sandoval-Love." Nilahad niya pa yung kamay niya. "Kayo po ba yung mommy ni Zylie?" Mukhang tangang tanong ko. Ang tanga ko talaga! Kung mommy to ni Zylie malamang napagbuhol niya na yung dalawang naglalaplapan pa rin sa harap namin. "Hahaha! he wish! kung ako ang asawa niyang hudas na yan baka kanina pa sumabog ang nguso nilang dalawa." Oo nga naman Lana.. Ako man hindi ko hahayaang makipaglampungan sa harapan ko yung asawa ko. "Hoy Crisologo! Tigilan niyo yan. May bata sa harapan niyo." Saka lang naghiwalay yung dalawa nung narealize nilang nasa harapan si Zylie. Lumuhod si Iñigo at hinawakan sa balikat si Zylie. "La-lana!" Nagulat ako nung biglang tumakbo si Zylie at yumakap sakin. "Di-to ka na ti-tira?" Tumingin ako kay Sir Iñigo na parang amazed na nakatingin lang kay Zylie. "Uhmm Oo baby girl, ako na yung bagong mag aalaga sayo." Hinila ni Zylie yung damit ko pababa kaya napaupo ako sa may sahig. Buti nalang may carpet yung sahig kaya hindi masakit sa pwet. Naupo siya sa lap ko saka niya ako niyakap. "Zylie, why don't you show Ate Lana your room and her room?" Sabi ni Sir Iñigo. Tinanguan lang siya ni Zylie, tumayo sa lap ko saka ako hinila patayo. Tinignan ko muna ulit sila bago kami lumabas ni Zylie kaya nakita ko ang sama ng tingin sakin ng tutor niya. IÑIGO'S POV "Buti napapayag mo si Lana?" Nasa study room ko si Rhoanne. Pagkalabas kase nila Lana at Zylie ay hinila na ako ng babaeng 'to para sumagap ng chismis. "Ang dami ngang demands eh." Naiiling na sabi ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang babaeng yun hindi ako susunod sa mga demands niya. "Pero nakita mo naman ang epekto niya kay Zylie diba? I'm sure kung ano man yung hiningi niyang kapalit sayo, maliit na bagay lang kumpara sa magagawa niya para kay Zylie." "Yeah.." Actually hindi naman ganun kahirap ibigay yung mga hinihingi ni Lana.. Ayoko lang talaga ng may nagdidikta sakin ng mga dapat kong gawin. "Babe.." Napalingon kaming dalawa ni Rhoanne sa nagsalita. "Psh.. Andito na naman yang personal slut mo. Ano bang nakita mo diyan bukod sa malaking dibdib Sweetie?" Bulong-singhal ni Rhoanne na ikinatawa ko. Si Rhoanne yan eh. Kahit matanda na yan, deadly ang bunganga niyan. "Yung malaking dibdib niya." Bulong ko din na ikinatawa ng malakas ni Rhoanne. Yun lang naman kase talaga ang nagustuhan ko sa kanya eh. Plus yung skills niya pagdating sa kama. I don't love her, I don't actually even liked her. Ginagamit ko lang siya for my.. personal needs. "Ako ba yung pinag uusapan niyo?" Natigil ang pagtawa ni Rhoanne at tumingin ng matalim kay Serene. "Pag tumatawa ikaw agad ang pinagtatawanan? 'Di ba pwedeng yang fake boobs mo lang muna?" Rhoanne said and she burst out laughing. Tinakpan naman bigla ni Serene yung dibdib niya. "Sweetie, hihiramin ko muna sila Zylie at Denise pati si Lana ha? Naaalibadbaran ako dito eh." Sabi ni Rhoanne saka hi-nead to foot ng tingin si Serene. "Sure sweetie." Humalik siya sa pisngi ko saka siya nagpunta sa harapan ni Serene na nasa may pinto. Tumingin ulit sakin si Rhoanne sabay sabing: "Hindi ka ba nauumay sa baboy? Hahaha!" Nakita ko yung pagkuyom ng mga kamay ni Serene pero hindi naman siya nagsalita hanggang sa makalabas si Rhoanne. "What do you want Serene?" Binuksan ko yung laptop ko para mag check ng e-mails pero natulala na naman ako sa screensaver ko. It was a picture of her. Rizza. My wife. Masakit pa rin para sakin yung pagkawala niya kahit mag iisang taon na siyang wala sakin. Siya lang kase yung babaeng minahal ko, hanggang ngayon mahal ko parin siya. No one can replace her. "Iñigo!" "H-huh?!" "Nag spaced out ka na naman.." Sinarado ko yung laptop ko saka ako tumingin sa kanya. "What was that again?" She took a deep breath saka siya naglakad papunta sakin. Naupo siya sa may edge nung lamesa and crossed her legs. "Ang sabi ko.. Do you really need that woman to look for Zylie? Hindi pa ba ako sapat?" She's playing with my hair. "Yeah.. She can help Zylie talk." "I can make Zylie talk.." malanding sabi niya? "Can you?" "Yeah.." Naglean forward siya and she tried to kiss me. Pinikit ko yung mga mata ko pero mukha ng dati kong asawa ang nakita ko. "What the?! Iñigo!" Tinulak ko palayo si Serena at tumayo ako sa swivel chair ko. I was pacing back and forth at naihilamos ko yung kamay ko sa may mukha ko. "I-I can't do it now Serene, please get out." Pabadog siyang tumayo sa lamesa at naglakad papunta sa may pinto. She slammed the door at napaupo nalang ulit ako sa swivel chair ko. Binuksan ko ulit yung laptop ko and I caress Riza's cheeks. "Miss na kita Rizza. Miss na miss na kita." ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD