Chapter 11 " THE DISCOVERY "

1312 Words
Ang Jergens Subdivision ay isang larawan ng kagandahan at kaguluhan na magkasanib. Sa unang tingin, ito’y tila isang perpektong komunidad na may malilim na mga puno, maayos na mga kalsada, at mga bahay na may iba’t ibang estilong arkitektural na nagpapakita ng kanya-kanyang karakter. Ang mga hardin ay puno ng makukulay na bulaklak at ang mga bata ay malayang naglalaro sa mga parke. Ngunit sa ilalim ng mapayapang ibabaw, may itinatagong g**o ang Jergens. Ang mga homeowners ay nag-aalala sa lumalalang kondisyon ng kanilang lugar. Ang mga cleaners at sweepers na dating nagpapanatili ng kaayusan ay wala na, at ang mga basura ay unti-unting nagtatambak sa mga sulok. Ang mga ilaw sa kalye ay madalas nang hindi gumagana, nag-iiwan ng mga anino sa gabi na tila ba’y nagtatago ng mga lihim. At ngayon, ang isang nakababahalang amoy ay unti-unting kumakalat sa hangin, isang mabigat na halimuyak na hindi matukoy kung saan nagmumula. Ito’y nagdudulot ng pagkabalisa at takot sa mga residente, lalo na’t may bulung-bulungan na ang amoy ay nagmumula sa bahay ng mag-asawang Afable, na ilang araw nang hindi nakikita. Sa gitna ng kagandahan ng Jergens, ang tensyon ay mataas at ang mga residente ay nag-uumpukan, nagtatanong, at naghihintay sa mga sagot na maaaring magbunyag ng isang masalimuot na katotohanan: Mr. Santos: “Hindi na ito biro! Araw-araw na lang may reklamo tungkol sa amoy na 'to. Anong nangyayari sa seguridad natin?” Marvin Bueno: “Mr. Santos, kulang po kami sa tao. Simula nang mawala ang mga cleaners, hindi na namin kayang abutin ang lahat ng sulok.” Danica Ramirez (pabulong kay Richard): “Ano ba 'yan, hindi na matiis ang baho. Hindi na ako makapagpahinga sa bahay!” Richard Ramirez: “Danica’s right. It’s not just the smell—it’s a health hazard! May mga anak tayo dito. Kailangan nating alamin kung saan 'to nanggagaling.” Danny Ybañez: “May usap-usapan na sa mga Afable daw nagmumula ang amoy. Ilang araw na silang hindi lumalabas…” Yumi Tan: “Kung ganon, hindi na ito dapat pinag-uusapan lang. Kailangan nating kumilos!” Sophia Lopez: “Nakakabahala na talaga. Hindi na normal itong nangyayari. Dapat na siguro nating tingnan ang bahay ng mga Afable.” Amanda Imperial: “Nakakabahala na 'to. Hindi normal na hindi sila nagpapakita. Dapat na talagang tawagan ang mga awtoridad.” Carla Bueno: “Ako na ang tatawag sa pulis. At maghahanap na rin tayo ng mga pansamantalang manggagawa. Hindi na natin pwedeng pabayaan pa ito.” Mr. Santos: “Gawin na 'yan, ngayon din. Hindi natin pwedeng hayaan na masira ang kapayapaan dito sa atin.” Ang karaniwang katahimikan ng umaga sa Jergens Subdivision ay biglang nabasag sa pagdating ng mga sasakyan ng pulisya. Sa pangunguna ni Chief Inspector Marlo Aquino at Deputy Delio Agag, kasama sina Detective Leumas Nugas at Detective Bhie Inson, ang grupo ay mabilis na nagtungo sa bahay na pinagmumulan ng mga reklamo. Chief Inspector Aquino: “Tiyakin natin na walang makakalapit sa lugar. Delio, ikaw na ang bahala sa perimeter.” Deputy Agag: “Naiintindihan, Chief. Leumas, Bhie, maghanda na kayo.” Habang papalapit sila sa pintuan, ang masangsang na amoy ay lalong tumindi, ngunit walang isa man sa kanila ang nagpahiwatig ng kanilang hinala. Detective Nugas: “Siguraduhin ninyong may suot kayong protective masks at gloves. Handa na ba ang menthol cream?” Detective Inson: “Oo, handa na. Ito’y makakatulong para hindi tayo masyadong maapektuhan ng amoy.” Ang bawat isa sa kanila ay nagpahid ng menthol cream sa ilalim ng kanilang mga ilong, isang pamamaraan upang matiis ang nakakasulasok na amoy. Chief Inspector Aquino: “Handa na ba kayo? Anuman ang makita natin, kailangan nating manatiling propesyonal.” Dahan-dahang binuksan ni Deputy Agag ang pintuan, at agad silang sinalubong ng isang amoy na tila ba’y sumusubok sa kanilang katatagan. Sa loob, ang kanilang mga mata ay agad na naghanap ng pinagmulan ng amoy, ngunit ang eksaktong kalagayan sa loob ng bahay ay nanatiling hindi pa nabubunyag. Medical Expert: “Magsimula na tayo sa pag-inspect. Huwag galawin ang anuman hangga’t hindi pa natin nakuha ang lahat ng ebidensya.” Habang ang SOCO team ay abala sa pagkuha ng mga larawan at pagkolekta ng ebidensya, ang mga detektib ay nagsimula nang magtanong sa mga kapitbahay at maghanap ng mga posibleng saksi, ang tensyon ay palaki nang palaki habang ang bawat segundo ay lumilipas. Naunang umakyat sina Detective Nugas at Detective Inson sa pangalawang palapag kung saan naroon ang mas intense na amoy. Ang bawat hakbang ay nagdudulot ng pag-ungol sa lumang hagdanang kahoy, na tila ba’y sumasabay sa kanilang mabigat na paghinga. Pagbukas ng pinto ng isang silid, isang nakakagimbal na tanawin ang bumungad sa kanila. Sa isang sulok, nakaupo si Mario Afable, ang kanyang katawan ay medyo bloated at nakatingala sa kisame, isang malinaw na indikasyon na siya’y nagbaril sa sarili. Sa sahig, ilang pulgada mula sa kanyang paa, nakahandusay ang b***l na ginamit niya. Sa kabilang dako ng silid, nakahiga si Annabelle, ang kanyang dibdib ay may tama ng b***l, ang dugo ay kumalat na sa sahig na tila isang madilim na anino na sumasalamin sa trahedyang naganap. Detective Nugas (sa isang malakas na sigaw): “Nandito na! Nakita na namin!” Ang sigaw ay umalingawngaw sa buong bahay, at agad na nagtakbuhan ang iba pang mga pulis at medical expert patungo sa silid. Ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng pagkagimbal at pagkabigla sa kanilang natuklasan. Ang mga pulis at imbestigador ay nagkalat sa buong bahay, ang bawat isa ay abala sa paghahanap ng mga pahiwatig na magbibigay-liwanag sa kaso. Ang mga cellphone ng mag-asawang Afable ay nasa kamay na ng mga teknikal na eksperto, at unti-unti nilang binubuo ang huling oras ng mag-asawa. Detective Nugas: “May mga text messages dito… tila may lihim na relasyon si Mario sa isa pang residente.” Detective Inson: “At si Annabelle, may natanggap siyang impormasyon tungkol sa muling pagtatagpo ni Mario at ng kanyang kalaguyo sa gabing iyon.” Ang mga mensahe ay nagpapakita ng isang masalimuot na web ng relasyon at sekreto, na tila ba’y nagtuturo sa isang trahedya na bunga ng matinding poot at selos. Chief Inspector Aquino: “Mukhang malinaw na ang motibo, pero hindi ako kumbinsido. May kulang pa rin sa eksenang ito.” Habang patuloy ang kanilang paghahanap, si Detective Bhie Inson ay naglibot sa iba pang bahagi ng bahay. Sa isang sulok ng silid na hindi pa napapansin, may nakita siyang isang pamilyar na bagay. Detective Inson (bulong sa sarili): “Nandito na naman ito? Mga posporo na berde ang tangkay?” kapareho ito ng posporong nakita nila sa bahay ng mga napaslang na magiinang Olivas. Iniimagine ni Bhie na Isa-isang sinisindihan ng salarin ang mga posporo, at sa bawat sindi, ang apoy ay sumayaw sa kanyang mga daliri bago niya ito baliin at patayin. Ang kanyang noo ay kunot sa pagtataka, bakit may ganitong estilo ng paggamit ng posporo sa lugar na ito? Detective Inson (tawag sa iba): “Tingnan ninyo ito, may kakaiba akong natagpuan. At kaparehas ito ng natagpuan sa tahanan ng magiinang Olivas. " Ang lahat ay napatingin sa kanya, ang kanilang mga mata ay puno ng katanungan. Ano ang kahulugan ng mga posporong ito? At bakit ito narito? Habang ang araw ay unti-unting lumilipas, at ang mga anino sa Jergens Subdivision ay nasisimula ng lumitaw ay isang hindi inaasahang tuklas ang nagdulot ng bagong tanong sa isipan ng bawat isa. Detective Inson: “Mayroon pa tayong hindi natutuklasan. May iba pang nangyayari dito na hindi natin alam.” Ang kanyang mga salita ay nag-echo sa katahimikan ng bahay, at sa isang iglap, ang lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa. Isang mahinang kaluskos ang narinig mula sa kisame, na tila may isang bagay… o may isang nilalang… na nagtatago sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD