Chapter 2

3406 Words
“Sorry.” nahihiyang sabi ni Ridge at napkamot pa sa batok niya. Hindi ako nagsalita, nakatitig lang ako sa pool habang inaalala ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko. Napailing na lang ako at napayakap sa sarili ko nang humangin, wala akong pamalit. Ayoko namang umuwi dahil makikita ako ng Nanay ko na ganito ang hitsura ko. “Let's go, may extra akong damit.” hinila niya ko patayo. Napaiwas ako ng tingin nang ibalot niya sakin yung towel niya. Ang bango ng towel niya, kaamoy niya. Dinala niya ko sa may cr ng boys, wala namang tao, kaming dalawa lang pero nakakailing parin. Kumuha siya ng dalawang t-shirt at dalawang jogging pants, tig isa siguro kami. Napangiwi ako nang mapansin kong magkaparehas na magkaparehas yung dalawang t-shirt na nilabas niya. Parehas may nakagay na Farthon sa likod, kulay white. Mukhang magkaparehas lang din ang size, siguro pag sinuot ko yan aabot yan sa kalahati ng legs ko. “Sayo 'tong isa, don't worry minsan ko lang suotin yan.” hindi ko tinanggap 'yon. Para kaming naka-couple shirt pag sinuot ko yon. “Pag nakita nilang magkaparehas tayo ng suot, hindi na ko invisible sa school na 'to. Pag-iinitan ako ng lahat. Uuwi na lang ako samin para magpalit o kaya magpapatuyo.” napabuntong hininga siya sa sinabi ko. “Sige na suotin mo na, baka magkasakit ka pa. Kukuha na lang ako ibang damit sa headquarters. Hindi ko na susuotin 'to kaya suotin mo na yan.” natigilan ako sa sinabi niya. “P-Pupunta ka sa headquarters niyo ng ganyan?” napatingin ako sa matipunong katawan niya. Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga estudyante. Nakadamit pa nga lang siya halos matunaw na siya sa titig ng mga babae, paano pa kaya pag nakatopless siya? “Magpalit na tayo pareho, ilulugay ko na lang yung buhok ko para matakpan yung apelyido sa likod ng T-shirt.” napatingin ako sa asul niyang mga mata. Ang ganda talaga ng mga mata niya lalo pag tinititigan. “Ito yung sabon.” tila nahihiyang sabi niya. Tumango lang ako. “Salamat.” tipid na sagot ko at pumasok na sa cr. Nagsimula na kong maligo, amoy panglalaki yung sabon niya pero mabango naman, hindi masakit sa ilong. Saka buti na lang may shampoo ako sa bag na amoy pangbabae. Nagpunas na ko ng katawan pagkatapos kong maligo. Magbibihis na sana ako nang makita kong basa ang panty at bra ko, anong susuotin ko? Itinapis ko sa katawan ko ang towel, huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng CR. Napatingin sakin si Ridge, nakapagpalit na siya. “B-Bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong niya saka napaiwas ng tingin sakin. Hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng tainga niya. “W-Wala akong underwear at bra.” pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon. “M-Maghahanap ako. Dyan ka lang sa loob at maglock ka, wala kang ibang pagbubuksan ng pinto maliban sakin. Okay?” seryosong tanong niya, tumtango na lang ako. Pumasok na ko sa may cubicle at ni-lock 'yon. Sana bilisan ni Ridge, baka may lalaking pumasok dito. Sa tantya ko mga sampung minuto na ang nakakalipas simula ng umalis si Ridge. Napkagat ako sa kuko ko, hindi naman niya ko siguro iiwan dito diba? Napabuntong hininga ako. “I'll give you her number, damn bro. She's really good in bed, and so damn hot.” Napasinghap ako, may mga lalaking pumasok. Agad na nanginig ang mga tuhod at mga kamay ko. Kumalma ka Reign, nakalock naman ang cubicle. Pagpapakalma ko sa sarili ko dahil kinakabahan talaga ako. Mukhang mga m******s pa naman ang mga 'to. “Really? I like wild girls.” sabi naman nung isa. Nasaan kana ba Ridge? Natatakot na ko. “Akala ko ba walang tao dito? Nakalock 'tong isang cubicle.” sabi nung isa. Mas lalo akong natakot. “Bro, anong ginagawa mo dyan sa loob?” tanong nung isa. Nanghihinang napakapit ako sa pinto. “Wait bro, amoy babae.” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng isa. Pakiramdam ko maiiyak na ko. “Fvck, oo nga. Ang sarap amuyin.” Napalunok ako, humigpit ang hawak ko sa towel. “Miss, labas ka dyan. Cr ng boys to.” “Oo nga miss.” Hindi na ko mapakali, takot na takot na talaga ako. Pakiramdam ko nakangisi na sila ngayon at inaabangan ako na para bang biktima nila ako. “Miss pagbilang namin ng tatlo at hindi kapa lumalabas dyan, sisipain namin 'tong pinto.” kinatok pa nito ang pinto ng cubicle. Napatakip ako sa bibig ko. “Isa...” Ridge dumating kana please, takot na takot na talaga ako. “Dalawa...” Nangingilid na ang mga luha ko, nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang T-shirt. “...tat---” “What the fvck are you doing?” Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik nang marinig ko ang baritonong boses ni Ridge, kasabay no'n ay ang pagdaloy ng mga luha ko. “R-Ridge, may babae sa loob. Turuan natin ng leksyo---” hindi na pinatapos ni Ridge ang sasabihin nila. Napasinghap na lang ako nang makarinig ako ng lagabog. “Labas.” kahit ako tumaas ang mga balahibo dahil sa kakaibang tono ng boses ni Ridge, medyo nakakatakot. “U-Umalis na tayo.” nakarinig ako ng mga yabag na papalayo. Nang maramdaman kong wala na sila, agad kong inalis ang pagkakalock ng cubicle. Napasinghap ako nang buksan ni Ridge 'yon, nag-aalalang napatingin siya sakin. “Sorry natagal---” natigilan siya nang sugurin ko siya ng yakap saka napahagulgol ng iyak. “A-Akala ko hindi mo na ko babalikan dito, a-akala ko may mangyayari ng masama sakin. akot na takot ako sa kanila, mga m-manyak sila.” sabi ko habang patuloy na umiiyak sa dibdib niya. Napabuntong hininga siya at hinaplos ang likod ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya sa likod ko na hindi sakop ng towel. Pakiramdam ko gumaan ang loob ko, nawala ang takot na nararamdaman ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagluwag ng towel sa bandang dibdib ko. Babagsak na sana ang towel kaso niyakap ako ng mas mahigpit ni Ridge para hindi mahulog ang towel. “H-Hawakan mo yung towel, malalaglag yan.” naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga dahil sa pagtaas baba ng dibdib niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang towel at muling ibinuhol 'yon. Napatingin ako sa kanya, pulang pula ang tainga niya at hindi siya makatingin sakin. “Labas na ko, baka kung ano pang magawa ko sayo.” mahinang sambit niya at akmang lalabas pero agad ko siyang nahawakan sa braso. “Y-Yung underwear at---” hindi na niya ko pinatapos, agad niyang inabot sakin ang plastic na dala niya saka agad ring lumabas. Lumabas na rin ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Ridge na nakaupo sa inuupuan ko kanina. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang mapatingin sa damit niya, parehas kami ng damit. “G-Gusto mo bang kumain?” tanong ko saka binuksan ang lunch ko. Umupo ako sa tabi niya. Napangiti siya nang itapat ko sa labi niya ang kutsara na may kanin at ulam. “Thanks.” sabi niya at sumubo. Natigilan ako. Teka, sinubuan ko siya? “You're cute...” nakangiting sabi niya habang nakatitig sakin. Napaiwas ako ng tingin. “...Reign.” bumilis ang t***k ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Ano bang ginagawa mo sakin Ridge Zared Farthon? “Wala ka bang kaibigan dito?” natigilan ako sa tanong niya. Napaiwas ako ng tingin at kumain na lang. Indirect kiss 'yon diba? Kasi iisang kutsara ang gamit namin? “Bakit mo natanong?” tanong ko. “Lagi kitang nakikita, lagi kang mag-isa.” napataas ang kilay ko at tiningnan siya. “Stalker ba kita?” alam kong makapal ang mukha ko para tanungin siya mg ganon. Ang halos perpekto na katulad niya? Magiging stalker ng isang tulad ko? Sobrang imposible no'n. “Oo.” napaubo ako sa sinabi niya. Agad niya kong inabutan ng tubig, ininom ko naman 'yon. ‘Wag kang umasa Reign, nantitrip lang yan.’ sabi ko sa isip ko. “Hindi ko kailangan ng kaibigan. Walang totoong kaibigan.” sabi ko habang nakatungo. “You think so?” tanong niya habang nakatingin sa pool. Tumango lang ako. “Subuan mo ko ulit.” natigilan ako sa sinabi niya. “M-May laway ko na yung kutsara.” sabi ko na lang. “Bakit? Pinakain mo rin yung lunch mo sakin kahapon. Saka yung laway ko nga hindi ko pinagdamot sayo eh.” natatawang sabi niya. Nag-akyatan yung dugo ko sa mukha, hinampas ko siya sa braso. “Sige na, subuan mo ulit ako.” pangungulit pa niya. Napabuntong hininga na lang ako at sinubuan siya. Napangiti naman siya at kinurot ako sa ilong. “Sana maging komportable ka sakin Reign.” *** “Pst!” may narinig ako na sumitsit pero hindi ko pinansin. “Reign!” kahit narinig ko ang pangalan ko hindi pa rin ako lumingon. Wala akong pakialam kung sino man 'yon. Natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Napalingon ako, may tatlong babae at isang lalaki ang nakatingin sakin ngayon. Napataas ang kilay ko sa kanila. Ano namang kailangan ng mga 'to sakin? “Reign, ako 'to si Alliah. Kaklase mo ko sa literature.” nakangiting sabi nung Alliah daw. Maputi siya at singkit, aminado ako na cute siyang babae. Mahihiya rin ang papel sa sobrang kinis niya. Hanggang balikat ang makintab at itim na itim nitong buhok. Lagi ko siyang nakikita na tumatawa, mababaw ang kaligayahanng isang 'to. Mahilig din siya sa maiingay na banda na ayaw na ayaw ko, lagi kasi siyang nakasuot ng band shirt kaya ko nasabi na mahilig siya sa mga banda. “Ako naman si Maricris, pero Mea ang tawag nila sakin.” pagpapakilala sakin nung babaeng morena na may cute na pisngi. Kung close lang kami pipisilin ko yung mga pisngi dahil mataba, parang siopao. Sa pagkakatanda ko, ang isang 'to ang may unpredictable na mood. Minsan sobrang saya nito, minsan nakasimangot at masungit, tapos minsan biglang iiyak. At sa pagkakatanda ko, siya yung mahilig magjoke pero siya lang din naman yung natawa. “Hello Reign, ako si Nestlyn.” sabi nung babaeng matangkad na may cute na ngiti. Nakakapanliit siya, ang tangkad niya kasi. Naaalala ko siya, siya yung madalas na highest sa mga exam. Pag-aaral yata ang hobby ng isang 'to, pero masayahin siya at maraming ka-close. “Ako si Gio. Gio na lang itawag mo sakin.” pakilala sakin nung nag-iisang lalaki sa kanila. Medyo malaman siya at mukhang ewan. Sa pagkakaalala ko, madalas din siyang mag-highest sa mga exam pero hindi tulad nung Nestlyn, tamad ang Gio na 'to at laging tulog. Pero napapatawa niya ang mga kaklase namin dahil may kalokohan 'to sa katawan. Madalas ko silang makita ni Alliah na magkasama, close siguro sila. Pero napapansin ko na may pagka-weird ang Gio na 'to. Wala akong kaibigan pero observant ako sa paligid ko lalo na pag interesting. Medyo interesting silang apat kaya rin siguro madalas ko silang napapansin. “Hindi ko kayo kilala, anong kailangan niyo?” tanong ko. Ayokong makipag-usap sa kanila ng matagal, ayokong magkaroon ng kaibigan. Masyado silang komplikado at guguluhin lang nila ang maayos ko ng isip. Saka sigurado naman na iiwan din nila ako kapag wala na silang kailangan sakin. “Wala, gusto lang naming makipag friends sayo kasi lagi kang mag-isa.” sabi ni Alliah saka kumapit sa braso ko. “Ayoko kayong maging kaibigan.” diretsahang sabi ko saka inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala akong pakialam kung nasaktan man ang damdamin nila. Ayoko lang makipagplastikan sa kanila. “Wait Reign!” si Mea ang pumigil sakin. Tiningnan ko siya, sinigurado ko na walang emosyon na makikita sa mga mata ko. “Ang cool mo talaga.” tila namamangha na sabi ni Nestlyn, napakunot ang noo ko. “Ayaw rin kitang kaibigan, hinila lang ako ni Alliah.” sabi ni Gio habang nakain ng burger, siguradong hiningi niya lang 'yon sa mga kaklase namin sa literature. Buraot ang tawag sa kanya ng iba naming kaklase. “Madami pa kong gagawin.” tipid na sabi ko at iniwan na sila. Buti na lang at hindi na nila ako kinulit ulit. Baka kung ano pang masakit na salita ang masabi ko sa kanila kung sakali. “Reign! Baka malaglag ka!” Napatigil ako at napatingin sa baba, napapikit ako ng mariin nang makita ko silang apat na nasa baba ng puno. Nandito kasi ako sa may puno at nagpapahangin. “Wag kang mag-alala Reign, sasaluhin ka ni Gio! Mataba yung tiyan niya!” sigaw ni Alliah. “Teka bakit ako?” tanong ni Gio. Napabuntong hininga ako at hindi na lang sila pinansin. “Reign! Baka malaglag ka tapos mabagok, baka magka-amnesia ka, sayang yung talino mo!” sigaw naman ni Mea. Naubusan na ko ng pasensya, walang kahirap-hirap na bumaba ako ng puno at hinarap sila. “Ano ba talagang kailangan niyong apat?” nakakairita na. “Makipagkaibigan sayo.” nakangiting sabi ni Nestlyn. “Hindi ako tanga, ilang buwan na tayong magkaklase pero bakit ngayon niyo gustong makipagkaibigan? Alam kong may kailangan lang kayo sakin. Diretshin niyo na ko, wala akong panahon makipagplastikan sa inyo sa kahit kanino.” masungit na sabi ko. “Wala kaming kailangan maliban sa pakikipagkaibigan.” sabi ni Mea. Napangiti ako ng mapakla. “Sinong inuto niyo?” kinuha ko ang bag ko at iniwan na sila ro'n. “Reign...” napapitlag ako nang akbayan ako ni Alliah. “Alam mo, scholar din kaming apat dito. Kung iniisip mo na pagtitripan ka namin or what, nagkakamali ka.” sabi naman ni Nestlyn. Sa tingin nila maniniwala ako basta basta? Baliw ba sila? “Saka hindi mo ba ako napapansin? Nagp-part-time rin ako sa Delight Coffeeshop.” sabi naman ni Mea. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Teka... Oo nga noh. “Ako nagp-part-time sa pet shop na pinagtatrabahuhan mo dati. Bigla ka ngang nawala do'n eh.” sabi naman ni Gio habang nakain ng fries. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Ayokong bigyan sila ng pagkakataon na mapalapit sakin. “Wala akong pakialam.” sabi ko saka saka agad silang iniwan. ‘Walang kwenta ang mga kaibigan, hindi ko sila kailangan...’ nasabi ko sa isip ko. *** “Nay, magpahinga muna po kayo.” sabi ko habang inaayos ang mga gamit na gagamitin ko sa paglilinis ng penthouse sa top floor ng building. “Ayos lang talaga ako anak, dala lang siguro 'to ng pagod.” napabuntong hininga ako sa sinabi ni Nanay sa kabilang linya. Nahilo daw siya kanina habang nagbebenta ng mga isda. Kung hindi pa tumawag yung kasama niya magbenta sa palengke, hindi ko pa malalaman na masama ang pakiramdam niya. Lagi talagang kinikimkim ni Nanay kapag may sakit siya. “Basta po Nay, tumawag ka lang po sakin kapag sumumpongb ulit ang sakit ng ulo niyo. Bye, I love you.” inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko. Nightshift ako ngayon sa paglilinis. Hindi kasi makakapasok yung dapat maglilinis dahil may lagnat. Nagdoorbell na ko sa penthouse na naka-assign sakin. Napapitlag ako nang bumukas ang pinto. “Reign?” tanong niya habang nakatitig sakin. Napakurap ako, si Ridge ba talaga 'to? Baka namamalikmata lang ako. “I-Ikaw ang maglilinis?” tanong niya. Napatango lang ako. Mukha namang nataranta siya. “W-Wait, maglilinis lang ako sa loob. Ang dumi masyado.” akmang isasara niya ang pinto pero agad kong hinarang ang kamay ko. “Kaya nga ako nandito eh, trabaho kong linisin ang penthouse mo.” sabi ko at agad pumasok habang hila hila ang parang cart na may mga gamit panglinis. Napaawang ang labi ko nang makapasok na ko sa penthouse niya. Ang ganda sa loob, medyo makalat pero hindi naman sobra. “N-Nakakahiya...” napatingin ako kay Ridge saka napangiti. “Para kang ewan.” sabi ko na lang. Natigilan siya at natulala sakin. Napakunot ang noo ko. “Bakit?” tanong ko sa kanya. “You just smiled.” tila namamanghang sabi niya. “First time kitang nakitang ngumiti.” Oo nga pala, Nanay ko lang ang nginingitian ko. Ewan ko ba kung bakit ako napangiti nung sinabi niya na ‘nakakahiya’ eh one word lang naman 'yon. Nababaliw na yata talaga ako. “M-Maglilinis na ko.” sabi ko na lang para makaiwas sa ‘ngiti’ issue na yan. Naupo siya sa couch habang pinapanood ako maglinis. Medyo naiilang ako pero syempre hindi ko 'yon pinapahalata. “Tulungan na kaya kita.” umiling ako sa sinabi niya. “Kaya ko na 'to.” tipid na sagot ko at pinagpatuloy na ang paglilinis. “Hindi ba nakakatakot 'tong trabaho mo? Paano kung may gawin sayong masama yung may-ari ng penthouse o ng unit na lilinisin mo?” tanong niya. Inangat ko ang kanang kamay ko na may bracelet. “Galing 'to sa company, kapag pinindot namin yung kulay pula, may dadating na tulong within 3 minutes.” napatango na lang si Ridge sa sinabi ko. “Bakit mo sinasabi sakin yan? Paano kung hablutin kita bigla tapos tanggalin ko yan at may gawin akong masama sayo?” Ewan ko ba, hindi ako nakaramdam kahit na katiting na kaba sa sinabi niya. “Hindi mo gagawin---” natigilan ako nang mabilis na nahablot ni Ridge ang kanang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. “Masyado kang nagtitiwala sakin Reign.” “R-Ridge...” mahinang sambit ko saka napatitig sa asul niyang mga mata. Napalunok ako dahil walang bakas ng pagbibiro ang boses nito. Natauhan na lang ako nang pitikin niya ang noo ko. Natatawang binitawan niya ang braso ko. “You should have seen your face.” natatawang sabi niya. Napairap ako at sinuntok siya sa dibdib. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis, bahala siya dyan. “Wag mo ng tapusin yan, halika sa rooftop. Magtitimpla muna ko ng kape.” hinila niya ko papuntang kusina. Hindi ako kumontra at pinanood lang siya hanggang sa matapos siyang magtimpla ng kape. Inabot niya sakin ang isang baso. Hinawakan niya ko sa kamay at hinila ako palabas ng penthouse. Umakyat kami sa hagdan hanggang sa makarating kami sa rooftop. Mahangin dito at kitang kita ang mga bituin at buwan. Nakakarelax. Umupo siya sa sahig saka nilapag ang kape, umupo naman ako sa tabi niya at tiningnan ang langit. “Ang ganda...” sabi ko habang nakatingin sa langit. “Yeah, it's relaxing. Kapag nakatingin ako ng ganito sa langit, parang nakakalimutan ko lahat.” napatingin ako sa kanya. Masayahin siya, lagi siyang nakangiti. May mga kaibigan naman siya, mayaman siya at matalino, higit sa lahat kumpleto at masaya ang pamilya niya. Pero bakit ganito ang nakikita ko sa mga mata niya? “Bakit ang lungkot mo?” natigilan siya sa tanong ko. Napatingin siya sakin. Mas lalo kong nakita ang mga mata niyang puno ng lungkot. “Ikaw ang kauna-unahang nagtanong sakin niyan.” sabi niya at napangiti. “Ako palang ba ang nakakita na sobrang lungkot ng mga mata mo?” walang preno ang bibig ko kapag curious ako, kahit personal pa yan wala akong pakialam. “Halos nasayo na yung lahat. Bakit malungkot kapa rin Ridge?” muling tanong ko. Hindi agad siya nakasagot, nanatili siyang nakatitig sa buwan. “Hindi para sakin yung pagiging masaya, ang pagiging masaya, para lang sa mga tao na deserve 'yon. In my case, I don't deserve to be happy.” kahit naguguluhan ako kung anong ibig sabihin ng sinabi niya, kitang kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot. “Bakit?” tanong ko na naman. Napangiti siya saka ako kinurot sa ilong. “Puro ka tanong, hindi ko alam na may ganito kang side.” natatawang sabi niya. “Deserve mo maging masaya.” sabi ko habang nakatingin sa asul niyang mga mata. Kinuha ko ang kamay niya saka dinampian ng halik 'yon. Literal na natigilan siya dahil hindi talaga siya nakagalaw dahil sa ginawa ko. Akmang bibitawan ko na ang kamay niya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya. “Ako naman ang magtatanong...” seryosong sabi niya. Napalunok ako. “A-Ano 'yon?” tanong ko. “Pwede bang mahingi yung number mo?” tanong niya. Napalunok ako at tila wala sa sariling napatango. “S-Sige...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD