bc

Billionaire's Diary "Carousel"

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.0K
READ
billionaire
revenge
age gap
fated
second chance
stepbrother
drama
twisted
bxg
betrayal
like
intro-logo
Blurb

"Naniniwala na akong life is like a carousel, you have to wait and stay at babalik at babalik ka pa rin sa kung saan ka nanggaling. You will always be my only one, Elise. Bumalik ka sa akin dahil alam mo sa sarili mo na mahal mo ako at mahal kita. Fate brought us together. Itinadhana tayo sa isa\'t isa at sisiguraduhin ko na hinding-hindi na muli tayo magkakalayo ano mang pagsubok ang dumating." - Ednel

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napagpasyahan ng isang masaya at buo na pamilyang balik-bayan ang magbakasyon sa kanilang probinsya sa Zambales dahil panahon ng tag-init. Ito ang napili nilang lugar dahil madaming mga beaches na mapupuntahan dito at bukod sa paglalangoy ay masusubukan ang iba't-ibang aktibidad na pampamilya. Birthday din ng kaisa-isa nilang anak na si Ednel Hernandez Marseille, kaya minarapat nilang ipasyal ito para mas lalong magbukasmata sa kulturang pilipino. Tuwang-tuwa ang maliit na bata na sa edad na limang taon gulang ay marami nang nagmamahal sa kanya at nararanasan iyong mga bagay na hindi nararanasan ng isang ordinaryong batang gaya niya. Lahat ng gusto niya ay binibili para sa kanya ng kanyang mga magulang. Sa murang edad ay may sarili pa siyang museo ng mga character ng isang sikat na palabas—ang Comic Avengers. Ganoon kayaman ang pamilya niya dahil ang tatay niyang French ay kilalang business tycoon sa France habang ang nanay niya naman ay philanthropist na madalas tingalain sa pilipinas. Dahil din sa mayaman sila ay nilibre nila ang buong angkan nila noong kaarawan ni Ednel sa Zambales. Kaya naman mahal na mahal sila ng kanilang mga kamag-anak doon. Gabi na nang pabalik na sila sa Maynila. “Ednel, are you happy that you've seen the best beaches here in the Philippines and met all of your Filipino cousins?” tanong ng ama niyang French sa wikang Ingles, habang nagmamaneho ng sasakyan. Siya si Evor. Nakangiti naman ang asawa nitong Pinay habang tinatanaw ang kulay lila na kalangitan. “Yes, Dad! Are we going to leave now?” lungkot na sambit ng anak na si Ednel. “Oo, anak. Look at the purple sky, it indicates na we need to go home na dahil gumagabi na. However, Natutuwa ka ba, anak, sa mga nakikita mo about Filipino culture?” Ngumiti ang Filipinang napakaganda niyang inang si Liezel. “Yes naman po!” “Haayy... ang suwerte ko sa 'yo anak. Ang bilis mo matuto. Napakatalino mo. We're so lucky to have him, hon!” “Oh, hon! Look, there's an ATM machine right there. I'll park the car to withdraw some money. We're running out of pocket money,” suhestiyon ng ama ni Ednel. Nasa kalagitnaan sila ng lugar na Subic at Zambales. “Wouldn't it be too dangerous to stop over there? There are no people around and it's too dim. Look at the clock. It's 1 AM. I've watched a few murder stories on TV Patrol and 24 Oras lately,” pangamba ng ginang. “Dont worry about me, hon. I can handle myself,” ani ng asawang French. “Yes, Mom! Dad is the new Superman! He can fight over bad guys!” sigaw na pabiro ni Ednel. Kaya't napahalik naman ang nanay sa noo nito. “Okay, go ahead,” sang-ayon ng ina. Sa kasawiang palad, pagka-baba ng kanyang ama sa kotse, at naglakad patungo sa ATM machine ay biglaang may tumutok sa kanyang leeg. “Holdup 'to! Akin na ang pera!” Tatlong mama, na nakatakip ang mukha, ang biglang sumugod. Sobrang nag-alala ang nanay ni Ednel pagkatapos niya makita sa malayuan ang tatlong lalake pumapaligid sa asawa. Para siyang pinagpapawisan nang malamig at nagsimulang manginig ang buo niyang katawan sa takot, nanikip ng bahagya ang kanyang dibdib at bumuhos na parang grepo ang kanyang mga luha sa sama ng pakiramdam. Sa sobrang kaba niya ay halos manlabo na din ang kanyang mga paningin at nag-isip ng pwedeng gawin. “Mom, are you crying? You’re trembling. Is dad doing okay there?” Napatingin na lang siya sa kanyang anak pagkatapos niyang magkaulirat at marinig ang hayag nito. "Sshh… Don’t make some noise, anak! Promise me, okay? don’t worry about me and your dad," mahinang bulong niya sa anak pagkatapos takpan ang malalambot nitong labi at pasimpleng sumisilip sa may bintana ng kotse. “Okay mom,” tumango naman si Ednel na puno din ng pagtataka. Habang yakap-yakap niya ang anak ay bigla may nakapa ng kanyang paanan na isang matigas na bagay. Dahan dahan siyang Bumitiw muna sa pagkakayakap sa anak at inabo’t ang matigas na bagay na iyon. Ito’y lunch box ni Ednel, kaya’t walang pasubaling niyang binuksan ito. “Mom, what’s that?” tanong ng anak. Kinuha ni Liezel ang stainless na kutsara sa loob ng lunch box na iyon at hinawakan ang kamay ni Ednel. Inilagay niya sa palad ng bata ang kutsara at binilinan, “If those bad guys will take you and says you must come with them. Don’t ever do it, anak. Listen to your mom, Okay. Keep this, use this stainless fork to get rid of them. Those men are the bad guys, you must run if they come near you. Remember anak ko, na pag wala na kami ng papa mo ay lagi mo tatandaan na mahal na mahal ka namin, ikaw ang buhay namin at gusto namin na makaligtas ka ngayon, We’re in chaos. Run far away and escape. Always bare in mind anak na pag wala na kami ng dad mo, kaw na ang new superhero na magtatanggol sa sarili mo at kami naman ang manonood sa’yo, like sa tv. Napapanood natin ang mga Avenger characters but they can’t see us. You are like them, be a super hero anak, promise me that. We love you so much. Kami ng papa mo.” Hind maintindihan ni Ednel kung bakit lumuluha ang ina matapos ng madamdaming bilin sa kanya. Kaya pati rin siya ay naiyak ng mahina. Niyakap muli siya ni Liezel at pinunasan ang mga luha nito. Biglang napatingin na lang si Liezel sa labas ng bintana pagkatapos marinig niya muli ang boses ng kanyang asawa sa malayo. “No, I won't!” pagmamatigas naman ni Evor. “Ah, gano'n, ah!” sigaw ng isa sa kawatan sabay sipa nito sa binti niya hanggang sa mapaluhod na si Evor at pinagbubugbog at tinadyakan. Mas lalong pumatak ang mga luha ni Liezel at tinakpan ang mata ng anak para 'di ito makita. “Ano? Ibibigay mo na ba?” “I still won't until you kill me, you assholes!” sigaw pa rin ng French. Sa sobrang pikon ng isang kawatan ay ginilitan nila sa leeg ang lalaki hanggang sa hindi na nakatiis pa si Liezel at napasigaw sabay lumabas sa kotse. “Huwag! Evor!” Nagulat ang tatlong kawatan nang makita nila ang batang ginang kaya't hinabol ito ng isa sa kanila. Nahirapan tumakbo si Liezel dahil sa suot niyang sandal na may mahabang takong kaya't di siya nakailag. Agad siyang dinala sa harapan ng walang buhay ng asawa habang si Ednel ay tahimik pa ring nasa loob ng kotse at tinatakpan ang bibig dahil iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ng ina. Napatingin sa kanya ang ina sabay nagsenyas na doon lang siya sa loob ng kotse ngunit nagulat na lang si Liezel nang patayuin siya ng tatlong kawatan at hinubaran kaya't napasigaw muli ito. Lalabas sana si Ednel sa loob ng kotse ngunit sinenyasan ulit siya ng ina habang nakahubo na ito. “Ano? Iwanan na lang natin itong babae na 'to tutal hubo't hubad na. ‘Di na 'yan makakapagsumbong sa police!” sabi ng isa sa mga kawatan. “Wait naman, boss. Tingnan mo naman. Ang kinis at ang puti. Parang galing sa ibang bansa. Sayang din ito.” Ngumisi ang pangalawang kawatan. Walang pakundangan nilang hinalay ang batang ginang. Nanonood naman si Ednel habang iyak nang iyak pero pilit pa ring huwag mag-ingay. Makaraan ang ilang minuto… “Teka lang! May naririnig ka ba? Parang hagulgol ng isang bata?” sabi ng ikatlong kawatan matapos may marinig. Dali-dali nilang hinanap kung saan nanggaling iyon at iniwan ang ginang na nakahandusay sa kalsada. Habang nagtatago si Ednel sa loob ng kotse, kinuha niya ang lunchbox niya na may tinidor. Nang maramdaman niyang papalapit ang isa sa mga kawatan ay sinakmal niya ang tinidor at mas bumilis ang paghinga habang tagaktak ang pawis. Dahil na rin sa kadiliman ay hirap siyang makita nito kaya ang ginawa na lang ng isa sa mga kawatan ay lumapit nang dahan-dahan sa loob ng malaking kotse kahit walang makita nang agad napasigaw ito nang malakas. “Si Roxas 'yon, ah!” sigaw ng pangalawang kawatan sa kasama pagkatapos nilang marinig ang pangatlo sa kanila na sumigaw nang sobrang lakas. Bigla silang napatakbo sa kinaroroonan nito at nakita nila ang kasama nilang nagngangalang Roxas na duguan ang mata dahil nasaksak ng tinidor sabay sigaw, "Habulin mo siya! May bata! May bata! Habulin n'yo bago pa 'yon makawala! Aahhh!" Tumakbo nang mabilis ang dalawang kawatan at hinanap si Ednel. Hanggang sa maaninag nila ang anino ng bata at hinabol. Dahil magaling tumakbo si Ednel ay tila hirap nilang abutan. Hanggang sa may makita siyang pagtataguan at agad itong nagtago roon sa likod ng malaking truck. Doon lang siya nakaligtas pagkatapos hanapin ng dalawang kawatan. “Nakita mo na ba 'yong bata?” “Wala, eh! Hayaan mo na 'yon. Bata pa 'yon. Mga edad limang taon. Ligpitin na natin ang bangkay ng dalawa! Tara at liliwanag na ang araw!” Pag-uusap ng dalawang natitirang kawatan. Habang nagtatago si Ednel sa loob ng truck ay nakatulog siya. Dahan-dahang bumuka ang mga mata niya nang may makita siyang isang lalaki na medyo kahawig ng kanyang ama. “Daddy! Daddy!” iyak niyang sambit sabay napayakap siya nang sobrang higpit sa isang pormado at matipunong lalaki na kahawig ng kanyang French na ama. Lumambot naman ang loob ng lalaking iyon. Kaya't inuwi na lang niya si Ednel sa bahay nila. ***** “Bakit mo inuwi iyan? 'Wag mong sabihin na anak mo 'yan sa ibang babae, Bong! Porke't hindi na kita mabigyan ng anak, ganyan ka na?” pagda-drama ng isang babae. Siya si Patricia. “Mahal naman! Awang-awa ako sa bata. Nakita namin siya ng mga trabahador ko roon sa likod ng truck ng mga kakahuyan para gawing appliances. Tapos ayaw niya ako pakawalan. Tinatawag pa niya akong Daddy habang umiiyak,” paliwanag naman ng asawa. Lumuhod si Bong para pumantay kay Ednel. Humihikbi na sa pag-iyak ang bata at mukhang namumutla na sa takot. “Iho, ano'ng pangalan mo at sino ka at saan ang mga magulang mo?” tanong ni Bong matapos niya hawakan ang kamay ng bata para pakalmahin dahil todo punas ito sa sunod-sunod na pagpatak ng luha. “A-ako si Ednel. They killed my m-mom,” paputol-putol na sagot ng bata. “Tahan na. ‘Wag kang matakot, ikwento mo lahat dahil tutulongan ka namin iho,” kumbensi ni Bong, awang awa siya dito. “Galing ka-kami sa beach until the sky turned pa-purple hhh-habang nasa kotse kami. Then the car stop. My dad get down the car until 3 people get ne-near him, he suddenly laid on the floor after a big bang bang bang. Sabi ni mom sa kotse lang ako and she gave me this.” Itinaas ni Ednel ang kutsarang duguan na kinagulat ng mag-asawa, “Mom told me to run and hide from the 3 bad guys and I have to use this to get rid of them. I stab it into the eye of those one of the monsters. huhuhu.” “What did they do to your mom?” pagtatakang tanong muli ni Bong. “Si Mommy. Pinahubad nila, then they...” Naawa si Patricia at 'di niya pinatuloy ang pagsalita ng bata saka niyakap na lang niya ito at pinatahan matapos ipakalma sa katawan. “Tara at isumbong natin sa police!” ani Bong. “Hon, may botique, Bili lang ako sandali ng maisusuot niya. Baka magkapulmoniya ang bata, natuyo na ang pawis sa kanyang katawan at duguan pa ang damit.” Pagkatapos nila itong ibili ng damit sa may katabing dinaanan na botique ay kinuha nila ang tinidor na hawak niya. Saka siya dinala ni Bong at Patricia sa Police Station para i-report ito. “Bata, anong pangalan mo?” tanong ng hepe. “My name is Ednel po.” “Pangalan ng mama at papa mo. Pati buo mong pangalan at apelyido?” “I don’t know their name. Si mama po na mama Lez at my papa sometimes my uncle call him Evor. Ang tawag ko po sa kanila po ay mom at dad. Apelyido ko po is Marchel po, parang ganoon po ang pagka-bigkas.” “Ano spelling