Chapter 8 " THE CLOWN "

1309 Words
Inilatag ni Ben ang isang bundles ng posporo na ibinabad niya sa berdeng Tina sa ibabaw ng mesa na yari sa pinagtagpi tagping plywood. At habang ginagawa niya ito ay naaalala niya ang ilang tagpo na paulit ulit na bumabalik sa kanyang memorya. Kaarawan noon nang ate Lara niya at mayroong napakalaking box na nasa harap ng kanilang sala. Ang sabi ng kanilang Ina ay regalo daw ito ng kanilang Ama. Nakasuot silang dalawa ng costume na parang magpeperform sila sa circus, may suot din silang parihabang sumbrero. Sa lamesa ay may mga masasarap na pagkain, mga prutas at isang higanteng cake. Dumating ang ilang piling bisita ng kanilang pamilya. Naroon din ang ilang mga kaklase ng ate Lara niya na pawang naka custome din palatandaan na silay handang makipag saya. Ipinagtaka ni Ben kung bakit wala pa doon ang kanilang Ama. Maya maya ay ipinag utos ng kanilang Ina na buksan na ang malaking box na regalo para sa kanilang magkapatid. Excited silang dalawa ng ate Lara niya na binuksan ang malaking surprised box ng kanilang Ama. Pagbukas nila ng box ay nagulat ang lahat ng biglang lumabas sa loob ng box ang isang Clown. Noong una ay inakala ng lahat na isa itong uri ng manikin, pero nagsigawan ang lahat ng magsimulang gumalaw ang clown.Nang magsimulang magsalita ang Clown ay napangiti si Lara at Ben dahil kahit binago ng Clown ang kanyang tinig ay nahalata nilang ang kanilang Ama ang nagpanggap na Clown. Tuwang tuwa ang lahat ng mga panauhin lalong lalo na ang mga bata dahil sa mga magic tricks na kanyang ginawa. Sobrang naaliw sa kanya ang mga panauhing dumalo at ang pinaka exciting part ay ng tanggalin na ni Zandro ang pinta sa kanyang mukha na siyang nagsilbing maskara. Nagpalakpakan ang lahat ng mapagtanto nilang si Zandro pala ang Clown na nag entertain sa kanila. Pero hindi pa nakakalabas sa kahon ang kanilang Ama ay biglang may pumasok doon na mga pulis at saka agad agad na pinosasan si Zandro at siya'y inaresto ng mga pulis. Ang buong akala ng mga bisita ay kasama parin iyon sa palabas pero iba ang pakiramdam ni Ben dahil sa nakikita niyang reactions sa mga mata ng kaniyang Ama habang isinusuot nito ang roba at kunwa ay nag martsa palabas ng bahay kasama ang mga pulis. Zandro Saldivar ( ang kanilang biological father ) : " Kilala siya bilang isang professional Magician, at prominenteng tattoo artist. Siya ay madalas na mag perform noong siya'y nabubuhay pa sa mga tanyag na lugar sa Pilipinas partikular sa Folk arts theater at iba pang mga kilalang staged sa larangan ng pagtatanghal. Katuwang nito ang kanyang asawa na ubod ng ganda at siyang pinaka Modelo nito. Siya ay si Mrs. Desiree Saldivar. Sa bawat pagtatanghal ay ang pinakatampok na bahagi ay ang pagpapakita ng obra ni Zandro, ang presentations niya sa husay niya sa pagpinta gamit ang buhay na medium, na kung turingan ng iba ay body paint. Gumagamit siya ng mga modelong babae na nagpapakita ng kanyang obra at talento sa pagpinta. Ang mga babae ay walang saplot sa katawan at ang tanging tumatakip sa kanilang kahubaran ay ang mahusay at perpektong pagkakagawa ni Zandro sa paggamit ng makukulay na henna. Ng mga panahong iyon ay sikat na sikat ang ama ni Ben. Naiimbitahan din siya sa mga pagtatanghal sa modeling world at isa sa mga masugid na tagasubaybay nila noon ay si Atty. Manuel Miranda. Hindi malilimutan noon ni Ben noong isinama sila ng kanyang ate Lara sa isang pagtatanghal na ginanap sa Olingapo City at ang Organizers ay pinamumunuan noon ni Atty. Manuel Miranda. Kahit sa murang edad pa lamang niya noon ay batid niyang may kakaibang pakay si Atty. Manuel sa kanyang Ina. Madalas niya itong mahuli noon na lagi niyang kinakausap si Desiree ( ang kanyang Ina ) sa tuwing wala sa tabi ng kanyang Ina ang kanyang Ama. Ramdam naman ni Ben na walang gusto si Desiree kay Atty. Manuel dahil lagi niya itong nakikita na umiiwas ito sa kanya sa tuwing tatangkain niyang lapitan at halikan si Desiree. Sinabi ni Ben sa kanyang ate Lara ang kanyang mga napapansin kung kaya't agad na isinumbong ito ni Lara sa kanilang Ama. Subalit sa halip na kumprontahin niya si Atty. Manuel ay parang binalewala pa ito ng kanilang Ama at nalaman nalang nilang magkapatid na may malaking pagkakautang pala ang kanilang pamilya kay Atty. Manuel. Lumipas ang ilang buwan ay hindi nila inaasahan na masasangkot ang kanyang Ama sa isang kaso. Dalawa sa kanyang mga Modelo ang nagsampa ng kasong r**e kay Zandro, pero paliwanag sa kanila ng kanilang Ama ay set up ang nangyari. Nagkaroon ng isang party sa tahanan ni Atty. Manuel at si Zandro ay pinagkaisahan ng dalawang Modelo. Ayon sa kuwento ni Zandro sa kanilang mag iina ay sinadya siyang lasingin ng araw na iyon at ang sumunod na pangyayari ay namalayan na lamang niya na nasa loob siya ng isang silid at kasama ang dalawang hubo't h***d na dalawang Modelo. Umiiyak ang mga ito habang siya ay pinagsasampal ng dalawang Modelo.Si Atty. Manuel na inaasahan nilang magtatanggol sa kanila ay hindi nila akalain na papanig sa dalawang Modelo. Siya pa ang tumayong abogado ng dalawa hanggang sa umusad ang kaso at naipabilanggo niya si Zandro. Si Desiree na kanilang Ina ng mga panahong iyon ay labis na nahihirapan lalo na ng sabihan siya ni Atty. Manuel Miranda na bayaran niya ang kanilang pagkakautang na umaabot na pala noon ng mahigit sa dalawang milyong Piso. Pero napag alaman nilang magkapatid buhat din mismo sa kanilang Ina na handa daw i-urong ni Atty. Manuel ang demanda sa kanya at hindi na niya sisingilin ang kanilang pagkakautang sa kanya. Pero ang kapalit ay ang pagpayag niyang pagpapakasal sa kanya. Batid kasi ni Atty. Manuel na nang mga panahong iyon ay hindi pa sila kasal ng kanyang Ama. Pero gayunman ay hindi pumayag si Desiree sa gustong mangyari ni Atty. Manuel. Ibinenta ni Desiree ang lahat ng kanilang ariarian para ipambayad kay Atty. Manuel at sila ay nangupahan na lamang sa isang maliit na apartment. Hindi parin tumigil si Atty. Manuel para lang mapapayag si Desiree na makisama sa kanya kahit pa bayad na nilang lahat ang mga inutang nila sa kanya.Dahil sa impluwensiya noon na taglay ni Atty. Manuel ay kayang kaya niyang takutin at tapalan ng pera ang sinumang kokontra sa kanyang mga planong gawin. Inalok niya si Desiree na pumayag lamang itong magpakasal sa kanya ay gagawin niya ang lahat para mapawalang sala si Zandro at kung hindi naman siya papayag ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa bilangguan or worst ay baka doon na siya aabutan ng kamatayan. Kinausap ni Desiree si Zandro tungkol sa alok ni Atty.Manuel kapalit ng kanyang paglaya pero hindi pumayag si Zandro at sinabi nitong mas nanaisin pa niyang mamatay keysa malaman niyang nagsasama sila ng hayop na abogado na siyang master mind sa pag set up sa kanya. Hanggang isang araw ay nabalitaan na lamang nilang nagbigti ang kanilang Ama sa loob mismo ng kulungan. Hindi sila naniniwala na magagawa iyon ng kanilang Ama. Sa kagustuhan naman ng kanilang ina na makawala sa anino ni Atty. Manuel ay pumayag siyang magpakasal sa isang matandang mayaman na nagmamay ari ng malawak na lupain sa isang malayong Lugar sa Nueva Ecija.Si Don Larosco na mas kilala sa tawag na Don Damian, na siyang simula ng kanilang naranasang walang katulad na kaapihan. Halos hindi namalayan ni Ben ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata. Muling nagsimulang manginig ang mga kamay ni Ben, agad siyang naglabas ng isang box ng posporo at kanyang sinindihan, at sa tuwing malapit nang umabot ang apoy sa kanyang mga daliri ay kanya itong binabali at itatapon sa sahig paulit ulit niya itong ginagawa hanggang sa tumigil ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD