Chapter 7

3190 Words
"Nagdududa na ko sa kaibigan mong lalaki ha." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zared. "Kanino? Kay Gio?" tanong ko. "Oo." sabi niya saka hinila ako paupo sa kandungan niya. Nandito kami ngayon sa treehouse nila. Ewan ko ba kung bakit bigla siyang nagyaya dito. Pumayag na lang ako kasi wala na naman akong klase at mamaya pa yung duty ko sa fast food chain. "Ano namang kaduda-duda kay Gio?" ano na naman bang iniisip niya at pinagdududahan niya si Gio. "Baka may gusto 'yon sayo." natawa ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba nonsense na naman yung pagdududa niya eh. "Ano ka ba? Si Alliah yung gusto no'n, hindi nga mag-aasawa ng iba 'yon kung hindi si Alliah makakatuluyan niya eh." napapailing na sabi ko. "Nakakainis kasi, bakit may lalaki pa sa inyo? Makakampante ako kung bakla siya eh, kaso hindi." pagmamaktol niya. Napatitig ako sa nakasimangot niyang mukha. Napakaisip-bata talaga niya sa totoo lang, pero ang cute niya pa rin sa paningin ko. Hinawakan ko ang mukha niya saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong niya. "Ridge Zared, pati ba naman si Gio? Maloloka na ko sayo ah." natatawang sabi ko. "Tinatawanan mo pa talaga yung pagiging miserable ko. Okay lang." mas lalo lang akong natawa sa pag-iinarte niya. Niyakap ko siya sa batok saka dinampian ng halik ang magkabilang pisngi niya, ang noo niya pati ang labi niya. Napatitig siya sa mga mata ko saka napangiti. Effective ang paglalambing ko, may natutunan din naman ako kina Alliah kahit papano. "Kailan mo ko ik-kiss ng totoo? Yung may dila na?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naiinis na hinampas ko siya sa braso. Siya naman ang tinatawanan ako ngayon. "Nakakainis ka kamo." umalis na ko sa pagkakaupo sa kandungan niya. Tumayo siya saka hinila ako para yakapin. Napasimangot na lang ako at gumanti na lang din ng yakap sa kanya. "Joke lang, pikon ka masyado eh. Pa-kiss nga, ang cute mo." dinampian niya ko ng halik sa labi. "Saglit lang tayo, may duty pa ko mamaya." tumango lang siya sa sinabi ko. "Maglambingan muna tayo hangga't may oras pa." umupo siya sa maliit na kama at hinila ako pahiga. Hinampas ko siya sa dibdib nang humiga na siya sa tabi ko, tinawanan lang naman niya ko. Pinahiga niya ko sa matipunong braso niya. Yumakap naman ako sa baywang niya at inamoy ang leeg niya. Ang bango niya talaga, amoy pabango ng lalaki na may halong natural na amoy niya. "Inaamoy mo na naman ako." narinig kong sabi niya. Napangiti na lang ako saka tumingala at tiningnan ang asul niyang mga mata. "Ang gwapo mo." natigilan siya sa sinabi ko. Gaya ng inaasahan ko, namumula na naman ang magkabilang tainga niya. Hinawakan ko ang namumulang tainga niya habang nakatitig sa mga mata niya. "Ang daming nagsasabi sakin na gwapo ako pero kapag sayo nanggagaling, nanginginig yung tuhod ko." napangiti ako sa sinabi niya. "Syempre mahal mo ko." natawa siya saka kinurot ang pisngi ko. "Confident." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? Hindi mo na ko mahal?" nakataas kilay na tanong ko. "Hmm..." napahawak pa siya sa baba niya na tila nag-iisip. Hinampas ko na naman siya. "Baliw, syempre mahal na mahal kita. Ako, mahal mo ko?" tanong niya. Napangiti ako, para kaming ewan. "Ibubulong ko lang, baka may makarinig." inilapit ko ang labi ko sa tainga niya. "Mahal na mahal din kita." pagkabulong ko, dinampian ko naman ng halik ang pisngi niya at syempre, namula na naman ang dapat mamula. Ang bilis niya talaga pakiligin, lalo tuloy akong nai-in love sa kanya. "Bakit ba ako ang nagustuhan mo Zared?" tanong ko sa kanya. Nagtatakang napatingin siya sakin. "Hindi ko rin alam, ang weird mo nga eh. Bakit kaya ikaw ang minahal ko noh?" tiningnan ko siya ng masama. Natatawnag kinurot na naman niya ang pisngi ko pero mahina lang naman. "Pero mas weird siguro ako kasi nagmahal ako ng weird." natatawang sabi niya. "Lagi mo pa nga akong iniiwasan no'n eh." tila nagtatampong dugtong niya. Napangiti naman ako. "Kaya kita laging iniiwasan noon kasi lagi mo kong nakikita sa mga nakakahiyang sitwasyon. Kapag nasa puno ako, natutulog sa garden, nagl-lunch sa likod ng gym, kaya lagi kitang iniiwasan no'n kasi nahihiya ako sayo ng sobra." natawa siya sa sinabi ko saka hinaplos ang buhok ko. "Hindi nakakahiyang sitwasyon ang tawag do'n kundi cute na sitwasyon. Ang cute mo kaya lagi sa paningin ko kahit noon pa." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong cute do'n? Para nga akong ewan lagi eh." "Basta cute ka lagi, ang inosente mo sa lahat ng bagay. Malas mo lang talaga at ako ang naging boyfriend mo. Magpapaalam kana sa mundo ng kainosentehan." natatawang sabi niya. "Sus, parang hindi naman. Yung huling halik mo sakin na seryoso nung unang punta pa natin sa treehouse na 'to. Hindi na 'yon nasundan, puro baby kiss na lang." Natigilan ako nang bigla siyang dumagan sakin. "Hinihintay ko lang naman na ikaw ang magyaya para mas may dating." nakangising sabi niya. Hinampas ko siya sa braso. "Ano? Game na ba? May dila ng kasama 'to." tiningnan ko siya ng masama. "Umalis ka sa ibabaw ko, sisipain kita." pananakot ko. "Ikaw nagyayaya eh, nagrereklamo ka sabi mo wala tayong seryosong halikan. Maghahalikan tayo ngayon ng seryoso." nakangising sabi niya. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. "Mabilis lang pwede?" tanong ko. "Akala ko ba seryosong halikan? Bakit mabilis lang gusto mo?" napasimangot ako. "Ga'no ba katagal dapat?" hindi ko alam kung bakit ko sinasakyan yung trip niya. "10 minutes dapat minimum." nanlaki ang mga mata ko. "Grabe naman 'yon, baka naman malagutan tayo ng hininga." ang tagal naman nung 10 minutes. Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. Napasimangot lang ako habang nakatitig ng masama sa kanya. "Bakit mo na naman ako tinatawanan?" naiinis na tanong ko. "Paano kita hahalikan ng seryoso at medyo bastos kung ganyan ka ka-inosente? Ang cute mo masyado." pinanggigilan na naman niya ang pisngi ko. "Hindi kaya ako inosente!" nakakainis, bata ba ang tingin niya sakin? Halos magka-edad lang naman kami ah, mas matanda lang siya ng tatlong taon. "Sa lahat yata ng sinasabihan ng inosente, ikaw lang ang nagagalit." natatawang sabi niya. "Hindi naman kasi ako inosente." nanggigigil na niyakap niyakap niya lang ako. "By the way, anong oras duty mo?" tanong niya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at kinuha ang cellphone ko sa maliit na mesa. "Ngayon na pala Zared, ihatid mo ko." tumango siya saka bumangon sa kama. Tinulungan niya ko bumaba ng treehouse. Agad na kaming sumakay sa kotse niya papuntang fast food chain na tinatrabahuhan ko. "Hindi ka ba napapagod magtrabaho?" tila nag-aalalang tanong niya. "Hindi, sanay na ko sa ganito." totoo naman 'yon, bata pa lang naman ako mulat na ko sa katotohanang hindi gano'ng ka-ayos ang buhay namin, kaya maaga akong natuto magtipid, mag-ipon at magtrabaho. "Gusto kong bigyan kana lang ng pera pero alam ko namang hindi ka papayag." napatango ako sa sinabi niya. "Buti alam mo." kahit dumating pa sa punto na sobrang gipit na ko, hinding hindi ako manghihingi kahit barya man lang mula sa kanya. "Baka naman kasi bumigay na yang katawan mo, ang payat mo pa naman." "Hindi naman ako masyadong payat." napatingin tuloy ako sa wrist ko. Hindi naman talaga ako payat ng sobra. Tumigil na ang kotse sa tapat ng fast food chain. Kinuha ko ang braso niya at sinukat kung gaano ako kapayat kumpara sa kanya. Natawa lang siya sa ginawa ko saka ginulo ang buhok ko. "Sige, okay na ko dito. I love you, bye." dinampian ko ng halik ang pisngi niya saka lumabas ng kotse niya. Papasok na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sakin. Agad akong napalingon sa kanya. "Bakit hindi ka pa naalis?" tanong ko. "Kakain ako dito eh." naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Pagpasok namin sa loob, umupo nga siya sa isang table. Napailing na lang ako at nagpunta sa staff room para magpalit ng uniform. "Reign, boyfriend mo ba 'yon?" tanong ng isa ring waitress gaya ko na hindi ko matandaan kung ano ang pangalan. Napatingin ako sa tinuro niya. Si Zared 'yon na nakaupo habang nakatingin sakin. Napangiti siya nang dumako sa kanya ang tingin ko. Hindi niya yata napapansin na pinagtitinginan na siya ng mga tao dito lalo na ng mga babae. Nasakin lang kasi ang atensyon niya, pinigil kong mapangiti. "Oo." matipid na lang na sabi ko. Hindi naman kasi ako friendly type na tao. Sina Alliah nga lang ang nakapagtiyaga sa ugali kong 'to eh. Nagsimula na kong magtrabaho, medyo naiilang pa ko dahil panay ang tingin ni Zared sakin. "Reign, sa table 3 'to!" sabi ng manager namin. Ang dami kasing tao kaya pati ang manager tumutulong na. Absent pa man din yung isang cook. Natigilan ako nang may kumuha ng tray na hawak ko. Napatingala ako kay Zared, nagtatakang napatingin ako sa kanya, ngumiti lang siya sakin. "May I help?" magalang na tanong niya sa manager namin. Saglit na natulala ang manager namin sa kanya. "A-Ano, bawal kasi..." napataas ang isang kilay ko nang mag-iba ang tono ng boses ni manager. Sungalngalin ko kaya siya? "Babayaran ko kapag may nasira o nawala." desididong sabi niya. "Ano kaba Zared? Wala ka bang ibang gagawin?" bulong ko sa kanya. "Gusto ko lang tulungan ang mahal ko." bulong niya rin sakin. Napailing na lang ako, puro siya kalokohan. Sumuko na rin ang manager namin at inabutan ako ng apron. "Ayan, isuot mo sa boyfriend mo." sabi niya saka bumalik na sa pagluluto. Itinaas baba ni Zared ang kilay niya nang mapatingin ako sa kanya. Napailing na lang ako at isinuot ang apron sa kanya. Makakaagaw lang siya ng atensyon sa gagawin niya eh. Nagsimula na siyang tumulong samin at gaya ng inaasahan ko, madami nga siyang nakuhang atensyon lalo na sa mga babae. Sa mga ganitong sitwasyon talaga hinihiling ko na mabawasan kahit konti man lang ang kagwapuhan niya para hindi ako nahihirapan ng ganito. "Waiter ba talaga siya? Grabe, ang gwapo." napataas ang isa kong kilay sa sinabi nung isang babaeng customer na pinags-serve-an ko ng pagkain. "Oo nga eh, ang tangkad pa tapos yung katawan. Grabe talaga." Napatigil sila sa pagk-kwentuhan nang padabog kong nilapag ang plato. Sabay silang napatingin sakin. "Sorry po, may lamok kasi eh. Ang laki." sabi ko saka umalis na do'n. Baka ingudngod ko lang yung mga mukha nila sa pagkain. Napatingin ako kay Zared na ngumingiti pa talaga sa mga customers. Bakit may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman diyan? "Pahinga ka muna." sabi ni Zared nang makalapit siya sakin, pinaupo niya ko sa upuang inuupuan niya kanina. Agad akong umiling. "Hindi pwede, magagalit---" "Nasabihan ko na yung manager niyo. Sabi ko ako muna papalit sayo ngayong araw." dinampian niya ko ng halik sa noo saka bumalik na sa ginagawa. Bahala siya, sigurado namang hindi niya mapaninidigan yan. Hindi pa naman siya sanay sa mga ganitong trabaho. *** "Ikaw na talaga ang mahaba ang hair." natatawang sabi ni Mea. Kumain kasi si Alliah at Gio sa fast food na tinatrabahuhan ko kagabi at nakita nila si Zared na waiter ang ganap. Agad naman nila 'yong kinwento kina Mea. Syempre pinaliwanag ko kung bakit nagtrabaho si Zared do'n kagabi. "Pahirapan tuloy kami sa pag-order do'n kagabi. Masyado kasing heartthrob yung boyfriend mo eh." reklamo ni Gio. "Sus, bitter ka lang kasi hindi ka heartthrob." pang-aasar ni Nestlyn sa kanya. Kamusta na kaya si Zared? Pagod na pagod siya kagabi eh, first time niya raw ginawa 'yon at hindi na ko nagulat do'n. "Pupuntahan ko lang si Zared sa headquarters nila." paalam ko sa kanila. "Sus, namiss agad si prince charming." napairap na lang ako sa sinabi ni Alliah. "Bye na." sabi ko saka umalis para puntahan si Zared. Siguradong masakit ang katawan no'n, siya lang kasi ang gustong makita ng mga customers. Overtime pa nga siya sa pagtatrabaho do'n eh. Tapos sakin niya binigay yung sweldo. Alam kong hindi naman niya kailangan yung sweldo dun pero nahiya pa rin akong tanggapin nung una kasi syempre, siya ang naghirap do'n. "Hello." pagbati ko sa Danger Zone nang sila ang bumungad sakin pagpasok ko. "Anong ginawa niyo ni Ridge kagabi? Bakit pagod na pagod 'yon?" tanong ni Kaden, puro na lang talaga kabalastugan ang laman ng utak niya. Napakunot ang noo ko nang mapansing wala si Zared, nasaan naman 'yon? "Nandoon siya sa kwarto niya. May ginagawang thesis yata." sabi ni Psyche. Tumango na lang ako at nagpasalamat saka nagtungo sa sariling silid ni Zared dito sa headquarters. "Zared..." tawag ko sa kanya pagpasok ko. Natigilan ako nang makita ko siyang tutok na tutok sa laptop niya. Sinara ko ang pinto at lumapit sa kanya. "Huy, anong pinagkakaabalahan mo diyan?" tanong ko saka lumapit sa kanya. Napakunot ang noo ko nang hindi niya ko pinansin, may sinusulat siya sa notebook niya kung ano-ano saka titingin sa laptop. "Ano bang ginagawa mo?" hinablot ko ang notebook na sinusulutan niya. "Akin na yan!" sinubukan niyang kuhanin yung notebook sakin pero tiningnan ko lang siya ng masama. Natahimik na lang at nakasimangot na umupo sa upuan. "Number one, give her flowers and gifts, number two, be respectful and always compliment her, number 3, show her your sincerity... Ano 'to Ridge Zared?! May liligawan ka ba?" pakiramdam ko nag-akyatan ang dugo sa mukha ko dahil sa inis. Kami na ngang dalawa tapos manliligaw pa siya ng iba? "Oo m-meron." tila nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa kilay niya. Hinampas ko siya ng notebook sa dibdib. "At sino naman yan ha? Maghiwalay na tayo kung may liligawan ka palang iba." seryoso ang tono ng boses ko. Naiinis talaga ako ng sobra. "Yung nanay mo." natigilan ako sa sinabi niya. "Ano?" anong kalokohan ang pinagsasasabi niya? "Hindi mo ko naiintindihan, kapag nalaman ng nanay mo na tayo na nang hindi man lang ako nagpapakilala sa kanya, anong iisipin niya sakin? Na wala akong p*********i kasi hindi ko siya hinarap." nakasimangot na sabi niya. Lumapit ako sa kanya saka umupo sa kandungan niya. Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakatitig sa kanya. "Ako naman ang may kasalanan no'n diba? Ako naman ang may ayaw na magpakilala ka kay nanay kahit lagi mo kong pinipilit." pagpapagaan ko sa loob niya. "Ikaw naman kasi, bakit ayaw mong makilala ako ng nanay mo? May lalaki ka yata doon sa inyo eh." bulong niya na narinig ko naman. Natatawang hinampas ko siya sa braso. "Perfect kana nga para sakin tapos maghahanap pa ko ng ibang lalaki?" Syempre hindi lang hitsura ang tinutukoy ko, sabihin na nga nating halos perpekto na rin ang hitsura niya pero hindi lang 'yon ang magandang katangian niya. Hindi ko nga nakikita ang sarili ko na may makakasamang ibang lalaki sa buhay ko. "Gusto ko na ngang magpakilala sa pamilya mo eh." pagmamaktol niya. "Oo nga, ipapakilala naman kita eh. Hahanap lang ako ng magandang timing." pangumgumbinsi ko sa kanya. "Para ngang kinakabahan ka eh, may pa number number ka pang nalalaman." natatawang sabi ko saka inangat ang notebook niya. Namula na naman ang magkabilang tainga niya. "Syempre nanay mo 'yon eh." Grabe talaga, habang tumatagal mas nagiging cute siya sa paningin ko kahit madalas siyang mag-inarte. "Mabait naman si nanay, sobrang bait." totoo naman 'yon, mabait talaga si nanay. "Ikaw, ipapakilala na rin kita sa pamilya ko." seryosong sabi niya habang nakatitig sakin. "Kinakabahan ako." napangiti siya sa sinabi ko saka hinawakan ang kamay ko at dinampian 'yon ng halik. "Medyo kakabahan ka lang talaga sa una sa tatay ko, pero mabait naman 'yon." sabi niya. "Si Mr. Ice Prince Farthon diba?" tumango lang siya. "Paano kapag hindi siya pumayag sa relasyon natin gaya ng mga nasa drama? Mahirap lang ako eh." natawa siya sa sinabi ko. "Walang pakialam 'yon sa gano'n, maniwala ka sakin." sabi niya saka kinurot ang pisngi ko. "Halikan na lang tayo?" nakangising tanong niya. Hinampas ko naman siya ng malakas. *** "Sino ba kasi yung bisita niyo? Lalaki ba 'yon?" pangungulit ni Zared. "Oo, pero kababata ko nga lang 'yon. Hindi mo pa nga siya nakikita nagseselos kana agad." ayos din 'tong lalaking 'to eh. "Pasok na rin kasi ako, tapos magpapakilala na rin ako sa nanay. Malay mo pormahan ka nung kababata mong 'yon." Napailing na lang ako sa sinabi niya at hinila siya papasok sa kotse niya. Nakasimangot na siya ng sobra, kunot na kunot din ang noo niya. "Umuwi kana at magpahinga, wag na makulit. Bye, I love you." hindi ko na siya hinalikan kasi malapit lang yung looban namin dito. Baka may makakita pang kapitbahay. "I love you too." sabi na lang niya kahit nakasimangot siya. Naglakad na ko at nilingon siya saglit saka kinawayan. Pumasok na ko sa looban namin. "Hoy Reign!" napangiti ako nang makita ko si Cedrick na pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay. Namiss din siguro siya kasi ang tagal niya ring nawala. Bukod kina Alliah, si Ced lang ang nakapagtiyaga sa kasungitan ko, matagal ko na ring kaibigan ang isang 'to. "Ced!" lumapit ako sa kanya at binatukan siya. "Aray, ang gandang bungad naman niyan." natawa lang ako sa sinabi niya. "Anak, kumain kana oh. Si Cedrick ang nagpahanda nitong lahat." sabi ni nanay. Kaya pala may mahabang mesa dito na puro pagkain. "Naks, asensado na." pang-aasar ko sa kanya saka tinapik siya sa balikat. Napatingin ako kay nanay, nandito na pala si Ate Ren at nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay. Umupo na ako, sabay sabay kaming kumain kasabay ang mga kapitbahay namin dito sa looban. Ang ingay sa paligid, joker din kasi 'tong si Ced. "Pabili po!" Literal na nanigas ako nang marinig ko ang boses na 'yon. "Ano 'yon totoy?" tanong ng tindera samin at tumayo saka pinagbentahan si Zared. Oo, si Zared talaga. "Soft drink po, kahit ano." sabi niya pero nasakin ang tingin niya. Napalunok ako, ano bang trip niya?! Inabot sa kanya yung soft drink na nasa plastic na may straw. Kinuha niya 'yon habang nasakin pa rin ang tingin. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya eh. "Ang gwapo naman no'n." narinig kong bulungan ng mga dalaga naming kapitbahay. Napataas ang isang kilay ko. "Reign, anong plano mo kapag nakapagtapos ka?" tanong ni Ced at inakbayan ako. Kinakabahang napatingin ako kay Zared na parang papatay na ng tao. Kagat kagat na niya yung straw na parang nagpipigil siya ng inis. "A-Ah eh, m-magtatrabaho siyempre." sabi ko saka pasimpleng tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin. "Akala ko magpapakasal na tayo eh." nasamid ako sa sinabi ni Ced. Kinantyawan kami ng mga kapitbahay. Napatingin ako kay Zared na nakakuyom na ang kamao at umiigting na ang panga. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang pinaglalamayan na si Ced. "Gumanda kana ngayon lalo Reign." sabi ni Ced saka tinitigan ako. Awkward na ngumiti ako. Kung wala lang dito si Zared, balewala lang sakin ang pinagsasasabi niya eh. Kaso si Zared kasi eh. "Reign alam mo---" agad na naputol ang sasabihin ni Cedrick nang may umentrada na. "Fcking stop it! Wala kang karapatan landiin ang girlfriend ko!" napaawang ang labi ko sa singhal ni Zared. Lahat ng kapitbahay namin, nasa kanya na ang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD