Chapter 9

3036 Words
"Hindi mo na ba ako mahal?" Nagtatakang napatingin ako kay Zared. Saan naman niya napulot ang ideyang 'yon? "Mahal kita, sobra. Bakit mo naman natanong 'yan?" natatawang tanong ko na lang. Napaismid naman siya. "Hindi mo na 'ko sinusubuan ng ulam mo," sabi niya saka ini-nguso ang lunch ko. Natawa na lang ako saka kinurot ang matangos niyang ilong. "Para ka namang ewan, susubuan na nga kita." Sinubuan ko na lang siya para hindi na siya mag-inarte. Pritong tilapia lang naman ang ulam ko nakikihati pa siya, di hamak naman na mas masarap ang ulam sa canteen kahit mala-ginto ang presyo. "Wow, nandito pa kami, baka lang nakalimutan niyo," sabi ni Nestlyn habang nakain ng junk food. Inagaw naman ni Gio ang kinakain niya. "Wala ka kasing love life kaya napakabitter mo," pang-aasar ni Gio sa kanya. "Wow, hiyang hiya naman ako sa 'yo. Ikaw nga torpe eh," sabi ni Nestlyn saka pasimpleng tumingin kay Alliah na abala sa pagkain ng sandwich. "Alam niyo, feeling ko forever na kayong dalawa," kinikilig na sabi ni Mea habang nakatingin sa amin ni Zared. "Oo, tama ka riyan," sabi ni Zared at inakbayan ako. Pasimple kong siniko ang tagiliran niya. Sa totoo lang nakakatuwa si Zared, nakikihalubilo siya sa mga simpleng tao na tulad ko. Hindi siya katulad ng ibang mayaman na sa mayaman lang din nakikihalubilo, hindi rin siya mayabang at talagang marunong makisama. Sa totoo lang pati mga kapit-bahay namin naging ka-close na niya. Madalas kasi siyang magpunta sa amin, tuwang tuwa na si nanay sa kanya ngayon. Si Ate Ren naman madalang niya makita dahil palaging wala sa bahay si Ate. "Ako, ayoko muna magboyfriend. Gusto ko munang mapuntahan ang lahat ng concert ng mga paborito kong banda tapos pwede na 'ko magboyfriend," sabi naman ni Alliah. "Wala ka bang crush?" tanong ni Mea. "Meron naman," sabi na lang ni Alliah. "Paano ba magkacrush?" tanong ni Nestlyn. Natawa na lang kami. "Hindi ka pa ba talaga nagkakacrush?" natatawang tanong ni Zared. Napaismid si Nestlyn. "Gusto ko na nga magkacrush teh, ihanap mo 'ko, kahit sino sa Danger Zone," sabi naman ni Nestlyn, natawa na lang si Zared. "Wag na sa Danger Zone, mga gago 'yon. Doon ka na lang sa matitino, marami akong kilala." Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Handa talaga siyang mag-adjust para sa 'kin. NAPAIGIK ako dahil medyo mabigat ang tray na may laman na order ng customer. Mabigat pala ito. "Ako na," sabi ni Zared saka kinuha mula sa akin ang tray na hawak ko. Napangiti na lang ako at hinayaan siya, baka matapon ko pa ang laman no'n. Umupo muna ako saglit at pinanood siya. Gusto kong mapaismid dahil todo ngiti sa kanya yung babaeng customer. Bakit ba masyado nilang pinapahalata na nagagwapuhan sila kay Zared? "Uy, bakit nakasimangot ka?" tanong ni Zared saka dinampian ng halik ang noo ko. Hindi ako sumagot at mas lalong napasimangot. "Wala, saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko saka hinubad ang apron na suot ko. Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. "Bakit ka muna nakasimangot? Ayoko ng nagtatampo ka sa 'kin," seryosong sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Mahinang natawa na lang ako at pabirong hinampas siya sa dibdib. "Hindi naman ako nagtatampo, ang dami lang kasing nagagwapuhan sa 'yo, nakakairita," sabi ko saka napaismid. Natawa siya saka kinurot ang ilong ko. "Wala akong magagawa riyan kasi gwapo talaga ako saka hindi ko naman sila pinapansin eh." Sabagay. Nagpalit na ako ng damit saka lumabas ng fast food chain. Naabutan ko si Zared sa labas, agad niya akong sinalubong. "Hindi ka yata busy ngayon?" tanong ko saka sumakay sa kotse niya nang pagbuksan niya ako. "Hmm, I love you," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at dinampian iyon ng halik. Natawa na lang ako. "Hindi naman iyon ang sagot sa tanong ko eh," natatawang sabi ko. Napangiti na lang siya saka nagsimula ng magmaneho. Hawak niya ang kamay ko habang pakanta-kanta pa. Napapangiti na lang ako kapag tinitingnan siya. "Saan tayo pupunta?" "Kahit saan, ikaw, saan mo ba gusto?" tanong niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin. "Hmm, nakatikim ka na ba ng mga street food?" tanong ko saka nagtaas-baba pa ng kilay. Natawa naman siya saka napailing. "Hindi pa, ano? Sa park tayo?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. "Kailangan mong matikman ang mga hilig kong pagkain." "Yes Ma'am!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nakarating kami sa park makalipas ang ilang minuto. Agad akong bumaba ng kotse niya. "Halika!" Hinila ko si Zared sa bilihan ng mga ihaw ihaw. Nakakatakam yung amoy, hindi talaga nakakasawa ang mga ganitong pagkain, wag lang araw-araw kasi masama sa kalusugan. "Kuya, pabilis nga po," sabi ko habang nagtitingin sa mga nakadisplay na pagkain. "Paa ng manok 'to diba?" tanong ni Zared saka inangat ang paa ng manok. Natawa ako saka tumango, ang cute ng reaksyon niya, para siyang namamangha na ewan. Ako na ang nagpili dahil halata namang inosente si Zared sa mga ganitong pagkain, halos lahat ng klase binili ko. "150 po lahat," sabi ni kuyang tindero. Akmang kukuha ng pera si Zared sa wallet niya nang pigilan ko siya. "Ako na ang magbabayad, ako naman ang manlilibre sa 'yo ngayon." Kinuha ko ang wallet ko mula sa bag ko. "Wag na, ako na ang bahalang magbayad," pagpupumilit niya. Napailing na lang ako. "Alam mo, napapansin ko ang mindset ng mga tao, dapat lalaki ang palaging nagastos sa date, pero hindi dapat gano'n. Saka may pera pa naman ako dahil kakasweldo ko lang. Ako muna ang manlilibre ngayon. Okay?" Napatango na lang siya saka napangiti sa sinabi ko. Kumuha ako ng 150 pesos sa wallet ko at inabot kay kuyang tindero. Naghintay muna kami na matapos ma-ihaw ang mga binili namin saka kami umupo sa bench. "Ang una kong ipapatikim sa 'yo ay paa ng manok." Inabot ko sa kanya ang stick na may paa ng manok. Agad niya namang kinuha 'yon. Kumuha rin ako ng sa 'kin saka agad na nagsimulang kumain. Nakatingin naman siya sa 'kin na tila pinapanood niya kung paano ko iyon kainin. "Alam mo na?" tanong ko. Ngumiti naman siya saka tumango. Napapangiti na lang ako habang pinapanood siya na kumain. Mukha namang nagustuhan niya iyon, dahil nakadalawa siya. "Ano 'to?" tanong niya saka inangat ang isaw. "Tikman mo rin 'yan, masarap 'yan," sabi ko habang nakain ng betamax. Pinapanood ko lang siya habang tikim siya ng tikim ng mga bagong pagkain para sa kanya. Ang cute palagi ng reaksyon niya, halatang nagugustuhan niya ang mga pagkain pero pinipigil niyang ipahalata 'yon. Natigilan ako nang mapansin ko na may grupo ng mga estudyante na nakatingin kay Zared mula sa di kalayuan. Agad na napataas ang isang kilay ko. Kung makatitig naman ang mga 'to kay Zared, hindi ba nila makita na katabi lang ni Zared ang girlfriend niya at ako 'yon. "Zared, may dumi ka sa mukha," sabi ko saka pinahid ang gilid ng labi niya kahit wala namang dumi ro'n. Pasimpleng dinilaan ni Zared ang gilid ng labi niya. Napahagalpak ako ng tawa sa ginawa niya. "What are you laughing at?" nakakunot-noong tanong niya. "Ang cute mo kasi kanina, gawin mo nga ulit 'yon," sabi ko saka dinilaan ang gilid ng labi ko para gayahin niya. Natigilan ako nang mapatitig siya sa labi ko. "Paano nga?" tanong niya habang hindi maalis ang titig sa labi ko. Napakunot ang labi ko pero ginawa ka na lang ulit. Malamang mukha na akong tanga ngayon, pero bakit hindi niya ako pinagtatawanan? Para lang siyang ewan na nakatitig sa 'kin. "Sa kotse muna tayo." Nagulat ako nang bigla na lang niya ako hinila patayo. Agad ko namang kinuha ang pagkain namin sa upuan at nagpatianod na lang sa kanya. Napakurap ako nang bigla niya akong pasakayin sa kotse niya. Nagtatakang napatingin ako sa kanya nang makasakay na rin siya sa kotse. "May problema ba Zared?" nag-aalalang tanong ko. Napalunok ako nang tumitig siya sa 'kin ng matiim, bakit ganyan siya makatitig sa 'kin? Ano ba talaga ang problema? "I want to kiss you, can I?" tanong niya saka bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Hindi kaagad ako nakasagot at nakipaglabanan na lang ng titig sa kanya. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali? Gusto niya akong halikan? Napasinghap ako nang bigla na lamang niyang siniil ng halik ang labi ko kahit hindi pa ako nakakasagot. Nagulat man ako sa ginawa niya, kumapit na lang ako sa batok niya at tinugon ang halik niya. Buti na lang at heavy tinted itong kotse niya. Hinapit niya ang baywang ko at hinila ako para paupuin sa kandungan niya. Hindi na lang ako pumalag at tuloy pa rin sa pakikipaglabanan ng halik sa kanya. Hinawakan niya ang batok ko at tila nanggigigil na kinagat ang ibabang labi ko. Impit na napadaing na lang ako at napakapit ng mahigpit sa balikat niya. "Z-Zared..." Napaigik ako nang maglaro ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nalalasahan ko pa ang mga kinain namin kanina ngunit hindi ko na inalintana iyon. Napasinghap ako nang magawa niya pang pagpalitin ang pwesto namin kahit medyo masikip dito sa kotse niya, siya naman ang nasa ibabaw ko. Napapitlag ako sa gulat nang biglang bumaba ang sandalan ng kotse. Halos nakahiga na ako ngayon habang nakapaibabaw sa akin si Zared, hindi naman niya itinutuon ang buong bigat niya sa 'kin. Muli niyang siniil ng mapangahas na halik ang labi ko. Pumikit na lang ako at tinugon iyon ng buong pagmamahal. "Hmm..." Napadaing ako nang pasadahan niya ng dila niya ang ibabang labi ko hanggang sa baba ko. Marahan niyang hinawakan iyon upang maibuka ang bibig ko. Bumigat ang paghinga ko nang muling maglakbay ang dila niya sa loob ng bibig ko. Mariing napakapit na lang ako sa damit niya, malamang gusot na gusot na iyon. Humigpit ang kapit ko sa kanya nang maramdaman kong marahan niyang kinakagat ang dila ko. Bumaba na ang kamay niya sa baywang ko at marahang hinihimas iyon. "Hmm..." Muli akong napadaing nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Halata ang pag-iingat niya habang hinahalikan ang parteng 'yon, delikado kapag nagmarka 'yon at nakita ni nanay. Baka ilang linggo niyang hindi payagan na magkita kami ni Zared. "Ahh..." Hindi ko na nakontrol ang sarili ko nang maramdaman ko ang paghagod ng dila niya ro'n. Halos mapunit ko na rin ang damit niya sa sobrang higpit ng pagkaka-kapit ko ro'n. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga niya, halatang nagpipigil siya. Ako rin naman, pero hindi ko siya maitulak, gusto ko ang ginagawa niya. Bumaba ang halik niya hanggang sa collar bone ko. Marahan niyang kinagat ang buto ko ro'n pero hindi naman masakit. Napalunok ako nang maramdaman kong tinanggal niya ang pagkakabutones ng damit ko, dalawang butones lang naman ngunit lantad pa rin ang suot kong bra. Napalunok na lang ako at nanghihinang napakapit sa balikat niya. Mukhang nawawalan na siya ng kontrol. "Z-Zared..." Sinubukan ko siyang itulak nang bumaba pa ang halik niya sa bandang itaas ng dibdib ko. Hinihingal na isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. Napapikit na lang ako at hinayaan siya, buti na lang kahit papa'no ay natauhan siya. "Sorry," mahinang bulong niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko. "Sabi mo kiss lang, hindi pa nga ako pumapayag eh," sabi ko na lang na tila dinadaan sa biro ang nangyari para hindi na siya lalong makonsensya. May kasalanan din naman ako dahil hindi ko rin nakontrol ang sarili ko. "Kasalanan mo, inaakit mo kasi ako eh," sabi niya saka umalis sa pagkakasubsob sa leeg ko saka tiningnan ako ng masama. Natawa na lang ako at hinampas siya sa dibdib. "Kasalanan ko bang bastos 'yang isip mo?" natarawang tanong ko. Inayos na namin ang sarili namin saka lumabas para bumili ulit ng inihaw. Uuwian niya raw sina nanay pati ang mga kapit-bahay namin. Halos naubos na niya ang tinda ni kuyang tindero. "Mangangamoy 'to sa kotse mo." Inangat ko ang plastik na puno ng inihaw. "Hayaan mo siya." Nakarating din kami agad sa amin. Agad na binati ng mga kapit-bahay si Zared. Agad niya namang inilabas ang plastik na puno ng inihaw at ibinigay iyon sa mga kapit-bahay. Natatawa na lang ako saka pumasok na sa bahay. "Nay, para sa inyo raw po ito sabi ni Zared," sabi ko saka inabot kay nanay ang plastik na may lamang inihaw. Nakabukod kasi ang kay nanay para raw special sabi ni Zared. "Nasaan na ba siya?" tanong ni nanay habang nasilip sa labas. "Nandoon po sa labas at hinarang na ng mga kapit-bahay. Minsan po ayoko na siyang papuntahin dito kasi inaagaw siya sa 'kin ng mga kapit-bahay natin," pabirong sabi ko. Natatawang napailing na lang si nanay. "Nanay na pinakamaganda!" Napailing na lang ako nang makapasok na si Zared sa bahay. Agad niyang sinalubong ng yakap si nanay. "Ito talaga, napakabolero," sabi na lang ni nanay. "Totoo naman po ang sinasabi ko 'nay, si Reign na ang patunay no'n," sabi ni Zared habang nakaakbay kay nanay. Napangiti na lang ako at napailing. "Gusto mo bang dito na maghapunan, hijo? Kaso simple lang ang ulam namin." "Para ka naman pong ano 'nay, kahit ano pong ulam ang iluto niyo kakainin ko," sabi ni Zared at nagtaas baba pa ng kilay. "Sige, doon muna kayo sa labas ni Reign at mainit dito sa loob. Mukhang namiss ka ng mga kapit-bahay." Lumabas kami ni Zared at nakisali sa kwentuhan ng mga kapit-bahay namin. "Ate Reign, may kagat ng langgam sa leeg mo," sabi ni Tisay saka tinuro ang leeg ko. Napalunok ako at pasimpleng tinakpan 'yon. Napatikhim si Zared saka napaiwas ng tingin. Kasalanan niya talaga 'to eh. "Kuya Ridge, kanina ko pa napapansin, gusot na gusot ang damit mo. Wala ka bang plantsa sa bahay niyo?" tanong naman ni Girlie habang nakatingin sa damit ni Zared. Napangisi si Zared saka tumingin sa 'kin, tiningnan ko lang siya ng masama saka pasimpleng kinurot ang tagiliran niya. "Nasira yung plantsa sa bahay," natatawang sabi na lang ni Zared na may bahid pa ng pang-aasar. Hinawakan ni Zared ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga palad namin. "Ang wild mo kasi," bulong niya saka pasimpleng kinagat ang tainga ko. Hinampas ko na lang siya sa braso. "Isumbong kaya kita kay nanay 'no? Sasabihin ko nangangain ka," bulong ko pabalik. Mas lalo siyang napangisi. "Hindi pa nga kita nakakain, magsumbong ka kapag nakain na---" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Puro ka kabastusan. Sasapakin kita eh." Natawa na lang siya at inakbayan ako. Dinampian niya ng halik ang noo ko sa harapan ng mga kapit-bahay, nakantyawan tuloy kami. * * * "Mag-iisang linggo ng hindi nagpaparamdam si Ridge?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni Alliah. Tiningnan ko ang cellphone ko at muling binasa ang huling text namin ni Zared, noong Lunes pa 'yon, Biyernes na ngayon. Kahit sina nanay nagtataka na rin. Hindi siya nagsabi sa 'kin ng kahit ano, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Kinakabahan tuloy ako. "Baka naman busy lang. Diba nagtatrabaho na 'yon?" tanong naman ni Mea. "Kahit pa ga'no siya ka-busy, dapat nag-iwan man lang siya ng text kay Reign," sabi ni Gio habang nakain ng burger. Natahimik ako sa sinabi niya, may punto siya ro'n. Ilang gabi na akong napupuyat kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya, kung nasaan na siya at kung bakit wala siyang paramdam. "Wag mo na ngang dagdagan ang isipin ni Reign, baka busy lang talaga yung tao, saka kilala naman natin si Ridge diba? Hindi naman gagawa ng kalokohan 'yon," depensa ni Alliah kay Ridge. "Teh, isipin mo naman kasi. Limang araw ng walang paramdam si loko-loko, sana man lang inisip niya ang nararamdaman ni Reign diba?" sabi ni Nestlyn saka kinagat ang apple na kanina pa niya hawak. "Natanong mo na ba ang mga kaibigan niya? Diba ka-close mo na naman ang iba sa kanila. Baka alam nila kung ano na ang nangyayari kay Ridge." Natigilan ako sa sinabi ni Mea. Agad akong tumayo at hinablot ang bag ko. "Pupuntahan ko ang mga kaibigan ni Zared." Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Agad akong umalis para pumunta ng headquarters nina Zared. Hindi na talaga ako mapakali, ilang araw na 'kong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Zared. Wala akong ideya kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon. "Reign, what brings you here?" tanong ni Brent pagkarating na pagkarating ko sa HQ nila. Si Brent, Kaden at Anthony lang ang nandito ngayon. Napalunok ako at umupo sa couch malapit sa kanila. "A-alam niyo ba kung nasaan si Zared?" tanong ko. Natigilan naman sila sa tanong ko. "Si Ridge? Isang linggo na yata namin siyang hindi nakikita," sagot ni Anthony. Napabuntong hininga ako. "Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam, ni text wala." Napakagat ako sa kuko ko, hindi na talaga ako mapakali. "Baka naman nambababae---aray!" Napahawak si Kaden sa binti niya nang sipain 'yon ni Brent. "Hindi ka nakakatulong, gago ka," seryosong sabi ni Brent. Napaismid na lang si Kaden. "Si Ridge ba ang pinag-uusapan niyo?" Napatingin kami kay Rash na kararating lang. Agad itong umupo at seryosong tumingin sa amin. "Hindi pa ba kayo sanay kay Ridge? Gano'n talaga 'yon, bigla siyang nawawala. Alam naman natin kung saan siya napunta," dagdag pa ni Rash saka sumandal sa sandalan. "Oo nga pala," sabi ni Kaden saka napakamot sa batok niya. Nagtatakang napatingin ako sa kanila. "N-nasaan si Ridge? Bakit bigla siyang nawawala?" kinakabahang tanong ko. "Pinupuntahan niya si Kristine Alvarez," sabi ni Anthony saka ipinagpatuloy ang pagbabasa niya ng libro. Napakunot ang noo ko. Sino naman ang Kristine Alvarez na 'yon? "Tunay na nanay 'yon ni Ridge," sabi naman ni Brent. "That b***h, mukhang ginugulo na naman niya si Ridge," napapailing na sabi ni Rash. Buong araw akong nag-isip tungkol kay Kristine Alvarez, sinubukan kong tanungin sina Rash tungkol do'n pero sinabi nila na mas maganda kung kay Zared manggagaling 'yon. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa cellphone ko. Hindi na naman sinagot ni Zared ang tawag at texts ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan na ba si Zared? Kinakabahan talaga ako, hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman 'to. Sana bumalik na si Zared, miss na miss ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD