“Mama, kilala niyo po pala siya? Ang pogi niya,” bulong ni Rina sa tabi ko. “Shh, wag kang maingay,” pasimpleng bulong ko sa kanya. Ibinaling ko kay Ridge ang tingin ko. Wala na akong karapatan na tawagin siyang Zared, at ayoko na ring tawagin siya sa pangalang 'yon. “You have a child now?” tanong nito habang seryosong nakatingin sa 'kin. Napalunok ako saka tumango. “O-oo, sige aalis na kami. Umalis ka na rin, nakaharang na sa kalsada ang kotse mo,” sabi ko na lang at muling hinila si Rina palayo sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami ni Rina. Nablangko yata ang isip ko, gusto ko ng makauwi agad kami. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. “Mama, hindi po ba tayo sasakay ng jeep? Maglalakad lang po tayo?” Natigilan ako sa tanong ni Rina. Tumingin