Nagulat ang mag asawang Afable sa biglaang pagsulpot doon ni Mrs. Yumi Tan may bitbit itong isang cute na cute na persian cat na nakalagay sa isang maliit na basket.
Anabelle : " Yumi bakit? anong nangyari at bigla kang napasugod dito sa bahay? " Nagtatakang tanong si Annabelle, Nilapitan niya ito at inanyayahan na siya ay maupo sa may sala.
Yumi : " I'm so scared Annabelle! ewan ko pero nalilito ako " Nanginginig ang mga kamay ni Mrs. Tan habang hawak nito Ang kanyang cellular phone. Napansin ng mag asawa ang tila gustong ipahiwatig nito.
Anabelle : " Oh my God Yumi don't tell me na may nareceived ka rin na text messages buhat sa isang unknown sender? " nanghuhulang sabi ni Anabelle.
Yumi : " Ano ang ibig niyong sabihin? " Naguguluhang tanong din ni Yumi sa kanila. Lumapit si Annabelle kay Yumi at saka tinignan ang kanyang hawak na cellphone. Nagulat ang mag asawa ng mabasa ang pahatid na mensahe na kapareho ng kanilang natanggap buhat sa iisang numero. Bakas sa mukha ng tatlo ang pagkatakot.
Yumi : " Pero sumpa man Anabelle, natakot lamang ako sa mga imbestigador na sabihin ang totoo " napapaiyak na sabi ni Yumi. Niyakap siya ni Annabelle upang i-comfort ito dahil tulad nila ay ganun din ang kanilang nararamdaman. Mga ilang sandali pa ay nagpaliwanagan sila sa totoong naging pagkilos ng mga ito nang gabing iyon.
Yumi : " So ano ang marapat nating gawin kung ganun? kailan niyo balak magsabi ng totoo sa mga awtoridad? " Umpisang tanong ni Yumi. Pero sinansala sila ni Mario.
Mario : " No! huwag muna kayong gumawa ng mga desisyon na hindi masyadong pinag iisipan. Baka kasi ito pa ang ating ikapapahamak at magdulot pa ito sa atin ng kumplikadong sitwasyon."
Anabelle : " So papaano ang ating gagawin Mario? "
Mario : " Huwag muna kayong magsalita ng ating nalalaman, hintayin muna natin na magtanong muli ang mga imbestigador bago tayo magsabi sa kanila ng totoo. May palagay akong isa sa mga residente ng Jergens Subdivision ang totoong salarin who knows? " nanlalaki ang mga mata ni Mario habang ito'y nagsasalita.
Anabelle : " What? at sino naman sa tingin mo ang posibleng may kagagawan nito? may pinagsususpetsahan ka ba? "
Mario : " Meron, pero hindi ko muna sasabihin sa inyo hanggat wala akong sapat na basehan. " Makahulugang sabi ni Mario.
Yumi : " Sige Anabelle, Mario gagawin ko ang mga payo niyo pero hindi ko maipapangako na makakaya kong dalhin ito ng mahabang panahon. " Pahayag ni Yumi at tuluyan na itong nagpaalam. Isinarado narin ni Anabelle ang pintuan ng matiyak na nakaalis na si Yumi.
Past 10:00 Am naman ng dumating si detective Bhie Inson sa Jergens Subdivision at matapos na magpakilala siya sa mga security guards na nakatalaga ng mga oras na iyon ay saka pa lamang siya nakapasok sa loob. Matapos lamang ang isang oras na paghahanap ni detective Bhie ng mga panibagong ebidensiya sa loob ng pamamahay ng mga biktima ay doon pa lamang naka received ng tawag si Bhie buhat kay Lala at ipinababatid na hindi na umano makakapunta doon si detective Nugas dahil sinusumpong na naman ang madalas na p*******t ng kanyang ulo. Minabuti na lamang ni Detective Bhie na dumiretso muna siya sa Hospital para kausapin ang doktor na sumuri sa mga bangkay ng mag iinang Olivas.
Matuling lumipas ang buong maghapon hanggang sa muling sumapit ang karimlan. Maga alas nuwebe na ng gabi ng magpasya ang mag asawang Afable na tumungo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan at magkasamang nahiga sa kanilang maluwang na kama.
Lingid sa kaalaman ng mag asawang Afable at ni Mrs. Yumi Tan ay hindi lamang sila ang ginagambala ng mga isipin patungkol sa isang text messages na kanilang tinanggap sa isang unknown sender dahil bawat isa sa kanila ay naka received ng kaparehong mensahe.
Sa loob ng kanilang mga tahanan sa Jergens Subdivision, ang mga residente ay nagkukunwaring mahimbing ang kanilang pagtulog, ngunit sa likod ng mga nakapikit na matang iyon, ang kanilang mga isipan ay naglalakbay pabalik sa mga oras bago at pagkatapos ng trahedya.
Annabel Afable : Sa kanyang silid, si Annabel ay nakahiga sa tabi ng kanyang asawa, ang kanyang katawan ay hindi gumagalaw ngunit ang kanyang isipan ay bumabalik sa oras na iyon kasama si Sylvia. Ang pag-toast nila ng red wine, ang pagtanggap ni Sylvia sa hikaw, at ang kanyang huling ngiti—mga alaalang hindi mawaglit sa isip ni Annabel.
“Salamat sa iyong pagpunta, Annabel. Ang ganda ng hikaw,” sabi ni Sylvia, ang kanyang mata ay kumikislap sa ilalim ng ilaw.
Mario Afable: Sa kabilang dako ng kama, si Mario ay nagkukunwaring mahimbing ang tulog, ngunit ang kanyang puso ay puno ng pangamba. Ang kanyang paghahanap kay Annabel, ang kanyang pag-aalala, at ang kanyang desisyong hindi na tumuloy sa bahay ni Sylvia—mga desisyong ngayon ay tila mga tanong na walang kasagutan.
“Annabel, saan ka ba galing? Hinahanap kita,” bulong ni Mario, ang kanyang noo ay puno ng pawis. Tinapunan siya ng tingin ni Sylvia na parang may pagdududa sa kanyang mga mata.
Richard at Danica Ramirez: Sa kanilang silid, ang mag-partner ay magkatabi, ang kanilang mga hininga ay sabay ngunit hindi pareho ang ritmo. Ang kanilang pagdalaw kay Sylvia, ang mga tsokolateng kanilang iniwan, at ang mga ngiting kanilang nakita—mga alaalang ngayon ay nagdudulot ng kakaibang kirot sa kanilang mga dibdib.
“Kay tamis naman ng inyong sorpresa,” sabi ni Sylvia, habang tinatanggap ang kahon ng tsokolate.
Miguel at Sunshine Valdez: Sa kabilang bahagi ng subdivision, si Miguel at Sunshine ay magkayakap sa ilalim ng kumot, ngunit ang kanilang mga isipan ay nasa malagim na tanawin na kanilang nadatnan. Ang katahimikan ng kamatayan, ang mga walang buhay na katawan, at ang kanilang pagpili na umalis at itago ang lahat—mga desisyong bumabagabag sa kanila sa bawat pagpikit.
Melanie at Bernard Santos: Sa kanilang tahimik na silid, si Melanie at Bernard ay nagkukunwaring mahimbing ang tulog, ngunit ang kanilang mga mata sa ilalim ng mga talukap ay puno ng mga imahe ng trahedya. Ang kanilang pagdalaw, ang kanilang pagkakita sa hindi maipaliwanag na pangyayari, at ang kanilang pagtakas mula sa katotohanan—mga alaalang nagpapahirap sa kanilang paghinga.
Robert Marquez : Si Robert, ang retiradong pulis, ay pumasok na may tapang, ngunit ang kanyang loob ay bumigay sa nakita. “Walang dapat malaman,” sabi ni Robert sa sarili, ang kanyang desisyon ay mabilis at matatag.
Sophia Lopez at Amanda Imperial: Sa kanilang kama, si Sophia at Amanda ay nagkukunwaring natutulog, ngunit ang kanilang mga isipan ay naglalakbay sa madilim na mga pasilyo ng bahay ni Sylvia. Ang kanilang pagtuklas sa katahimikan ng kamatayan, ang kanilang pagkagimbal, at ang kanilang pagpili na huwag magsalita—mga desisyong nagpapabigat sa kanilang mga damdamin.
Yumi Tan : Si Yumi, may hawak na liham, ay tahimik na pumasok. Si Sylvia ay malungkot na ngumiti. “Yumi, bakit ka nag-abala?” tanong ni Sylvia, ang kanyang tingin ay malalim. “Isang alaala, para sa ating lahat,” sagot ni Yumi, ang kanyang boses ay nanginginig.
Sa bawat pagkukunwari, ang mga residente ng Jergens Subdivision ay nagtatago ng isang lihim na maaaring magbunyag ng isang mas malaking katotohanan. Ang oras ng kanilang pagdalaw at mga aksyon ay maaaring ang susi sa paglutas ng misteryo ng pagkamatay ng mag-iinang Olivas.
Sa kabilang dako ay ibinababad ng salarin, ng berdeng Tina ang mga posporong kanyang inorder buhat sa isang online shop. At sa bawat pagpatak ng berdeng Tina sa sahig sa tuwing iaangat niya ito para patuyuin ay ibayong kaligayahan ang kanyang nadarama. Kung susuriing mabuti ang kanyang mga ngiti ay mababakas doon ang kanyang pagiging inosente na animoy isang batang galak na galak talaga sa kanyang ginagawa.