Sa opisina na puno ng mga case files at mga larawan ng mga pinangyarihan ng krimen, si Detective Bhie Inson ay mukhang balisa habang pinag-aaralan ang isang bagong tuklas na ebidensya. Bigla niyang napagtanto ang isang mahalagang detalye at agad niyang dinampot ang telepono para tawagan si Detective Leumas Nugas.
Detective Bhie Inson: “ Sir Leumas, Bhie 'to. May natuklasan ako na baka magbago ng takbo ng kaso ni Mrs. Sylvia Olivas.”
Detective Leumas Nugas: “Anong natagpuan mo, Bhie?”
Detective Bhie Inson: “Yung glass ng alak na nasa tabi ng computer, may bakas ng fingerprints na hindi tumutugma kay Sylvia. At hindi lang 'yon, may nakita akong discrepancy sa toxicology report.”
Napabuntong-hininga si Detective Leumas Nugas, tila ba nadama niya ang bigat ng impormasyong ibinahagi ni Bhie.
Detective Leumas Nugas: “Ibig sabihin, may ibang tao sa loob ng bahay nung nangyari ang insidente?”
Detective Bhie Inson: “Posible. Kailangan nating muling bisitahin ang crime scene at maghanap ng karagdagang ebidensya. Hindi ito simpleng suicide.”
Nagkasundo ang dalawa na magkita sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Mrs. Sylvia Olivas. Para maghanap ng karagdagang ebidensiya.
Detective Leumas Nugas: “Salamat, Bhie. Mag-ingat ka sa pagpunta doon. Hindi natin alam kung ano pa ang maaari nating matuklasan.”
Detective Bhie Inson: “Walang anuman, Sir Leumas. Para ito sa hustisya. Magkita tayo doon.”
Muling tinunghayan ni Detective Leumas ang suicide letter na nailathala sa isang sikat na pahayagan, ang The Makati Tribune:
Sa sinumang makakabasa nito,
Ang aking mundo ay unti-unti nang gumuho mula nang mawala si Nicanor. Ang kanyang pagbitay ay hindi lamang pagkitil sa kanyang buhay, kundi pati na rin sa esensya ng ating pamilya. Ang sakit na dulot nito ay higit pa sa maaaring tiisin ng sinuman.
Ngayong araw, nagpasya akong maghanda ng isang espesyal na cake—ang huling handog ko sa aking mga mahal sa buhay. Sa bawat paghalo ng mga sangkap, ang bawat kurot ng asukal at patak ng vanilla extract ay tila mga luha na bumabagsak sa mangkok. Hindi ito isang simpleng cake, kundi isang simbolo ng aming pagtatapos.
Habang tinatapos ko ang sulat na ito, nasa tabi ko ang baso ng alak na may halong lason. Ito ang aking kasama sa aking huling paglalakbay. Hindi ko na hinangad na maging pasanin pa sa sinuman, at hindi ko na rin nais na mabuhay sa isang mundong wala na si Nicanor at puno ng pag-iisa.
Ang desisyon kong ito ay hindi dahil sa kawalan ng pagmamahal sa buhay, kundi dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking pamilya na hindi ko na kayang makita silang magdusa pa. Nawa'y maintindihan ng lahat na ito ay ginawa ko hindi dahil sa kahinaan, kundi dahil sa paghahanap ng kapayapaan.
Paalam,
Sylvia
P.S. Mahal na Pangulo,
Sa aking paglisan, nais kong iwanan ang isang huling mensahe na maaaring magbigay liwanag sa mga susunod na henerasyon. Ang hindi pagbibigay ng klemensya sa aking asawa, si Nicanor, ay hindi lamang personal na trahedya para sa aming pamilya, kundi isang simbolo ng mas malawak na isyu sa ating sistema ng hustisya.
Nawa'y ang aking kaso ay magsilbing paalala sa inyo at sa mga susunod pang namumuno na ang bawat desisyon ay may kaakibat na buhay at kinabukasan na nakataya. Sana'y maging mas maingat at makatao sa pagpapataw ng pinakamabigat na parusa.
Ang aking kamatayan, kasama ng aking mga anak, ay hindi dapat maging walang saysay. Nawa'y ito ay magbukas ng mas malalim na pag-unawa at pagbabago sa ating lipunan.
Nagmamakaawa,
Sylvia M. Olivas
Napabuntong hininga si Detective Nugas sa kanyang nabasa. Ang suicide letter na ito ay nagdulot ng samut saring reaksiyon ng mga concern citizen's at maging ng mga observers. Ngunit kung siya ang tatanungin sa veracity ng suicide statement na iyon ni Mrs. Sylvia Olivas ay hindi siya kumbinsido, at sa isipan niya ay hinabi ito ng isang mad man na siya ring salarin. Batid ng detective na may angking talino ang kriminal. Hindi rin siya kampante na ang mga iniiwan nitong mga ebidensiya ay malamang na isa lamang diversionary tactics para iligaw ang marami. At nagtagumpay nga ang salarin sa kanyang naging mga kalkulasyon. Isang hamon ngayon na nakaatang sa kanilang balikat, ang pagtuklas sa totoong nangyari at higit sa lahat ay kung papaano nila matutukoy kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
Samantala ay nakatanggap ng text messages buhat sa isang unknown sender ang bawat isang residente ng Jergens Subdivision at sinabihan ang mga ito na siya ay may nalalaman sa naging pagkilos ng bawat isa sa kanila ng gabing mangyari ang pagpaslang sa magiinang Olivas. Ang nilalaman ng text messages ay iisa lamang at ipinadala niya ito sa lahat thru text messages. At Ang laman ng text messages;
' Alam kong nagpunta ka sa bahay ni Sylvia ng maganap ang isang hindi malilimutang krimen. Pero bakit itinatanggi mo na hindi ka nagpunta doon? natatakot ka bang malaman ng mga tao lalong lalo na sa mga pulis at detective ang mga ginawa mo? hindi pa huli ang lahat para aminin mo ang iyong nagawang pagkakamali, alam kong batid mo ang tinutukoy ko dahil naroon ka ng mangyari ang karumaldumal na krimen.'
Ang text messages ay nagbuhat sa iisang Numero. Pagkatapos ma i-send ang mensahe ay saka tinanggal ang sim card sa cellphone na kanyang ginamit at sinunog niya ito upang walang maging ebidensya na maaaring tumukoy sa kanyang identity. Lahat ng nakatanggap ng mensahe ay hindi mapakali at nagkaroon ng matinding takot at isa na rito ang mag asawang Afable.
Annabel Afable: " Oh my goodness mario, isang pagkakamali talaga ang hindi natin pag amin sa mga imbestigador na nagpunta ako sa bahay ni Sylvia ng mga alanganing oras." takot na takot na sabi ni Annabelle. Niyakap siya ni Mario para i-comfort.
Mario: " Nangyari na, kailangan nating manindigan. Pero may gusto lamang akong itanong sayo Anabelle, bakit ba kasi pumunta ka pa doon ng mga alanganing oras? " usisa ni Mario.
Anabelle: " Oh my goodness Mario, hindi ko ba nasabi sayo noon ang dahilan? tinext ako ni Sylvia at sinabing gusto niyang may kausap dahil nalulungkot siya.Nagbiro pa nga siya sa akin kung anong regalo ko sa kanya sa anibersaryo nila ni Nicanor." paliwanag ni Annabelle at naaalala ito ni Mario na sinabi pa ng kanyang asawa na plano niyang ibigay kay Sylvia ang isang hikaw na binili niya noon sa Singapore.
Mario: " I remember now, pero naibigay mo ba sa kanya ang hikaw?
Anabelle : " Yeah naibigay ko sa kanya at saglit lang naman ako doon, uminom lang naman kami ng red wine at pagkatapos ay agad din akong nagpaalam, hindi bat nakasalubong pa nga kita on my way papunta dito sa bahay. " saglit siyang natigilan ng bigla siyang may naalala.
Anabelle: " Teka Mario matanong lang din kita, saan ka nanggaling ng masalubong kita sa daan? ang sabi mo sa akin dati ay hinahanap mo ako hindi ba? pero saan mo ako hinanap? bakit parang sa ibang way kita nakasalubong? " nagtatakang tanong ni Anabelle.
Mario : " Sa ibang pagkakataon na ako sayo magpapaliwanag tungkol diyan, ang gusto ko lang malaman ay kung naibigay mo ba ang hikaw kay Sylvia? "
Anabelle: " Yeah at inilagay niya iyon sa ibabaw ng kanyang tokador kasama ang box nito na sinulatan ko sa... oh my god! oh no! " nasapo ni Anabelle ang kanyang ulo ng maisip niyang isa itong ebidensiya sa kanyang presensiya ng gabing maganap ang krimen. Nagtatanong si Anabelle kung sino ang nagtext na iyon at ano ang kanyang MOTIBO? Nasa gayun silang tagpo ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwal ang isang tao na kababakasan ng matinding takot sa kanyang mukha.