4

1269 Words
LANA'S POV "Lana may bisita ka." Sigaw ng tita ko. Nandito kase ako sa may third floor. Sa may laundry area, malamang naglalaba.. Alangan kumakain ako dito diba? At gabing-gabi naman yang bisita na yan. Baka kapatid ko lang. Hinugasan ko muna yung mga kamay ko bago ako bumaba. Pagod ka na nga sa paglalaba nakakapagod pa yung pagbaba. Nalaglag yung panga ko nung nakita ko kung sino yung prenteng-renteng nakaupo sa sofa namin. nakapande kwatro pa siya at naka extend yung dalawang braso sa sandalan ng sofa. So bahay niya to ganun? Feel at home lang? Pero infairness naman sa kanya. Ang gwapo-gwapo lang talaga ng taong to.. Nahatak na naman niya yung panty ko pababa. "Ah, Lana, Hindi mo man lang sinabi sa amin na kakilala mo pala si Mr. Crisologo." Sabi ng tita ko. Hindi ko naman talaga siya kilala eh. "Uhmm hindi po Ta, natulungan ko lang yung anak niya kahapon.. kilala mo siya?" Balik tanong ko sa kanya. "Ah oo, customer namin, este natin." Ayiih, kelan pa ako naging part ng kumpanya nila? Hahaha! Pero bigtime pala talaga 'tong mamang nanghihila ng panty na 'to ha. Teka lang, anong ginagawa nito dito? "Ano pong kailangan nyo?" Tanong ko. "LANA! UMAYOS KA NGA!" Sigaw sakin ni tita. Luh, para nagtatanong lang ako kung anong kailangan niya e? Bumaling siya ng tingin sa lalaking humatak ng panty ko saka biglang ngumiti. Nagpalit bigla yung mood. Menopause na talaga. Tsk. "Ah, sir, maiwan ko na po muna kayo ng pamangkin ko." Naglakad na siya paalis pero pinandilatan niya ako ng mata bago lumagpas sakin. Kulang nalang na sabihin niyang 'Lana, behave,' tapos sasagot ako ng 'Aww- aww' para masaya. Pag akyat ni tita pinagcross ko nalang yung braso ko habang nakatingin sa kanya. "Ano pong kailangan nyo, Sir?" Tanong ko ulit. Aalukin ko sana siya ng kape, kaso lang, nauna na siyang bigyan ni Tita. Wew nemen, begteym telege. Inaya niya akong maupo sa sofa. Talaga naman, bahay mo 'to boss? Pero naupo din ako. May cctv nga pala sa sala. Baka pinapanood ako nung mag asawa. "I'm here to offer you a deal." Deal? Deal niya ilong niya. Wala naman akong business eh, sila Tita, sila dapat ang kausapin niya. "Whatever your Auntie is giving you, I'll make it triple. Including all the benefits, day off every weekends with pay. Plus you can still study. Be Zylie's baby sitter." **** Tempting yung offer. Biruin mo, triple nung sweldo ko dito edi para na akong nag opisina nun. Pero kung tatanggapin ko, paano si Miel? Halos ako na ang nagpalaki sa batang 'yon e. Kainis naman, akala ko pa naman manliligaw siya sakin yun pala susulutin lang ako. Hahaha! Char. Idinaan ko na lang sa kain yung nangyari kanina. "Lana, kamusta yung napag usapan niyo ni Mr. Crisologo? " Eto pa isang problema ko eh. Paano ko sasabihin kay tita yung gustong mangyari nung lalaking yun? Nakakahiya naman sa kanila ni tito eh, Pinag aaral nila ako. Ang laki-laki ng utang na loob sa mag asawa. "Ta, may hinihiling lang po siya saking pabor." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yunv totoo. "Pumayag ka na ba?" Hindi ako makasagot. Kung tutuusin, gusto ko sana. Malaking tulong yun sakin, kaya marunong din ako tumanaw ng utang na loob. "Sabi ko po pag iisipan ko pa." Yun naman talaga ang sinabi ko sa kanya bago siya umalis. Na pag iisipan ko muna. Hindi biro 'to ha. Mamaya, member talaga siya ng sindikato e, gusto ko pang mabuhay. "Okay lang naman samin kung tatanggapin mo yung offer ni Mr. Crisologo eh." 'Okay lang naman pala eh, di wala na akong problema.' Teka.. "Ano po?!" "Kinausap niya na kami ng Tito mo bago ka pa niya kausapin ng personal. Pumayag naman na kaming hiramin ka muna pansamantala." HIRAMIN?! WOW HA! ANO AKO GAMIT NA PWEDENG HIRAMIN?! "Pero desisyon mo pa rin naman yan eh. Ang sa amin lang naman. Malaki ang utang na loob namin -- natin sa kanya. Ipinangako niya pang bibigyan niya pa kami ng maraming projects saka ipapakilala sa mga kaibigan niya once na pumayag ka." Yun yon eh. Sarili pa rin nila yung iniisip nila. Pera-pera pa rin. Iniwan niya na akong nasa malalim na pag iisip nun. Kung tutuusin ang simple-simple lang naman ng sagot sa problema ko eh. Masyado lang talaga siyang gwapo, kaya delikado. *** "Ano naman ngayon kung gwapo siya? Magpapadala ka na naman ba?" "Hindi noh!" Mariing tanggi ko. "Hindi naman pala eh. Anong problema mo?" naikwento ko na kase sa kaibigan kong si Alyanna yung tungkol sa offer ni Mr. Crisologo sakin kaya ayan binibigyan niya ako ng advice. "Teka nga.. Sobrang gwapo ba talaga?" "Laglag nga panty ko nung nakita ko siya eh.," Wala sa sariling sagot ko. "Ohmygod! nagpa-panty ka pala? Akala ko briefs ang sinusuot mo!" Natatawang sabi niya. Natauhan naman ako bigla. "Ha?! Anung sabi mo?" "Tinatanong ko kung gwapo ba talaga yung magiging boss mo. Sabi mo nalaglag nga yung panty mo sa sobrang gwapo eh." Nakangising sabi niya. 'OHMYGULAY! SINABI KO YUN?!' "W-weh? si-sinabi ko yun?" namumutlang sabi ko. "Oo sinabi mo yun." "Sabagay, mukha siyang modelo e. Pamilyar yung mukha niya pero di ko maalala kung saan ko siya nakita." Hindi naman kase ako mahilig manood ng TV. Be careful with my heart lang ang alam ko, kase yon yung madalas pinapanood ng mga kasama ko sa bahay. "Umayos ka Lana ha! Baka naman magpaka shunga ka na naman dyan ha!" Masamang tingin yung ipinukol niya sakin. "Hindi yan. Matibay na 'to. Hindi na ko marupok pagdating sa mga gwapo." "Okay sabi mo eh." Inilabas niya yung phone niya saka may kinalikot saglit. "Teka. Ano nga palang pangalan nung magiging bagong boss mo?" Bumuntong hininga ako. "Iñigo.. Iñigo Crisologo. " ----------------- IÑIGO'S POV "Papiiiii, I miss youu," Malayo pa si Brad, rinig na rinig ko na ang bunganga niya. Mukhang magpapang abot pa silang dalawa ni Rhoanne dito ah. Riot na naman 'to. "Huwag mong pansinin si Brad, ako muna intindihin mo. Kamusta? have you convinced Lana girl sa preposition mo?" Tanong ni Rhoanne. "Wala pa siyang sagot eh. Pag iisipan niya pa daw." Bumuntong hininga ako sabay sandal sa swivel chair. "Pappiiii.." Itinaas ni Rhoanne yung daliri niya sa tapat ng bibig ni Brad kaya natahimik yung isa. "Baka naman kase kinuripot mo. Taasan mo kaya yung offer." "I already did, tripled her salary. benefits. day off with pay. Tingin mo ano pa bang kulang?" "I dunno. Bat hindi mo subukang gamitan ng karisma mo?" Tinignan ko siya ng masama. "What?! I'm just suggesting here." Painosenteng sabi niya. "Oo nga naman, bat di mo gamitan ng charms?" Sabat ni Brad. "Teka, sinong gagamitan ng charms?" Tanong niya pa. Napailing na lang aki saka tumingin kay Rhoanne. "Rhoanne alam mo namang hindi ako namimilit ng tao diba?" "Iñigo hindi naman kase para sayo yun eh. Para kay Zylie yon." Napabuntong hininga na naman ako. "Lana! Lana! Lana! " Tumakbo kami agad nila Rhoanne palabas ng opisina ko ning narinig ko si Zylie. Umiiyak siyang tinatawag yung pangalan ni Lana. "Sino si Lana? At teka.. Nagsasalita na si Zylie?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Brad. Nakatingin lang siya sa anak ko na halos maiiyak na. "What happened here?!" Galit na sigaw ko sa yaya niya. "Eh,m.. sir.. Ka-kanina pa po si-siya umiiyak. Na-napapatigil ko si-siya pero umiiyak ulit e eh." nakayukong sabi niya. Naihilamos ko nalang yung palad ko sa mukha ko. FUCK! I REALLY NEED TO CONVINCE THAT WOMAN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD