bc

WHISPER'S OF A MURDERER

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
BE
curse
stepfather
no-couple
mystery
nerd
apocalypse
enimies to lovers
war
wild
like
intro-logo
Blurb

In the depths of despair, two siblings, Lara and Ben, find themselves trapped in a living nightmare, their innocence shattered by a betrayal most foul. Abandoned by their mother and left at the mercy of a stepfather whose cruelty knows no bounds, their only sanctuary lies in a plan so daring, it could cost them everything.“Whispers of a Murderer” is a chilling tale of survival and revenge. When the past refuses to stay buried, Lara, now managed to change her whole identity weaves a web of deception that ensnares the powerful and corrupt Atty. Manuel. As the body count rises, the truth becomes as elusive as the shadows in the night.Detectives Leumas Nugas and Bhie Rambonanza Inson are on the case, but in a world where everyone wears a mask, can justice ever truly be served? With each twist and turn, Lara and Ben’s thirst for vengeance draws them deeper into a moral abyss, challenging the very essence of right and wrong.This is n ot just a story; it’s a warning. The whispers you hear in the dark are the echoes of the wronged, and they will not be silenced. Prepare to be captivated by a narrative that will grip your heart and not let go until the final, breathtaking conclusion.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 " THE VERDICT "
PROLOGUE: Sa madilim na basement na nagsilbing kanilang kulungan, naroon sina Lara at Ben, nakahiga sa malamig na semento, ang kanilang mga katawan ay hindi kumikilos, parang mga aninong nakatago sa dilim. Lara: (pabulong na may kapanatagan) Ben, kailangan nating magkunwari. Kapag inihagis ni Damian ang basang basahan, huwag kang kikilos. Ben: (nanginginig ang boses) Ate, uhaw na uhaw na ako. Paano kung hindi ko mapigilan? Lara: (madiin ang bawat salita) Kailangan mong pigilan, Ben. Para sa ating kalayaan, para sa scrambled egg na ipinangako ko. Ang kanilang hininga ay pinigilan, ang bawat sandali ay puno ng tensyon. Ang kalampag ng mga yabag ni Damian ay lumalakas, ang tunog ng kanyang mga hakbang ay nag-echo sa mga pader ng basement. Damian: (may pagka-inis) Mga walang silbing bata, tingnan natin kung gaano kayo katapang ngayon! Habang binubuksan ni Damian ang pintuan, isang sinag ng liwanag mula sa itaas ang pumunit sa dilim, ngunit hindi ito sapat upang magbigay ng init sa kanilang nangangatog na katawan. Damian: (nagmamadali at may pagtataka) Bakit hindi kayo gumagalaw? Ano, nagpapanggap lang ba kayo? Dahan-dahang gumapang si Damian papalapit, ang kanyang mga mata ay puno ng pagdududa. Si Lara, na parang estatwa, ay hindi kumikilos, habang si Ben ay nakapikit, ang kanyang mukha ay walang anumang ekspresyon. Lara: (sa isip) Huwag kang bibigay, Ben. Malapit na. Sa sandaling iyon, sa isang iglap ng desisyon, si Lara ay bumangon na parang mula sa kawalan, ang kanyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa kalawanging plato. Ang kanyang galit ay sumabog na parang kidlat, at ang basement na kanilang bilangguan ay naging entablado ng kanilang paghihiganti. Ang prologong ito ay simula pa lamang ng isang kuwento na puno ng tensyon at emosyon, isang imbitasyon sa iyo na sumama sa isang paglalakbay na hindi lamang basta pagtakas, kundi isang laban para sa hustisya at pag-asa. Ang “Whisper’s of a Murderer” ay naghihintay, handa ka na bang masaksihan ang kanilang kwento? ****************************************** Sa loob ng mabigat na katahimikan ng korte, ang lahat ay nakatutok sa huling salita ng magkabilang panig. Ang tagausig, na may matibay na tindig at matalim na tingin, ay unang nagsalita. Tagausig : "Ang buhay," aniya, "ay sagrado. Ang bawat umaga na hindi na masisilayan ng biktima, ang bawat pangarap na hindi na niya maaabot—ito ang tunay na krimen. Hindi lamang isang buhay ang ninakaw ng akusado, kundi ang kinabukasan ng isang pamilya na nag-alay ng walang kapantay na sakripisyo." Tumugon naman ang depensa, ang kanilang boses ay puno ng emosyon. Depensa : "Ang parusang bitay ay hindi lamang bangungot para sa akusado, kundi pati na rin sa kanyang mga anak na umaasa sa kanya. Siya ay isang ama, isang tagapag-alaga, na ngayon ay nahaharap sa maling paratang. Ang tunay na kriminal ay ang politikang naglalaro sa likod ng mga eksena, na nagdulot ng kasinungalingan laban sa kanya." Habang lumalapit ang oras ng paghatol, ang tensyon sa loob ng korte ay kapansin-pansin. Ang mga kamay ay mahigpit na magkahawak, ang mga mata ay puno ng dasal, at ang katahimikan ay naputol lamang ng mga hikbi at bulong. Sa wakas, tumayo ang hukom, ang kanyang mukha ay walang mababakas na emosyon. Hukom : " Batay sa mga argumento at mga ebidensya na pinagsikapang iprinisinta ng magkabilang panig " simula niya, " Ikaw Nicanor Olivas ay napatunayang guilty without reasonable doubt at ikaw ay hinahatulan ng hukumang ito ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng silya elektrika, so order, tak tak." Ang bulungan ay naging sigawan, ang mga camera ay kumislap, at ang mga reporter ay nagmadaling magbalita. Sa isang panig, ang mga luha ng pighati; sa kabilang panig, ang mga ngiti ng katarungan. Ang kaso ng bitay, na unang beses muling pinagtibay ng pangulo ng Republika ng Pilipinas, ay nagtapos na. Ang hatol ay naihatid, at ang buhay ng akusado ay nakatakda na. Sa labas ng hukuman, ang himpapawid ay puno ng tensyon at inaasahan. Isang reporter mula sa isang kilalang istasyon ng telebisyon ang nakatayo sa harap ng camera, ang kanyang mikropono ay hawak nang mahigpit. Reporter : "Magandang umaga, Pilipinas," panimula niya, ang kanyang boses ay malinaw at puno ng awtoridad. Reporter : "Narito tayo ngayon sa harap ng Korte Suprema kung saan ilang sandali lamang ang nakalipas, isang makasaysayang hatol ang naihatid. Ang akusadong si Mr. Nicanor Olivas, na nahaharap sa kasong panggagahasa at pagpatay, ay hinatulan ng kamatayan sa silya elektrika." Ang kanyang ulat ay sinamahan ng mga imahe ng mga taong nagtitipon sa labas ng korte, ang ilan ay may hawak na mga plakard, ang iba naman ay tahimik na nagdarasal. Ang mga emosyon ay halo-halo—galit, lungkot, at pag-asa para sa hustisya. Reporter : "Ang kaso ay tinutukan ng buong bansa, at ngayon, ang hatol na ito ay hindi lamang nagtatapos sa isang trahedya kundi nagbubukas din ng mga bagong kabanata sa ating sistema ng hustisya," patuloy ng reporter. Reporter : " Mananatili tayong nakatutok sa mga susunod na kaganapan at magbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga susunod na oras." Habang bumabalik sa loob ng korte ang camera, ang reporter ay nagbigay-pugay sa mga manonood. Reporter : "Mula sa Korte Suprema, ako si Jazzy Jam Devera, nag-uulat." Sa labas ng Korte Suprema ay hindi matapos tapos ang mga batian at kamayan ng mga nanalo sa kaso. Sa kabilang panig naman sa kampo ng mga Olivas ay halos madurog ang puso ng kanilang mga kapamilya at supporter na naniniwala na inosente ang akusado. Ang kanilang abogado na si Atty. Manuel Miranda ay isang magaling na abogado at isa ring Vice Mayor sa isang lungsod ng Maynila na may mga koneksyon sa lipunan. Ito ang kauna unahang pagkatalo niya sa isang kaso at ang masakit pa ay sarili pa niyang manugang ang nahatulan. Sylvia : " Dad, why? I'm so worried kawawa naman ang mga apo mo." umiiyak na samo ni Mrs. Sylvia Olivas ang nag iisang anak na babae ni Atty. Manuel Miranda. Atty. Manuel : "Don't worry iha, gagawa ako ng paraan na hindi matuloy ang pagbitay kay Nicanor, kung kinakailangang ubusin ko ang ating kayamanan ay gagawin ko " hopeless na sabi ng kanyang ama. Sa isang sulok ng Korte Suprema ay may isang nilalang na nagbubunyi. Hindi siya kapamilya o kaibigan man lang ng mga nagwagi sa kaso, subalit mas higit ang kanyang kasiyahan sa nakikita niyang eksena. Unti unti na ring nabubuo ang kanyang mga pinapangarap, ang makapaghiganti kay atty. Manuel Miranda na siyang puno't dulo ng lahat kung bakit sila nasadlak sa isang kalagayan na ni sa hinagap ay hindi nila pinangarap na kanilang maranasan. Sa sulok ng kanyang mga mata ay sumilay ang isang malademonyong mga ngiti at kanyang ibinubulong sa hangin na: 'nagsisimula na...dumating na ang araw ng paniningil.'

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook