Chapter 3

3017 Words
“Reign...” Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ibinaling ko na lang ang tingin sa pagkain ko nang umupo siya sa tabi ko. Agad kong naamoy ang mabango at natural niyang amoy. “Sabi ko sayo itext mo ko kapag lunch time mo para masamahan kita.” sabi nito. Napatungo na lang ako saka sinubo ang kutsara na may kanin at ulam. “Bakit ko gagawin 'yon? Paano kung busy ka o may klase? Ayokong makaabala.” sabi ko na lang. Hindi na lang siya nagsalita. Inangat ko ang kutsara sa tapat ng bibig niya para subuan siya. Napangiti siya saka sumubo. “Komportable lang talaga ako sayo, pero ayaw kitang maging kaibigan.” sabi ko na lang saka binaling ang tingin sa lunch ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Alam ko ang defensive ko pakinggan pero wala akong pakialam, ayokong mahalata niya na may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Natawa siya saka kinurot ang ilong ko. “Don't worry, I don't want to be your friend either. ” natatawang sabi nito. Napakunot ang noo ko. “Eh bakit ka buntot ng buntot sakin kung ayaw mo naman pala akong maging kaibigan?” nakakapikon siya ah. Kung ganon pala edi dapat umiiwas na lang siya sakin. Mas lalong napakunot ang noo ko nang mas lalo siyang natawa. Mas lalo ring nag-init ang ulo ko. Ano naman kaya ang nakakatawa?! “Damn, you made my day Reign.” natatawang sabi niya. Inirapan ko na lang siya saka kumain. Bahala siya diyan! “Well, let me rephrase what I said ealier... I don't want to be just a friend to you, I want something more than that.” walang halong pagbibiro sa tono ng boses nito. ‘Wag kang kiligin Reign! Wala lang 'yon!’ pagpapakalma ko sa isip at puso ko. Bakit ganito ang dulot ni Ridge sakin? Nanatili akong walang reaksyon kahit parang sasabog na ang puso ko dahil sa sari-saring emosyon. “Bakit? Gusto mo bestfriend?” tanong ko saka tumingin sa mga mata niya na agad ko ring pinagsisihan dahil mas lalong nanghina ang mga tuhod ko nang masilayan ko ang asul niyang mga mata, pero hindi ko pinahalata na may epekto sakin 'yon. “Nevermind. Subuan mo na lang ulit ako.” sabi nito na sinunod ko naman. Buti na lang walang tao lagi dito sa likod ng gym. Kung may makakakita samin siguradong iisipin non na may something samin ni Ridge. “P-Para kang bata Ridge Zared.” sabi ko at tinanggal ang kanin na nasa gilid ng labi niya. “Zared na lang kaya ang itawag mo sakin.” natigilan ako sa sinabi niya. “Bakit naman?” nakakunot noong tanong ko. Sa totoo lang gustong gusto siyang tawagin sa second name niya which is Zared pero nahihiya ako. “Lahat ng kakilala ko Ridge ang tawag sakin, I want you to call me Zared from now on. Para alam ko kaagad na ikaw yung natawag sakin.” nakangiting sabi nito. Napaiwas ako ng tingin. Ang gwapo niya, ang ganda ng ngiti niya. Kaya kong tumagal ng isang buong araw na tinititigan lang siya. “Yung Mama ko Ice ang tawag sa Papa ko, at siya lang sa mundong 'to ang may karapatan na tumawag ng ganon sa Papa ko. Ganon ka rin, ikaw lang ang may karapatan na tumawag sakin ng Zared.” dagdag pa niya. Mas lalong nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso kong halos nagwawala na. “O-Okay Zared.” sabi ko saka ngumiti sa kanya. Nawala ang ngiti niya saka napatitig sakin. Napaiwas ako ng tingin, bakit ganyan siya makatingin sakin? “Damn, you have the most beautiful smile.” tila wala sa sariling sabi nito habang nakatitig sakin. Mas lalong nagwala ang puso ko. Pakiramdam ko pati yung ibang internal organs ko nagwawala na rin. Simula ng mas nakilala ko si Zared, nararamdaman ko na ang mga ganitong pakiramdam na hindi ko naman nararamdaman dati. Dahil siguro hindi pa ko nagkakaroon ng kaibigan simula ng namulat ako sa totoong mundo. “Zared...” natigilan siya at napatingin sakin. “Hmm?” “Ako ang naka-duty maglinis sa penthouse mo.” sabi ko, napangiti naman siya. Sabi niya, kapag ako daw ang naka-assign maglinis sa penthouse niya, sabihin ko kaagad. Pangatlong beses ko pa lang lilinisin ang penthouse niya. Nung pangalawang beses, sinabihan ko rin kaagad siya na ako ang maglilinis sa penthouse niya nung nasa school pa langg kami. Kaso pagpunta ko sa penthouse niya, ang linis hindi katulad nung unang beses. Kaya wala akong ginawa no'n, tumambay lang ulit kami sa rooftop at nagkwentuhan. “Hay salamat tapos na.” sabi ko pagkalabas ko sa library. Inayos ko ang mga libro do'n at naglinis na rin pero syempre may sweldo ako ro'n. “Reign!” napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Alliah. Ayan na naman silang apat. Hindi ko sila pinansin kahit sumasabay sila sakin maglakad. Halos isang linggo na rin nila akong kinukulit at aminado ako na may parte sa puso ko na natutuwa kapag nakikita sila pero kailangan kong alisin ang pakiramdam na 'yon. Ngayon lang nila ako gustong maging kaibigan pero kapag wala na silang kailangan sakin, ididispatsa na nila ako. “May something sa inyo ni Ridge no?” pabulong na tanong sakin ni Mea. Agad akong napatigil sa paglalakad at tiningnan sila ng masama. “Hay salamat, pinansin mo rin kami.” natatawang sabi naman ni Nestlyn. “Walang something samin ni Zare--- I mean Ridge.” gusto kong pukpukin ang sarili ko. Lagi akong maingat sa sasabihin ko, pero ewan ko kung bakit nadudulas ako sa kanila ngayon. “Sus, stalker mo kami noh. Lagi namin kayo nakikitang sabay maglunch at sinusubuan mo pa siya.” kinikilig na sabi ni Alliah. Pakiramdam ko naubusan ako ng hangin. Lagot na, nakikita pala nila ang mga 'yon?! “Wala akong balak makisali do'n ah, hinihila lang ako ni Alliah.” sabi naman ni Gio habang nakain na naman. Never yatang nabusog ang taong 'to. “Don't worry, safe ang love affair niyo ni Ridge samin.” sabi ni Mea saka napahagikhik. Napakunot ang noo ko. Ano daw? Love affair?! Grabe talaga ang apat na 'to, nawiwindang ako sa kanila. “Pwes sakin hindi safe ang secret niyo ni Ridge.” napakunot ang noo ko sa sinabi ni Alliah. “Wala kaming relasyon ni---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “Makipagkaibigan ka samin para hindi ko ipagkalat.” nakangiting sabi ni Alliah saka kumapit sa braso ko. Mas lalong sumingkit yung mga mata niya, ang cute niya talaga. Natigilan ako at napatingin kay Gio na nakatitig kay Alliah. Napangisi na lang ako at napailing, sabi na eh. “Bahala kayo kung gusto niyong ipagkalat. Wala akong pakialam.” masungit na sabi ko. Syempre hindi totoo 'yon, kapag pinagkalat nila 'yon, wala na talaga. Hindi na tahimik ang buhay ko at ayokong mangyari 'yon, ayoko na may pumapansin sakin. Gusto ko ganito lang ang estado ko sa school na 'to hanggang sa makapagtapos ako. Invisible, walang kaibigan, mag-isa... Mas ayos 'yon at hindi komplikado. ‘Pero hindi ka naman mag-isa, nandyan si Zared.’ Napailing ako sa naiisip ko, hindi dapat ako nasasanay sa presensya ni Zared. Iiwan niya rin ako pag nagsawa siya sakin, iiwan niya rin ako... “Pasok ka Reign.” nakangiting sabi niya. Pumasok ako sa loob ng penthouse niya, napakunot ang noo ko nang makitang wala na namang kalat sa loob. Ang linis linis nga eh. “Zared, bakit kapa nagpapalinis ng penthouse mo eh wala na namang dumi.” sabi ko at umupo sa couch. Wala nga ring hugasing plato eh. “Lagi kang pagod eh, halika.” hinila niya ko patayo. “Bakit?” tanong ko. Pilit kong inaalis ang kakaibang pakiramdam sa puso ko ngayon na magkahawak ang kamay naming dalawa. Ang laki ng kamay niya at sakop na sakop no'n ang kamay ko. “Gala tayo.” nakangiting sabi nito. Hindi na ko nakapalag nang hilahin niya ko palabas ng penthouse niya. Ewan ko ba, dapat tumututol ako ngayon. Pero hindi ko maibuka ang mga labi ko para kumontra. Parang may kakaiba sa mga mata niya pati na rin sa magandang ngiti niya, para akong nahihipnotismo. Napangiti ako at dinama na lang ang malamig na simoy ng hangin. Nagmamaneho siya ngayon, ang angas ng kotse niya dahil wala itong bubong. Ignorante ako sa mga mamahaling kotse gaya nito. “Woooh!” kumapit ako saka tumayo. Mas lalo kong naramdaman ang paghampas ng hangin sa balat ko. Narinig ko ang pagtawa niya na masarap pakinggan. “Kumapit ka ng mabuti, baka malaglag ka.” paalala niya. Tumango na lang ako saka napapikit habang dinadama ang hangin. “Saan tayo pupunta Zared?” tanong ko pagkaupo ko. “Secret.” nakangiting sabi nito. Napasimangot ako. Makalipas ang ilang minuto itinigil na niya ang kotse. Dali dali akong bumaba at napatingin sa napakalaking puno. Napakunot ang noo ko at tiningnan si Zared. “Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya. Napansin ko na nasa loob kami ng isang village na mukhang pangmayaman. May mga mansyon sa paligid pero may isang malaking mansyon na nakaagaw ng atensyon ko, dahil siguro 'yon ang pinakamalaki at maganda. “Umakyat ka dyan.” sabi niya at ininguso yung malaking puno. May hagdan, hindi kami mahihirapan umakyat. Sinunod ko naman siya at umakyat ako ro'n. Binuksan ko ang pintong bumungad sakin pagkaakyat ko. Wow! Treehouse! Ang ganda sa loob! May mga gamit dito sa loob. May upuan, kama, meron nga ring electric fan at ref pati maliit na tv. Paano naiakyat 'tong mga 'to? “Upo tayo dito.” sabi niya at umupo sa parang sofa na gawa sa kawayan. Umupi ako sa tabi niya. Nakabukas ang bintana kaya damang dama ko ang malamig na simoy ng hangin. Kitang kita rin ang malaking mansyon na nakaagaw ng atensyon ko. “Dito nakatira yung parents ko, doon.” sabi niya at itinuro yung mansyon na kanina ko pa tinitingnan. Napasinghap ako. “Sobrang yaman mo pala.” sabi ko habang hindi maalis ang tingin ko sa mansyon na 'yon. “Yung pamilya ko ang mayaman, hindi ako.” tila nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa batok. “Ganon na rin 'yon, pamilya mo sila eh.” sabi ko. Napalingon ako sa kanya nang napabuntong hininga siya. “Anak ako sa ibang babae ni Prince.” seryosong sabi nito habang nakatingin sa mansyon. Prince? Ah si Mr. Ice Prince Farthon nga pala ang tatay niya. syempre kilala ko ang taong 'yon dahil hindi siya basta basta. “N-Narinig ko nga, hindi daw si Mrs. Farthon ang tunay na Mama mo.” sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. “...maayos naman ang pakikitungo niya sayo diba? Pati na rin ng mga kapatid mo?” tanong ko sa kanya. Tipid na ngumiti siya. “Oo naman, they're the best family... And I don't deserve them.” Napatingin ako sa mga mata niya. Nakatingin siya sa mansyon ng mga Farthon. Napabuntong hininga ako, nakikita ko na naman ang malungkot niyang mga mata. Pakiramdam ko, nalulungkot din ako. “Zared...” hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sakin. Kapag hinahawakan ko ang kamay niya pakiramdam ko nababawasan ang lungkot sa mga mata niya. “G-Gusto ko magkwento ka sakin kapag hindi mo na kaya ang lungkot.” nakatungong sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Natigilan ako nang marahan niyang hinawakan ang baba ko saka inangat ang mukha ko. Seryoso siya habang nakatitig sakin. “If you can only see what I have in mind, you'll definitely run away from me... Because it'll scare you.” seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. “A-Ano?” tila natauhan siya at napaiwas ng tingin sakin. “Nothing.” sabi na lang niya. Naguguluhan talaga ako sa nilalaman ng isip niya. gusto ko pa siyang makilala, gusto kong malaman kung anong nasa isip niya pero nahahalata ko na ayaw niyang malaman ko ang nasa isip niya, ayaw niyang malaman ko ang nararamdaman niya. “Ikaw na lang ang pag-usapan natin...” nakangiting sabi niya saka binaling ang tingin sakin. Napaiwas ako ng tingin. “Wala namang exciting sa buhay ko.” sabi ko na lang. Hindi ko hilig magkwento, wala rin naman kasi akong kaibigan. “Basta magkwento ka lang, kahit ano.” sabi nito saka ako hinila papalapit sa kanya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang matipunong dibdib niya sa braso ko. Naramdaman kong inakbayan niya ko at mas inilapit pa ko sa kanya. Buti na lang medyo madilim dahil siguradong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Ang bango niya. Hindi nakakasawa ang amoy niya. “Are you uncomfortable?” tila paos na tanong niya. Pakiramdam ko nag-akyatan ang mga balahibo ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Umiling lang ako. “A-Ayos lang ako...” sabi ko at tiningnan siya.  Nanlaki ang mga mata ko nang dumikit ang tungki ng ilong ko sa ibabang labi niya. Agad akong napaiwas ng tingin. Sobrang lapit na pala ng mukha namin. Pinakalma ko ang puso kong nagwawala na. Ang bango ng hininga niya! ‘Reign! Kumalma ka! Hindi ikaw 'to, hindi ka ganito!’ “Ahm, i-iniwan kami ng tatay ko. Kami na lang nina nanay at ate ang naiwan. Mahirap ang buhay namin, nagtatrabaho si Ate pati si nanay. Matagal ng tumigil sa pag-aaral si ate para makatulong kay nanay. Ayaw ni ate na ituloy ko pa ang pag-aaral ko, gusto niya magtrabaho na ko dahil pabigat lang daw ang pag-aaral ko...” Napatigil ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong dinampian niya ng halik ang buhok ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mamamatay na yata ako sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Parang nagwawala na. “Hmm, tapos?” tanong niya. “S-Syempre matigas ang ulo ko, gusto ko talagang makapagtapos kaya tuloy pa rin ako sa pag-aaral. Kung ano anong part time jobs ang pinapasukan ko para hindi maging pabigat sa gastos ang pag-aaral ko.” pagk-kwento ko. Naramdaman kong tumango siya. “You're brave, I want to be brave just like you.” sabi nito saka inabot ang kamay ko saka 'yon dinampian ng halik. Napalunok ako, kung ibang lalaki siguro siya malamang suntok na ang inabot niya sakin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinutulak. “Wala naman akong choice, gusto kong gumanda ang buhay namin sa hinaharap kaya ko ginagawa lahat ng 'to. Saka walang wala pa 'to sa hirap nina nanay at Ate Ren.” sabi ko habang pinaglalaruan ang kuko ko. Natigilan ako nang matahimik siya. Tiningnan ko siya saka nilayo ng kaunti ang mukha ko. Nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iniiwas ang tingin ko, nakikipaglabanan ako ng titig sa kanya. “I know I shouldn't feel this, I don't deserve to feel this kind of feeling. I don't deserve to feel happiness and contentment but I can't help it, being with you like this... Damn.” Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano bang gusto niyang iparating? “Z-Zared...” Bumaba ang tingin niya sa labi ko. “Can I kiss you?” natigilan ako sa tanong niya. Walang bakas ng pagbibiro sa mga mata nito, seryosong siyang nakatingin sa labi ko. Hindi ako nakapalag nang dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. B-Bakit? Hindi pa nga ako na-oo eh! Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na marahang humahaplos sa pisngi ko. Napapikit na lang ako at nagpatangay sa halik niya.  Puno ng pag-iingat niya kong hinalikan, hindi ako marunong humalik, pilit ko na lang sinasabayan ang galaw ng labi niya. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko  na tila inaalalayan ako. Bumaba ang isang kamay niya mula sa pisngi ko pababa sa braso ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakakapit sa batok niya. Nag-iba ang paraan ng paghalik niya sakin, nararamdaman kong nagiging malikot ang dila niya. Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko ngayon. Hinawakan niya ang baba ko at marahang ibinuka ang labi ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dila niya sa loob. Paano ko pa sasabayan 'to? Humigpit ang kapit ko sa batok niya nang hawakan niya ko sa baywang saka ako inangat paupo sa kandungan niya. “Z-Zared...” mahinang daing ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kinikintalan niya rin ng halik ang collarbone ko pati ang balikat ko. Napasabunot ako sa buhok niya. “Fvck.” mariing mura niya. “I've gone too far.” mahinang usal niya. Napalunok ako saka sinubsob ang mukha ko sa leeg niya dahil sa kahihiyan. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. First kiss ko, si Zared ang first kiss ko. *** Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to. Nakatingin sakin ang mga estudyante habang naglalakad ako. Halos lahat sila nasakin ang mga mata lalo na yung mga babae. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napapraning lang yata ako. Bakit naman nila titingnan ang invisible na tulad ko? “Bitch.” “Nasa loob ang kulo.” “Akala mo kung sinong tahimik, matinik pala.” Napalunok ako at pilit na hindi pinapansin ang bulungan ng mga estudyante. Ako ba ang tinutukoy nila? Natigilan ako sa at napatingin sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa may bulletin board. Doon ko yata makukuha ang sagot sa gumugulo sa isip ko. Lumapit ako do'n, agad namang lumayo ang mga estudyante sa bulletin board nang makita nila ako. Napasinghap ako nang makita ang mga litratong nakapaskil do'n. Mga litrato 'yon na sumakay ako sa kotse ni Zared, magkasabay kaming kumakain ng lunch at sinusubuan ko pa siya,yung pumasok ako sa penthouse niya... Bumigat ang paghinga ko, pakiramdam ko nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak. Mali talaga na pinapasok ko si Zared sa buhay ko... Wala na ang tahimik kong buhay sa school na 'to. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD