Four years later...
"Elise, puwedeng pakopya at pahingi ng papel? Dami mong papel, oh!"
"Utot mo! Bakit kita papakopyahin? Sino ka ba?"
"Ang daya naman. Bakit ba galit na galit ka sa aming mga lalaki? Kung dahil kay Marky ay kalimutan mo na 'yon. Lumipat na nga 'yon sa ibang eskuwelahan."
"Wala akong pakialam! Kahit mamatay ka pa d'yan! Manigas ka! Hindi kita bibigyan at mas lalong hinding-hindi kita papakopyahin!" sigaw ni Elise.
Pagkatapos ng apat na taon, lumaki si Elise na napaka-manhater. Wala na rin siyang ibang ginawa kundi magpakalulong sa academia. Pero hindi siya nasawi dahil lagi na lang siya ang top 1 sa klase.
Si Shamcey naman ay lulong na lulong na sa pag-ibig kaya nabalewala na niya ang pag-aaral. Hindi pa rin niya hinihiwalayan si Neil kahit ilang beses na siya nasasaktan dahil kung sino-sino ang pinapatulan ni Neil na babae.
Kung baga ay kabaliktaran si Shamcey at Elise pagkalipas dahil kung si Shamcey ay masyadong loyal sa pagmamahal niya kay Neil at sobra na siya nagpapa-martyr ay kabaliktaran naman ito kay Elise dahil naging asexual na siya sa opposite s*x. Pati rin ang sarili niya ay napabayaan niya dahil laging nakatirintas ang buhok, nakasuot ng makapal na salamin at laging nakatingin sa ibaba kapag naglalakad, yakap-yakap ang libro.
Dahil matalino siya ay tactics niya ito na papangitin din ang sarili para walang lalaki na mahumaling at lumapit sa kanya at maka-distract sa kanyang pag-aaral dahil sa hangarin niyang maging valedictorian gaya ni Neil at mamuno sa mga business ng kanyang ama balang araw kasi naniniwala siya na hindi porke't babae siya ay wala siyang karapatan mamuno. Si Elise ay naging asexual, at the same time ay isang maimpluwensiyang feminist.
Mabuti na lang at nand'yan pa rin mga malalapit niyang kaibigan na hindi siya iniiwan gaya nina Akira, Angel at Khien.
Kahit mukhang nerd o lusyang at maldita siya sa paningin ng mga lalaki at kinasusuklaman din ng mga kalalakihan sa kanilang classroom ay kabaliktaran naman ito sa pakikitungo niya sa mga babae dahil lahat ng babae ay close o best friend niya. Pinapakopya niya at lahat-lahat na ay ginagawa niya para sa kanila.
Nagkakaisa ang mga babae pagdating sa kanya. Kaya naman nagkaisa silang binoto siya bilang Student Council President at less na rin ang makikita sa buong paaralan na nagde-date.
Mga galit lang sa kanya sa buong campus ay iyong mga babae na hinaharang niya kapag nakikita niyang naka-public display of affection at naglalandian sa kahit saang lugar. Kaya malapit na rin si Elise sa mga madre.
"Besty! Lapit na ang JS!" panggugulat sa kanya ni Akira.
"And so what?"
"Inaya ako ng boyfriend ko na siya raw ang partner ko!" tuwang balita ni Akira.
"Sali ka, Elise! Extracurriculum, dagdag sa grades!" imbita naman ni Khien.
"May partner ka na? Ako, wala pa," malungkot na ani Angel.
"Kanina lang, invite ako ng manliligaw ko kaya pumayag naman ako. Once in a lifetime kaya 'yong JS prom. Last memories ng high school, duh!" gigil na sabi ni Khien.
"Bale kayo lang dalawa ang wala pang partner?" tanong ni Akira kina Elise at Angel.
"Yes! Sis Angel, 'wag na lang tayo sumali. Dagdag-gastos pa 'yan sa pambili ng gown!" nakangiting pangumbensi ni Elise.
Kaso may lumapit sa kanilang isang lalaki kaya namangha sila dahil hindi ito natakot kay Elise.
"Hi, I'm Josvin, sa kabilang section." Sabay may inabot siyang rosas kay Angel na ikinakilig ng dalawa, maliban kay Elise.
"Will you be my partner at the JS prom?" tanong nito.
Ang bilis ng pangyayari na biglang sumulpot sa harapan nila 'yong 'di nila kilalang lalaki para ayain lang si Angel na maging partner niya kaya parang binigyan nila ng senyas si Angel na pumayag na.
"Umuo ka na!" Sabay siko ni Khien kay Angel.
Habang galit namang bumulong si Elise. "'Wag! 'Wag mo pagkatiwalaan 'yan. Playboy 'yan. Akala naman niya easy-easy ka lang para mapa-oo!"
Ngunit nabigo si Elise nang umoo si Angel at sumigaw nang sabay sina Khien at Akira na parang nanalo sa lotto.
Nag-eye roll na lang si Elise na pikon na pikon habang lumayo naman sa kanila ang dalawa na sina Josvin at Angel.
"Bale, ikaw lang ang walang partner. Tara, canteen tayo. Nagsasalita na rin ang tiyan ko!" singit ni Akira.
Pumunta ang tatlo sa canteen at kumuha ng table.
Pagkaupo nila ay muli na naman namilit si Akira. "Elise, 'kaw lang ang walang partner. Parang awa mo na, sumali ka na sa JSProm. 'Kaw lang ang wala. Ayaw namin na incomplete ang barkada habang nagkakasiyahan naman kami."
"Kaya nga, Elise. Kahit for the sake of us. Kalimutan mo ang mga lalaki. Para lang sa amin. Please, sumali ka na," grabeng pamimilit ni Khien.
"Buwiset naman kasi na bakit nauso pa yang JS prom na 'yan," pagsusungit ni Elise.
"Please..." Sabay nang namilit ang dalawa niyang kaibigan.
Walang choice si Elise kundi pumayag na lang alang-alang sa kanyang matatalik na kaibigan.
"Sige, ipili ka na lang namin. Tapos i-makeover ka namin nang sobra para hindi ka na pagtawanan ng mga lalaki at tawaging manang na nerd," pang-aasar ni Khien.
"Tumingin-tingin ka na sa paligid ng canteen, sissy. Hanap ka ng partner mo. Tulungan ka namin. Ayon, oh! 'Yong cute na 'yon. Ang lalim ng dimples!" Sabay tumuro si Akira.
"Mas trip ko 'yon. Varsity player ng campus at Ultimate Hearthrob. 'Yon na lang, Elise!" singit ni Khien.
"Puro naman mayayabang mga napipili n'yo para sa akin."
"Siyempre, dahil papagandahin ka namin nang sobra. Ano pala trip mo? Pili ka na!" inis na ani Khien pero nakangiti pa rin.
"Siya oh!" Sabay turo ni Elise kay Edwin, isang super nerd na lalaki na sobrang tangkad, malaki ang mata at ngipin at makapal din ang salamin.
"Yaks!" sigaw na sabay nina Akira at Khien na tila diring-diri.
"Sure ka? Sa lalaking palaka na 'yan?" iritang sabi ni Akira.
"Well, sige. At least na mayro'n. Ako na tatawag sa kanya! Uy! Edwin. Halika nga rito!" Sabay pumito pa si Khien.
Hindi naman ito marinig ng lalaking parang may sariling mundo kaya nabuwisit si Khien at siya na ang lumapit dito.
"Hoy, Edwin! Bingi ka ba?"
"Huh? Bakit?"
"Tawag ka ng president, oh! Lapit ka raw."
Lumapit naman itong si Edwin at sumunod si Khien, sabay tanong kay Elise, "Bakit mo 'ko tawag, President E-E-Elise."
"May partner ka na ba sa JS prom?"
"Wa-wa-wala pa po."
"Hindi mo ba ako tatanungin?" Sabay pandidilat ni Elise dito.
"Sige po, tatanungin ko po kayo. Ano square root ng sixty-nine?"
Napamura naman sina Khien at Akira sa ka-weirdo-han ni Edwin.
"Eight?" pagtatakang sagot ni Elise.
"Hekhekhek, correct. Will you be my partner sa JS prom?"
"Oo raw!" sigaw ni Khien. Nang tatanggi si Elise ay biglang tinakpan ni Akira ang bibig nito.
"Okay, see you!" ngising ani Edwin.
Pagkaalis ni Edwin ay saka binitiwan ni Akira ang bibig ni Elise.
"Bakit ba tatanggi ka pa? Buti nga may partner ka na, eh!" inis na sabi ni Khien.
"Kasi manyak 'yon. Hindi n'yo nahalata. Ano raw ang square root ng sixty-nine?"
"Tse! Iwan ko sa 'yo. Sa sobrang mong kakabasa ng erotic stories, ang dumi na ng utak you, sissy. Let's just celebrate at lahat na tayo ay may kanya-kanyang partner sa JS prom! Cheers!"