“Mommy, maganda na po ba ako?” Napatingin ako kay Rina na nakangiti sa 'kin matapos kong tirintasan ang buhok niya. Napangiti na lang ako at kinurot ang malambot niyang pisngi. “Palagi ka namang maganda beh, kahit may panis na laway ka maganda ka pa rin sa paningin ko.” Napahagikhik naman siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanya na abala sa pag-aayos ng buhok niya sa harapan ng salamin. Wala sa sariling napangiti ako. Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng ayos. Katabi ko lang si Rina pero pakiramdam ko mawawala siya sa 'kin anumang oras. Natatakot ako. Paano kapag inamin ko na sa kanya ang totoo? Paano kung magalit siya sa 'kin pagkatapos ng dalawang buwan? Napabuntong hininga ako habang nakatitig kay Rina, dapat ko na bang samantalahin ang dalawa