"Z-Zared..."
Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi siya natinag. Nakatungo lang ako habang hila hila niya ko, ayokong tumunghay dahil makikita niya ang kulay mansanas ko na yatang mukha.
Dinala niya ko sa may puno na lagi kong tinatambayan. Pinaupo niya ko do'n, umupo naman siya sa tabi ko.
"Namayat kana lalo Reign, masyado mo ba akong iniisip nung wala ako?" napasimangot ako sa tanong niya.
Inakbayan niya ko saka mas inilapit ang sarili sakin. Napapikit ako nang maramdaman kong dinampian niya ng halik ang sentido ko.
"Do you like me too Reign?" tanong niya habang hinahaplos ang balikat ko.
Nakakarelax ang yakap at haplos niya sakin.
"H-Hindi kita hahayaan na yakapin ako ng ganito at h-halikan ako kung hindi kita gusto." nauutal na sabi ko.
Wala na rin namang kwenta kung itatanggi ko, hindi na rin naman ako makakaiwas sa kanya kahit anong gawin ko.
"Gusto sana kitang halikan ulit kaso saka na, kapag sinagot mo na ko."
Inalis niya ang pagkakaakbay sakin at kinuha ang bag niya. Napakunot ang noo ko nang may kunin siyang maliit na box do'n.
"Talikod ka, isusuot ko 'to sayo." kinuha niya ang kwintas sa loob ng maliit na box.
Letrang 'R' ang pendant ng kwintas at maganda ang pagkakagawa, mukhang mamahalin ang kwintas na 'to.
Sinuot niya sakin ang kwintas nang tumalikod ako. Napangiti ako saka hinawakan ang kwintas.
"Hindi ba mahal 'to Zared?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya. Napangiti siya at napakamot sa kilay niya.
"Medyo mahal, pero sariling pera ko ang ginastos ko. Ayokong umasa lagi kay Papa." napangiti ako sa sinabi niya.
Natulala siya sakin saka hinaplos ang pisngi ko. Natigilan ako nang dampian niya ng halik ang pisngi ko.
"You should smile more often Reign, lagi ako natutulala kapag nangiti ka." pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko.
Laging bago sa paningin niya kapag nangiti ako, hindi naman kasi ako palangiti. Kay Nanay ko lang talaga hindi pinagdadamot ang ngiti ko, at mukhang pati kay Zared na rin.
"Look, we have the same necklace." pinakita niya sakin ang kwintas na nasa leeg niya.
Letrang 'R' din ang pendant ng kwintas niya, mas manly lang ang dating ng kwintas niya dahil mas makapal ito kaysa sakin.
Muli niya kong inakbayan. Napapikit na lang ako at hinayaan siya, gusto ko rin naman eh.
"Gusto ko pag nagkaanak tayo na babae, Reignalia ang second name niya." biglang sabi niya.
Napatingin ako sa kanya pero mukhang maling move 'yon dahil sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Katulad ng spelling ng pangalan mo..." kinuha niya ang kamay ko at sinulat do'n ang spelling ng Reignalia gamit ang daliri niya.
Medyo nakikiliti ako pero hinayaan ko na lang siya. Magandang pangalan nga 'yon.
"Pag lalaki, Reignolio?"
Napahagalpak siya ng tawa sa tanong ko. Napasimangot ako sa sinabi niya. Seryoso kaya ako.
"Pero dapat yung first name niya, nagsisimula sa letter Z." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi pa nga kita sinasagot nag-iisip kana agad ng pangalan ng magiging anak natin." natawa siya sa sinabi ko saka kinurot ang ilong ko.
"Sige na, wag kang KJ." pamimilit niya.
"Hmm..." napahawak ako sa baba ko habang sinusubukang mag-isip ng second name.
"...wala akong maisip." nakasimangot na sabi ko.
"Kahit ano, basta ikaw nag-isip." pangungulit niya.
"Zerina." napangiti siya sa pangalan na naisip ko.
"Zerina Reignalia Farthon. Ang ganda diba?" nakangiting sabi niya. Lihim na napangiti ako. May pagka-isip bata pala siya.
Magandang pangalan nga ang naisip namin, lalo na kung pangalan 'yon ng magiging anak namin.
***
"Hindi ko kinaya si Ridge, may pa-announcement pa." sabi ni Alliah saka ako hinampas sa balikat na para bang close kami.
"Oo nga eh, sa Danger Zone, si Ridge ang pinaka low-key. Kumbaga hindi siya masyadong nae-expose, ayaw niya ng exposure. Pero kahapon, ginawa niya ang maka-agaw pansin na announcement na 'yon para sayo!" kinikilig na sabi ni Mea.
Pinigil ko ang ngiti ko, hindi dapat nila mahalata na kinikilig ako. Hindi dapat ako magpakita ng emosyon sa kanila.
"Ikaw Gio, kailan mo balak kumilos?" tanong ni Nestlyn. Tiningnan siya ng masama ni Gio, natawa naman si Mea. Si Alliah naman nakakunot lang ang noo na tila nagtataka.
"May crush kana Gio? Hindi mo man lang sinasabi sakin ah! Ang bobo mo talaga." sabi ni Alliah at binatukan pa si Gio.
Napatingin ako sa kanila na nag-aasaran at nagtatawanan. Ang peaceful nilang tingnan, ayaw ko man aminin pero alam ko sa sarili ko na magaan na ang loob ko sa kanila. Kinakatakot ko na mangyari ang ganito pero pakiramdam ko kulang na yung araw ko kapag hindi sila nangungulit.
Natigilan sila nang tumikhim ako. Napaiwas ako ng tingin habang nilalaro ang mga daliri ko. Kinakabahan ako pero sasabihin ko pa rin 'to sa kanila.
"Nga pala, h-hindi ko pa kayo napasalamatan sa pagtulong niyo sakin nung nakaraang araw..." nakatungong sabi ko. Nakatingin lang sila sakin.
"...s-salamat sa pagligtas niyo sakin, k-kahit lagi ko kayong tinataboy." pakiramdam ko namumula na naman ang pisngi ko. Hindi ako sanay magpasalamat sa ibang tao, hindi naman kasi ako nanghihingi ng tulong sa iba. Ni wala nga akong mga kaibigan eh.
"P-Pero wag kayo umasa na magaan na ang loob ko sa inyo, hindi ko pa rin kayo kaibigan."
Imbis na magalit, natawa pa sila sa sinabi ko. Napapitlag ako nang akbayan ako ni Nestlyn. Ang tangkad niya talaga, halos katangkaran niya na yung ibang lalaki.
"Alam mo teh, ang arte mo. Sakalin kita diyan eh." sabi ni Nestlyn sakin habang nakain ng apple.
Tinuloy na lang nila ang pagk-kwentuhan. Minsan tinatanong nila ako na sinasagot ko naman kahit tipid. Pinipigil ko nga minsan ang ngiti ko kapag natatawa ako sa pinagk-kwentuhan nila.
Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanila na nagtatawanan na para bang mga walang problema.
Makakayanan ko ba na bigyan sila ng pagkakataon na maging kaibigan ko? Makakayanan ko bang magtiwala sa kanila ng buo?
***
PINUNASAN ko ang pawis ko sa noo ng panyo pagkatapos kong ayusin ang mga libro sa isang bookshelf. May aircon naman dito pero pinagpapawisan pa rin ako.
Pumunta ako sa bookshelf ng history books, pinakasulok to at walang masyadong nagbabasa sa mga libro dito kaya minsan inaalikabok.
Pinunasan ko ng basahan yung ibang libro at saka inayos.
Natigilan ako nang maramdaman kong may humaplos sa pisngi ko. Tatabigin ko na sana pero ang nakangiting labi ni Zared ang bumungad sakin. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin.
"Sobrang busy mo ah, may dumi kana sa mukha." pinahid niya gamit ng hinlalaki ang pisngi ko.
Natigilan ako nang ilapit niya ang labi sa tainga ko saka may ibinulong.
"Ang ganda ng babaeng gusto ko kahit madungis siya." nag-akyatan ang dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
Tumulong siya sakin sa pag-aayos ng mga libro. Lihim na napangiti na lang ako, kung hindi ko nakilala si Zared malamang ang boring pa rin ng buhay ko at paulit-ulit na lang.
Natigilan ako nang hawakan niya ko sa baywang at hinila ako palapit sa kanya nang matapmatapos na kami mag-ayos ng mga libro.
"Z-Zared, baka may makakita satin." bulong ko. Ang init na ng pisngi ko.
"Napagod ka ba?" tanong niya, hindi niya pinansin ang sinabi ko saka dinampian ng halik ang noo ko.
"Hindi pa kita sinasagot Ridge Zared." sabi ko saka sinimangutan siya kahit kinikilig naman talaga ako.
"Ngayon lang ako naglakas loob na gawin 'to, ang hirap kaya magpanggap na friendly sayo at magpaka-gentleman." natatawang sabi niya. Hinampas ko siya sa braso.
"May crush kana pala sakin, ang dami mo pang pakulo." pang-aasar ko sa kanya.
"Sus, crush mo rin kaya ako. Oh, wag mong itanggi." napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Ang cute mo talaga, nanggigigil ako. Payakap pa nga." hindi na ko pumalag nang yakapin niya ko.
Ang mokong, ang higpit ng yakap sakin. Nanggigil nga yata talaga siya sakin.
"Umayos ka nga Zared, may mga CCTV sa paligid." bulong ko. Parang wala naman siyang pakialam at nakayakap lang sakin.
"Pakialam ko sa kanila." dinampian niya ng halik ang pisngi ko.
"Nanliligaw ka pa lang, halik ka na ng halik. Paano na lang kapag sinagot na kita?" nakapamaywang na tanong ko.
"Bubuuin na natin si Zerina Reignalia no'n---aray!" daing niya nang batukan ko siya. Puro siya kalokohan eh.
"Payakap na lang ulit, nakakatanggal ng pagod at emotional stress yung presenya mo Reign De Ocampo." sabi niya habang nakayakap sakin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang pagngiti ko.
Natatanggal din ang pagod ko kapag nandyan si Zared.
"Walang tao dito, pinakasulok 'to." sabi niya nang kumalas siya ng yakap sakin. Napakunot ang noo ko.
"Ano naman?" napangisi siya sa tanong ko.
"Magkiss tayo dito."
Hinampas ko siya ng libro sa braso. Natawa naman siya at inagaw mula sakin ang librong pinanghampas ko sa kanya.
"Mabilis lang, 3 seconds lang." hirit pa niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Zared, puro ka kalokohan." dinadaan ko lang sa sungit pero kinikilig ako sa pinagsasasabi niya.
"Seryoso kasi ako..." napatingin ako sa mukha niya. Mukha nga siyang seryoso.
"...pero kung ayaw mo okay lang. Pero mas okay kung papayag ka. Sobrang ok---" napatigil siya sa pagsasalita.
Natulala siya nang dampian ko siya ng halik sa labi. Agad akong napatingin sa paligid kung may nakakita samin.
Napatingin ako kay Zared, pulang pula ang tainga niya. Napansin ko na bumigat ang paghinga niya.
"O-Okay ka lang Zared?" bigla akong nahiya sa ginawa ko.
"D-Dapat nagsabi ka muna, n-nabigla ako. Mukha tuloy akong ewan, b-bakit kasi? I-I mean ano, a-ano bang sinasabi ko?" pati ako naguguluhan sa sinasabi niya.
Natigilan siya nang matawa ako ng mahina. Nakatitig lang siya sakin habang tinatawanan ko siya.
"Nakakainis, bakit mo ko tinatawanan?" tila naiinis na tanong niya. Pulang pula pa rin ang tainga niya. Kinikilig ba siya o nahihiya?
"May mahiyain ka palang side Ridge Zared." natatawang sabi ko. Sinimangutan niya lang ako. Ang cute niya.
"Maglilinis ka sa penthouse ko?" tanong niya.
"Oo, sabi ni Ma'am ikaw raw ang nagrequest no'n." tumango lang siya sa sinabi ko.
"Labas na tayo, naglunch kana ba?" tanong niya, umiling ako.
"Halika, kain tayo." hinila niya ko palabas ng library. Napatingin ako sa librarian at sinenyasan siya na babalik ako mamaya.
"Doon tayo kakain sa headquarters namin." natigilan ako sa sinabi niya.
"Bakit doon?" tanong ko.
"Ipapakilala na kita sa mga kaibigan ko. Tapos bibilinan ko na rin sila na bantayan ka, dapat walang ibang lalaki ang makakalapit sayo." sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko. Nakatingin samin ang ibang mga estudyante pero wala na rin akong pakialam, inanunsyo na nga niya sa buong school na nanliligaw siya eh.
Napaawang ang labi ko nang tumigil kami sa tapat ng malaking bahay sa pinakalikod na part ng school. Grabe, bakit ngayon ko lang nalaman na may malaking bahay dito?
"Ito ang headquarters namin, pwede kang pumunta diyan anytime." sabi niya saka hinila na ko papasok. Kinakabahan ako.
"Nakakainis ka Rash Pierre!" napangiwi ako nang sigaw ng babae agad ang bumungad samin pagpasok namin sa loob.
"Melody naman eh, minsan na lang ako magyosi ngayon. Last na 'yon promise." sabi naman nung lalaki.
"That's my brother, Rash." bulong sakin ni Zared. Iginiya niya ko paupo sa couch saka umupo sa tabi ko.
"Ewan ko sayo! Nakakainis ka!" lumabas na yung babae na sa tingin ko ay girlfriend ni Rash. Napakamot siya sa batok niya at sinundan ang girlfriend niya.
"Hello Reign!" napatingin ako sa lalaki na tumawag sakin. Napakunot lang ang noo ko sa kanya.
"I'm Brent Axel Ferrer, it's nice to finally meet you." inilahad niya ang kamay niya. Aabutin ko sana ang kamay niya para makipagkamay pero agad na hinawakan ni Zared ang kamay ko saka tiningnan ng masama si Brent.
"Subukan mong hawakan si Reign, sasapakin kita." pagbabanta ni Zared. Hinampas ko siya sa balikat, grabe naman 'yon.
"Anak ng---pare-parehas kayong mga Farthon, mga seloso." napapailing na sabi ni Brent.
"Hindi ako seloso." sabi nung isang lalaki na panay ang tipa sa cellphone nito.
"He's Anthony, my cousin." bulong ni Zared sakin. Napatango na lang ako.
"Talaga? Sa pagkakaalala ko kasi sinapak mo si Kaden nung nakaraang linggo dahil nakatitig siya sa girlfriend mo." panglalaglag ni Brent sa kanya. Tiningnan siya ng masama ni Anthony.
"Hey morons!" napatingin ako sa lalaki na galing sa isang kwarto. Napangiwi ako nang makitang may kaakbay siya na babae na halos wala ng damit sa sobrang ikli.
Gulo gulo ang buhok ng lalaking kakalabas lang ng kwarto, pawisan siya at tanggal ang pagkakabutones ng damit nito kaya kitang kita ang matipunong katawan nito. Napangiwi ako, mukhang gumawa sila ng kababalaghan.
Natigilan ako nang takpan ni Zared ang mga mata ko at mas hinila ako papalapit sa kanya.
"Kaden Scott! Ayusin mo yang damit mo kung ayaw mong ako naman ang sumapak sayo." bakas ang pagkaseryoso sa boses ni Zared.
"Katawan ko lang dapat ang tinitingnan mo." bulong ni Zared sakin. Inalis ko ang kamay niya sa mga mata ko saka tiningnan siya.
"Katawan mo lang ang maganda sa paningin ko." seryosong sabi ko. Agad siyang natigilan, namula na naman ang magkabilang tainga niya.
"Tangina bakit nangangamatis si gago?" napalingon ako sa bagong dating na lalaki, nakatingin siya kay Zared na namumula pa rin ang tainga. Bakit ganyan siya kiligin? Natatahimik tapos namumula yung tenga.
Sobrang cute.
Napatingin ako sa lalaki, parang nakikita ko siya sa mga billboards. Alam ko model siya pero hindi ko siya kilala. Nakita ko pa nga siya sa isang interview, pero hindi ko maalala yung pangalan niya.
"You can go now babe." sabi nung Kaden sa babaeng kasama niya lumabas ng kwarto.
"'til next time?" tanong nung babae. Napangisi lang si Kaden. Babaero ang isang 'to.
Umalis na yung babae, umupo naman si Kaden sa tabi ni Anthony at ginulo ito.
"Stay away from me Kaden! Amoy s*x kang hayop ka!" masungit na sabi ni Anthony.
"Hey Farthon's girl, I'm Psyche, not Psyche in Greek mythology, but Psyche Vincent Freenwar." pagpapakilala nung model. Napansin ko na mukha siyang masungit sa personal, ngiting ngiti pa naman siya sa interview, masungit pala sa personal.
"Hello Reign, I'm Kaden." nakangising sabi ni Kaden. Parang hindi ko pa siya nakitang ngumiti, lagi siyang nakangisi. Babaerong babaero.
"Hoy Ulap! Saan ka galing?" tanong ni Brent sa lalaking kakapasok lang.
"Fck off." matipid na sabi nito. Mukhang mas masungit ang isang 'to kaysa kay Psyche.
Napalingon yung lalaking masungit sakin, mukhang kilala niya ko.
"Cloud Spencer Falcon." matipid na sabi niya, inilahad niya ang kamay sakin. Nag-aalangang inabot ko 'yon. Nakakapagtaka dahil hindi ako pinigilan ni Zared na makipagkamay sa kanya.
Umupo na si Cloud, napakunot ang noo ko nang kinuha niya ang maliit na alcohol sa bulsa niya at nilagyan ang kamay niya saka pinunasan ng puting panyo. Literal na napaawang ang labi ko.
"Ganyan talaga siya, mailap sa babae." bulong ni Zared sakin. Napatango na lang ako, bakla ba siya?
"Fck! I told you the specific instructions and yet---damn. You're fired!" bulyaw ng lalaking kakapasok lang pero nakasigaw na. May kausap ito sa phone, nakaramdam ako ng awa sa kausap niya.
"Kalibre, anong---" hindi na naituloy ni Brent ang itatanong.
"What?!" masungit na tanong nung 'Kalibre' raw.
"Chill, puputok na yung balls mo eh." pang-aasar pa ni Kaden.
"Shut the fck up!" masungit na sabi niya.
Napatingin sakin yung Kalibre saglit pero agad ring pumasok sa isang kwarto at padabog na sinara 'yon. Mukhang may sari-sarili silang mga kwarto dito. Hindi na nakakapagtaka, napakalaki naman kasi ng bahay na 'to, parang mansyon.
"Sorry about his attitude, gano'n lang talaga 'yon." hinging paumanhin ni Anthony. Tipid na ngumiti na lang ako.
"He's Caliber Jed Fernandez, araw-araw mainit ulo no'n." bulong ni Zared sakin.
"Pasensya na, magugulo talaga sila. Hindi tuloy kita naipakilala ng ayos." sabi ni Zared saka inipit ang buhok na humaharang sa buhok ko sa ilalim ng tenga ko.
"Okay lang." sabi ko at ngumiti sa kanya.
Pero ang weird talaga ng mga kaibigan niya sa totoo lang.
***
"
Oo nga, pupunta ako sa penthouse mo. Ang kulit mo." sabi ko kay Zared.
"Susunduin na kasi kita diyan." pagmamaktol niya sa kabilang linya. Kanina pa siya tawag ng tawag at tumawag na naman siya ngayon.
"Wag na, saan ka naman nakakita no'n? Tagalinis pa rin ako ng penthouse mo, tapos susunduin mo ko? Baliw ka talaga noh." pinipigil kong matawa.
Habang tumatagal nakikita ko ang isip-bata niyang side.
"Hindi mo na yata ako gusto." pabulong na sabi niya pero narinig ko naman. Natawa na talaga ako ng tuluyan, sobrang cute niya lagi.
"Gusto pa rin kita, mas lalo nga kitang nagugustuhan eh." hindi ko naman itinatanggi sa kanya ang katotohanang 'yon, pero hindi ko pa siya sinasagot.
Natahimik siya sa kabilang linya. Mas lalo akong natawa, mukhang namumula na naman ang tainga niya.
"Bye na, pupunta na ko diyan." hindi ko na siya hinintay na makasagot. Pinatay ko na agad ang tawag.
Lumabas na ko ng kwarto ko. Naabutan ko si nanay na naghuhugas ng plato. Si Ate Ren naman ay busy sa pagm-make up. May raket siya tuwing gabi sa bar. Kaya nga naaawa ako sa kanya kahit lagi siyang galit sakin. Hindi na siya nagpapahinga.
"Mga anak, ito sandwich baunin niyo." inabutan kami ni nanay ng sandwich.
"Reign anak, umuwi ka kaagad pagkatapos mo magtrabaho ha. Delikado pag gabi." bilin ni nanay sakin, ngumiti ako at tumango.
"Gising na gising pa naman yung mga kapitbahay kahit gabi." sabi ko na lang.
Maswerte kami sa mga kapitbahay namin dito sa looban, talagang mababait ang mga tao dito at nagtutulungan lahat. Naalala ko nung na-ospital si Ate Ren, hindi kami namroblema sa uutangan.
"Alis na ko nanay." kinuha ni Ate Ren ang sandwich na ginawa ni nanay saka dinampian ng halik si nanay sa noo.
Masungit man si Ate Ren sakin, mabait at malambing naman siya kay nanay na pinagpapasalamat ko.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi Reign." matipid na sabi ni Ate sakin saka kinuha ang bag niya at umalis na.
Nagpaalam na rin ako kay nanay at umalis na.
"Magtatrabaho kana Reign?" tanong ni Mang Gusti na nakikipag inuman. Ngumiti ako at tumango.
Matitino naman sila kahit madalas sila mag-inom.
"Reign, ihahatid ka ulit ng nobyo mo?" tanong ni Aling Merina na tindera.
"Wag po kayong maingay, hindi pa alam ni nanay." pabirong sabi ko sa kanila. Nagtawanan ang mga kapitbahay.
Magaan ang loob ko sa mga kapitbahay namin.
"UUWI agad kayo pagkatapos niyo ah." bilin samin ng manager.
"Opo Ma'am." sabay sabay na sagot namin.
Inayos ko na ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng penthouse ni Zared. Hindi ko alam kung may silbi pa ba 'to dahil siguradong malinis naman 'yon lagi kapag naaabutan ko.
Agad kong pinindot ang doorbell nang nasa tapat na ko ng pinto. Nagbukas naman agad 'yon.
Papasok na sana ako kaso isang magandang babae ang bumungad sakin, natigilan ako.
"Hello, ikaw ba yung maglilinis nitong penthouse?" nakangiting tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita, napakaganda niya. Kahit artista mahihiyamg dumikit sa kanya.
Bakit siya nasa loob ng penthouse ni Zared?
"Carina!" narinig ko ang boses ni Zared mula sa loob. Pakiramdam ko namumuo na ang mga luha sa mga mata ko.
Nagbigay daan sakin ang tinawag na Carina ni Zared papasok sa loob.
"Ridge! Yung tagalinis nandito na!"
Nanliit ako sa sarili ko, tagalinis. Napakalayo talaga ng agwat namin sa kahit anong aspeto.
"Reign!" agad akong tinawag ni Zared nang makita niya ko. Nagtungo siya papalapit samin.
"Come in--wait, are you crying?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Agad akong umiling.
"M-May pupuntahan lang po ako saglit." iniwan ko na ang mga panglini do'n at agad na naglakad paalis.
"Reign!" narinig kong tawag ni Zared sakin pero tuloy lang ako sa paglalakad, mas binilisan ko pa ang lakad ko.
"Reign!" nahawakan niya ko sa braso. Agad niya kong pinaharap sa kanya.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko, nangako ako dati sa sarili ko na hindi ako iiyak sa harapan ng lalaki pero ito ako ngayon, naiyak sa harapan ni Zared.
"What's wrong?" lumapit siya sakin at agad na pinahid ang mga luha ko.
"N-Nakakainis ka..." sinuntok ko siya sa dibdib.
"Nagseselos ka ba kay Carina?" tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"S-Sorry, hindi pa naman tayo. W-Wala akong karapatan magselos." sabi ko habang panay ang iwas ng tingin sa kanya.
"Reign, look to me..." hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Napangiti siya saka pinahid ang mga luha ko.
Bakit ang babaw ng luha ko pagdating sa kanya?
"First of all, Miranda Carina is my cousin, kapatid siya ni Anthony. Napadaan lang talaga siya dito..." natigilan ako. Bakit hindi ko napansin na kamukha ni Carina si Anthony?
"...lastly, kahit hindi mo pa ko sinasagot, gusto kong malaman mo na may karapatan kang magselos sa lahat ng babaeng lalapit sakin. Naiintindihan mo?" napatitig ako sa seryosong mukha niya na nakatitig sakin.
"May karapatan kang magselos kasi mahal kita..."
***