1
IÑIGO'S POV
"Hon.." Napangiti ako nung narinig ko yung boses na yun. God! Kaya kong mabuhay kahit iyon lang ang meron ako.
"Misis Crisologo, come here.." Dahan-dahang lumapit sakin ang nag iisang babaeng nagpatibok ng husto sa puso ko. Five years of being together doesn't change anything that I feel for her the moment our eyes met. In fact mas nag iintensify pa nga eh.
"Honey, five years. Ang laki na ni Zylie, yet I still can't believe na napalaki natin siya ng ganyan. May baby Denise pa tayo. I'm still so glad hinila mo ako papasok sa suite mo nung nasa Europe pa tayo, kung hindi.. hindi ako magiging ganito kasaya."
"Honey, ganun din naman ako eh.. Kung bibigyan ako ng pagkakataong ulitin ang lahat, gagawin at gagawin ķo ulit yung bagay na yun para paulit ulit ka ding mapasa akin." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal kita Riz.. kayo ng mga anak natin.."
"Kaya nga tiwala ako na kahit mawala ako.. alam ko magiging mabuti daddy ka sa kanilang dalawa. Mahal na mahal ko kayo hon."
Lumayo ako sa kanya ng konti.
"Honey, Ano ba yang mga sinasabi mo dyan? 'Bat ka naman mawawala? May raket ka ba out of town? Ilang buwan ka mawawala? Kelangan ba talaga yan?" Sunod sunod na tanong ko. Medyo kinakabahan na kase ako sa direksyon ng pinag uusapan namin eh.
"Basta hon.. Malay mo one of these days magbakasyon ako.. alagaan mo silang mabuti ha.. And be happy Iñigo." hinawi niya pa yung ilang strands ng buhok ko.
"Kung ano ano na namang sinasabi mo hon, tara na nga, baka nag iintay na yung mga bisita sa labas." Inakay ko na siya palabas para mawala na yung atensyon niya sa pinag uusapan namin kanina.
"Sweetie!" Narinig ko na naman yung bunganga ni Rhoanne. Mula ng napangasawa niyan si Hans naging bungangera na yan eh. Hahahaha. Poor Hans. Buti nalang si Rizza hindi ganyan.
"Oi sweetie, ganda natin ngayon ah.. mukha kang butete." nagpout naman siya. Tooo naman kase eh. Mukha naman talaga siyang butete. Daig pa yung buntis ng kambal sa laki ng tiyan ang lakas kumain.
Tinignan niya ako ng masama saka siya lumingon kay Hans na pigil na pigil ang pagtawa.
"Sige Pag ibig, ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo, Sa sala ka na naman matutulog." Bigla namang tumigil sa pagtawa si Hans. Halatang natakot sa banta ni Rhoanne.
"Mahal.." Nagulat kaming lahat nung tinawag ni Rafa si Denise ko ng mahal! Imagine isang taon pa lang si Denise at mag to-two si Rafa tapos kung makatawag ng MAHAL wagas?!
"Hoy Pag ibig! Ano na namang tinuro mo kay Rafa ha?!" Hindi lang pala naging bungangera si Rhoanne. naging brutal na din. Naaawa na talaga ako kay Hans. Batttered husband.
"Tabs naman, lagi nalang bang ako?" Maktol ni Hans. Nakasimangot pa ito habang inaakay ang anak na si Rafa.
"Alangan ako, Eh. kayo ang laging magkasama ni Rafa."
"Hal..." Humagikhik pa si Denise pagkasabi niya nun saka magpumiglas para ibaba siya ni Riza. Nahigit ko yung hininga ko nung lumapit siya kay Rafa saka nag kiss sa lips. Diyos ko po! Ayoko pang maging lolo.
"Hoy! Anoo yan? Relasyon?! Hahaha tignan nyo yung ginagawa ng mga anak niyo? Sabi sa t.v ang maling gawain ng matatanda, nagiging tama sa mata ng bata. Siguro nakikita kayo nila Rafa at Denise kaya ganyan." Singit naman ni Pam na akay akay si Enzo, anak nila ni Lawrence.
"Shut up Pam!" Sabay na sabi namin ni Rhoanne. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko naging ka close 'yong magkapatid na to pero hindi ko din naman pinagsisisihang nakilala ko sila.
"Hon, andyan na daw yung mga clown. Start na tayo?" Sabi ni Riza my love.
"Sige hon, ipapatawag ko na yung ibang bata." Hinalikan ko pa siya sa labi bago siya umalis.
"Ang swerte mo talaga kay Riza noh?" Nandito pa pala si Rhoanne. Akala ko kasabay na siya nila Riz na pumasok eh.
"Sobra sweetie.. Hindi ko nga alam kung sino ang dapat kong pasalamatan dahil napunta siya sakin eh." nangingiting sabi ko.
"Malamang ako, kung hindi kita sinama dun sa Europe tingin mo may chance na nakilala mo siya?" Sabi naman ni Rhoanne.
Sabagay, may point siya dun. Kaya lang nung nabanggit niya yung tungkol sa Europe naalala ko na naman yung pinag usapan namin ni Riza kanina.
"Hoy Iñigo! Tuala ka na diyan, problema mo?"
"Wala sweetie, nabo-bother lang ako sa sinabi ni Riza kanina na one of these days iiwan niya ako. May alam ka bang raket niya na malayo?"
"Wla namansiyang nababanggit sakin. Wala pa din naman akong naka schedule na show. Baka may nakuha sa mga alaga niyang modelo na kailangang samahan. Wag mo na nga masyadong isipin 'yun."
"Siguro nga." Sinubukan ko na ngang alisin sa utak ko yung napag usapan namin kanina.
Nag umpisa na yung party. Fifth birthday ni Zylie Isabelle saka first ni Denise Kyle kaya pinagsabay na namin yung celebration.
Masaya naman yung lahat. Lao na yung mga bata sa fairytale themed na birthday party nung dalawa. May face painting din sa isang side, tapos may mga stall ng dirty ice cream, cotton candy, may mga clowns, jugglers, at mga acrobats din.
"Sir.. sir iñigo!" Humahangos yung mga tauhan ko sa resort.
"Oh, bakit?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Si.. Si Ma'am Riza po---" Pagkabanggit niya ng pangalan ni Riza, agad akong tumakbo kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Grabe yung naramdaman kong kaba sa mga oras na yun.
"Nasan ang asawa ko?!" Bulyaw ko sa gwardiya.
"Nasa pampang po sir!"
DAMNIT!
Agad akong nanakbo sa pampang. Nanigas yung katawan ko nung nakita ko siyang nakahiga sa may buhangin. Sa tabi niya nakaupo si Zylie na iyak ng iyak habang tinatawag ang mama niya.
Nanghihina akong napaluhod nalang sa kinatatayuan ko.
"Riza..."
Halos pabulong na lang yung mga salitang lumalabas sa bibig ko pero umaasa parin ako na maririnig niya.
"Wala na po si Ma'am Riza sir.." Nagpintig ang tenga ko sa sinabi ng kung sino man yun.
"Sino ka para sabihing wala na si Riza?" Kinwelyuhan ko siya. Anong karapatan niyang sabihin na wala na ang asawa ko?
"IÑIGO ANO BA?!" Sigaw ni Rhoanne
"Hindi pa patay si Riza.. Hindi pa.." kahit hinang hina ako, pinilit ko pa ring makalapit sa kanya. Binigyan ko siya ng CPR habang paulit ulit kong pinu pump yung dibdib niya.
"CPR, I can do this," Ilang beses ko pang pinump yung dibdib niya bago ko sinubukang sipsipin yung tubig sa baga niya. "Come on honey, please come back to me please.." Wala ng patid yung mga luha ko habang pilit kong nire revive yung buhay nung asawa ko.
'Eto ba yung ibig sahihin ng pag alis mo Riza?! wake up honey.. Hindi ko kaya.' niyuyugyog ko na yung katawan niya pero wala parin.
"Da--daddy.. I-I'm so-so-sorry.. Its my fa-fault!" Humihikbing sabi ni Zylie.
Natuon naman uung atensyon ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka siya naman yung niyugyog ko.
"Anong nangyari sa Mommy mo, Zylie?!" Gigil na gigil ako sa kanya. Umiyak na lang siya ng malakas dahil napadiin yung hawak ko sa kanya.
"Iñigo nasasaktan yung bata!" Inagaw ni Rhoanne sa akin si Zylie saka ibinigay kay Hans. "Ipasok mo muna sa loob si Zylie Love."
Sumunod naman si Hans kaya naiwan kaming dalawa ni Rhoanne.
"Iñigo," Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Humagulgol na ako ng iyak.
"Eto ba yung ibig niyang sabihin nung sinabi niyang magbabakasyon siya? Taenang bakasyon 'yan, wala nang balikan!"
Niyakap nalang ako ni Rhoanne. "Lahat ng bagay may dahilan Iñigo."
"At anong dahilan Rhoanne? Ang iwan ako?"
"Iñigo..."
"Rhoanne mahal na mahal ko siya."
"Alam ko, Iñigo. Alam ko.."
-----------
Tatlong araw na nakaburol si Riza at tatlong araw din akong hindi umalis sa tabi niya, umaasang maghimala at magising pa siya.
Dati, halos hindi ako lumalabas ng bahay ng hindi naliligo at limang beses ako kung magpalit ng damit pero ngayon, kung ano yung suot ko nung araw na nawala sakin si Riza, yun parin ang suot ko.
Tatlong araw na din akong walang kain at walang tulog. Para na akong zombie sa lalim ng eyebags ko.
"Sweetie magpahinga ka muna.. Kami na ni Hans bahala dito." Nilagay ni Rhoanne yung kamay niya sa balikat ko.
"Okay lang ako Rhoanne. Ayokong umalis sa tabi ni Riza."
"Pero sweetie, nangangamoy ka na. Kahit brief man lang magpalit ka, Nagrereklamo na yang itlog mo. " Alam ko pinapatawa lang ako ni Rhoanne pero hindi ko talaga magawang tumawa.
Paano ba akong makakatawa kung yung source of happiness ko wala na?
"Mukha ka na pating malnourished. Ang payat mo na sweetie. Nasaan na yung Iñigo na pinaglihihan ko kay Rafa? Ang pangit mo na sweet. Tulog lang katapat niyan mukha ka na ulit fresh." Sabi pa niya.
Malaking pasalamat ko talaga sa babaeng to kahit medyo may sayad. Hindi sila umalis sa tabi ko ngayong kailangan kailangan ko sila. Sa kanila din muna nakatira yung dalawa kong anak.
Ilang beses na rin akong binisita nila Liam at ilang beses na rin nila akong sinabihan na magpahinga man lang, pero wala e. Ayaw sumunod ng katawan ko, ayaw din akong sundin ng utak ko and honestly, ayaw ko.
Isa pa sa ayaw ko ay ang makita si Zylie. Siya kase yung sinisisi ko sa pagkamatay ni Riza. I know it's wrong to put the blame on a five year old kid but if not her, then who?
"Okay lang ako Rhoanne, really." Nagkibit balikat nalang siya saka umalis.
'Riza bakit mo ba kase ako iniwan? Ang daya daya mo naman eh. Sabi mo sabay tayong tatanda.. Malakas pa ako oh! kaya pa kitang bigyan ng isang dosenang anak...' Tumungo na lang ako dahil hindi ko na naman mapigilan yung mga luha ko.