"Urgh!" I was blinded by the bright light. Mukhang nakalimutan na naman ni Nanay Violly isara yung kurtina sa kwarto ko. Pupungas pungas akong tumayo pero napahiga din ako agad sa sobrang sakit ng ulo ko.
"f**k!" Hindi naman ako si Toby pero hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kwarto ko. Ang alam ko lang sumandal ako kagabe sa may pader and then..
Napahawak ako sa noo ko. May nakadikit pang piso dun.
Naalala ko na, may humampas nga pala ng vase sa akin kaya lalo akong nahilo.
Lumabas ako ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Nanay Violly na kalalabas lang din sa kwarto ng mga bata.
"Susmaryosep kang bata ka Iñigo! Magbihis ka nga muna bago ka lumabas ng kwarto mo! Puro babae kami dito sa loob ng bahay kung makapag balandra ka ng katawan mo diyan daig mo pa ang modelo!" Nag sign of the cross pa si Nanay Violly.
"Nay.. Modelo naman talaga ako diba?" Tinaas babaan ko siya ng kilay.
"Damuhong 'to! Sasagot ka pa eh! Hala pumasok ka sa loob at magpalit ka ng damit bago pa may makakita sayo!" Natatawa at naiiling nalang akong sumunod sa kanya. Pumasok ako ulit ng kwarto. Naghilamos at nag toothbrush. Gwapo naman ako eh. Kahit bagong gising, gwapo padin ako.
Paglabas ko ng kwarto, wala na dun si Nanay. Naglakad nalang ako papunta sa dining. Naabutan ko dun na kumakain sila Zylie at Denise. Si Lana yung nagpapakain kay Denise ng mashed potato. May ginagawa pa siyang facial expressions habang pinapakain si Denise kaya mas maraming nakakain yung bata.
Sa totoo lang, mukha siyang tanga sa ginagawa niya pero hindi ko magawang matawa kase naaalala ko si Rizza. She used to do that nung baby pa si Zylie.
"Da-daddy!" Napangiti ako nung marinig kong tinawag ako ni Zylie na daddy. Mag iisang taon na din nung huli kong marinig yon.
"Si-sir.." Parang naubusan ng dugo sa mukha si Lana nung napansin niyang nandun ako. "Go-good morning po."
Hindi siya mapakali. Ikot siya ng ikot sa kinauupuan niya.
"Lana.."
"Si-sir.." Natatarantang sabi niya.
"May problema ka ba?"
"H-ha?.. po.. ah.. eh.." Para siyang nauubusan ng dugo. Ano bang problema ng babaeng 'to? Naga gwapuhan na ba siya sakin?
"Naku! Baka kase tutulog tulog kayo kagabe kaya tayo napasok ng magnanakaw!" Napalingon ako kay Nanay Violly na kasunod yung dalawang gwardiya.
"Manang Violly wala talaga kaming napansin na pumasok dito. Si Sir Iñigo lang.." kakamot kamot na ulo na sabi nung isa.
"Nanay Violly anong nangyari?" Tanong ko.
"Naku Sir Iñigo! Pinasok tayo ng magnanakaw kagabe! May nakita akong basag na vase diyan sa may gilid!" Nalaglag yung kutsarang hawak ni Lana at gumawa yun ng malakas na ingay. Napatingin kaming lahat sa kanya.
Parang nagkaroon na din ako ng idea kung sino ang gumawa nun sakin.
"Nay, Wala pong magnanakaw na pumasok satin kagabe kaya chill ka lang. Ako lang yun, may humampas lang nung vase sa ulo ko. Tignan mo oh? May bukol." Nakapout na sabi ko.
"Kuh! Lalaki ka! Ang tanda tanda mo na, nagmamaktol ka pa!" Natatawang sabi ni Nanay. "Eh teka, ikaw kamo yung napukpok nung vase? Ano bang nangyari?"
"Madaling araw na ko nakauwi kagabe Nay, Nagkayayaan yung mga kupal eh. Tapos nalasing ako, nahihilo. Sumandal ako sa may pader. Tapos naramdaman ko nalang na may humampas sa ulo ko. Siguro inakala din niya na magnanakaw ako." Naka smirk kung sabi habang nakatingin sa pinagpapawisang si Lana. Nakayuko ito at halatang nanginginig ang mga kamay niya.
"Ano sa tingin mo Lana?"
"P-po?!" Hindi ko alam kung bakit pero i'm liking her discomfort. Natatawa ako sa kanya.
"Tingin mo ba.. Inakala nung humampas sakin na magnanakaw ako kaya niya ginawa yun?" Seryosong tanong ko sa kanya. Naglilikot na mga mata niya at hindi siya makatingin ng diretso sakin.
"Ah.. eh.. Uhmm.. O-opo.. Baka.. Baka concern lang a-- yung.. humampas sa inyo, baka akala niya.. Magna.. Magnanakaw kayo kase, nakatayo lang ako sa dilim.. Ehem.. Uhmm pero.. Hindi niya po sinasadya yun!"
'Bingo!' Napangiti ako ng lihim.
"Saka.. So-sorry daw po.. Hin-hindi niya sinasadya!" Nakayukong sabi nito.
"Kilala mo ba Lana yung may gawa nito kay Sir Iñigo?" Tanong ni Nanay Violly.
"P-po?! Hindi po ako!" Guilting guilty na sabi nito.
"Di ko naman tinatanong kung ikaw eh. Sabi ko lang kung kilala mo. Oh siya! Maiwan ko na kayo diyan ha? Mamamalengke ako."
Umalis si Nanay Violly kasunod yung dalawang gwardiya. Pinagpatuloy ko nalang yung paghigop nung kape ko habang nagbabasa ng diyaryo.
Teka lang.. Naka pants ako kagabe ah?
"Lana.. ikaw ba yung nagbihis sakin?" Tanong ko sa kanya. Naiwan sa ere yung kamay niya at nanlalaki yung mga mata niyang tumingin sakin.
"Hi-hindi po Sir Iñigo! Wala po akong nahawakan! Hindi ko po nakita yung malaking bird niyo! Hindi po ako yung humampas ng vase sa inyo kaya nabasag! Sorry po--" Natigilan siya. Narealize niya siguro kung ano yung pinagsasasabi niya.
"Shiz! Zylie? Finish ka na kumain diba? Tara ligo na kayo ni Baby Denise para makapaghanda kana sa tutorial mo!"
Agad niyang kinarga si Denise at inakay si Zylie na nakatingin lang samin paalis sa lamesa. Lumingon pa siya ulit sakin bago sila tuluyang umalis.
"So-sorry po Sir Iñigo.. Wala po talaga akong nakita! Wala akong nahawakan. Promise hindi ko nga po nakita yung nunal niya sa may--" she bit her lower lip saka isinampal niya sa pisngi niya yung kamay niya. "Sorry po ulit!"
Napailing nalang ako sa kanya. Hindi ko din napansin na nakangiti na pala ako.
This is the first genuine smile since Rizza left me.
****
Kaninang kanina ko pa gustong kainin ng lupa. Ano ba naman kaseng katangahan ang sumapi sa akin at kung ano anong pinagsasabi ko kanina?!
Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi kaka practice ng sasabihin kapag tinanong ako eh. Hindi ko parin na kontrol yung sarili ko. Urgh! Nakakainis na nakakahiya!
Buti nalang talaga umalis si Sir Iñigo kanina pero babalik din daw pagkatapos ng tutorial ni Zylie dahil magpupunta pa sila sa therapist ni Zylie.
Ipinasyal ko nalang muna si Denise sa may garden habang pinapatay yung oras. Two hours yung tutorial session nila ni Serene. Pano kaya niya tinu tutor si Zylie nun kung hindi naman nagsasalita yung bata dati?
Nakatulog si Denise habang pinaghehele ko kaya ipinasok ko na ulit siya sa loob. Napaka cute ng batang 'to. Sabagay, cute din naman si Zylie eh. Yung mata ni Sir Iñigo nakuha niya, siguro maganda din si Ma'am Rizza. Hindi ko pa naman nalilibot ng husto yung bahay kaya wala pa akong nakikitang picture niya.
"Nanay Violly, ipapasok ko po muna si Denise sa kwarto nila ha? Aayusin ko nalang din yung mga gamit ni Zylie para mamaya."
