Chapter 12 " THE WARNING "

1244 Words
Biglang natahimik ang lahat ng mga naroon at lahat sila ay magkakasamang nakiramdam sa isang mahinang kaluskos na kanilang narinig buhat sa ilalim ng kisame ng silid ng Mrs. Anabelle Afable. Sumenyas naman si Chief inspector Aquino sa isa sa kanyang pinaka matangkad na tauhan na kunin nito ang isang silya sa loob ng silid doon at tignan kung ano ang sanhi o may likha ng ingay na kanilang narinig kani kanina lamang. Agad namang tumalima ang matangkad na pulis at matapos ipuwesto ang upuan sa pinaka corner sa tapat ng medyo nakaawang na ceiling ventilation sa loob ng banyo ay saka niya ito iniangat ng dahan dahan. Sa tulong naman ng kanyang dalang flashlight ay nagawa niyang makita ang nilalang na nagkukubli sa pinakadulong bahagi ng silid na animoy gulat na gulat. Nagtataglay ito ng pambihirang mga mata na pinaghalong bluish green. PULIS : " Negative sir! isa lamang ligaw na pusa ang narito at mukhang may hinahabol na daga." medyo nakangiting sabi ng pulis. Napakunot naman ang noo ni Aquino. INSPECTOR AQUINO : " Pusa? paano napunta ang pusang iyan diyan? anong hitsura ng pusang iyan Hernandez pakitignan nga dahil baka ang pusang iyan ay pagmamay-ari mismo ng may kagagawan nito." tila wala sa loob na nasabi iyon ni chief inspector Aquino. PULIS : " May kalakihan ang pusa sir at mukhang imported! kulay orange po siya at kapansin pansin ang isang black spot sa palibot ng kanyang left eye kaya madali lang siyang tandaan." paliwanag ni Hernandez.Nakahinga ng maluwag ang mga naroon at muling ipinagpatuloy ang naudlot nilang ginagawa kanina. Nakababa narin si Hernandez at ibinalik sa dating puwesto ang silya na kanyang ginamit na nakasandal against the wall. PULIS : " Baka sa ceiling eaves buhat sa labas ng bahay dumaan ang pusa." dagdag na pahayag ni Hernandez. Ipinagkibit balikat naman ito ng chief inspector. Sinuri ding mabuti ni detective Bhie Inson ang kisame ng banyo sa kuwarto ni Mrs. Afable at nagkaroon siya ng palaisipan kung may posibilidad bang sa loob siya ng silid na iyon dumaan paakyat ng kisame? pero siya rin ang sumagot sa kanyang sariling tanong na hindi magagawang umakyat ng pusa dahil may kataasan ang height ng ceiling mula sa floor at wala rin itong posibleng kakapitan. Kaya ipinalagay niyang tama marahil ang teorya ni Hernandez na posibleng sa labas ng bahay dumaan ang pusa habang may hinahabol na daga. Nasa gayon siyang isipin ng tapikin siya sa balikat ni detective Nugas at sinenyasan siyang sumunod sa kanya sa may labasan. Habang sila ay pababa ng hagdan ay hindi maiwasan ni detective Bhie na kuhanin ang kumento naman ng kanilang head. BHIE : " Sir ano sa palagay niyo ang totoong nangyari sa mag asawang Afable? talaga po kayang selos ang posibleng ugat na dahilan na nauwi sa malagim na trahedya? " magkasunod na tanong ng baguhang detective. DETECTIVE NUGAS : " It's too early to tell detective Bhie but personally sa aking maikling pagsisiyasat ay masasabi kong orchestrated ang pangyayari, maaaring mali ako pero may palagay ako na kagagawan ito ng isang madman at isa itong planadong krimen." mariin ang mga salita ng detective. BHIE : " May kaugnayan kaya ito sa sinapit ng mag-iinang Olivas sir Nugas? " gustong makatiyak ni detective Bhie kung pareho sila ng stand ng kanilang head. Det. NUGAS : " Most probably Bhie, at ang aking kasagutan ay base narin sa mga nakikita mong nakakalat na posporo na may berdeng tangkay. Batid kong sinasadya nila itong gawin at kung anuman ang kanilang dahilan ay sila lamang sa ngayon ang nakakaalam." BHIE : " You said Sila? ibig bang sabihin nito sir ay hindi lang iisa ang may kagagawan ng mga karumaldumal na pagpaslang sir? " Det. NUGAS : " Yan ngayon ang dapat nating alamin detective Bhie at ipinapayo ko sayo na lalo mo pang dagdagan ang iyong pag-iingat. Perhaps the real culprit is just around the corner and at this very moment ay pinagmamasdan niya tayo. He or she might be here kaya talasan mo pang lalo ang iyong pakiramdam. " kitang kita sa reactions ni Bhie ang pagkagimbal hindi niya akalain na maririnig niya iyon sa kanyang head officer. Det. NUGAS : " Bueno Bhie maiwan muna kita dito dahil may importante pa akong gagawin at may kakausapin akong ilang mga tao. Baka one of these days ay kailngan kong puntahan si Allen, ikaw munang mag isa ang makikipag ugnayan kina Chief inspector Aquino. I need to travel in Ilocos maybe soon dahil tumawag sa akin si detective Allen at ibinabalitang umatake na naman ang salarin sa Bayan ng Sta. Monica at isa na namang panibagong biktima ang kanyang napatay. Ikaw na muna ang bahala dito Bhie alam kong kaya mo ito and before I forgot nais kong alamin mo kung sino ang totoong may ari ng pusa na nakita ni Hernandez dahil may sapantaha akong hindi lang ito basta nagkataon lamang." Pagtatapos na pahayag ng detective at kaagad na pinara ang isang napadaang taxi sa kanilang harapan. Naiwan sa labas si detective Inson na ninanamnam ang mga huling tagubilin sa kanya ng detective. Muli siyang pumasok sa loob ng tahanan ng mga Afable at pinagmasdan ang mga taong naroon. Para siyang naalimpungatan ng may mag salita buhat sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakangiti sa kanya si chief inspector Aquino. AQUINO : " Oh detective Bhie, tumawag pala si detective Leumas Nugas at ibinilin ka niya sa akin. Ako na ang maghahatid sayo mamaya pagkatapos dito. We need to further our inquiry sa kasong ito ng mga Afable. We'll, ano sa tingin mo? " saad ni Aquino. BHIE : " well sir, gaya ng sabi sa akin ni detective Nugas ay masyado pang maaga para magbigay ng konklusyon sa totoong nangyari. But base on my initial assessment sir ay mukhang may foul play ulet na nangyayari." Tango lamang ang itinugon sa kanya ni Aquino isang kahayagan na siya man ay may gayun ding theory. Nagtagal ang kanilang isinagawang pagsisiyasat sa pinangyarihan ng krimen. Matapos na maisagawa ang kanilang kaukulang imbestigasyon at inspection sa loob at labas ng tahanan ng mag asawang Afable ay minabuti nilang mag lagay ng karagdagan Barricade tape sa palibot ng bahay. Nag spray din sila ng pantanggal ng masangsang na amoy para sa kapakanan ng mga residente na naninirahan doon. Sa labas ng Jergens Subdivision ay unti unti nang nagkumpulan ang mga tao at May mangilan ngilan naring mga reporter na naunang nakaalam ng mga pangyayari. Halos ilang araw pa lamang kasi mula ng mangyari ang pagkamatay ng mag-iinang Olivas ay heto at isa na namang malagim na trahedya ang sumunod. Hindi tuloy mapigilan ng mga observer na magkumento at magbigay ng kanya kanyang espikulasyon na baka may bahid pulitika ang kasalukuyang nagaganap sa ngayon. Batid kasi ng marami na may planong tumakbo si Atty. Manuel Miranda bilang mayor kapalit ng kanyang ka tandem sa nalalapit na election. Mabango ang pangalan ni Atty. Manuel at siyang napupusuan ng kanyang mga constituents. Lingid sa kaalaman ng mga naroroon ay malayang nakakagala si Ben sa loob at labas ng Jergens Subdivision. Kasama rin siya ngayon sa mga nagboluntaryo na tumulong sa isasagawang paglilinis ng buong paligid ng naturang subdivision. Sa hindi kalayuan ay palihim siyang nakatanaw sa kinaroroonan ni Detective Bhie Inson. Hindi napigilan ni Ben na humanga sa taglay na kagandahan ng detective hanggang sa maipasya niya sa kanyang sarili na balang araw ay ipagsasama niya ito sa kanyang lihim na kaharian.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD