Chapter 10 " THE SILENCE OF THE NIGHT "

1299 Words
Malaking bagay ang ginawang pag amin ng mag asawang Afable at Ramirez sa naging partisipasyon nila. Gayunman ay nanindigan sila na wala silang kinalaman sa nangyaring pagkamatay nang mag iinang Olivas. Nang tanungin kung naniniwala ba sila na totoong suicide ang nangyari sa mag iina, ay namamalaging neutral parin ang kanilang stand at ayaw nilang magkomento ukol doon. Nang tanungin naman sila kung may pinagsususpetsahan sila sa mga kasamahan nilang residente na posibleng may lihim na galit sa pamilya Olivas ay kapwa sila tumangging magbigay ng anumang pahayag. Samantala ay nakatanggap ng tawag si Ben buhat kay Lara at ibinabalita ang susunod niyang planong gawin. Ben : " Hello ate Lara, kumusta kana? ano ulit ang plano mong gawin? sabihin mo lang at gaya ng dati ay tutulungan kita." Lara : " Ben makinig kang mabuti bukas ng gabi ay mayroon tayong ililigpit " Ben : " Sino? may kinalaman ba ito kay Atty. Manuel Miranda? " Lara : " masagasaan na ang masasagasaan Ben, pero parte na sila ng mga palabas. At Ang Jergens Subdivision na pagaari ng hayop na atty. Manuel na iyan ang magiging entablo ng ating paghihiganti " nagngangalit ang mga ngipin ni Lara habang binibigkas nito ang pangalan ni Atty. Manuel Miranda. Ben : " kung ako lamang ang masusunod ate ay dudukutin ko na ang atty. Manuel Miranda na yan at babalatan ko siya ng buhay." Lara : " Hindi Ben huwag kang magmadali, gusto kong ubusin ang lahat ng mga taong may kaugnayan sa kanya. Halos lahat ng residente sa Jergens Subdivisions ay pawang mga kaanak nila at matalik na kaibigan ng kanilang pamilya, baka nakakalimutan mo " natahimik si Ben dahil tama ang ate Lara niya na halos lahat ng naunang nakabili ng mansion sa eleganteng subdivision na iyon ay malalapit na kamag anak ng mga Miranda. Ipinaliwanag ni Lara ang mga detalye ng isa na namang perpektong pagpaslang na kahit na sinong magaling na detective na katulad ni detective Leumas Nugas at detective Bhie Inson na tiyak niyang malilito, sa muli nilang pag-ataki.Tuwang tuwa si Lara sa bago niya ngayong kinagigiliwang challege, ang paglaruan ang mga imbestigador sa kanyang mga pambihirang mga plano. Ben : " Okay ate Lara, gaya ng dati sana ay hindi tayo pumalpak sa ating gagawin dahil pag nangyari iyon ay mawawalan ng kabuluhan ang matagal na nating pinapangarap na makita si Atty. Manuel Miranda na lumuhod sa ating harapan upang magmakaawa." nanlilisik ang mga mata ni Ben habang ibinababa nito ang kanyang gamit na cellphone. Sa guardhouse ay sistematikong inirerecord ng mga security guard ang mga sasakyan na pumapasok at lumalabas ng naturang subdivision. Walang pinapahintulutan na pumasok doon na ibang sasakyan na taga labas maliban na lamang kung may pasabi sa kanila ang may ari at developer ng Jergens Subdivision na walang iba kundi ang mag asawang Miranda. Mas hinigpitan ang kanilang pagbabantay. Nagdagdag din sila ng mga panibagong CCTV Camera sa ibat ibang bahagi ng subdivision. Tatlo ang nakatalagang bantay na guwardiya sa umaga at may tatlong naka assigned naman na guwardiya sa gabi. Ang palitan ng guwardiya ay bago mag alas siyete ng Umaga. Lahat ng iyon ay kalkulado ng magkapatid na Lara at Ben. Sa isang pagkakamali lamang ay maaaring magdulot ito sa kanila ng isang trahedya. Kinailangan nilang ilocate ang bawat posisyon ng CCTV camera para maiwasan na ma capture sila ng direkta. Batay sa kanilang paulit ulit na paga aral sa Lugar ay nagawa nilang gumawa ng path o landas para hindi sila mahagip ng mga nakakalat na Camera o kung makuhananan sila ay tiyak na mahihirapan ang mga awtoridad na sila ay makilala. Itataon nila ang isang perpektong krimen sa perpektong oras kung saan ay tahimik na ang lahat at mahimbing ng natutulog ang mga residente ng Jergens Subdivision. Matiyagang naghintay si Lara ng go signal buhat kay Ben at ng makita niya ang ilaw na aandap andap sa isang bahagi ng subdivision ay kaagad niyang tinalunton ang daan patungo sa bahay ng mag asawang Afable. Gaya ng inaasahan ni Lara ay nakabukas na ang pintuan sa tahanan ng mga Afable at kanina pa naghihintay sa kanya si Mrs. Anabelle. Lara : " kanina ka pa ba naghihintay? " Anabelle : " Oo kanina pa, sigurado ka ba na ngayon sila magkikita ng kalaguyo ng asawa kong bait baitan? " nanginginig na sabi ni Annabelle. Pero sa halip na sagutin iyon ni Lara ay mabilis siyang kumilos at tinakpan ng kanyang kanang kamay ng isang panyo na may halong mabagsik na pampatulog ang kanyang bibig at ilong. Kaagad na nawalan ng malay si Anabelle. Sumunod namang pumasok si Ben at maingat na umakyat sa may pangalawang palapag bitbit ang lupaypay na katawan ni Mrs. Anabelle Afable. Nang gabing iyon ay sinadya ni Anabelle na sa kabilang silid siya matutulog at nagdahilan siya na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Kasang ayon ito sa mga plano ni Lara. Si Lara ang nag suggest na may lihim na relasyon ang kanyang asawa sa isa sa mga residente ng Jergens Subdivision bagay na pinaniwalaan naman ni Anabelle dahil sa ilang beses narin niyang napapansin na lumalabas si Mario ng dis oras ng gabi at babalik lamang ito matapos ang isang oras. Mabilis ang ginawang pagkilos, kaagad na isinagawa ang kanilang naisip na set up. Palalabasin nilang nagkaroon ng matinding pagaaway ang mag asawa dahil sa natuklasan ni Anabelle na isang lihim na relasyon ni Mario sa isa sa mga residente ng Jergens Subdivision. Na umabot sa punto na nagkasakitan ang dalawa na nauwi sa malagim na trahedya. Kumatok sa may pintuan si Lara sa kuwarto ni Mario, nilakasan niya ito para magising. Pagbukas niya ng pinto ay nakaabang na si Ben at kaagad siyang pinalo sa ulo at pagkatapos ay iginapos siya sa isang silya. Dinala siya ni Ben sa kuwarto ni Annabelle na wala paring malay. Agad nilang hinalungkat ang kanyang silid para maghanap ng possible nilang magamit na b***l at umaayon naman ito sa kanilang Plano. Nasumpungan nila ang isang uri ng b***l na may mataas na calibre. Isinuot ni Ben ang latex globe sa kanyang mga kamay at nilagyan niya ng unan ang bahagi ng dibdib ni Annabelle at walang pagdadalawang isip na binaril niya ito ng dalawang beses na lumikha lamang ng mahinang ingay. Kitang kita iyon ni Mario ngunit hindi siya makapanlaban dahil nakagapos siya ng husto at nilagyan ng busal ang kanyang bibig. Matapos nilang matiyak na wala ng buhay si Annabele ay Isinunod naman nila si Mario. Tinanggal ang busal sa kanyang bibig at bago pa man siya makasigaw ay isinalaksak na ni Ben ang kanyang sarili b***l at pilit na ipinahawak ang kanyang b***l para palabasin na siya ay nagpakamatay pagkatapos na aksidenteng mabaril niya ang kanyang asawa. Nagmamakaawa pa si Mario habang napapaiyak at titig na titig ito kay Lara. Maya maya ay kinalabit na ni Ben ang gatilyo ng b***l na siyang tumapos sa buhay ni Mario. Lara : " Poor soul, kasalanan niyo kung bakit naging kamag anak kayo ng hayop na Atty. Manuel na iyon." pabulong na sabi ni Lara. Maingat nilang inayos ang Lugar ng krimen bawat detalye ng naisip nilang plano ay kanilang isinakatuparan. Binasag ni Ben ang ilang muwebles na naroon sa silid ni Annabelle katibayan na nagkaroon ng struggle bago ang malagim na trahedya. Nilinis din nila ang lugar para walang maiwan na bakas na magtuturo sa kanilang magkapatid. At Ang pinaka huli ay kinuha nila ang cellphone ni Mario kung saan ay naroon ang ilang mahahalagang mensahe ng dahilan ng pagaaway nilang asawa. Idenelete din ni Lara ang naging paguusap nila ni Annabelle upang matiyak na walang kahit na anong ibidensiya na puwedeng mai-ugnay sa kanya, at pagkatapos na matiyak na maayos na ang lahat ay saka sila lumabas at nagtungo sa kanilang kublihang dako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD