“Kumain ka muna, namamayat ka na.” Tipid na naapngiti na lang ako sa sinabi ni Alliah. Kinuha ko ang sandwich na inabot niya saka pilit na kinain 'yon kahit wala akong gana. “Gaano na nga ulit katagal hindi nagpaparamdam si Ridge?” tanong ni Gio. “Three weeks,” si Mea ang sumagot. “Hindi talaga siya nagtetext? Kahit isang text lang?” tanong ni Nestlyn. Tipid na ngumiti na lang ako saka tumango. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari kay Zared. Naiintindihan ko na kailangan niyang puntahan ang Mama niya, pero bakit hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ko? Masisiraan na ako ng bait sa pag-aalala sa kanya. “Ipahinga mo muna ang isip mo, Reign. Halatang kulang ka sa tulog, nag-aalala na kami sa 'yo,” seryosong sabi ni Alliah saka marahang hinaplos ang buhok ko. Tipid na n