ng apelyido mo?” tanong muli ng hepe habang nagta-type sa type writer. Nagkatinginan naman si Bong at Patricia dahil hindi ito masagot ni Ednel.. “Hindi po ako marunong mag-spell dahil 5 years old lang po ako.” Napabuntong hininga ang hepe saka binitawan muli ang mga huling katanungan sa bata, “Sabi dito sa report ay pinatay ang tatay at nanay mo sa harapan mo? Alam mo ba saan ang pangyayari? May hawak ka pa daw na tinidor, maaaring ba naming makuha iyon iho, para magamit na matibay na ebidensya? May magvolunteer i-sketch kung naaalala mo pa ba ano itsura ng tatlong mama na sinasabi mong pumatay sa mga magulang mo. At ang huli’y naaalala mo din ba kung saang lugar pinatay ang mga magulang mo?” “Hon, akin na iyong tinidor kasi kailangan daw nila.” Utos ni Bong sa asawa. “Hon, wala ata dito sa bag ko. Naiwanan ata sa CR pagkatapos ko balutin ng t-shirt din niyang duguan. Sorry, kasalanan ko. Balikan kaya natin doon?” Dahil sa natataranta na ang magasawa ay muling sumingit si Ednel upang sagutin ang katanungan ng hepe, “Excuse me po mister police man, I am sorry po if I can’t remember the face of the 2 other monster who killed my mom at dad. Pero iyong isa na nasaksak ko ng fork ang medyo ko po naaalala mukha niya. Mahaba po buhok niya at makapal ang kilay at mapula ang mata. The place po we go were beautiful beaches until the sky turned purple and dimmer while dad is driving. Before my mom gets out of the car, she said to me how much dad and her love me and give me the fork to get rid of the monsters.” Habang nagkukwento ang bata ay tumingin siya sa kisame at nanulo ang mga mata at muling nagsalita, “Mom, dad, if you’re watching me like in the movie Avengers. Please help me to answer them. I am now hungry and wanted to go home early na with you. I am tired, I want to sleep.” Nagkatinginan ang dalawang hepe sa mga narinig at niyakap naman ni Patricia ang bata parang patahanin sa kakaibang kinikilos nito dahil mukhang antok na ito. “Mister Bong Cordovo, gusto naming ipaalam sa inyo na kung wala kayong matibay na ebidensya gaya ng tinidor na duguan o kahit ang sinasabi ninyong duguang suot ng bata. Isama niyo pa ang walang mga naaalala ang bata sa mga mukha ng suspek, at tanging purple sky at beach lang ang lugar at mga kwentong kuro-kurong palabas. Pasensya na pero hindi ka namin matutulongan, ibigay n'yo na lang siya sa bahay-ampunan para hindi na makaabala pa. 'Di namin alam kung totoo o hindi lahat ng sinasabi ng batang iyan!” sabi ng police. “Hindi ba kayo naaawa? Pinatay ang mga magulang niya.” “Hindi namin alam ang lokasyon at saan siya nanggaling kaya 'di kami nakakasiguro!” Naglalakad ang mag-asawa pagkatapos masawi sa pagsusumbong sa police. Pareho silang walang imik na kasama ang bata habang hawak nila parehas ang magkabilang kamay nito’t nasa gitna nila. “Mahal, parang ayaw ko ibigay sa bahay-ampunan si Ednel. Mas maganda kung tayo na lang ang mag-alaga. Tutal, mabibigyan natin siya ng magandang buhay at tirahan,” ani ginang. “Ako rin nga. Iyon ang iniisip ko dahil napakabait at guwapo ng taong nire. Palitan na lang natin ang pangalan niya. Ednel!” “Po? Bakit po?” pagtataka ng bata. “Simula ngayon, kami na ang mga tatayong magulang mo, anak. Wala na kasi magulang mo. Kinuha na siguro sila ni God. Tawagin mo na akong Papa. Hindi na Daddy at si Nanay Patricia mo naman ay Mama. Ang pangalan mo na rin simula ngayon ay Neil. Hindi na Ednel! Okay ba 'yon?” “Sige po!” natutuwang tugon ni Ednel at sumang-ayon na Neil na lang ang bago niyang pangalan. Dahil bata pa ito at mabait ay naging sunud-sunuran sa dalawa. Tuwang-tuwa ang mag-asawa simula nang napasok sa kanilang buhay si Ednel. Bumuhos bigla ang suwerte sa kanila dahil parang isang malaking biyaya galing sa langit ang bata sa buhay nila. Lumago ang business nilang wooden appliances at bigla pang nabuntis si Patricia kahit sinabi ng kumadrona niyang imposible na siyang mabuntis. At ito'y si Elise.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook