"Bakit hindi mo sinabi sakin?" seryosong tanong ni nanay habang nakatingin sakin.
"H-humahanap pa po kasi ako ng magandang timing. Saka hindi ko naman po intensyon na ilihim ang relasyon namin," nakatungong sabi ko.
Natahimik saglit, seryoso lang ang mukha ni nanay at ate Ren habang nakatingin samin.
"Ako na po ang humihingi ng tawad, dapat po niligawan ko ng pormal si Reign. Ako po ang may mali." Napatingin ako kay Zared nang magsalita siya.
"Ano'ng pangalan mo? Gaano katagal na kayong may relasyon?" tanong ni nanay.
"Ako po si Ridge Zared Farthon, isang buwan na po kaming may relasyon ni Reign." Si Zared muli ang sumagot.
Hindi agad nakasagot si nanay, pumikit siya saka napahilot sa sentido niya.
"Hindi naman kita pagbabawalang magkanobyo, Reign. Pero sana naman sinabi mo sa 'kin," sabi ni nanay. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napatungo.
"S-sorry po, 'nay," hinging paumanhin ko.
"Hijo, seryoso ka ba sa anak ko?" tanong ni nanay saka napatingin kay Zared.
"Opo, seryosong seryoso po. Mahal ko po talaga ang anak niyo," sabi ni Zared at hinawakan ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Napatungo na lang ako.
"Mahirap lang kami, sa ngayon si Reign ang pag-asa namin sa buhay dahil siya lang ang nag-aaral. Ayokong masira ang buhay niya o maging negatibo ang pananaw niya sa mundo, gusto kong umayos ang buhay niya."
Napatingin ako kay nanay habang binibitiwan niya ang mga salitang 'yon. Seryoso ang mukha niya at walang bahid ng pagbibiro.
"Alam ko po na gusto niyong mapabuti ang buhay ni Reign, gano'n din po ang gusto kong mangyari, hindi po ako nagiging hadlang sa pag-aaral niya. Alam ko po kung gaano kahalaga kay Reign ang pag-aaral niya at ang pamilya niya, hindi ko po sisirain 'yon. Mahal na mahal ko po talaga ang anak niyo," sabi ni Zared habang seryosong nakatingin kay nanay.
"Hayaan mo na sila 'nay, kapag nalaman ko lang na bumaba ang grades ni Reign, maghihiwalay talaga kayo," masungit na sabi ni ate Ren saka agad ding lumabas. Naiwan kaming tatlo sa sala.
"Ayun lang din naman ang gusto ko, Reign. Sana hindi mapabayaan ang pag-aaral mo at hindi ka saktan nitong si Ridge," sabi naman ni nanay.
"Hindi na ako hahadlang sa relasyon niyo kung talagang mahal niyo ang isa't isa, dumalaw ka rito paminsan-minsan, Ridge, para makilala pa kita," dagdag pa ni nanay.
"Opo, iyon po talaga ang balak ko," sabi ni Zared saka ngumiti kay nanay.
"Sige, lumabas na kayo. Manghingi ka ng tawad kay Cedrick, Ridge," sabi naman ni nanay saka ngumiti kay Zared saka lumabas.
"Narinig mo yung sabi ni nanay? Magsorry ka raw kay Ced," sabi ko saka pinaningkitan siya ng mga mata. Napabuntong hininga naman siya saka napakamot sa batok niya.
"Malakas sa 'kin si nanay kaya susundin ko siya." Natawa ako sa sinabi niya.
"Ang kapal mo naman, naka-nanay ka na agad ha," natatawang sabi ko. Ngumisi siya sa 'kin.
"Syempre naman, she's my future mother-in-law," mayabang na sabi niya. Mahinang sinampal ko lang ang mukha niya.
"Oh siya, magsorry ka na kay Ced," sabi ko at tumayo saka hinila siya. Nagpahila na lang din siya. Halatang ayaw niyang humingi ng tawad kay Ced pero wala siyang magawa dahil utos 'yon ni nanay.
Natigilan ako dahil halos lahat ng kapit-bahay napatingin sa 'min ni Zared paglabas namin. Napatikhim na lang si Zared saka napakamot sa kilay niya.
"Mababait ang mga 'yan," bulong ko sa kanya. Napatingin siya sa 'kin saka ngumiti.
"May boyfriend ka na pala, Ate Reign. Ang gwapo," sabi ni Tisay. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya.
"Ahm, C-Cedrick, right?" tanong ni Zared kay Ced. Tumango lang si Ced bilang sagot.
"I'm sorry for what I did earlier, medyo seloso kasi ako," pag-amin ni Zared saka napabuntong hininga.
"Ayos lang 'tol, mapipikon din ako kung ako ang nasa posisyon mo, ingatan mo si Reign ha. Prinsesa namin 'yan dito," pabirong sabi ni Ced. Ngumiti si Zared saka tumango.
"I will."
"Nga pala hijo, ano'ng pangalan mo?" tanong ni Aling Liway kay Zared.
"Ridge po," magalang na sagot ni Zared.
Napangiti ako, gusto ko kung paano makipag-usap si Zared sa mga kapit-bahay namin. Kahit alam niya na nakakaangat siya sa buhay, hindi niya minamaliit ang tulad naming hindi nakakaangat sa lipunan.
"Ano na? Ituloy na natin ang kainan, Ridge, sumabay ka na sa 'min," sabi nina Aling Cely saka inabutan ng upuan si Zared.
"Salamat po," nakangiting sabi ni Zared dito.
Nagpatuloy ang kainan, natutuwa ako dahil nakikisali si Zared sa usapan at magalang ang pagsagot niya ng tanong sa mga nakatatanda sa kanya rito.
"Kuya, mayaman ka po ba?" tanong naman ni Tisay. Mahinang natawa si Zared
"Hmm, hindi ako mayaman," sabi naman ni Zared. Ang humble naman.
"Weh? Eh nakita po namin yung kotse mo sa labas, pangmayanan," sabi naman ni Girlie.
"Mayaman ang mga magulang ko, pero ako hindi," sagot naman ni Zared
"Edi mayaman ka nga," panggagatong ni Ced.
"Hindi naman ako ang naghihirap magtrabaho, sina Papa, saka hindi naman 'yon ang basehan ng pagiging mayaman para sa 'kin," sabi ni Zared saka uminom ng tubig.
"Ano ba ang pagiging mayaman para sa 'yo, hijo?" si nanay ang nagtanong.
"Maghihintay pa po ako ng ilang taon para masabi ko na mayaman na 'ko, kapag kasal na ako kay Reign at may mga anak na kami," sabi ni Zared saka binalingan ako ng tingin. Napakurap ako kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
"Nako Reign, mukhang nakajackpot ka talaga rito kay Ridge, mahal na mahal ka," sabi naman ni Mang Kanor. Napangiti na lang ako. Mahal na mahal ko rin naman si Ridge.
"Sure ka na kay Ate Reign? Maraming magaganda riyan at mayaman, sigurado ka po ba na hindi ka maaakit sa kanila?" tanong ni Tisay.
"Maraming magaganda, pero yung ganda lang ni Reign ang gusto kong titigan habang buhay," sagot ni Ridge.
Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napatungo, nahihiya ako na kinikilig sa mga sinasabi niya.
Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Zared ang kamay ko saka dinampian iyon ng halik. Agad kaming kinantyawan ng mga kapit-bahay.
"I love you," bulong ni Zared habang nakatitig sa mga mata ko. Ngumiti ako bago nagsalita.
"I love you too."
* * *
"Thank you," sabi ko pagkaabot sa 'kin ng librarian ng sweldo ko. Ngumiti siya sa 'kin.
Napakibit-balikat na lang ako saka lumabas ng library, ang weird talaga ng librarian na 'yon, palagi siyang ngumingiti sa 'kin.
Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko, agad kong kinuha 'yon mula sa bulsa at sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Zared sa caller ID.
"Hello?"
"Tapos na duty mo sa library?" tanong niya sa kabilang linya.
"Oo, tapos na ba klase mo?"
"Kanina pa, hinihintay lang kita. Nandito ako sa gate."
"Puntahan kita?" tanong ko habang naglalakad na palabas ng school.
Buti na lang at wala na akong duty ngayon, may oras ako para kay Zared. Madalas kasi akong busy, pero wala namang kaso kay Zared 'yon, maswerte ako sa kanya dahil napaka-understanding niya.
"Malamang, miss na miss na kita." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Palagi mo na lang ako namimiss, kanina lang magkasabay tayong naglunch eh."
Nakita ko siya sa labas ng campus. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakatapat ang phone niya sa tenga niya. Napangiti siya nang mapatingin sa akin.
Pinatay ko na ang tawag saka lumapit sa kanya. Agad niya akong dinampian ng halik sa labi.
"Wala akong duty ngayon sa kahit anong trabaho," nakangiting sabi ko sa kanya.
"I know," sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto. Agad akong sumakay sa kotse niya.
Siguro tatambay ulit kami sa penthouse niya. Dalawang araw rin akong hindi nakapunta ro'n dahil busy ako sa pasahan namin ng thesis. Napunta naman siya sa bahay at tinutulungan niya ako.
"I will finally introduce you to my parents today," sabi niya habang nagmamaneho. Natigilan ako at gulat na napatingin sa kanya.
"S-seryoso?" nauutal na tanong ko. Ngumiti siya saka tumango habang nasa kalsada pa rin ang tingin.
"Bakit?! Hindi ako handa, tingnan mo naman ang hitsura ko? Ang baho ko rin, hindi ako nag-ayos, mukha akong mag-aaply bilang katulong sa inyo eh!" pagmamaktol ko. Natawa na lang siya sa sinabi ko.
"Kalma ka lang, ang ganda ganda mo pa rin, saka ang bango mo kaya. Naamoy ko," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Napaismid na lang ako.
"Ewan ko sa 'yo," naiinis na sabi ko saka kumuha ng pulbo sa bag ko at naglagay no'n sa mukha ko. Literal na natataranta ako.
Bakit naman kasi siya nambibigla? Sana nag-ayos ako at nagpalit ng damit kahit papa'no, kaso wala nga pala akong maayos na damit.
"May pabango ka ba?" tanong ko.
Bakit ba kasi hindi ko naiisipang bumili ng pabango?
"Nasa bag," natatawang sabi niya. Kinuha ko ang maliit na bag na nasa tabi niya at kinuha ang pabango niya.
Kahit amoy panglalaki ang pabango niya, pinagtiyagaan ko na. Nakakainis naman kasi itong si Zared, nabigla talaga ako.
"Wag kang kabahan, mabait yung mga magulang ko," nakangiting sabi niya. Napaismid na lang ako.
"Kahit na, nakakahiya pa rin," nakasimangot na sabi ko.
Natataranta ang kalooban ko habang nasa biyahe kami, kung ano-anong ka-praningan ang pumapasok sa isip ko habang nakatingin sa bintana. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko ngunit walang talab. Kinakabahan pa rin ako.
Nakarating din kami sa malaking mansyon nila. Lalong naghuramentado ang puso ko dahil sa kaba.
"Z-Zared, next time na lang kaya? Magre-ready muna 'ko, kasi naman, maiihi na yata ako sa kaba," sabi ko at hinawakan siya sa braso nang ipasok na niya ang sasakyan sa mansyon nila.
"Ang lamig na ng kamay mo," natatawang sabi niya saka hinawakan ang kamay ko na kanina pa nanlalamig.
"Paano naman kasi? Kinakabahan ako ng sobra," naiinis na sabi ko.
"Wag kang kabahan, ako ang bahala sa'yo, alam mo namang hindi kita pababayaan diba?" tanong niya saka hinaplos ang pisngi ko. Tipid na ngumiti na lang ko saka tumango. Kahit papa'no, napakalma niya ako.
Pakiramdam ko malulula ako nang makapasok na kami sa mansyon nila. Kung maganda ang pagkakadisenyo ng labas, di hamak na mas maganda rito sa loob. Kahit pa halata na mamahalin ang mga gamit, mararamdaman mo pa rin homey vibes ng mansyon.
"Sir Ridge, naghihintay na po sila sa hapag," magalang na sabi ng babae na sa tingin ko ay katulong dahil sa uniporme nito.
"Okay, thanks," sabi naman ni Zared.
"Still scared?" tanong niya saka marahang pinisil ang kamay ko. Huminga ako ng malalim saka tumango.
"K-kaya ko 'to," sabi ko na lang.
Nagtungo na kami sa hapag, nalula ako sa haba ng mesa nila, kasya yata ang lahat ng kapit-bahay namin dito. Nakakalula.
Lalo akong nahiya dahil nandoon ang tatay ni Zared at ang mga kapatid niya.
"Ridge!"
Agad na lumapit ang babae kay Zared at niyakap ito.
"Bakit ngayon ka lang bumisita? Nakakatampo," sabi ng babae.
"Sorry po, Mama, busy lang po talaga," sabi ni Zared saka napakamot sa batok niya.
Mama? Ito ang Mama ni Zared? Seryoso?
Bakit ang ganda niya? Mukhang bata pa ito at ang puti rin, may lahi ba silang bampira?
"Sino siya?" tanong ng Mama ni Zared nang mapatingin ito sa 'kin. Napalunok na lang ako. Kinakabahan talaga ako.
"She's Reign De Ocampo, my girlfriend," pagpapakilala sa 'kin ni Zared. Lalong umakyat ang kaba sa dibdib ko.
"Wow, magkapangalan tayo. Ako si Shenna Rein, Tita Shenna na lang ang itawag mo sa 'kin," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko saka pinaupo ako.
"S-sige po, Tita Shenna," sabi ko saka alanganing ngumiti sa kanya.
"Ate Reign, ako po si Snow," sabi ng cute na bata. Asul din ang kulay ng mga mata nito ngunit hindi kasing tingkad tulad ng kina Rash at Dash.
"Hello, Snow," sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Uy Reign, ako si Rash, ito naman si Dash," sabi ni Rash saka inakbayan ang kakambal niya.
"H-hello sa inyo," sabi ko na lang. Gusto kong batukan ang sarili ko, masyadong halata na naiilang ako.
"I'm Shaun," tipid at walang kangiti-ngiti na sabi ni Shaun. Mukhang may pagkasuplado ito.
"I'm Vasper, it's nice to meet you," sabi ni Vasper saka tipid na ngumiti sa 'kin.
Napatingin ako sa tatay ni Zared na hindi ako binabalingan ng tingin, kumakain lang ito at tila walang pakialan sa mundo.
"Ice!"
Napapitlag ako nang basta na lang hinampas ni Tita Shenna ang braso ng asawa niya.
"What?" masungit na tanong nito.
"Magpakilala ka sa girlfriend ni Ridge kung ayaw mong matulog sa guest room," nakataas-kilay na sabi Tita Shenna. Napabuntong hininga ito saka malamig na tumingin sa 'kin.
Napasinghap ako, nagtayuan yata ang mga balahibo ko. Talaga palang nakaka-kaba ang presensya nito gaya ng mga naririnig ko.
"I'm Ice Prince Farthon, call me whatever you want, I don't mind. Welcome to the family."
Pasimpleng napayakap ako sa sarili ko, pati boses nito malamig din. Parang tinatamad palagi magsalita. Tatay ba talaga siya ni Zared? Magkaibang magkaiba sila, pero sobrang magkamukha.
"Ano ba 'yan?! Siglahan mo naman!" pangungulit pa ni Tita Shenna. Muling napabuntong hininga si Mr. Farthon.
"Welcome to the family, yehey," sabi ni Mr. Farthon saka pilit na ngumiti.
Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan na matawa. Lahat yata ng sabihin ni Tita Shenna, gagawin niya.
Natigilan ako nang magtawanan ang mga kapatid ni Zared habang nakatingin kay Mr. Farthon.
"Tiklop ka talaga kay Mama, Yelo," nang-aasar na sabi ni Rash. Tiningnan siya ng masama ni Mr. Farthon.
"Yehey!" panggagaya naman ni Vasper sa sinabi ni Mr. Farthon kanina. Lalo silang nagtawanan.
"Ha. Ha. Ha. Very funny," sarkastikong sabi ni Mr. Farthon. Natawa na lang si Tita Shenna saka yumakap sa asawa.
"Nakakatawa kaya Papa, para kang tuta ni Mama," natatawang sabi ni Snow.
"I'm willing to be a tuta for your Mom, I don't mind," sabi ni Mr. Farthon saka uminom ng tubig. Ngumiti ng matamis si Tita Shenna at tumayo saka niyakap si Mr. Farthon mula sa likuran.
"I love you," sabi ni Tita Shenna saka dinampian ng halik ang pisngi ng asawa.
"I love you too," sabi naman ni Mr. Farthon saka bahagyang ngumiti.
Napangiti na lang ako habang pinapanood sila. Mukha talaga silang masayang pamilya, ang swerte ni Zared sa pamilya niya.
Natigilan ako nang mapansin kong tahimik si Zared, nakikitawa naman siya paminsan minsan ngunit napapansin ko na natatahimik siya kung minsan.
Natigilan siya nang hawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa 'kin saka ngumiti.
"Pakiramdam mo pa rin ba hindi ka belong?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot, tipid na ngumiti lang siya.
"Kung ano-anong naiisip mo," natatawang sabi na lang niya saka kinurot ang ilong ko.
"Mama tingnan niyo po si Kuya Ridge, ang harot niya," pagsusumbong ni Snow.
"Hoy Snow Princess, bakit alam mo na 'yang harot word na 'yan ah, siguro may boyfriend ka na 'no?" pang-aasar ni Rash sa kapatid.
"Papa! Tingnan mo po si Kuya Rash, inaasar na naman ako," nakangusong sumbong ni Snow.
"Stop it, Rash Pierre," pagsaway ni Mr. Farthon sa anak.
"Ako na naman yung inaapi rito, sobra na talaga 'to," pagda-drama ni Rash saka napasapo pa sa dibdib niya na para bang nasasaktan siya. Lihim na natawa ako. Ibang iba siya sa school na sisiga siga.
"Mukha kang tanga," masungit na sabi ni Dash sa kakambal niya saka napailing.
"Ewan, mas gwapo ako sa 'yo." Agad namang napataas ang kilay ni Dash sa sinabi ni Rash.
"Wag na kayong mag-away, ako ang pinakagwapo rito."
Natigilan ako nang magsalita ang kanina pa tahimik na si Shaun, marunong pala siyang makipagbiruan kahit papa'no.
"Ako ang pinakagwapo, manahimik na riyan," sabi ni Vasper at nagpogi sign pa.
"Bakit niyo ba pinag-aagawan ang titulo ko? Ang daming nagsasabi na ako ang pinakagwapo."
Napatingin ako kay Zared nang sabihin niya 'yon, lihim akong natawa.
Ayun nga, nag-away away na sila kung sino raw ang pinakagwapo sa kanila. Kulang na lang magbatuhan sila ng plato. Natatawa ako dahil pati si Zared nakikiaway, para silang mga bata.
Natahimik sila nang hampasin ni Mr. Farthon ang mesa. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ako ang tatay niyo, sa 'kin nanggaling ang kagwapuhan niyo kaya ako ang pinakagwapo."
Agad na nagprotesta sina Rash sa sinabi ni Mr. Farthon, pati tatay nila naki-away na rin. Natawa na lang kami nina Tita Shenna, may ganitong side pala si Mr. Farthon.
* * *
"Reign, welcome ka rito anytime ha, kapag sinaktan ka nitong si Ridge, sabihin mo lang sa 'kin, lagot 'yan sa 'kin," sabi ni Tita Shenna saka pinaningkitan ng mga mata si Zared.
"Opo, maraming salamat po. Mabait po pala talaga kayo gaya ng sabi ni Zared," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Mabait ako kasi mabait ka. Oh siya, mag-ingat kayo sa biyahe ha. Ihatid mo si Reign sa kanila, Ridge," bilin ni Tita Shenna.
"Opo," sagot naman ni Zared saka dinampian ng halik ang noo ni Tita Shenna. Napangiti ako, mukhang mahal na mahal talaga ni Zared ang pamilya niya.
MAGKATABI kami ngayon na nakaupo sa upuan dito sa may kanto. Kanina pa kami nakauwi galing kina Tita Shenna, ayaw pa akong papasukin ni Zared sa bahay. Tumambay muna raw kami rito sa labas.
Inakbayan ako ni Zared saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Napangiti na lang ako at yumakap sa baywang niya.
"Zared, may hihilingin sana ako sa 'yo."
"Hmm?"
"Sana kapag may problema ka o kaya naman may bumabagabag sa isip mo, sana sabihin mo kaagad sa 'kin." Natigilan siya sa sinabi ko.
"Wala namang bumabagabag sa isip ko simula nang minahal kita. Naging payapa ang isip ko dahil sa 'yo."
Tumingin ako sa kanya, napatingin din naman siya sa 'kin.
"Mahal na mahal kita, Zared." Napangiti siya sa sinabi ko saka dinampian ng halik ang labi ko.
"I can't imagine myself living without you, Reign. I love you so much."