Chapter 20

2978 Words

“Bakit hindi mo isinama si Rina? Bakit ikaw lang ang nandito?” tanong ni Mea. Napabuntong hininga na lang ako at ininom ang alak na nasa baso. “Gusto mo talaga paulit-ulit 'no? Pinalayas nga siya ni Ridge teh, saka sa tingin mo ba ibibigay ni Ridge si Rina kay Reign? Puputi muna ang uwak,” napapailing na sabi ni Nestlyn. Napaub-ob ako sa mesa. Hindi pa naman ako lasing, pero medyo nahihilo na ako. “Nasaan ba si Gio? Bakit hindi pa nagpupunta?” tanong ko na lang saka muling uminom. Napangiwi naman silang dalawa sa ginawa ko, ako na lang yata ang umiinom sa aming tatlo. “Busy raw siya, bawi na lang daw siya next time,” si Mea ang sumagot. Biglaan din naman kasi ang pagyayaya ko sa kanila rito. Kahit mga kapit-bahay namin nagulat nang bigla akong dumating, lalo na at hindi ko kasama s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD