“So kailan mo pa balak sagutin si Ridge?” tanong ni Alliah.
“Kung kailan ko feel.” tipid na sagot ko habang nagbabasa ng libro tungkol sa Greek mythology.
Apat na buwan ng nanliligaw sakin si Zared, ang gusto ko sa kanya ay yung hindi niya ko pine-pressure na sagutin ko siya, at isa pa, nage-effort talaga siya sa panliligaw sakin. Hindi puro salita lang.
“Alam mo kung katulad ni Ridge yung manliligaw sakin, hindi ko papatagalin ng isang araw yung panliligaw niya.” kinikilig na sabi ni Mea, binatukan naman siya ni Nestlyn.
“Napakalandi mo talaga eh noh.” inirapan lang niya si Nestlyn.
“Palibhasa hindi ka nagkakacrush. Hindi ka normal na tao!” pang-aasar naman ni Mea kay Nestlyn.
“Tomboy kasi yan.” panggagatong naman ni Gio. Mas lalong nainis si Nestlyn, ayaw niyang tinatawag siyang tomboy.
“Tomboy ka pala eh!” dagdag ni Alliah.
Napailing na lang ako. Ayoko mang aminin pero sanay na ko sa presensya nilang apat. Tuwing tinatanong nila ako kung kaibigan na ang turing ko sa kanila, paulit-ulit ko 'yong tinatanggi. Ayoko pa rin magtiwala ng buo sa kanila, pero alam ko sa sarili ko na parte na sila ng buhay ko.
“Reign!” napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko.
“Ayan na pala si prince charming.” bulong ni Gio.
“Uy kinikilig siya.” pang-aasar ni Alliah at dinutdot pa yung pisngi ko. Tinampal ko yung kamay niya.
“Pwede ko bang mahiram muna si Reign?” tanong ni Zared sa kanila.
“Ay nako oo naman, kahit wag mo na isoli.” tiningnan ko ng masama si Mea.
Hinawakan ni Zared ang kamay ko at kinuha ang bag ko at mga libro. Hinahayaan ko na lang siya kapag bigla niyang hinahawakan ang kamay ko o kaya naman ay inaakbayan ako. Komportable naman ako kapag siya ang nahawak sakin, pakiramdam ko ligtas ako lagi.
“Kaibigan mo na sila noh?” tanong ni Zared habang naglalakad kami papuntang headquarters. Agad akong umiling.
“Hindi nga, kulit mo. Araw-araw mo na yata tinatanong yan eh.” kinuha ko mula sa kanya ang mga librong hiniram ko lang kanina sa library.
“Ang dami ng librong yan ah, may exam ba kayo?” tanong niya. Tumango ako.
“I'll help you with your studies at my penthouse.” sabi niya saka binuksan ang pinto ng headquarters.
“Baka abutin na naman ako ng madaling araw sa penthouse mo.” sabi ko saka napailing.
Umupo kami sa couch, ipinatong niya ang bag ko sa mini table saka hinila ako papalapit sa kanya at inakbayan.
Clingy talaga si Zared, para siyang bata minsan na naglalambing sa nanay. Pero hindi naman sa ayaw ko na gano'n siya, gusto ko nga 'yon eh, pero hindi ko 'yon inaamin sa kanya.
“Ano naman? Ihahatid naman kita sa inyo eh.” totoo naman 'yon, lagi niya kong hinahatid pauwi, hindi siya napayag na uuwi ako mag-isa. Sa katunayan nga niyan sinusundo niya pa ko sa amin.
Tagalinis ako sa penthouse niya pero sa totoo lang 'yon na ang pinakapahinga ko, hindi ko naabutang marumi ang penthouse niya sa loob ng ilang buwan kong tagalinis do'n. Imbis na maglinis ako, pinagpapahinga na lang niya ko. Minsan nagk-kwentuhan kami, o kaya naman magr-roadtrip sa kung saan-saan, minsan naghaharutan din.
“Alam mo namang hindi pa alam nina nanay yung tungkol sayo eh.” sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. Nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko eh.
“Ikaw naman kasi, sobrang willing naman ako magpakilala sa pamilya mo. Ikaw lang may ayaw.” tila nagtatampong sabi niya. Natawa na lang ako at tinampal ng mahina ang noo niya.
“Diba nakwento ko naman sayo si Ate Renelah, magagalit 'yon kapag nalamang nagpapaligaw lang ako kaysa unahin yung pag-aaral ko.” napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
“Alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo 'yon, mas mahal mo nga yung pag-aaral kaysa sakin eh.” natawa ako sa sinabi niya.
“Hindi ko naman mahal yung pag-aaral, sadyang kailangan ko lang gawin 'yon para sa pamilya ko.” sabi ko at kinurot ang matangos niyang ilong.
Bakit ang gwapo niya?
“I know, and I really admire you because of that.” bumangon siya at hinarap ako.
Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko. Napangiti naman ako nang yakapin niya ko ng mahigpit.
“What have you done to me Reign De Ocampo? Damn, I love you so much.” nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
“Ayos, ito pa ang naabutan ko. Ang tamis.” agad kong naitulak si Zared nang marinig ko ang boses ni Brent.
“Akala ko ba hindi kayo tatambay dito ngayon?!” naiiritang tanong ni Zared.
“Chill Farthon, ito condom para sayo.” napaawang ang labi ko nang abutan ni Kaden ng condom si Zared.
“Fck you Kaden Scott!” ibinato ni Zared ang condom kay Kaden. Napailing na lang ako.
“Fck, dumikit sakin yung condom.” nandidiring sabi ni Cloud saka pinagpag pa ang braso na nadikitan nung condom.
Gusto kong matawa, sobrang arte talaga ng isang 'to, hindi naman gamit yung condom at nakabalot pa pero diring diri na.
“Bakla ka talaga noh? Kaya pala napapansin ko na nakatingin ka sakin minsan, lalo na sa abs ko.” nakangising pang-aasar ni Anthony sa kanya.
“Shut the fck up, kung magiging bakla man ako, bakit sayo pa ko magkakagusto? Mas gwapo ako ng sampung beses sayo.” masungit na sabi ni Cloud.
“Sus, pare-parehas kayong mga bakla at sakin kayo may gusto.” mayabang na sabi ni Kaden.
“Hoy Kaden manahimik ka, ako ang pinakasikat sating lahat, kaya ako ang pinakagwapo.” entrada ni Psyche pagpasok na pagpasok niya.
Madalas masungit si Psyche, pero madalas din malakas mang-asar.
“Manahimik ka, sikat ka pero tagahanga lang kita at di hamak na ako ang pinakamagaling sa kama dito. Kahit si Rash Pierre walang wala sakin.” mayabang na sabi ni Kaden.
“Tanginamo!” sinugod siya ng mga baliw niyang kaibigan. Natatawang napailing na lang ako. Natigilan ako nang hawakan ni Zared ang kamay ko.
“Natatawa ka sa kanila?” nakasimangot na tanong niya. Napatango ako, nakakatawa naman talaga sila eh.
“Dapat ako lang ang nginingitian at tinatawanan mo.” nakasimangot na sabi niya.
“Hoy kayong dalawa, lumabas kayo rito. Malalanding nilalang.” sabi ni Brent saka hinampas ng unan si Zared.
“Palibhasa kasi walang pumapatol sayo.” masungit na pambabara ni Cloud sa kanya.
“Wow, nahiya ako sayo. Bakit may pumapatol ba sayo? Konting dikit lang sayo ng babae naga-alcohol kana.” natawa ako sa sinabi ni Brent, tama siya do'n ah.
“Pero Reign...” napatingin ako kay Kaden, naging seryoso ang boses niya.
“...ang totoo niyan bakla talaga yang si Ridge. May crush siya sakin dati pa. Hindi ko naman siya masisisi, sobrang gwapo ko eh. Sana matanggap mo---aray! Tangina ang sakit ah!” hindi na natuloy ni Kaden ang sasabihin niya dahil tinadyakan siya ni Zared. Hinampas ko sa braso si Zared, ang pikon talaga niya.
“Hindi ba kayo tatahimik?” napalingon kaming lahat kay Caliber na kakalabas lang ng kwarto niya.
Nakakunot na naman ang noo niya at parang galit na naman sa mundo. Hindi ko pa talaga nakitang ngumiti ang isang yan. Laging galit eh.
“Si Caliber talaga yung bakla sating lahat, pustahan walang s*x life yan.” pang-aasar ni Anthony. Mas lalong napakunot ang noo ni Caliber.
“Fck you all.” masungit na sabi ni Caliber saka muling pumasok sa kwarto niya.
“Tara sugurin natin 'yon?” tanong ni Brent saka nagtaas baba pa ng kilay.
“Oo nga, malay niyo nasa loob pala ang kulo no'n at nanonood pala siya ng p**n sa kwarto niya.” pagsakay ni Kaden sa trip niya.
Natigilan ako nang hawakan ni Zared ang kamay ko saka hinila ako patayo. Kinuha niya ang bag ko sa mini table.
“Aalis na kami, puro kayo kalokohan.” sabi ni Zared.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng headquarters nila.
"May klase kana diba, ihahatid na kita sa room niyo." napatango na lang ako sa sinabi niya.
"By the way, may laro kami ng basketball mamayang 2 pm, i-cheer mo ko ha. Para ganahan ako maglaro." tila naglalambing na sabi niya at ini-sway pa ang mga kamay naming magkahawak.
"Hindi pwede, mag-aaral ako." matipid na sabi ko. Napasimangot naman siya.
"Okay, pero kung may time ka pumunta ka ng court." nakangiting sabi niya.
Nagtataka ako minsan kung bakit sobrang tiyaga niya sakin. Apat na buwan na siyang nanliligaw, minsan hindi ako malambing sa kanya at may mga pagkakataon na wala akong time para sa kanya gaya ngayon pero wala siyang pakialam sa lahat ng 'yon, kung tutuusin madami namang nagkakagusto sa kanya na di hamak na mas magaganda at mas bagay sa kanya.
"Hindi ako nangangako, pero ita-try kong manood ng laro niyo mamaya." napangiti siya sa sinabi ko.
***
Napabuntong hininga ako habang tinatanaw si Zared mula sa labas ng court. Hindi na ko nakaabot at mukhang tapos na yung laro nila.
Pumasok na ko sa loob, wala na masyadong tao sa court, naglabasan na sila. Umupo ako sa may sulok habang hinahanap ng mga mata ko si Zared.
Nakita ko kaagad si Zared kahit nakatalikod siya sa pwesto ko, nagpupunas siya ng pawis habang patingin tingin sa paligid. Ako yata ang hinahanap niya, nakaramdam naman ako ng konsensya, inuna ko muna kasi ang mga dapat kong gawin.
"Ridge!" napakunot ang noo ko sa cheerleader na lumapit kay Ridge. May dala siyang bottled water.
"Inom ka, mukhang nauuhaw kana." automatic na napataas ang isang kilay ko nang kunin ni Zared ang tubig na inalok nung cheerleader.
Naririnig ko usapan nila dahil medyo malapit ako sa kanila, hindi lang talaga ako nakikita ni Zared dahil nakatalikod siya sa pwesto ko.
"Thanks." sabi niya saka ngumiti.
"Hala, pawis na pawis kana. Punasan kita." napakuyom ang kamao ko sa kalandian ng cheerleader na 'yon. Konti na lang talaga at susugurin ko siya at hihilahin ang buhok niya hanggang sa maubos.
"Wag na, baka magalit yung nililigawan ko." magalang na pagtanggi niya sa babae.
Gusto kong matawa nang bigong umalis yung haliparot na cheerleader.
"Zared!" agad siyang napalingon sa pwesto ko at napangiti. Ang gwapo niya lalo pag nangiti siya.
Agad siyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang bimpo na hawak niya at pinunasan ang pawis niya.
"Sorry hindi na ko nakaabot, ang dami ko pang ginawa eh." kinurot niya lang ang pisngi ko.
"Okay lang, basta wala kang kakausaping ibang lalaki wala tayong problema." hinampas ko siya sa balikat.
Litaw na litaw nag matipunong braso niya dahil naka jersey siya. Nakakainis tuloy, kaya kilig na kilig pa rin sa kanya yung mga babae kahit alam nila na nililigawan ako ni Zared.
"Hindi na ko pawis, payakap na." napangiti na lang ako at niyakap siya. Sobrang clingy talaga niya, pero imbis na mairita ako, kinikilig pa ko.
"Kahit naman pawisan ka yayakapin pa rin kita eh." paglalambing ko sa kanya. Para naman makabawi ako kasi hindi ko naabutan yung laro nila. Pero totoo naman na yayakapin ko pa rin siya kahit pawisan siya. Ang bango niya pa rin naman.
"Tumigil ka, pinapakilig mo na naman ako." natawa ako sa sinabi niya.
"Ano bang nakakakilig sa sinabi ko?" tanong ko saka kumalas ng yakap sa kanya. Napatitig ako sa asul niyang mga mata. Sobrang ganda talaga ng mga mata niya.
"Kahit simpleng banat mo kinikilig na agad ako eh. Para tuloy ako yung babae dito, nakakabakla." paghihimutok niya.
"Tama na nga, nagpapacute kana naman sakin." natatawang sabi ko. Napasimangot siya.
"Hindi naman ako nagpapacute eh." mas lalo akong natawa sa sinabi niya.
"Hindi raw, nagpapacute ka eh." tinusok tusok ko pa yung tagiliran niya. Pulang pula na naman yung magkabilang tainga niya, mukhang hindi na dahil sa kilig kundi dahil sa hiya.
Hanggang sa kami na lang talaga ang naiwan sa court at wala kaming ginawa kundi mag-asaran. Ang cute niya kasi mapikon.
"Hay nako, magbihis kana nga. Ang baho mo na." pang-aasar ko sa kanya pero joke lang 'yon.
"Mamaya na, namiss kita eh." umiling ako at hinila na siya patayo saka tinulak papasok ng shower room. Napailing na lang ako nang marinig ko pa ang reklamo niya sa loob.
Mukhang hindi ko na talaga maaalis si Zared sa sistema ko.
***
"Sorry talaga Zared." paglalambing ko sa kanya.
"Okay lang." sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya sa bag.
Nakalimutan ko na ngayon yung swimming competition niya, kung alam ko lang edi sana nag-alarm ako. Nakatulog kasi ako sa apartment ni Alliah na malapit lang sa school, nung nagising ako do'n ko lang nalaman na ngayon pala ang laban ni Zared sa swimming.
"Zared, sorry na kasi talaga. Babawi ako promise." tinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"It's really fine, I know you're busy too with some things." mas lalo lang akong nakokonsensya sa sinabi niya.
"Ipagluluto na lang kita, pupuntahan kita sa penthouse mo." sabi ko at kinuha mula sa kanya ang bag niya, ako ang nag-ayos ng mga gamit niya.
"Wag na, pagod din ako. Gusto ko ng matulog." tila walang ganang sabi niya at kinuha mula sakin ang bag niya.
"Akala ko ba hindi ka galit?" nakatungong tanong ko. Napabuntong hininga siya at lumapit sakin saka hinaplos ang pisngi ko.
"Hindi ako galit, kaya ayaw kitang papuntahin kasi hindi na kita maihahatid sa inyo kapag ginabi ka kasi nga pagod ako." napasimangot na lang ako sa sinabi niya.
"Eh paano ako makakabawi sayo niyan?" napangiti siya at kinurot ang pisngi ko.
"Okay nga lang, hindi mo na kailangang bumawi." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya saka napatango.
"Sige, uuwi na ko para makapagpahinga. Umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase mo. I-text mo ko kung wala kang masakyan, pupuntahan kita. I love you." dinampian niya ko ng halik sa noo saka kinuha sakin ang bag niya. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang makalabas siya ng pool area.
"Nako! Yung isa kasi diyan, ang sama ng ugali." napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni Alliah.
Napatingin ako sa kanilang apat, lumapit sila sakin saka umupo sa tabi ko.
"Grabe talaga noh, sobrang sweet ni Ridge. Nakakakilig." sabi ni Mea.
"Ikaw babaita, hindi ka man lang ba nakokonsensya. Dahil sayo second place lang si Ridge." pangongonsensya ni Nestlyn sakin.
"Anong magagawa ko? Eh sa nakatulog ako eh." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ikaw, isang tawag mo lang nandyan agad si Ridge para sayo. Tapos kapag siya..." napapailing na sabi ni Alliah.
"Oo nga, ang hiling lang naman niya eh panoorin mo swimming competition niya." tiningnan ko ng masama si Gio. Bakit ba nila ako kinokonsensya lalo?
"Wala ka ng makikilalang katulad ni Ridge sa mundong 'to, sobrang tiyaga, tapos ang gwapo pa. Saka yung katawan niya kanina, grabe..." napatigil si Mea nang tingnan ko siya ng masama.
"Charot lang." sabi niya at nagpeace sign.
"Kung ako sayo bumawi ka kay Ridge. Puntahan mo tapos lambingin." suggestion ni Nestlyn.
"Wow ang galing mag-advice, may jowa ka teh?" pang-aasar ni Gio.
"Manahimik ka, hindi ikaw kinakausap ko." sabi ni Nestlyn saka sinabunutan si Gio.
"Tama si Nestlyn, dapat puntahan mo siya saka lambingin. Nako minsan kana lang talaga makakahanap ng katulad ni Ridge. Kapag siya nagsawa sayo, ay nako." mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
Hindi ko yata kakayanin kapag nagsawa sakin si Zared.
"Isipin mo na lang kung ilang beses mo siyang binigo. Ilang buwan kaming nakabuntot sayo kaya alam namin yan." sabi naman ni Mea.
Napabuntong hininga ako nang maalala ko lahat ng 'yon. Ilang beses ko na nga siyang binigo. Isa lang 'to sa ilang beses na 'yon. Pero ni minsan hindi siya nagalit sakin.
"Reign, n-naiyak ka ba?" tanong ni Alliah. Napatingin silang lahat sakin.
"P-Paano ako makakabawi kay Zared?" tanong ko sa kanila.
"Yun nga, puntahan mo tapos lambingin mo." napatango ako sa sinabi ni Nestlyn.
Tama, 'yon na lang ang gagawin ko.
***
"Uuwi ka ng 8 ha." tumango ako kay nanay.
"Opo nay."
6 pm na ngayon, meron akong two hours para lambingin si Zared.
"Reign." napatingin ako kay Ate Ren na naghahanda na sa trabaho. Natigilan ako nang abutan niya ko ng paper bag na may kalakihan. Napangiwi ako, ang bigat naman ng regalo ni ate.
"Happy birthday, pasensya na kung kailangan ko magtrabaho. Wala ako dito mamaya." napangiti ako sa sinabi niya.
"Okay lang ate, salamat nga pala dito." sabi ko at inangat ang paper bag. Tipid na ngumiti lang siya saka umalis na.
Birthday ko ngayon, sa sobrang abala ko sa pag-aaral pati na rin kay Zared nakalimutan ko ng birthday ko pala ngayon.
Pupuntahan ko si Zared ngayon pero uuwi ako mamayang 8, magpapakain kasi si nanay sa mga kapitbahay namin at syempre nandoon ako kasi ako yung may birthday.
"Wow!" napangiti si nanay sa reaksyon ko nang makita ko kung anong regalo ni Ate sakin.
"Nanay hindi man lang ako nakapagpasalamat ng sobra kay ate Ren!" tuwang tuwa na sabi ko habang yakap yakap ang regalo ni ate Ren sakin.
Niregaluhan niya ko ng laptop! Saktong sakto dahil kailangan ko talaga 'to sa pag-aaral ko. Lagi akong nakikihiram lang ng laptop kina Alliah eh
"Oo, pinag-ipunan talaga yan ng ate mo. Kaya nga atat na atat siyang umalis dahil nahihiya siyang makita yung reaksyon mo." natatawang sabi ni nanay.
Alam ko naman na mahal din ako ni ate kahit lagi siyang nagagalit sakin. Pero hindi ko alam na magagawa niya kong regaluhan ng ganito.
Kinuha ko ang cellphone ko saka nagtext kay ate at nagpasalamat. Kinikilig pa rin ako sa regalo ni ate sakin.
Paglabas ko ng bahay binati ako ng mga butihing kapitbahay namin, agad akong sumakay ng jeep papuntang penthouse ni Zared.
Paano ko kaya siya lalambingin? Sa aming dalawa, siya ang mas malambing. Saka hindi naman ako marunong sa mga ganito. Hindi pa naman kasi ako nagkakaboyfriend sa buong buhay ko.
May mga nanligaw sakin pero si Zared lang ang tumagal at nakapagtiyaga ng gano'n. Saka sa lahat ng nanligaw sakin, si Zared yung tipo ng lalaki na may actions, sobrang ma-effort talaga siya, hindi siya puro salita lang.
Huminga ako ng malalim ng nasa tapat na ko ng pinto ni Zared, naalala ko yung mga binilin sakin nina Alliah.
"Pagpunta mo ro'n, sugurin mo ng yakap tapos magsorry ka. Syempre dapat maging sweet ka kasi malaki yung kasalanan mo sa kanya. Dapat nga akitin mo siya eh pero dahil masyado ka pang baby, wag muna 'yon."
Napailing na na lang ako at pinindot ang PIN code ng penthouse niya, wedding anniversary ng mga magulang niya ang PIN code niya. Ang cute niya talaga.
Naabutan kong madilim sa loob. Mukhang tulog pa rin siya, hindi ko na binuksan ang ilaw. Natigilan ako nang makita ko siya na nakahiga sa couch at nakakumot pa. Bakit dito siya natulog?
Agad ko siyang nilapitan, himawakan ko ang noo niya kung may lagnat siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang wala naman.
"Zared..." dahan dahan ko siyang niyugyog.
"Hmm..." mahinang ungol niya saka idinilat ang mga mata.
"What are you doing here?" tanong niya saka hinaplos ang buhok ko.
"Bumangon ka muna." sabi ko, bumangon naman siya habang nagkukusot ng mata.
Napasimangot ako at agad siyang sinugod ng yakap. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin naman ako pabalik.
"Alam ko nagtatampo kana sakin, wag kanang magkunwari." sabi ko habang nakayakap sa kanya.
"Nakakaabala lang ba ako sayo?" natigilan ako sa tanong niya.
"Ano ka ba? Syempre hindi." sabi ko habang nakatingin sa asul niyang mga mata.
"Alam kong sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong masaktan ako. Pero sa tingin ko dapat itigil ko na yung pangungulit sayo." agad akong umiling sa sinabi niya.
Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Ayokong tumigil siya, mahal ko na siya eh. Mahal na mahal ko na siya.
"Ayokong sirain yung pangarap mo, marami ka pang pangarap para sa pamilya mo." tuluyan na kong napahikbi sa sinabi niya. Nag-unahan na rin sa pagdaloy ang mga luha ko.
"Z-Zared..." napatungo na lang ako habang patuloy sa pagluha.
Natigilan ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. Agad akong napatunghay.
"Happy birthday!" napaawang ang labi ko nang biglang magsulputan mula sa kusina sina Alliah, kasama rin ang kaibigan ni Ridge na sina Kaden.
"Happy birthday to you~" may hawak na cake si Brent habang nakanta sila papalapit sakin.
Tila hindi makapaniwalang napatingin ako kay Zared. Napangiti siya saka pinahid ang mga luha sa pisngi ko.
"Sa tingin mo susukuan na lang kita basta basta? Mahal na mahal kaya kita." seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"You made my dark galaxy more beautiful and bright, you make me feel those emotions, those kind of emotions that no one made me feel. Akala ko habang buhay na kong walang laman. Nung nakilala kita, ngumingiti na ko dahil gusto kong ngumiti hindi dahil kailangan kong ngumiti. If you're my weakness, I'm still willing to welcome you in my system. I love you so much Reign." muli akong napaluha sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang emosyon na nanggagaling sa mga mata niya.
"M-Mahal na mahal din kita Zared." natigilan siya sa sinabi ko.
Sa wakas, naamin ko na rin na mahal na mahal ko siya.
"W-What? Did you just said that---" agad kong pinutol ang sasabihin niya.
"Sinasagot na kita Zared..."