"Rina! Halika na rito sa loob!" Sinilip ko sa labas si Rina, napailing na lang ako nang mapansing nakikipaglaro ito sa mga bata ng paborito nitong laro, teacher teacher-an at siya ang teacher. "Mama!" Napatingin ako sa kanya nang pumasok na siya sa bahay. Agad siyang lumapit sa akin at yumakap, napangiti na lang ako ag kinurot ang pisngi niya. "Kung makayakap ka sa 'kin ah, amoy pawis ka naman," pagbibiro ko. Napaismid siya sa sinabi ko at inamoy ang sarili niya. "Over ka naman po Mama, mabango pa kaya ako," nakangusong sabi nito. Agad akong naghanda ng damit niya, papaliguan ko na siya. Batang 'to talaga, inuna pa ang maglaro kaysa maligo. "Mama, si Kuchi po, marunong na po siya magsulat dahil sa akin. Ang galing ko pong teacher 'no?" pagyayabang niya. Natawa na lang ako. "Weh? N