Chapter 14

3478 Words

“Mansyon niyo po?” tanong ni Rina. Tumango naman si Mr. Farthon. Kinakabahan na nakatingin ako kay Mr. Farthon, ano ang tumatakbo sa isip niya? Kilala ko ang tatay na 'to ni Ridge, iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. Kung kinabahan ako nung nakita ko si Tita Shenna, triple ang kaba ko ngayon kay Mr. Farthon. “Ayoko po eh, kasi ang sabi niyo ako lang po. Hindi niyo isinama ang Mommy ko. Saka ngayon ko lang po kayo nakilala,” nakangusong sabi ni Rina. “Gusto mo muna ba akong kilalanin?” tanong ni Mr. Farthon. Halata sa mga mata nito na naaaliw ito kay Rina. “H-hindi na po, Mr. Farthon, aalis na rin po kami.” Hinawakan ko ang kamay ni Rina at hinila siya palayo kay Mr. Farthon. “Don't you trust me? Ms. Reign De Ocampo,” sabi nito sa malamig na boses habang seryosong nakatitig sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD