Pag-uwi ni Neil sa bahay ay nagulat siyang may bisita silang isang lalaki. Mukha itong pulubi dahil sa madungis ito't nakaupo sa upuan. Sa kabilang upuan naman ang kanyang amain na si Bong.
"Oh, anak, 'andiyan ka na pala. Siyanga pala. Ito si Uncle Lanto mo, half brother ko. Simula ngayon ay dito na siya titira."
Napanganga naman si Neil sa sinabi ng amain saka nakipagkamayan sa lalaking halos kaedad lang ng kanyang amain sa tanda.
"Hi po, nice to meet you po," bati ni Neil.
"Ito ba 'yong adopted n'yo no'ng inaakala niyo'y 'di na kayo magkakaanak mag-asawa?" tanong nito na kinarindi ni Neil kaya napangisi ng pang-aasar si Lanto.
"Oo, siya nga. Pero mabuti pa't kalimutan mo na 'yon because we are treating him like our own son. Very close pa siya sa anak namin na si Elise at sana ay 'di ito makarating kay Elise dahil sinisikreto pa namin sa kanya. That's why we don't see him as our adopted son but as a real and biological son in our hearts. Siya talaga ang suwerte sa amin dahil simula nang kinupkop namin siya ay lumaki ang negosyo namin ng mga wooden furniture. He is our lucky charm," pahayag ni Bong habang nakangiti.
"Ilang taon na pala siya?" tanong ni Lanto.
"He is eighteen. Halos gano'n siya katagal sa amin. In fact, we are also helping him to investigate about his parents' deaths," turan ni Patricia.
Sumingit naman si Neil. "Turning nineteen, Ma at Uncle Lanto. I love my present parents that I don't even want to know my real parents dahil napamahal na sa akin nang sobra sina Papa Bong at Mama Patricia. Parang kadugo ko na sila."
"Mestiso siya. Baka naman siya 'yong bata sa Olongapo na pokpok ang ina at nabuntis ng sundalong Amerikanong naghahanap ng aliw," ngising pang-aasar muli ni Lanto kaya hindi na ito pinatulan ni Neil at umakyat na lang siya sa taas.
Naiintindihan naman ni Bong si Neil kaya hinayaan niya itong umakyat sa hagdanan nang hindi man lang nagpapaalam sa bisita.
Nang wala na si Neil, nag-usap silang tatlo.
"Bakit mo hinayaang bastusin ako ng sampid ninyo, Kuya?" Inis si Lanto.
"Don't ever call him like that. You are just my half brother. Kaunti lang ang binigay sa 'yong mana ni Papa pero inubos mo sa pagsusugal. Ngayon namumulubi ka ay naawa ako sa 'yo kaya tinanggap kita sa pamamahay ko. Kaya dapat makisama ka sa pamilya ko kung gusto mong tumagal pa rito," galit na ani Bong.
"Okay, pasensiya na. Ayoko lang na ginagano'n ako ng anak mo. Anyway, suggestion ko lang, Kuya. Why don't we build more interesting stuff, tutal ay milyonaryo ka na ngayon?" Ngumising muli ni Lanto.
"What do you mean?"
"Let's build a big amusement park. Naaalala mo ba no'ng mga bata tayo? 'Yan lagi ang minimithi natin. Ang makapasok, makapaglaro sa Star City ngunit wala tayong pera."
"Pag-iisipan ko." Saka umalis si Bong pagkatapos niya iyon sabihin.
~~~
Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ni Elise ay nagkamaling pumasok si Lanto sa kuwarto nito.
Imbes na lumabas siya, tila nasilaw siya sa makinis at maputing mahabang binti ng dalaga.
Nang lalapitan na niya ito at hahawakan ay nagkataong nagising si Elise at binalot ng takot at napasigaw. "Aahh! Sino ka? Ano ginagawa mo sa kuwarto ko? Ahh! Mama, Papa, Kuya!"
Biglang nagising ang iba sa katahimikan ng gabi at napatakbo ang mga magulang nito, lalo na si Neil, sa kuwarto ng dalaga.
Nang makita nilang si Lanto ito ay pinigilan at ipinaliwanag ni Bong kay Elise na uncle niya ito.
"Wala akong pakialam kahit uncle ko pa siya. Hindi tama yung pasukin niya itong kuwarto ko at muntikan pa niya akong hawakan sa binti!" sigaw na sumbong ni Elise.
"Totoo ba 'yon, Lanto?" galit na sita ni Bong sa kapatid.
"Akala ko kasi isa siya sa mga katulong. 'Yon pala, hindi," pagsisinungaling ni Lanto.
Nainis si Patricia at nagalit sa pag-aasta ni Lanto kaya binulungan niya nang pagalit ang asawa. "Bong, we need to talk about this." Pagkapasok nila sa sulok ng silid ay inis na sinabihan ni Patricia ang asawa. "Bong, hindi ko na nagugustuhan ang kinikilos ng kapatid mo. Bastos ang bunganga niya sa harapan ng anak natin. Kahit maid pa 'yon. Hindi niya dapat ginawa 'yon at matuto siyang rumespeto sa mga babae."
"Kaya nga, 'wag ka mag-aalala, mahal. Kakausapin ko siya."
Pagkatapos ay inihatid ni Neil si Elise pabalik sa kuwarto nito dahil ito ang utos ng ama para kausapin niya muna si Lanto.
"Kuya, natatakot ako sa kanya," sumbong ni Elise.
"Masasanay ka rin bunso. Kawawa naman daw siya dahil walang matitirhan," paliwanag at pagkalma sa kanya ni Neil nang may kumatok sa pinto.
Tumayo sa pagkakaupo sa kama si Neil at binuksan ito. Tumambad sa kanya ang amain niyang si Bong. "Halika na, anak. Ang mahalaga ay okay na si Elise. Hindi na raw mauulit ang pangyayari sabi ng Uncle Lanto mo, Elise."
Sa lagay na iyon ay parang hindi pa rin kumbinsido si Elise.
~~~
Makalipas ang ilang linggo...
Tumawag ng meeting si Bong sa kanyang kumpanya at kabilang dito sina Lanto at Neil.
"Pinatawag ko kayo rito dahil sa pagpupulungan natin ang business proposal ng aking kapatid. Ipinapakilala ko sa inyo si Lanto Cordovo. Half brother ko siya. Gusto namin magbukas ng isang malaking amusement park."
Nagbulungan ang lahat dahil sa anunsiyo ni Bong.
"Eh, ano naman ang mapapala ng amusement park? Kikita ba tayo riyan, Mr. Bong?" tanong ng business partner niyang si Lloyd.
"Oo, sisiguraduhin ko dahil ang isa sa mga mamamahala roon ay walang iba kundi si Lanto. Kaunting negosyo lang naman ito. 'Di gaya ng kumpanya natin na wooden furniture international," patuloy ni Bong.
"Salamat, Kuya. Makakaasa ka. Sana ito ang peace and reconciliation ko sa nangyari kagabi sa anak mo. Gagawin ko ang lahat para sa pinagkatiwala mong posisyon." Nakangiti na sabi ni Lanto.
"'Wag mo dalhin ang problema sa bahay, Lanto. Be formal and professional. Siguraduhin mo rin na mapapalago mo ito. Kami na bahala sa lahat-lahat ng mga business partner ko."
"Kuya, ako ba ang manager?"
"Hindi ikaw, Lanto."
Nahalata ni Neil kung gaano nainis at nag-iba ang mukha ni Lanto.
"Bale ano'ng posisyon ko roon, Kuya?" tanong nito.
"Supervisor. 'Wag kang mag-aalala. 'Pag nakita ko ang pagsisikap mong maitayo ang Cordovo Amusement Park ay hindi lang supervisor ang ibibigay ko sa 'yo kundi manager o CEO na," sabi ni Bong.
Natuwa muli Lanto. "Sige, Kuya, pagsisikapin ko na lumago ang amusement park," pangako nito.
"Pa, sige. Alis muna ako, may pasok pa ako sa uni," singit ni Neil.
"Ayaw mo bang magkaroon ng position sa gagawing amusement park, Neil?" tanong ni Bong.
"Saka na, Pa. Prayoridad ko muna ang aking pag-aaral bago magtrabaho. Maraming salamat, Pa." Saka nagmano si Neil sa ama at umalis.
Nainis si Lanto. "Pfft! Bakit mo naman bibigyan 'yon? Baka malugi pa tayo sa business dahil 'di pa siya nakapagtapos. Mabuti na lang at tumanggi siya."
Hindi na pinansin ni Bong ang reklamo ni Lanto.