bc

Restrained Heartache

book_age16+
3.4K
FOLLOW
10.5K
READ
billionaire
possessive
manipulative
CEO
drama
bxg
betrayal
cruel
like
intro-logo
Blurb

Reign De Ocampo thought that she had found the perfect man if her dreams, Ridge Zared Farthon, who saved her from loneliness and emptiness. She thought everything was perfect because she already had her savior, little did she know that Ridge will be the cause of her affliction.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3rd Person's POV~ “Kuya Ridge! Inaaway na naman ako ni Kuya Rash mukhang unggoy!” pagsusumbong ni Snow sa kuya niya na si Ridge. “Stop it Rash, may girlfriend kana't lahat lahat isip bata kapa rin.” sabi ni Ridge at binato ng unan si Rash. “Oo nga! Sasabihin ko kay Ate Melody makipagbreak na sayo. Bakit kaba niya sinagot eh mukha ka namang unggoy.” pang-aasar ni Snow sa kuya niya. “Yung nanliligaw sayo ang mukhang unggoy! Wag mong sasagutin 'yon ha, baka malahian tayo ng unggoy.” napailing na lang si Ridge sa asal ni Rash. “Rash Pierre!” dumating ang Mama nila na si Shenna na may dalang sandok. “Aray!” nakatikim ng pingot sa tainga si Rash. “Ikaw ha, saan ka ba nagmana ng kakulitan?! Ang tanda mo na ganyan kapa rin!” napahawak na lang si Rash sa tainga niya habang nanenermon si Shenna. “Si Snow kaya nangunguna.” bulong pa ni Rash. “At ikaw Snow, porket kinukunsinti ka ng Papa mo eh ganyan kana ha. Akala mo ba hindi ko alam na gumastos ka ng limang libo ng nakaraang linggo sa mall?!” napanguso si Snow sa panenermon ng Mama niya. “What's happening here?” dumating na ang Papa nila na si Ice na mukhang galing lang sa trabaho. “Papa!” agad na tumakbo si Snow at yumakap kay Ice. Dalaga na si Snow pero malambing pa rin ito sa mga magulang niya at kuya, maliban na lang siguro kay Rash. “How are you Princess?” dinampian ng halik ni Ice ang nag-iisang prinsesa nito sa noo. “Hay nako, sakit sa ulo talaga ang mga anak mo Farthon! Hindi na ko natutuwa.” nakapamaywang na sabi ni Shenna. Lumapit si Ice sa asawa saka ito niyakap. Nabawasan naman ang inis ni Shenna. “Hindi kapa ba sanay sa mga anak natin Mrs. Farthon?” malambing na tanong ni Ice sa asawa. Napangiti si Ridge saka napailing. Dito lang talaga sa bahay naipapakita ng tatay nila ang iba't ibang emosyon. “Kumain na tayo!” anunsyo ni Shenna sa mga anak. Agad na silang umupo sa hapag. Ipinaghain naman sila ng ibang mga katulong dahil hindi kaya 'yon ng Mama nila mag-isa sa dami nila. “Snow, kailangan mong magkontrol sa paggastos. Okay?” sabi ni Shenna sa anak. “Let her buy whatever she wants Shenna, it's---” agad na pinutol ni Shenna ang sasabihin ng asawa. “Magtigil ka Ice, kaya namimihasa 'to si Snow eh. Baka magulat kana lang manghingi sayo 'to ng pambili ng mansyon eh.” “Edi bibigyan ko.” napaawang ang labi ni Shenna sa sinabi ni Ice. “Nako Ice! Isa ka pa na sakit sa ulo ko eh.” napapailing na sabi ni Shenna. Puro kwentuhan habang nakain, si Snow ang pinakamadaldal at may pinakamaraming kwento. “By the way Ridge, okay ba sayo yung penthouse na binili ko?” tanong ni Ice sa anak. Tumango Si Ridge. “I'll pay you when---” agad na pinutol ni Ice ang sasabihin ni Ridge. “You're my son, you don't need to pay me back. Okay?” sabi ni Ice saka ngumiti sa anak. “Ridge wag kang gumaya kay Rash na kung sino sinong babae ang dinadala sa unit ha? Babatukan din kita.” napangiti si Ridge saka tumango. “Grabe ka naman Mama, dati lang 'yon. Nagbagong buhay na ko.” sabi naman ni Rash. Hindi siya tinuturing na iba ni Shenna kahit hindi niya 'to tunay na nanay. Kung paano niya tratuhin sina Rash, gano'n din niya tratuhin si Ridge. Ganon din naman si Ice, nung bata siya, hindi siya masyadong kinikibo ng tatay niya pero habang lumalaki siya, nararamdaman na niya ang pagiging tatay nito sa kanya. Anak ni Ice si Ridge sa ibang babae, pero hindi niya naramdaman 'yon ni minsan. Alam ng mga kapatid niya ang tungkol do'n pero hindi nila 'yon pinamukha sa kanya kahit minsan nag-aaway away sila. Ganon kaswerte si Ridge sa pamilya niya. “Mag ingat ka sa pagd-drive Ridge. Saka puno yung laman ng ref do'n sa penthouse mo baka gutumin ka.” napangiti si Ridge at niyakap ang Mama niya. “Thank you Mama.” sabi nito saka dinampian ng halik sa noo si Shenna. Napangiti ito saka siya tinapik sa balikat. “Grabe ang tatangkad na ng mga anak ko. Hindi ko na kayo ma-reach. Oh siya sige, ingat sa pagd-drive ha?” tumango si Ridge at sumakay na sa kotse niya saka nagmaneho papuntang penthouse niya. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating rin siya sa penthouse niya. Maganda ang napiling penthouse ni Ice para sa kanya. Lalaking lalaki ang disensyo no'n sa loob at malaki ang space. Black and white ang kulay ng interior design. Napabuntong hininga siya at inilapag ang jacket sa may couch saka umakyat papuntang kwarto niya. Napangiti siya nang makitang may picture ng pamilya nila sa bedside table. Ang cringe lang pag naiisip niya na si Ice ang naglagay no'n. *** Ipinarada na ni Ridge ang kotse sa may car park. Agad rin siyang bumaba at pumasok sa school. Imbis na dumiretso sa classroom, sa headquarters muna siya dumiretso. Iyon ang tambayan ng Danger Zone. “Hoy Ridge, late na late kana sa klase mo.” sabi ng pinsan niya na si Anthony na prenteng nakaupo sa couch habang nakapatong ang mga paa sa mini table. “Hayaan mo siya.” sabi ni Ridge at uminom ng tubig. “Mambabae na lang tayo.” sabi ni Kaden habang nagbabasa ng men's magazine. Si Kaden ay kapatid ni Leo, di hamak na mas gago ito, mabait kasi si Leo kahit papano. “Just fvck yourself Faller.” masungit na sabi ni Cloud. Si Cloud ay anak ni Tiger John Falcon. Napakailap sa babae ng isang 'to, pakiramdam nga nila magiging pari ito, matindi nga lang magmura. “Hey guys!” napatingin sila kay Brent na kakarating lang. May dala pa itong kape. Anak ni Shark Damon Ferrer ang isang 'to, siya ang pinakaloko loko sa kanila, not in a bad way though. “Wag kayong maingay, may tinatrabaho ako dito.” nakakunot noong sabi ni Caliber habang tutok na tutok ang mga mata nito sa laptop. Anak naman ni Gun Drake Fernandez ang isang 'to, kapatid niya si Eion. Laging nakakunot ang noo nito at laging badtrip kahit walang dahilan. “Sh*t!” napatingin sila sa kararating lang rin na si Psyche, gulo gulo ang damit nito at mukhang pinagkaguluhan na naman. Anak naman ito ni Dragon Calli Freenwar, mabait si Dragon pero si Psyche ay demonyo gaya ng kapatid nito na si Calli. Nagmomodelo si Psyche at balak maging singer at artista. Pero ewan lang nila kung may makakatagal kay Psyche dahil sa ugali nito, pakitang tao kasi 'to sa harap ng camera pero demonyo talaga sa totoong buhay. Napailing na lang si Ridge. “Labas na ko.” paalam niya sa mga kaibigan. “Sus, pupuntuhan mo lang yung crush mo eh. Ligawan mo na kasi.” nakangising sabi ni Kaden. “Shut the fvck up.” sabi na lang ni Ridge at lumabas na. Naglakad lakad siya hanggang sa kusa siyang dalhin ng mga paa niya sa may likod ng gymnasium. At doon nakita niya ang babaeng 'yon na nakaupo sa may bench habang nakain ng lunch nito. Napatingin sa kanya yung babae. Agad nitong tinakpan ang lunch nito at dali daling tumayo. Lagi talagang umiiwas yung babae na 'yon kapag nakikita siya. “You can eat here, napadaan lang ako dito.” sabi ni Ridge saka napaiwas rin agad ng tingin. Lagi niyang nakikita yung babae pero ngayon lang siya naglakas loob na kausapin ito. Napabuntong hininga na lang yung babae at umupo na ulit. Binuksan niya ang container na may lamang kanin at ulam, pritong isda ang ulam ng babae na hindi niya alam kung ano. “R-Ridge ang pangalan mo diba?” nauutal na tanong ng babae. Napatango si Ridge saka umupo sa tabi nung babae. “Ikaw? Anong pangalan mo?” tanong ni Ridge saka napatitig sa mukha ng babae. Mas maganda pala ito sa malapitan. “H-Hindi ko sasabihin.” natigilan siya sa sinabi ng babae. Natahimik silang pareho, mukhang nawalan na ng gana kumain yung babae dahil sa kanya. “G-Gusto mo?” sabi ng babae at inabot ang lunch niya kay Ridge. Natigilan siya. “Wag kang mag-alala, mabango ang hininga ko. Nagt-toothbrush ako lagi saka walang lason yan at masarap.” sabi ng babae sa kanya. Wala sa sariling napangiti si Ridge, napakainosente talaga ng babaeng 'to. Kinuha ni Ridge ang lunch niya at tinikman. Masarap nga ang ganong isda. Ngayon lang siya nakatikim ng ganon. “Anong isda 'to?” tanong ni Ridge. “Daing.” matipid na sagot ng babae. Inabutan din siya ng tubig ng babae. “Sige aalis na ko. Bye Ridge.” sabi ng babae at inayos na ang mga gamit nito saka umalis. Napangiti si Ridge habang hinahabol ng tingin ang babae. Pero napawi rin ang ngiti niya nang may maalala siya... ‘No Ridge, don't go there. Hindi ka pwedeng maging masaya. Wala kang karapatan.’ *** Reign De Ocampo~ “Wag kang mag-alala anak, kapag kumita ako ng maganda ganda. Mag-uulam tayo ng masarap.” sabi ni Nanay habang hinahanda ang lunch ko. “Wala namang masama sa lagi nating ulam ah, masarap kaya.” sabi ko habang inaayos ang babaunin kong lunch. “Pwes ako hindi nasasarapan! Sabi ko naman kasi sayo Reign, itigil mo na yang kalokohan mo na pag-aaral. Magtrabaho kana lang din gaya ko para hindi nahihirapan si Nanay.” sabi ni Ate Renelah habang nagm-make up. “Renelah.” pananaway ni Nanay sa kanya. “Eh totoo naman eh, pahirap lang yang pag-aaral na yan.” sabi ni Ate Ren saka napairap. Dalwang taon lang ang tanda niya sakin. Pero hindi kami close ni Ate Ren, hindi kasi kami magkaparehas ng mindset. Gusto ko talagang makapagtapos at against siya do'n. Gastos lang daw ang pag-aaral at walang patutunguhan. Ipinagpipilitan ko na makapagtapos kaya hindi kami magkasundo. Kaming tatlo na lang ang magkakasama simula nung iwan kami ng tatay namin para sa kabit nito at doon din nagsimula ang mga kalbaryo namin. Kaya pinagpipilitan ko na makapagtapos para mabigyan ko ng mas magandang buhay si Nanay at Ate Ren. “Wala naman na ko masyadong binabayaran sa school, saka konting tiis na lang makakapagtapos din ako.” nakatungong sabi ko. Education ang kinuha kong kurso dahil gusto kong maging teacher, saka sigurado naman na maganda ang pagtatrabahuhan ko dahil sa Farthon University ako gagraduate. “Pinapahirapan mo lang si nanay dahil sa pagiging selfish mo. Makaalis na nga!” padabog niyang kinuha ang bag niya at agad na umalis. Laging ganto ang usapan namin kapag naaabutan ko sa bahay si Ate Ren. Hindi na talaga kami nagkasundo. “Intindihin mo na lang ang Ate mo. Alam mo naman na nagkaganyan na siya simula ng iwan tayo ng tatay mo.” tipid na napangiti na lang ako kay Mama. Naiintindihan ko naman talaga si Ate Ren. Simula ng iwan kami ni Tatay, mas nalayo kami ni ate sa isa't isa. Lagi rin kasing mainit ang ulo niya, mabilis na siyang mainis sa lahat ng bagay. “Thank you, please come again.” nakangiting sabi ko sa customer pagkaabot ko ng inorder na kape ng customer. Mamaya pa yung klase ko kaya nandito muna ko sa coffee shop sa tabi ng school at nagtatrabaho. Marami akong part-time jobs na pinapasukan. “Reign, sa table 6 'to.” inabot niya sakin ang order sa table 6 na isang americano at isang slice ng black forest cake. Agad akong nagtungo sa table 6. May lalaking nakaupo do'n. “Here's your americano and black forest cake Sir.” magalang na sabi ko at inilagay sa table niya ang order niya. “Good morning.” natigilan ako dahil pamilyar sa pandinig ko ang baritonong boses niya. “R-Ridge...” agad akong napaatras. Ang gwapo niya sa umaga, lagi naman siyang gwapo. Pero ang gwapo niya kasi talaga. Lagi niya na lang ako nakikita sa nakakahiyang sitwasyon. Nakikita niya kong kumakain sa likod ng gymnasium, nakikita niya kong naakyat sa puno ng school, nakikita niya ko kapag naglilinis sa library dahil nakaduty rin ako ron minsan. Kaya lagi ko siyang iniiwasan eh, nakakahiya talaga sa kanya. Sobra. “It's you.” sabi ni Ridge at napangiti. Kinalma ko ang sarili ko, hindi ko dapat ipahalata na apektado akonsa presensya niya. “Enjoy your coffee Sir.” sabi ko at umalis na. Napahawak ako sa pisngi ko pagbalik ko sa counter, pakiramdam ko lalagnatin ako dahil sa init ng pisngi ko. Napabuntong hininga ako. Makalipas ang ilang minuto, umalis na si Ridge, pero tumingin muna siya sakin saka ngumiti. Pinakalma ko ang puso ko dahil ang lakas ng t***k. Grabe ang epekto sakin ni Ridge. Isang oras pa kong nagtrabaho saka ako nag-out. “Reign, may nagpapabigay sayo.” napakunot ang noo ko nang may iabot sakin ang katrabaho ko na affogato. Kape yon na parang may ice cream, basta ganon. “Sinong nagpapabigay?” tanong ko. “Hindi sinabi yung pangalan eh, basta gwapo siya at matangkad. Inorder niya lang 'to tapos sabi niya ibigay ko raw sayo.” nag-aalangang kinuha ko ang affogato. “Sige, bye.” sabi ko saka agad na lumabas ng coffee shop at naglakad na papuntang school. Kanino naman kaya galing 'to? Matagal ko ng gustong tikman 'to kaso medyo mahal kaya hindi ako nabili. Napangiti ako nang matikman ko 'yon, masarap naman pala kaya mahal. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko na ilang taon ng tumagal sakin. 11 am pa lang. May one hour pa ko bago magsimula ang klase ko. Dumiretso na ko sa may pool area ng school. Walang tao don ng ganitong oras. Maganda ang pool area ng school na to dahil malaki ang space, may bubong at hindi mainit. Umupo ako sa may upuan at inubos ko na ang affogato. Nilabas ko na ang lunch ko. “Hey!” natigilan ako at napatingin sa lalaking paparating. Si Ridge Zared Farthon... Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kulat mansanas na ang mukha ko ngayon. Naka swimming trunks lang siya at walang damit pang itaas. May nakasabit na towel sa balikat niya. Pasimple ko lang tiningnan ang katawan niya at agad na umiwas ng tingin. May abs siya, may abs. Napapikit ako ng mariin at umiling. Hindi naman ako naa-attract sa magandang katawan ng lalaki dati eh. Bakit ako nagkakaganito dahil lang sa kanya? “Can you hold this for me?” inabot niya sakin ang towel niya. Tatanggi sana ako kaso agad siyang tumalon sa pool at lumangoy. Nakagat ko ang kutsara ko habang pinapanood siya lumangoy. Ang swabe niya tingnan habang lumalangoy. “Fvck!” natigilan ako nang mapansin kong sumigaw siya. Agad akong napatayo. “P-Pinulikat ako!” napairap ako sa sinabi niya. Nako, siguradong pinagtitripan niya lang ako. Umupo na lang ulit ako at hindi siya pinansin, binuksan ko na ang lunch ko. Adobong kangkong ang ulam ko ngayon. Basta luto ni Nanay siguradong masarap 'to. Natigilan ako nang mapansin kong wala na si Ridge. Agad akong tumayo at hinanap siya. “Ridge!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nabula ang pool. Nalunod nga si Ridge! Agad akong tumalon sa pool, wala na kong pakialam kung mabasa ako. Kailangan kong mailigtas si Ridge. “Ridge!” sumisid ako at hinanap siya. Dahil malaking tao siya, nakita ko siya agad. Pinilit ko siyang hilahin pataas kahit na ang bigat niya. Inubos ko ang lahat ng lakas ko para maiangat siya sa pool. “Hooh!” hinihingal ako nang tuluyan ko nang maiahon sa pool. “Ridge gumising ka!” sinampal sampal ko siya pero hindi siya nagising. Anong gagawin ko?! Inayos ko ang kamay ko at pinump ang dibdib niya gaya ng mga napapanood ko sa movies. Bakit ayaw niya pa rin magising?! Natigilan ako nang may maalala ako. Mouth to mouth resuscitation! Kahit nag-aalangan, inilapat ko ang labi ko sa labi niya.  Hindi 'to counted bilang first kiss ko diba?! “Bakit hindi ka pa nagigising?!” naiinis na sigaw ko at hinampas siya sa dibdib. “Gumising kana please! Reign ang pangalan ko. Reign De Ocampo, alam mo na ang pangalan ko kaya gumising kana!” naiiyak na ko. Natigilan ako nang makarinig ako ng mahinang tawa. “Kailangan ko pa palang magpanggap na nalunod para lang sabihin mo sakin ang pangalan mo.” natatawang bumangon siya. Naiinis na sinuntok ko siya sa dibdib. “Bwisit ka alam mo 'yon! Akala ko mamamatay kana!” naiinis na sabi ko. Natigilan ako nang kurutin niya ang ilong ko. “Thank you for telling me your name, Reign...”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Unwanted

read
520.9K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.3K
bc

Be Mine Again

read
101.6K
bc

Reckless Hearts

read
258.8K
bc

OSCAR

read
236.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
999.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook