Pagdating ni Elise sa bahay nila ay nagulat siyang sumalubong sa kanya ang mga magulang niya. Nakaupo sila nang mabuti sa sofa.
"Ma, Pa, ano mayroon at magkasama pa kayong nakaabang diyan at nakangiti pero 'ala naman nginingitian?" pagtatakang tanong ni Elise.
"We're just happy, hija na malaki na ang baby girl namin," galak na pahayag ni Bong.
"Super happy kami. Lalo na nang marinig namin na JS prom mo na. May ka-date ka na ba?" tanong ni Patricia na tila excited na kulang lang ay magningning ang mga mata.
"Umm... yes."
"Ano anak? Guwapo ba? Matalino? Ano? Balita naman, anak. Excited na kami." Panggigil muli ng ginang.
"Ma, I'm tired. Puwede maya na natin 'yan pag-usapan. Pagod pa ako. Kailangan ko na magpahinga." Tinatago ang pagkairita ni Elise.
Umakyat na lang siya habang 'di maalis pa rin ang ngiti sa labi ng mag-asawa.
Pagkapasok niya sa loob ng kanyang kuwarto at pagkasara niya ng pinto nang padabog ay napasigaw siya nang gulatin siya ng nagtatago sa likod ng pinto nito na si Neil.
"Boo!"
"Ahhh! Ano ba, Kuya? Nanggugulat ka naman, eh!" Sabay binatukan ni Elise si Neil at umilag naman ito.
"Panay kasi ang pangungulit sa akin nina Mama at Papa. Ano na raw ba, may partner ka na? Sino at aalamin ko o namin, bunso," pamimilit ni Neil.
"Ayokong sabihin."
"Sige na!"
"Ayoko! Ayoko! Ayoko!"
"Bakit ba ayaw mo i-share sa kuya mo. Sige ka, hindi na ako aalis dito sa kuwarto mo!" Sabay umupo si Neil sa sofa na nagmamatigas.
"Ah, gano'n, ah!" Nainis din si Elise at biglang binuksan ang butones ng kanyang uniporme kaya napatayo si Neil at natakot.
"'Pag hindi ka talaga dito umalis sa kuwarto ko, huhubarin ko 'tong damit ko at maghuhubad na ako sa harapan mo, Kuya! Hindi ako nagbibiro!" pananakot ni Elise kaya parang hanging napatakbo si Neil sa labas ng kuwarto niya.
Tawa naman nang tawa si Elise sabay ni-lock ang pinto ng kanyang kuwarto. "Paghuhubad ko lang pala ang katapat mo, Kuya. Bakit 'di mo na lang sabihin sa akin na bakla ka?"
Pagkalabas na pagkalabas ni Neil ay kinabahan siya. Napakalaki ng respeto niya sa kinakapatid at hindi mawawala ang pagkamangha pa rin sa katawan ng dalaga. Umabot na sa dise-otso na edad si Elise kaya mas nahumaling pa si Neil sa kanya, ngunit sa pasikretong pamamaraan.
~~~
Sa sumunod na araw ay ang araw ng pagpapraktis ng mga senior high school.
"Okay, seniors and juniors. Hanapin n'yo na ang kanya-kanya ninyong partner dahil magsisimula na ang ating rehearsal."
Habang nakaupo ang apat, dumating ang mga partner nila maliban lang kay Elise.
"Elise, 'asan na ang partner mong si Edwin?" tanong ni Akira.
"Kaya nga, that dork! Kakainis. Tini-text ko na nga siya kanina pa, eh!"
"Kasalanan mo naman kasi 'yan, Elise. Ang dami mong ipa-partner. Sa isang ewan pa!" panggigigil ni Khien sa kaibigan.
Biglang dumating nang hindi nila inaasahan si Edwin at lumapit na ito kay Elise na basang-basa ang buhok sa pawis at hindi makatingi-tingin nang diretso sa dalaga.
"Oh! Bakit late ka at kanina pa ako text nang text sa 'yo? Tapos halos ipanligo mo pa ang pawis mo! Juice ko naman! Kung bakit kasi wala ka pang f*******: account at hindi kita ma-contact?" inis na sigaw ni Elise kay Edwin kaya pinagtinginan sila.
"Ka-ka-kasi ku-ku-kumain ako. May sss ako, p-pero puro games na ML ang mga p-picture!" pabulol-bulol na sagot ni Edwin na halos malaglag ang de gradong salamin sa ilong nitong matangos.
"Ah! Ikaw ba 'yong nag-add sa akin sa sss na puro ML ang photos? 'Kala ko kung kanino kang dummy account kaya dinelete kita sa contact friends list ko! Tara na nga at hindi pa tayo nakaka-practice ng sayaw. Kainis ka! Grr!" galit na ani Elise.
Pagkatayo nila, bigla silang nilapitan ng guro. "Edwin, that is not how you hold Miss Elise. Hawakan mo siya nang mahigpit dito!" Sabay inalalayan ng guro si Edwin na hawakan sa balakang si Elise at umalis na ito.
Medyo naiirita si Elise dahil sa ramdam niya ang panginginig ng kamay ni Edwin.
"Puwede ba, Edwin, pakalmahin mo naman ang kamay mo. Daig pa ang cellphone sa pag-vibrate!" bulong na gigil ni Elise.
Nang magsalita si Edwin ay biglang napatakip ng ilong si Elise.
"Sige, Elise!"
"s**t!"
"Ba-ba-bakit Elise?"
"Ang baho ng bibig mo! Amoy ulam, Diyos ko!"
"So-so-sorry... Na-nagma-madali akong ku-ku-kumain sa bahay dahil sa pagmamadali at 'di-di-di ako nakapagsipilyo! So-sorry!" Sabay tumungo ang ulo ni Edwin.
"Sana 'wag mo ulit ito gagawin. Alam mo ba na napipilitan lang ako na i-partner ka dahil ang pangit-pangit mo? Alam kong hindi mo kayang maglaro ng feelings ng isang babae!"
Biglang nanubig ang mata ni Edwin. "Alam ko na-naman iyon, Elise, eh."
"It's a part of the curriculum kaya ako napilitan. Kaya 'wag mo isipin na may gusto ako sa 'yo dahil ngayon pa lang, busted ka na!"
Dahan-dahan namang tumulo ang luha ni Edwin. "'Wa-wa-wag ka mag-aalala, E-E-Elise. Pagkatapos nitong JS prom, a-a-alis na ako sa A-A-merica."
"Sige, ingat ka na lang. Dahil alam ko na 'yong mga lalaki roon na gaya mo, nabu-bully," aniyang tumawa. "Sana sa prom, mag-toothbrush ka dahil napakabaho talaga ng bibig mo," galit na giit ni Elise.
"Ah, Elise, gu-gu-gusto ko ma-ma-malaman. Ano ba gu-gu-gusto mo sa isang lalaki? Impossible raw sa-sabi ng mommy ko na wa-wa-walang babae ang walang gu-gusto lalaki. 'Di-di-di ba hi-hi-hindi ka tomboy?" Nauutal pa rin na tanong ng binata.
"Excuse me, hindi ako tomboy, noh! 'Tsaka puwede bang 'wag ka nang magsalita? Ang baho ng bunganga mo. Ang gusto ko sa isang lalaki, 'yong tipong katulad na katulad na katulad ni Kuya Neil! Guwapo, matalino, matangkad, maalaga at lahat-lahat na." Napangiti si Elise na tila nasa alapaap.
Natigil naman si Edwin na napabuga ng hangin sa ere.
~~~
Isang araw, nang umuwi si Neil at pagpasok niya sa kanyang kuwarto at binuksan ang ilaw ay nagulat siyang nasa loob ng kuwarto niya si Shamcey sabay sinunggaban siya ng dalaga ng halik pero umiwas naman si Neil.
"Shamcey, please stop! Tigilan mo na 'to!"
Tumigil naman si Shamcey at nagalit. "Alam ko na may bago ka!"
"You should be at the prom dahil sinabi sa akin ni Elise na rehearsal n'yo raw ngayon!" galit na sermon ni Neil.
"No! I won't! Dahil baka mambababae ka na naman!"
"Nahihibang ka na! Wala akong babae at galing ako ngayon sa kolehiyo! Umuwi ka na! Mag-aaral na ako tapos may OJT pa kami bukas!"
"Then what is this?" Sabay inangat at ipinakita ni Shamcey ang maraming printed na papel galing sa sss messenger ni Neil.
Hindi naman nagsalita si Neil sabay pinagpapalo na naman siya ni Shamcey at umiyak ito sa galit.
"Neil! Hanggang ngayon pa ba ay naghahanap ka pa rin ng iba? Ano ba, Neil? 'Andito naman ako. Nakakailang taon na tayo. Four years na and I am still struggling to death in finding a way for you to love me! Sabihin mo sa akin! Ano pa ba kulang sa akin? Please! 'Wag ka nang mambabae, please! Ano ba'ng meron sila na wala ako?"
"Hindi mo ako maintindihan, Shamcey. I am not asking you to love me! Bakit 'di mo na lang respetuhin ang sarili mo at kalimutan mo na ako? At this time, you still don't deserve me, so enjoy your life and leave me!"
Biglang nainis si Shamcey at nasampal nang 'di oras si Neil. "Sino ba 'yang babae na lagi mo nababanggit? Bakit hindi mo na lang ako seryosohin? 'Andito ako na palaging naririto para sa 'yo. Lahat ng babae ay natikman mo na pero iniiwan mo naman. Ibig sabihin, ako talaga mahal mo at hindi sila! 'Di ba, 'di ba, 'di ba? Tama ako? Kasi bakit mo sila iiwan?"
"'Di ba, matagal ko nang sinabi sa 'yo na hindi ikaw 'yong babaeng hinahanap ko?" Sabay naalala ni Neil si Elise. Ang ganda ng katawan nito, ang ganda ng kanyang mukha, lalo na ang hugis at lambot ng kanyang labi na kay sarap halikan, kabaitan ng ugali nito, sobrang caring at maalaga pa, malambing, masipag sa gawaing bahay, masipag mag-aral, palaban at matapang. Mabait sa kapwa babae at magaling mamuno. Parang lahat na lang ng gusto niya sa isang babae ay na kay Elise na pero ang problema lang ay hindi niya masabi-sabi ang pagmamahal niya rito na higit pa sa kapatid dahil natatakot siyang mandiri sa kanya ang kinakapatid at magalit sa kanya ang umampon sa kanyang mga magulang.