Sa maluwang na bulwagan ng clubhouse, ang bawat isa sa mga residente ng Jergens Subdivision ay nagtipon, ang kanilang mga anino’y kumikislap sa ilalim ng malamlam na ilaw. Ang hangin ng gabi ay puno ng tensyon, at ang bawat isa ay may kanya-kanyang kwento.
Annabel at Mario Afable, ang mag-asawang negosyante, ay magkatabing nakaupo, ang kanilang mga mukha’y seryoso at walang emosyon. Si Annabel, na kilala sa kanyang matagumpay na negosyo, ay tila ba isang estatwa, habang si Mario, na may reputasyon bilang isang mapagmahal na ama, ay tahimik na nagmamasid.
Richard at Danica Ramirez, ang mag-live in partner na call center agents, ay magkahawak-kamay, tila ba naghahanap ng lakas sa isa’t isa. Ang kanilang mga mata’y nagpapalitan ng mga sulyap na puno ng pag-aalala.
Yumi Tan, ang biyudang may anak sa Amerika, ay nakaupo sa isang sulok, ang kanyang mga mata’y lumuluha habang hawak ang isang lumang larawan ng kanyang yumaong asawa.
Danny Ybanez, ang abogadong hiwalay sa asawa, ay kasama ang kanyang batang kinakasama. Ang kanyang mga mata’y matalim, tila ba naghahanap ng butas sa mga alibi ng iba.
Miguel at Sunshine Valdez, ang dating OFWs na ngayon ay online sellers, ay magkatabing nakaupo, ang kanilang mga kamay ay mahigpit na magkahawak. Ang kanilang limang taong gulang na anak ay nasa tabi nila, walang kamalay-malay sa bigat ng sitwasyon.
Melanie at Bernard Santos, ang mag-asawang doktor na walang anak, ay magkatabing nakaupo, ang kanilang mga mukha’y puno ng propesyonalismo at kalmado, ngunit ang kanilang mga mata’y nagpapahiwatig ng isang lihim na kalungkutan.
Robert Marquez, ang retiradong pulis na may anak na sumunod sa kanyang yapak, ay nakaupo nang mag-isa, ang kanyang mga braso’y nakatiklop at ang kanyang tingin ay matigas at walang takot.
Carla at Marvin Bueno, ang mag-asawang guro, ay magkatabing nakaupo, ang kanilang mga mukha’y puno ng pag-aalala para sa kanilang anak na nasa high school.
At ang mag-live in partner na sina Sophia Lopez at Amanda Imperial, kapwa physical therapists, ay magkatabing nakaupo, ang kanilang mga mata’y nagpapahiwatig ng isang malalim na pagkakaunawaan sa isa’t isa.
Sa gitna ng lahat ng ito, isang pigura ang tahimik na pumasok sa silid. Ang kanyang mga hakbang ay mabigat, at ang kanyang presensya ay nagdala ng isang bagong tensyon. Ito ay si Detective Leumas Nugas kasama ang kanyang katuwang na si detective Bhie Inson, na may hawak na isang folder na puno ng mga larawan at ebidensya. Siya ang magtatanong, siya ang maghahanap ng katotohanan.
Ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang alibi, ngunit sa likod ng kanilang mga mata, may mga lihim na nagtatago. Sino kaya sa kanila ang tunay na salarin? Ang sagot ay nakatago sa kanilang mga salaysay, sa kanilang mga kilos, at sa mga pahiwatig na kanilang iniwan.
Ang kuwento ay umiikot, at ang bawat isa ay may papel na ginagampanan. Ngunit sa huli, isa lamang ang makakatuklas ng katotohanan. At marahil, ang katotohanan ay mas malapit kaysa sa inaakala nila.
Sino kaya sa kanila ang nagpunta ng personal sa bahay ng biktima? Ang tanong na ito ay magiging susi sa paglutas ng misteryo ng “Whispers of a Murderer. "
Detective Leumas Nugas : " Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po si Detective Nugas at nandito ako para mag-imbestiga sa kaso ng pagpatay kay Sylvia. Nais ko lang pong malaman, anong oras po ba kayo dumating sa subdivision kagabi?"
Annabel Afable : "Ah, Detective, ako po ay dumating ng mga alas otso ng gabi Galing po ako sa isang mahalagang meeting at diretso uwi na po ako."
Mario Afable : " Kasama ko po si Annabel. Pagod na pagod po kami kaya hindi na kami lumabas ng bahay."
Richard Ramirez : " Kami po ni Danica ay magkasabay umuwi. Mga alas siyete y media na po kami nakarating dito sa subdivision."
Danica Ramirez :" Totoo po, at pagdating po namin, nagpahinga lang kami. Hindi na po kami lumabas ng bahay.
Yumi Tan: Detective, ako po ay buong gabi lang nasa bahay. Wala po akong ibang ginawa kundi mag-alala para sa aking anak na nasa Amerika.
Danny Ybanez : Ako po ay may kasamang kliyente hanggang 9 Pm ng gabi at nakauwi ako dakong 9:32 pm, Pagkatapos po nun, umuwi na ako at hindi na lumabas ng bahay.
Miguel Valdez : Kami po ni Sunshine ay nag-online selling hanggang hatinggabi. Hindi na po kami nakalabas dahil abala kami sa pag-aasikaso ng aming negosyo.
Sunshine Valdez : Totoo po iyon, Detective. At saka, mayroon po kaming anak na kailangan bantayan.
Melanie Santos : Ako po at si Bernard ay parehong nasa ospital hanggang alas onse ng gabi dahil sa emergency surgery.
Bernard Santos : Opo, at pag-uwi po namin ng mga 11:30 pm ay diretso tulog na kami. Pagod na pagod po kasi kami sir.
Robert Marquez : Ako po, Detective, ay nagbabantay sa aking apo. Hindi po ako umalis ng bahay.
Carla Bueno : Kami po ni Marvin ay nagtuturo online hanggang 10 pm Pagkatapos po nun, kami ay nagpahinga na.
Marvin Bueno : Opo, at saka, may pasok pa po ang aming anak kinabukasan.
Sophia Lopez : Ako po at si Amanda ay magkasama buong gabi. Mayroon po kaming marathon ng paborito naming series.
Amanda Imperial : Tama po iyon, Detective. Hindi po kami umalis ng bahay at nagkaroon kami ng time para sa bonding moments namin ni Sophia.
Sa maikling pagsisiyasat ng detective ay napatunayan niyang lahat sila na naroroon ay puwedeng maging potential suspects dahil pasok sila sa oras na maganap ang krimen. Kanina habang sinusuri ng isang medical examiner ang oras kung kailan namatay ang mga biktima ay tiniyak ni Doctor Honorio Madrigal na namatay ang mag-iina between 11:00 to 1:00 ng madaling araw.
Detective Nugas : " Maraming salamat sa inyong cooperation, batid naming pagod kayo buhat sa inyong maghapong paggawa at ang iba marahil sa inyo ay may mga nakatakda pang gagawin. Pansamantala ko munang tatapusin ang ating mga paguusap pero mayroon lamang kaming ipapakiusap sa inyo. Make yourself available sakaling mayroon kaming gustong itanong sa inyo ng aking mga kasama. Makakaasa po ba kami sa inyong patuloy na walang sawang kooperasyon?. Lahat ay nag agree at pagkatapos ay isa isang nilisan ang Club House at nagtungo sa kanya kanyang magagarang bahay sa loob ng compound ng Jergens Subdivision na tanging mga mayayaman lamang ang makaka afford.
Chief inspector Marlo Aquino : " What can you say sir Nugas? may posibilidad bang isa sa kanila ang may gawa ng karumal dumal na krimen? " usisa nito.
Detective Nugas : " it's too early to tell chief, maybe yes or no. Puwede ring may accomplice ang salarin sa labas ng bakurang ito. Nangangamba akong ang napaka gandang lugar na ito ay muli pang mababahiran ng dugo sa mga susunod pang mga araw. " isang itim na ibon ang pumagaspas sa kanilang harapan at lumipad ito sa mataas na bahagi ng open ceiling ng Club House, lahat sila ay napatingin sa iisang direksyon at kitang kita ng kanilang mga mata kung gaano iniingatan at pinapakain ng uwak ang kanyang mga inahin.