“Mommy, bakit po tahimik ka?” tanong ni Rina habang nakain ng sandwich na ginawa ko. “Ahm, may iniisip lang ako beh,” pagdadahilan ko na lang. Natigilan ako at napatingin kay Ridge na abala sa pagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka muling ibinaling ang tingin ko kay Rina. Bakit niya sinabi ang mga 'yon kagabi? Hindi niya raw ako bibigyan ng kalayaan? Ano 'yon? Parang noong nakaraan lang sinabi niya sa 'kin na lubayan ko sila ni Rina, sinabi niya pa sa 'kin na hindi niya hahayaan na makasama ko si Rina. Ano ba ang trip niya? Napakurap ako nang napatingin siya sa 'kin. Tumikhim ako at kumagat na lang ng sandwich. Bakit ba siya natingin? Ang lakas ng loob niya tumingin matapos niyang sabihin ang mga 'yon sa 'kin kagabi. “Mommy, pupunta po ba s