“Reign, ano ba talaga ang problema? Kanina ka pa iyak ng iyak,” sabi ni nanay habang hinahaplos ang likod ko. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaub-ob sa mesa at patuloy sa pag-iyak. Ayokong sabihin sa kanya ang buong dahilan, pero kailangang kailangan ko ang haplos at pag-alo niya ngayon. “Anak, utang na loob, sabihin mo sa 'kin kung ano ang nangyari. Bakit ka ba nagkakaganyan?” nag-aalalang tanong ni nanay. Tumunghay ako at yumakap sa baywang ni nanay, doon ako umiyak ng umiyak. Hindi naman niya alintana kahit pa mabasa na ang damit niya dahil sa mga luha ko. Natigilan kaming pareho nang dumating si Ate, nandito na pala ang kanina ko pa hinihintay. Masama ang tingin ko sa kanya ngunit hindi niya ako binabalingan ng tingin. Lumapit ito kay nanay saka nag-abot ng pera. “Pam