"Reign!"
Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko ang boses ni Nestlyn. Hanggang ngayon kinukulit pa rin nila ako, wala talaga silang balak sumuko.
"Sumabay kana samin kumain." hindi ako nakapalag nang hilahin ako nina Mea at Nestlyn.
"Upo." napaupo ako sa upuan. Kinuha nila ang bag ko at inilagay 'yon sa table.
Nandito kami sa parang food court ng school, konti lang ang tao dito dahil sa isang garden nakapwesto ang mga upuan at table na gawa sa bato.
"Hindi niyo na dapat ako nilalapitan." sabi ko saka napaiwas ng tingin sa kanila.
"Bakit? Dahil do'n sa issue mo kay Ridge? Pake namin do'n." sabi ni Alliah saka inilabas ang lunch niya. Ganon din ang iba.
"Saka matagal na naming alam na naglalandian kayo ni Ridge. Sinusubuan mo pa nga siya eh." sabi ni Mea.
Natigilan ako nang maalala ko si Zared. Halos isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Hindi na ko nag-duty pa ulit sa penthouse niya, nung unang araw nilapitan niya ko pero umiwas agad ako. Pero nung mga nakaraang araw, hindi ko na siya nakikita sa school.
Aaminin ko na nag-aalala ako sa kanya, baka may sakit siya o kaya naman may problema. Gustong gusto ko na siyang i-text o tawagan pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Kung gusto ko ng tahimik na buhay sa school na 'to, dapat ko siyang iwasan.
"Alam mo, madali lang yan. Kunin mo yung phone mo tapos tawagan mo siya." napapitlag ako nang magsalita si Gio. Napairap naman si Alliah sa kanya.
"Sus, ikaw nga torpe diyan eh. Kalalaki mong tao." sabi ni Alliah habang napapailing.
"Ayan na naman yung magjowa." bulong ni Nestlyn na narinig naman namin.
"Hindi kami magjowa!" sabay na sabi pa nina Gio at Alliah.
Halata naman na may gusto si Gio kay Alliah, ewan ko lang kay Alliah. Madalas ko kasing makita si Gio na nakatitig kay Alliah, bukod pa ro'n, sa araw-araw nilang pangungulit sakin, napansin ko na iba ang concern na ipinapakita ni Gio kay Alliah kahit madalas silang mag-asaran. Sayang lang kasi mukhang kaibigan lang ang turing ni Alliah sa kanya.
"Buksan mo na yang lunch mo Reign, patingin ng ulam mo." sabi ni Gio. Nambuburaot na naman siya.
"Pangmahirap lang lagi ulam ko." tipid na sagot ko.
Binuksan ko na ang tupperware na may kanin at ulam. Natigilan ako nang maalala ko na naman si Zared. Kahit na ganong ka-cheap yung ulam ko basta sinusubuan ko siya, kinakain niya pa rin. Napabuntong hininga ako.
Araw-araw ko na lang siya naaalala, walang palya.
"Hoy Gio! Bantayan mo yung gamit ko, bibili lang kami nina Mea." tumango lang siya sa sinabi ni Alliah dahil tutok na tutok siya sa phone niya. Hinila ni Alliah sina Nestlyn at Mea.
Nang makalayo na sina Alliah, hinabol siya ng tingin ni Gio. Napailing na lang ako, bakit ba nakikialam yung utak ko sa kanilang magkakaibigan?
"Ano bang pwede kong iregalo kay Liah?" natigilan ako nang magsalita si Gio.
Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan. Wala naman akong pakialam sa inyong magkakaibigan." pagsusungit ko saka tinuloy na ang pagkain.
"Ayokong tanungin sina Nestlyn, siguradong sasabihin lang nila kay Alliah 'yon." kung makapagsalita siya parang ang laki ng problema niya, eh ang simple lang naman non.
Napatingin ako sa aso na hawak ng isang estudyante. Kikay yung babae katulad ng asong hawak niya, bakit ginawa niyang christmas tree yung aso niya?
"Aso." napakunot ang noo ko. Nasabi ko ba ng malakas 'yon?
"Tama! Aso na lang ang ireregalo ko kay Liah." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Baliw ba siya?
***
"Ang asim." nakangiwing sabi ko pagkatapos kong kagatin ang mangga. Nilagay ko ang apat na mangga na napitas ko sa bag ko.
Isinabit ko sa isang matibay tibay na sanga ang bag ko saka sumandal sa puno at pumikit.
Nandito na naman ako ngayon sa taas ng puno. Dito agad ako dumiretso nang matakasan ko na ang grupo nina Alliah. Grabe rin talaga sa kulit ang apat na 'yon.
Napabuntong hininga ako saka napagdesisyunang bumaba ng puno. Babalatan ko yung isang mangga, mukhang matamis ang isang 'to.
Pumunta ako sa canteen para magnakaw ng kutsilyo.
Oo, magnakaw talaga dahil hindi naman ako nagpaalam. Pumasok na lang ako basta sa kusina at kumuha ng kutsilyo, busy kasi ang lahat. Halos hindi nila ako napansin. Nagawa ko pang hugasan ang mangga.
Bumalik na ko sa punong tinambayan ko at binalatan ang mangga.
Akmang kakagatin ko na ang mangga nang may narinig akong pamilyar na boses na nagpanginig ng mga tuhod ko.
"Pahingi ako."
Napalunok ako nang mapatingin ako sa asul niyang mga mata. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.
Naamoy ko ang mabangong amoy niya nang umupo siya sa tabi ko, umusod ako ng kaunti palayo sa kanya.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" tanong niya.
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Namiss kita." seryosong sabi niya.
Napasinghap ako dahil pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay do'n ang manggang binalatan ko saka siya tinalikuran at naglakad palayo sa kanya.
Hindi pwede 'to, baka may makakita na naman samin tapos kuhanan kami ng mga litrato. Ayoko ng pag-usapan ng mga estudyante.
"Reign!" pagtawag niya sakin. Hindi ko siya nilingon.
"Pag hindi ka tumigil sa paglalakad, hahalikan ulit kita."
Kusang napatigil sa paghakbang ang mga paa ko. Napalunok ako nang marinig ko ang mga hakbang niya papalapit sakin.
Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Nakatungo lang ako at nakatingin sa baba.
"Tumingin ka sakin..." nagmatigas ako at nanatiling nakatungo.
"...Reign isa, hahalikan kita sa harap ng mga estudyante." bulong niya. Agad akong napatingala at napatingin sa kanya.
"A-Ano ba kasing kailangan mo sakin?" nauutal na tanong ko.
"Ayokong sagutin yan, hindi mo magugustuhan ang isasagot ko..."
"...bakit mo ko iniiwasan? Bago ako umalis papuntang Russia, iniiwasan mo na ko." seryosong sabi niya.
Nasa Russia pala siya... mukhang wala siyang alam sa mga pictures namin na kumalat.
"May gusto kaba sakin?" malamig na tanong ko. Literal na natigilan siya.
"Hindi pa ba halata Reign?" ganting tanong niya.
"Hindi pwede." matigas na sabi ko.
"What the hell is your problem Reign? Ayos naman tayo nung nakaraang linggo, naghalikan pa tayo!" napasinghap ako sa sinabi niya.
Napabuntong hininga ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Kailangan kong sabihin ang lahat ng 'to para tantanan na niya ko.
"Gusto ko ng maayos na buhay Zared..." seryosong sabi ko habang nakatitig sa asul niyang mga mata.
"...gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang nanay at ate ko. Kung ipagpapatuloy mo 'tong ginagawa mo mababalewala lahat ng ilang taong pagtitiis ko. Konti na lang makakapagtapos na ko Zared, konting tiis na lang. Pero kung patuloy ka sa ginagawa mo baka makalimot na naman ako, baka malimutan ko na naman na may responsibilidad ako." natulala siya sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin habang nakakapit ng mahigpit sa bag ko.
Napabuntong hininga ako at muli siyang tinalikuran. Napatigil ako sa paglalakad nang isigaw niya ang pangalan ko.
"Reign!"
Agad akong napatingin sa paligid. Salamat naman at walang ibang tao dito.
Inis na nilingon ko si Zared. Natigilan ako nang mapansin kong nakangisi siya. Nababaliw na ba siya?
"I'm a Farthon, bear that in mind." napakunot na lang ang noo ko at hinabol siya ng tingin habang naglalakad siya palayo.
Ano bang sinasabi niya?
***
"Hoy babae!" hindi ko pinansin ang tunawag sakin at patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga libro sa library.
Hindi niya ba alam na nasa library kami at bawal ang maingay dito?
"Kinakausap kita! Bingi kaba?!" napatingin ako sa kanya.
Maganda sana siya kaso mukhang warfreak, ang dami pa niyang design sa mukha at damit. Nagmukha siyang christmas tree na may mukha.
May kasama siyang tatlong babae, mga mukhang christmas tree rin. Ang alam ko matagal pa ang pasko eh.
Tumayo ako saka pinagpag ang damit ko. Narinig ko ang pagsinghap nila nang lagpasan ko sila.
"Tapos na." matipid na sabi ko sa librarian. Napangiti siya sakin saka nag-abot ng sobre na may lamang pera.
"Salamat." nakangiting sabi niya.
"Hindi ka dapat nagpapasalamat, hindi ko naman 'to gagawin kung walang bayad." mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko.
Bakit ba ngiti siya ng ngiti? Dapat magmukha siyang masungit para katakutan siya ng mga estudyante. Kaya malakas ang loob ng iba na mag-ingay dito eh
Napakibit balikat na lang ako at lumabas na ng library. Naramdaman ako na sinusundan ako ng apat na christmas tree.
Ang creepy.
"Hoy! Ang lakas din naman ng loob mo!" hinawakan ako nung isang christmas tree sa braso. Napangiwi ako nang maramdaman kong bumaon ang kuko niya sa braso ko.
Ano bang kuko meron siya? Ang tulis at ang haba, pangarap niya bang naging aswang?
"Bakit hindi mo ko pinapansin don sa loob?!" ano bang kinakagalit niya?
"Oo nga! b***h ka talaga!" sabi naman nung isang christmas tree.
Napapatingin na samin yung nga tao sa paligid. Napabuntong hininga na lang ako.
"Bawal mag-ingay sa library." matipid na sabi ko at nilagpasan sila.
Napasinghap ako nang maramdaman kong may humila sa buhok ko. Ang sakit, parang matatanggal anit ko sa lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko.
"Aray!" napadaing na ko sa lakas ng pagkakahila ng christmas tree sa buhok ko.
"You b***h, nagyayabang kaba porket nilalandi mo si Ridge?! Huh!" napaupo ako sa sahig dahil hawak niya pa rin ang buhok ko.
Napasimangot na lang ako, bahala na nga sila diyan. Wala rin naman akong laban sa mga chritsmas tree na nagalaw at nananabunot.
"Hinding hindi ka seseryosohin ni Ridge. Look at yourself, mukha kang katulong namin!" sabi naman nung isa.
"H-Hindi naman kailangan ng katulong ng christmas tree eh." natigilan silang apat sa sinabi ko saka napakunot ang noo.
Gusto kong matawa sa mga hitsura nila, mukha naman talaga silang christmas tree eh. Naka green pa sila pare-pareho.
"Wala kong pakialam sa mga sinasabi mo baliw! Ang gusto ko layuan mo na si Ridge!" napangiwi ako nang mas lumakas pagkakahila nung isa sa buhok ko.
"Siya pagsabihan niyo, siya lapit ng lapit sakin." umusok ang ilong nila sa sinabi ko.
Bakit ba? Totoo naman sinasabi ko eh.
Nakatikim ako ng malutong na sampal mula leader yata nila.
Nasa movie drama ba ako or what?
"Ouch!" napadaing yung babaeng nanampal sakin. Anong nangyari?
"Hoy christmas tree! Ang lakas ng loob mo manakit ah!"
Napatingin ako sa sumigaw. Si Alliah, kasama niya syempre yung tatlo.
Gusto kong matawa sa sinabi niya, nababasa niya ba yung isip ko?
Napaigik ako nang hilahin ako patayo nung babae gamit ang buhok ko. Ang sakit ah, siya kaya sabunutan ko dyan.
"Bitawan mo yung buhok niya!"
Napapitlag ako nang batuhin nila ng itlog yung babae, sapul yon sa noo niya. Napabitaw siya sa buhok ko.
Agad silang tumakbo papalapit sakin at dinaluhan ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Mea. Wala sa sariling tumango ako habang nakatitig sa kanila.
"Hoy! Gusto niyo bang pag-untugin ko kayong apat?!" pananakot ni Nestlyn sa kanila. Di hamak na mas malaki si Nestlyn sa kanila kaya mukhang natakot sila.
"L-Let's go! Kayong lima, may araw rin kayo samin!" sabi nila habang naglalakad palayo.
"Ewan! Mga christmas tree!" sigaw ni Gio sa kanila.
"Halika."
Dinala nila ako sa garden na madalas naming tambayan. Pinaupo nila ako, inayos naman ni Mea yung buhok ko at sinuklay. Si Nestlyn ang naglalagay ng ice pack sa pisngi kong sinampal.
"Nako! Yung mga babaeng 'yon talaga walang magawang matino sa buhay!" naiinis na sabi ni Alliah. Natawa naman si Gio.
"Awat na Liah, binato mo na nga yung isa ng sapatos mo eh." natatawang sabi ni Gio. Natigilan ako sa sinabi niya.
Napatitig lang ako sa kanilang apat. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanila ng ganito pero sa tuwing nanghihila sila at nangungulit wala na kong nagagawa.
At niligtas pa talaga nila ako sa mga christmas tree na 'yon.
"Ayaw ko ng kaibigan." napatigil sila at napatingin sakin.
"Alam naman namin 'yon." sabi ni Nestlyn.
"Bakit kayo lapit ng lapit sakin?" tanong ko.
"Gusto ka nga namin maging kaibigan." sabi ni Alliah saka kumapit sa braso ko.
"Eh ayoko nga ng kaibi---" agad na pinutol ni Mea ang sasabihin ko.
"Oo nga pero gusto ka nga namin maging kaibigan, wala ka ng magagawa." natahimik na lang ako sa sinabi niya.
Hindi dapat ako bumigay sa ganito. Ayokong magkaroon ng kaibigan. Ayoko.
TINAKASAN ko lang sina Alliah. Agad akong nagpunta sa gym. Hindi madaling takasan ang apat na 'yon, ang kukulit pa naman nila.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang lunch box ko habang nagtutungo sa likod ng gym na tambayan ko talaga dati.
Natigilan ako sa paglalakad nang may makita ako na hindi ko dapat nakikita.
Bumigat ang paghinga ko at pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko anumang oras habang nakatingin sa kanila.
May babaeng nakaupo sa kandungan ni Zared habang naghahalikan sila.
Likod lang ni Zared ang nakikita ko pero alam kong siya 'yon, alam na alam ko.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Mukhang babagsak na ang mga luha ko anumang oras.
Bakit ba ako naiiyak? Bakit ang sakit sa dibdib ng nakikita ko? Dapat wala lang 'to sakin pero bakit sobrang sakit sa puso? Dapat hindi ko na lang tinakasan sina Alliah, dapat hindi na lang ako nagpunta dito.
Agad akong tumalikod at tumakbo palayo ro'n. Wala na kong pakialam kung nakalikha ng ingay yung pagtakbo ko pero gusto ko ng makaalis sa lugar na 'yon.
Agad na nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ko. Para akong bata na naiyak habang natakbo.
Natigilan ako nang may malaking kamay na humila sa braso ko, amoy pa lang alam ko na kung sino.
"B-Bitawan mo ko!" nakatungong sabi ko habang pilit na binabawi mula sa kanya ang braso ko.
"Reign! Look at me!" matigas na sabi niya. Nanatili akong nakatungo, ayokong makita niya na naiyak ako
"Bakit ka naiyak?" seryosong tanong niya. Umiling ako habang nakatungo pa rin.
Hinding hindi ako aamin na nasasaktan ako dahil sa nakita ko, hinding hindi ako aamin na nagseselos ako.
"Tumingin ka sakin Reign." seryosong sabi niya. Umiling ako at nagmatigas.
"Isa..." mas inilapit niya ko sa kanya.
"...dalawa." umiling ako.
"A-Ayoko! Bakit ba ang kulit---"
Napasinghap ako nang sapilitan niyang inangat ang mukha ko saka ako siniil ng malalim na halik sa labi.
Pinilit ko siyang itulak, sinuntok suntok ko pa siya sa dibdib pero ni hindi siya natinag at patuloy lang sa paghalik sa labi ko.
Kusa ring sumuko ang mga kamay ko sa pagtulak sa kanya.
"I didn't kissed her. Alam kong pupunta ka, sinadya ko 'yon para makita ang reaksyon mo." seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"I guess you're not into soft guys..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"...nagpakabait ako ng sobra sayo Reign at hindi ako 'to. Don't make me use the Farthons way on you, hindi kana makakawala sakin pag nagkataon." napalunok ako sa sinabi niya.
"You like me too right? You won't react like that if you don't like me, Reign." hindi ako nagsalita, napatungo na lang ako.
"H-Hindi ako naniniwala na hindi mo hinalikan yung babaeng 'yon! Hinalikan mo siya alam ko!" natigilan siya sa sinabi ko.
Gusto kong sampalin ang sarili ko, bakit 'yon ang sinabi ko?!
Natigilan ako nang matawa siya saka niyakap ako. Napasimangot na lang ako. Bakit niya ko tinatawanan?
"Sa lahat ng sinabi ko 'yun lang napansin mo?" natatawang sabi niya.
"Eh k-kasi, hinalikan mo yung babae kanina." kumalas siya sa pagkakayap sakin saka ako tinitigan.
"Sa sobrang cute mo gusto na kitang pakasalan." natatawang sabi niya. Agad na nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya.
"Ewan sayo! Saka k-kumandong pa siya sayo! Ang landi mo." nakatungong sabi ko.
"Ikaw lang gusto ko." muli niya kong hinila at niyakap.
"Hindi ako naniniwala." pagmamatigas ko. Habang buhay kong maaalala yung pagkandong sa kanya nung babae.
"Alam ko na kung bakit ka naiwas sakin..." seryosong sabi niya.
"...bakit hindi mo na lang sinabi sakin na may mga kumalat na pictures natin? Saka nasabi sakin nung mga kaibigan mo na inaway ka raw nung mga estudyante." may kakaibang emosyon sa mga mata niya habang sinasabi 'yon. Nag-aalala siya sakin.
"W-Wala lang naman sakin 'yon."
Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. Napasinghap ako nang hilahin niya ko.
"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila hila niya ko.
"M-May nakakakita satin Zared."
Napapansin na kami ng ibang estudyante, pinagtitinginan na kami.
Dinala niya ko sa may stage, umakyat kaming dalawa do'n.
"Okay na ba lahat Caliber?" tanong ni Zared sa lalaki na hindi ko kilala kung sino na nag-aayos ng speaker.
"Hello everyone."
Umingay ang paligid nang may lalaking magsalita sa may mic. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino 'yon.
Si Psyche pala, yung model sa iba't ibang malalaking brands.
Inabot niya kay Zared ang mic. Nagtatakang napatingin lang ako sa kanya, anong pinaplano niya?
"I like Reign De Ocampo..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Nagsimulang magbulungan ang mga tao. Napatingin ako sa mga kaibigan ni Zared na nakatingin samin.
"Ako ang nangungulit sa kanya, ako ang nagpumilit ng sarili ko sa kanya. Ako ang may gusto sa kanya." mas lalong lumakas ang bulungan.
Napasinghap ako nang lumuhod siya sa stage, sa harapan ng mga tao.
"Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo ng guluhin yung taong gusto ko, wag niyo na siyang pahirapan, wag niyo siyang husgahan, ako may gusto sa kanya..." nanatili siyang nakakuhod.
Natahimik ang mga estydyante, lahat sila na kay Zared ang atensyon. Pakiramdam ko nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak ako sa ginagawa niya, sobra akong na-touch sa ginawa niya.
Nagsisimula na kong maniwala na gusto niya rin ako.
Oo, gusto ko naman talaga siya eh. Tinatanggi ko lang 'yon sa sarili ko.
"Hurt her again and I won't let it slide..." nagbago ang tono ng boses niya, tila nagb-babala.
"Kapag may nanakit uli sa kanya... lahat kayo mananagot. Naiintindihan niyo?"
Mas lalo silang matahimik na tila ba natakot sila sa sinabi ni Zared.
Tumayo si Zared saka nagtungo papalapit sakin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang haplusin niya ang pisngi ko. Napangiti siya habang nakatitig sakin. Pero natigilan ako sa sunod na sinabi niya...
"Pwede na ko manligaw diba?"
Tanong niya sa harap ng mga estudyante ng Farthon University.