LANA'S POV
Nakakapagod kasama si Miss Rhoanne! Sobrang daldal na sobrang sungit pa! Pero mabait naman siya. Naikwento ko na din sa kanya kung bakit ko kailangan ng apat na beses na mas malaking sweldo.
"Mayaman naman yun si Crisologo dapat hiningan mo na din siya ng advance! Haha!"
Ipinamili niya ng mga gamit sila Zylie at Denise. Kaninna ko lang nalaman na my kapatid pa pala si Zylie, si Denise na mag tu two years old palang.
"Naku Miss Rhoanne.. baka naman pilipitin na ni Sir Iñigo yung leeg ko nun. Sobra sobra na nga yung hiningi ko sa kanya eh." Nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba! Rhoanne lang wag na Miss o Ate.. hindi pa naman ako ganun katanda. Haha! Saka.. maliit na bagay lang yung mga hiniling mo kumpara sa nagawa mo para kay Zylie." Sabi ni Rhoanne saka tumingin sa mga batang naglalaro. Kasama din namin yung dalawang anak ni Rhoanne.
"Ahh Rhoanne? Hindi naman po sa chismosa ako ha? Nasaan ang mommy nila Zylie? At bakit hindi nagsasalita si Zylie? At bakit napasungit ni Sir Iñigo?" Biglang lumungkot ang mukha ni Rhoanne.
"Hay.. last year kase, naaksidente si Rizza.. Yung mommy nila Zylie." Lumunok siya and she closed her eyes.
"She's my friend. A very good friend of mine. Nalunod siya at nakita yun ni Zylie. Natrauma ata siya, since then, hindi na nagsalita yung bata." Tumingin siya ulit kay Zylie. Inaalalayan nito yung kapatid sa may swing.
"Sinisi ni Iñigo si Zylie sa pagkamatay ng asawa niya.. Naging masungit din siya.. Napaka kulit niyang lalaking yan noon eh. Tapos ayan nagbago yung mag ama., hindi na talaga nagsalita si Zylie hanggang sa dumating ka." Napatingin ulit ako kay Rhoanne. Yun siguro yung dahilan kung bakit parang takot na takot si Zylie sa daddy niya.
"Kawawa naman pala si Zylie." Hindi ko napigilang sabihin.
"Pero okay na naman si Iñigo eh, nung naliwanagan ang utak niya narealize niya na hindi kasalanan ng bata yung nangyari.. pero, ayaw niyang mapag usapan si Rizza."
"Mama Tabs.." lumapit samin yung panganay na anak na lalaki ni Rhoanne. "Let's go home na..
Hinatid na nila kami sa bahay ni Sir Iñigo. I tuck Zylie and Denise to bed pagkatapos ko silang linisan. Wala na akong gagawin pagkatapos nun kaya nagdecide nalang ako na pumasok sa kwarto ko. Hindi ako sa maid's quarter nagsa-stay. Katapat ng room nila Zylie yung kwarto ko just in case kailanganin ako ng mga bata.
I started fixing myself. Isinuot ko na yung uniform ko. White blouse and navy blue mini skirt yung uniform namin. May slacks naman ako kaya lang labahin eh. May klase pa ako ng eight at medyo malayo ang school ko sa subdivision nila Sir Iñigo kaya binilisan ko nalang. Sayang din ang pamasahe kung sasakay pa ako ng tricycle palabas ng subdivision.
Paglabas ko ng kwarto ko, sakto naman na palabas din si Sir Iñigo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa and he cleared his throat.
'Problema nito? '
"Uhmm Sir.. Papasok na po ako." Tinignan niya yung relo niya.
"Seven thirty na ah.. diba eight ang pasok mo?" Tanong niya.
"Pinatulog ko pa ho kase yung dalawang bata eh." Nag nod si Sir Iñigo.
"Ihahatid na kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Po?"
"Sabi ko ihahatid na kita.. Palabas din naman ako ngayon eh, I'll be meeting my friends. Isasabay nalang kita. On the way naman yung school mo sa pupuntahan ko eh." Napaisip ako.. Sabagay, less hassle din kapag ganun. Hindi na ako mag aabang pa ng jeep.
"Uhmm okay po."
"Okay.. I'll just get my keys."
Hinintay ko siya sa tapat ng sasakyan niya. He even opened the car door for me. Siya na din ang nagsara nun saka siya umikot sa may driver seat. Ipinatong ko yung bag ko sa may lap ko dahil lalong umikli yung skirt sa pagkakaupo ko. Tahimik lang kame hanggang makalabas sa subdivision.
"How's Zylie?" Tanong niya habang nakatingin sa kalsada.
"Uhmm okay naman po, Masaya siya kanina.. Nakakapagsalita na din ng konti." Tipid na sagot ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya nung bigla siyang lumingon sakin.
"Good I'll bring her to her therapist tomorrow. " sagot nito. Nag red yung stop light kaya tumigil kame. He's just looking-- no, staring at me. At naiilang ako sa tingin niya.
"Sir Iñigo, anong oras nga po pala yung pasok ni Zylie bukas?" Kumunot ang noo nito.
"Pasok saan?"
"Sa school po." Tinitigan ulit ako ni Sir Iñigo bago niya pinaandar yung sasakyan.
"Hindi pumapasok si Zylie sa regular school.. Si Serene ang personal tutor niya. Twice a week pumupunta kami sa therapist niya." Tumaas ang kilay ko nung narinig ko ang pangalan ni Serene. Sabi ni Rhoanne, personal slut din daw yun ni Sir Iñigo.
May gusto pa sana akong sabihin pero tumigil na yung sasakyan sa tapat ng school ko.
"Sige Sir.. Salamat po." Lalabas na sana ako ng kotse nung biglang hinila ni Sir Iñigo yung kamay ko.
"Sir?"
"Pwede bang wag ng Sir? Iñigo nalang.. Pakiramdam ko napakatanda ko na eh." Tumatawa pang sabi niya.
"Si-sige po.." Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at dire diretsong naglakad palayo. Kapit kapit ko yung dibdib ko hanggang nakapasok ako sa school. Saka ko lang narealize na hindi pala ako humihinga.
"Nako Lana. Hindi tama. Tumigil ka." Iiling iling na sabi ko sa sarili. I took a deep breath bago ko tinuloy yung paglalakad. Mukhang wala akong matututunan ng lagay na 'to ah.
*****
"Papi! Buti naman nakadating ka." Sinalubong ako ni Liam pagpasok ko sa Square one. Bakas na bakas sa mga kolokoy yung saya. Buti pa sila okay na.. ako kaya kelan magiging okay?
"Namiss ko kayo eh!" Pagbibiro ko pa. Kumpleto kami ngayon, si Liam, Toby, Brad at Stephen. Magkakasama kami pero lahat sila kapit kapit yung mga cellphone nila at walang tigil sa kakatext.
Brad even put his phone in a loud speaker mode habang kausap si Lizzie.
"Sige lang Boromeo. . Sinasabi ko sayo. Mambabae ka lang, putol ang kaligayahan mo!"
Nakakatawa talaga. Si Brad under na ngayon. Napaka selosa kase ni Lizzie eh. Kung nandito pa kaya si Rizza, pagbabantaan niya din kaya ako ng ganun?
I took a deep breath. Si Rizza. My wife. The love of my life.
"Papi.." ipinatong ni Liam yung braso niya sa balikat ko. "Nasa mars ka na naman.."
Pilit akong ngumiti sa kanila at uminom nalang ako ng tahimik. Mas gugustuhin ko pang magpaka lango kesa mainggit sa kanila.
****
I can't sleep that night. Namamahay siguro ako.. Unang gabi ko sa bahay ng mga Crisologo. Halos alas dos na ng madaling araw pero paikot ikot pa rin ako sa kama.
Naupo nalang ako atsaka nagdecide na puntahan sila Zylie. Ipinagtimpla ko ng gatas si Denise. Naalala ko kase dati, nung dalawang taon si Miel, gumigising pa ako ng madaling araw para lang ipagtimpla siya ng gatas. Kinarga ko siya at pinaghele saka ko siya pinadede.
Inayos ko din yung kumot ni Zylie saka ko sila kinintalan ng halik sa noo. Namimiss ko na si Miel eh.
Nagstay pa ako dun ng ilang minuto bago ako nagpasyang lumabas. Naglalakad ako papunta sa may kusina nung may marinig akong kaluskos.
'Diyosko! Baka pinasok kami ng magnanakaw!'
Hinakawan ko ang unang bagay na nakita ko and that was the vase. Niyakap ko yun saka dahan dahang pinuntahan yung kaluskos. May nakita akong lalaking nakasandal sa pader. Nakatungo ito, lumapit ako ng dahan dahan sa kanya. Umungol ito at sa gulat ko, naihampas ko sa kanya yung vase na hawak ko.
"Aww. f**k!" Nanlaki yung mga mata ko nung mabosesan ko siya.
"Sir? Sir Iñigo?! Diyosme! Ano pong ginagawa niyo diyan? Okay lang ba kayo?!" Natatarantang tanong ko.
"Medyo hilo lang ako kanina pero ngayon, hilong hilo na ko." Naglupasay pa siya sa sahig nun kaya tinulungan ko siyang makatayo at makalakad papunta sa kwarto niya. Itinuro din kase sakin ni Zylie yung kwarto ng daddy niya.
Babalikan ko nalang yung nabasag na vase mamaya.
Inakay ko si Sir Iñigo pahiga dun sa kama niya. Tinanggal ko yung sapatos saka medyas nito. Pababayaan ko na sana siyang ganun kaso nakaka guilty naman kung iiwan ko nalang siya basta.
'Bahala na nga!' Bumuntong hininga ako bago ako pumasok sa banyo niya. Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig dun. Isa isa kong tinanggal yung butones ng damit niya. Nakapikit ako pero hindi ko padin mapigilang hindi tignan yung katawan niya. Ang ganda ng katawan! Ang muscles winner! Ang pandesal sa tiyan.. Urgh! Nakakagutom!!
Pinunasan ko yung mukha niyang pawis na pawis. Nagsisimula na din lumabas yung bukol niya sa noo! Naku! Patay ako neto!!
Buti nalang may coins ako sa bulsa kaya idiniin ko yun sa bukol niya habang pinupunasan ko yung katawan niya.
Lumapit ako sa may kabinet niya at hinanapan ko siya ng pamalir na damit. Ikinuha ko siya ng puting V neck na t shirt saka boxer shorts.
"Walang malisya Lana.. Trabaho mo yan! Isipin mo si Berto lang ang binibihisan mo.. walang malisya. Wala." I keep telling myself.
Nanginginig ako habang tinatanggal ko yung butones ng pants niya at hinila yun pababa. Hinala ko siya patayo para maisuot yung t shirt sa kanya pati yung boxers niya.
Muntik na akong mapasigaw nung nahawakan ko yung T bird niya! Pawis na pawis ako kahit naka aircon yung kwarto.
"Wala kang nahawakan Lana.. Imagination mo lang yon! Wala." Pinunasan ko ulit yung mukha niya nung bimpo and I was frozen when I look straight into his eyes dahil nakabukas yung mga mata niya.
Hinila niya ako pahiga sa ibabaw niya. He caress my face. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko nun habang nakatingin lang ako sa kulay itim niyang mga mata. Nginitian niya ako, he lean forward and kissed me.
"Rizza..."
Naitulak ko siya sa sobrang gulat! Kung kanina ang bilis na ng t***k ng puso ko.. lalo na nung natapos yung kiss na yun! Agad akong umalis sa ibabaw niya. Akala ko nagising na siya pero hindi pala. He must be dreaming.
Napahawak ako sa labi ko. Ang eratiko ng heartbeat ko..
"Anong nangyari Lana?"
------