"Sige Lana, may speaker naman sa kusina kaya maririnig namin yung iyak ni Denise. Mag meryenda ka na din pagkatapos mo." Sabi ni Nanay Violly.
"Sasabayan ko nalang po si Zylie, Nay."
"Ikaw ang bahala." Dumiretso na siya sa may kusina. Tatlo ang katulong dito pero dalawa palang yung kilala ko, yung isa daw kase umuwi sa probinsya nila. Yun yung yaya ni Denise.
Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ni Zylie, dumiretso na ako sa library. Sakto naman na nagliligpit na si Serene kaya pumasok ako.
Ang ganda niya talaga. Parang modelo, parang galing siya sa magazine! Walang bakas ng taghiyawat yung makinis at maamo niyang mukha. Balingkinitan din ito at napaka ganda ng hubog ng katawan.
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit gusto siya ni Sir Iñigo.
"A-ate La-Lana!" Tumakbo palapit sakin si Zylie at ipinakita yung papel na may naka drawing. Human stick lang yun na babae at lalaking magkahawak yung kamay. Nasa gitna nila yung dalawang batang babae.
Nginitian ko siya. Alam ko kaseng yung mommy at daddy niya yung magkahawak kamay sa drawing.
"Da-daddy, Zy-zylie, Nise, Lana." Sabi niya habang isa isang itinuro yung nada drawing.
"No Zylie, this is Mommy."Itinuro ko din yung drawing na sinabi niyang ako.
"No. Lana. Lana!" Nagta tantrums na siya kaya pinagbigyan ko na. Tumingin ako kay Serene na nakataas ang kilay habang naka cross arms na nakatingin sakin.
"Serene anong lesson ni Zylie kanina? " Tanong ko. Lalong tumaas ang kilay niya sa tinanong ko.
"Bakit?"
"Para ire review ko siya mamaya pagdating namin."
"First of all, you will address me as Ma'am Serene, pangalawa Yaya ka lang ni Zylie kaya wala kang karapatang turuan siya. Pangatlo.." Tinignan niya ako from head to foot. "I don't like you." Nakairap niyang sabi.
'Aba teka lang!? Si Lana Leviste? Mamalditahan niya?'
"Serene.." Pinagdiinan ko talaga yung pagbanggit sa pangalan niya. "Unang una din, Hindi ikaw ang amo ko, hindi ikaw ang nagpapa sweldo sa akin so I won't address you as Ma'am.. wala sa instructions ni Sir Iñigo yun. Pangalawa, oo Yaya ako ni Zylie and it is my job to take care of her well being as well as her studies, kaya wala kang karapatang i-degrade ang pagkatao ko. At pangatlo.." hinead to foot ko din siya. "The feeling is mutual, I don't like you either."
Pumalakpak si Zylie sa sinabi ko. Bigla namang may tumikhim sa likuran ko kaya napatingin kaming tatlo dun.
"Oh my god Baby! Did you hear that? Oh gosh! She's new here but she's acting like that na.. Malaki na yung ulo porke she's the reason Zylie knows how to talk na.." Gusto kong hablutin yung buhok ni Serene! Abah! Magaling din umarte ha!
Pero.. Si Sir Iñigo yung kasama niya na ngayon eh. Naalala ko na naman yung nangyari kaninang umaga kaya hindi ako nakaganti. Baka masesante ako ng wala sa oras!
"Bakit naman kase ayaw mong sabihin kay Lana yung lesson niyo kanina para maturuan niya mamaya pagbalik namin nila Lana."
'Bleah! Buti nga sa kanya--
"Po?" Nabingi ata ako.
"Kasama ka namin Lana. Kailangan kita..
*
Tahimik lang si Lana sa tabi ko. Nasa backseat nakaupo si Zylie habang naglalaro sa Ipad niya.
"So.. Nakita mo pala yung nunal ko sa--" sinadya kong bitinin yung sasabihin ko. Agad naman itong napatingin sakin.
"Hindi ko naman po sinasadya Sir Iñigo.. Akala ko lang po talaga, magnanakaw kayo kagabe eh. Bakit ba naman kase nasa dilim ka." Nakayukong sabi niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi pero Lana reminds me so much of Rizza.
----------