Nagulat na lang si Elise nang biglang may humablot at humila sa kanyang kamay papalayo kay Edwin.
Si Neil pala ito na tila nanggagalaiti sa galit. Pinigilan naman siya ni Edwin kaya pinatikim siya ng malutong na suntok sa mukha ni Neil.
"Sa uulitin na halikan mo siya, hindi lang 'yan ang matatanggap mo sa 'kin!" sigaw ni Neil hanggang sa natigil ang tugtog at natuon ang atensyon ng lahat sa kanilang tatlo.
"Tara na, Elise! Uwi na tayo!" galit na ani Neil at kinaladkad siya paalis sa ball.
Pagkarating nila sa parking lot, habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya.
"Kuya, ano ba? Ano ba nangyayari sa 'yo?" sigaw ng dalaga habang bumubuhos ang luha sa kanyang mata.
Sa sobrang inis ng lalaki ay binitiwan siya nito nang malakas at pagalit na sinigawan siya. "Gusto mo malaman anong problema ko?"
"Oo! 'Di ba nagpanggap tayong mag-jowa kunwari tapos parang pumayag ka na pahalik ako sa iba dahil tinangka mo na naman akong halikan? Alam mo, Kuya kaya tayo napagkakamalan ni Uncle Lanto dahil hinahalikan mo ako. Hindi na 'yon gawain ng magkapatid!" paliwanag ni Elise habang umiiyak.
Biglang humarap sa kanya si Neil at tumingin sa kanyang mga mata. "Bakit? May nararamdaman ka ba sa akin? Sabihin mo ang totoo! Sagot!" sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata. Hindi na ito si Kuya Neil na kilala niya mula pagkabata. Bakit ito nagtatanong ng ganito? Gusto niyang mandiri sa sarili o sa kanilang dalawa dahil tama ang hinala niya. Parang mayroon ngang namumuo sa pagitan nila, hindi relasyon magkapatid dahil mahigit pa.
"Kuya! Kumalma ka! Please!"
"Sagutin mo lang ako! Oo o hindi, Elise! May nararamdaman ka ba para sa akin?"
"Paghanga, Kuya, oo. Pero bawal kasi! Dahil magkapatid tayo. Nababaliw ka ba? Ano ba, Kuya? Nakakahiya 'pag nalaman ito nina Mama at Papa. Pati na ng iba!" giit niya hanggang sa napatingin siya sa ibaba dahil sa hiya.
Muli na naman siyang hinila sa kamay at binuksan ang pintuan ng kotse sabay sigaw. "Sakay!"
Sumakay naman ang dalaga na parang naiilang. Hindi man niya gustong aminin ay hindi rin kayang magsinungaling ng puso niya. Sumunod na sumakay si Neil at sabay pinaharurot ang sasakyan at dinala siya sa isang lugar na walang tao at malapit sa dalampasigan.
Binalot ng katahimikan ang kotse dahil ni isa sa kanila ay walang gustong magsalita.
Agad na lang nag-react ang mga mata niya at tumulo bigla ang mga luha.
"Kuya, hindi na maganda itong ginagawa natin. Kasalanan ito sa Diyos na nililinaw natin kung may nararamdaman tayo sa isa't isa."
"Inaamin mo na pala na may nararamdaman ka sa akin? Kasi ako, oo, matagal na."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Mahal na mahal kita, Elise. Sobra-sobra! Hindi lang paghanga. Kaya nga kung kani-kaninong babae na lang pinapatulan ko, dahil hinahanap ko 'yong babaeng katulad na katulad mo pero wala, eh! Nag-iisa ka lang sa mundo ko. Takot ako na sabihin sa 'yo dahil kina Mama at Papa. Baka 'di nila magustuhan kung ano ang namamagitan sa atin. Elise, makinig ka sa akin," sabi ni Neil sabay humarap sa kanya at diniretso ang tingin sa mga mata niya.
"K-Kuya Neil!" Hindi niya alam pero mas lalo tumulo mga luha niya at nauutal pa magsalita. Alam niyang nandidiri siya sa sarili na patulan ang sariling kapatid o Kuya pero hindi kasi mapigilan ng puso niya ang pagtibok nito 'pag nandyan ito sa tabi niya. Matagal na rin niyang pinipigil o binabalewala ito. Pero iba na kasi, habang tumatagal na nakikilala niya si Neil. Mas lumalalim ang pagtingin niya rito.
Ano ba nangyayari sa akin. Nababaliw na ba ako? Matagal ko nang gusto si Kuya Neil!
"Elise, tumingin ka sa aking mga mata at makinig ka! Wala kang dapat ipag-aalala! Dahil hindi tayo magkadugo."
Sa sobrang gulat niya ay bigla niya itong nasampal. Hindi siya makapaniwala na ampon siya at hindi na siya ang magmamana ng mga business ng Papa Bong nila. Kaya bigla niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at tumakbo palayo sa binata.
Naiyak siya dahil hindi man lang siya nito pinigilan. Ngunit naalala niyang wala pala sa kanya ang cellphone dahil nakatago 'yon sa kanyang purse, kaya tumalikod siya at bumalik sa kotse nito.
Pagkasara niya ng pinto ay inutusan niya ito. "Ihatid mo na ako sa bahay."
Wala naman itong imik at nakita niyang sumilay ang patago nitong ngiti at pinaandar ang sasakyan.
~~~
Pagkauwi nila sa bahay ay ganoon pa rin sila, wala pa rin silang imikan ni Neil. Hanggang sa maratnan nila ang mga maguulang na nanonood ng TV.
Diretso na si Neil paakyat sa hagdanan. Hinayaan niyang mauna ito dahil hindi niya alam kung bakit namuhi siya sa lalaki no'ng sinabi nitong hindi sila magkadugo.
'Di ba dapat masaya ako dahil puwede na kaming mag-ibigan? Pero 'yong ambisyon ko kasi, kaya dapat ko linawin ang lahat kina Mama at Papa.
Pagpasok niya sa kuwarto ay tinanggal niya ang mamahaling hikaw at damit. Pati ang makeup na kanina pa siya kating-kati tanggalin. Biglang nag-flashback ang sweet moments nila ni Neil sa sayawan. 'Yong haplos ng hawak nito. Pati 'yong muntikan nitong paghalik sa kanya. 'Yong titig nitong nakakatunaw.
Well, nahalikan ko naman siya. Masarap siya humalik.
Kaya napahawak na lang siya sa kanyang labi habang nasa harap ng salamin. Tiningnan niya ang sarili mula ulo hanggang paa saka hinubad ang kanyang mala-Kim Kardashian na gown.
Maganda pala ako.
Parang naririnig niya tuloy ang pagtibok ng kanyang puso at nag-fa-flash back din nang paulit-ulit ang hitsura ni Neil. 'Yong ngiti nito, ang berde nitong mga mata. Everything about her is getting weak.
Pagkatapos niyang maligo at makapagpalit ng damit ay napahiga siyang nakangiti. Tila si Kuya Neil niya lang ang laman ng isipan niya. Para siyang lutang ng gabing iyon. Natanong niya sa sarili,
If sabihin ko kay Mama at kay Papa na may namagitan sa amin, payagan nila kaya kami?
~~~
Kinaumagahan, nagising si Elise at biglang nagulat na nakaupo si Mama Patricia niya sa kama niya kaya bumangon siya agad.
"Ma, napadalaw kayo sa kuwarto ko." Sabay pinahid niya ang mga mata dahil tila may mga muta pang dapat alisin dahil sa kay aga-aga pa at nandito na ito sa silid niya. 'Di pa nga siya nakakapaghilamos.
"Sinabi na sa akin ng kuya mo na nasabi na raw niya sa 'yo ang totoo."
"The what, Ma?"
"Siguro panahon na rin para malaman mo dahil dise-otso ka na, anak!" Sabay lumungkot ang mukha ng ina.
"'Yong tungkol ba sa ampon ako, Ma?" Biglang nanubig ang kanyang mata habang sinasabi iyon.
Natawa naman si Patricia nang mahina sabay napahawak sa balikat niya. "Anak, hindi ikaw ang ampon. Ang Kuya Neil mo."
Biglang nanlaki ang mata niya sa nalaman. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil hindi pala siya ang ampon kundi si Kuya Neil niya pala.
Pero kawawa naman siya dahil hahanapin at hahanapin niya ang tunay niyang mga magulang.
Nabuksan ang pinto at pumasok si Neil at ang ama niya.
"Magandang umaga, anak. Sinabi na sa amin ni Kuya Neil mo na nasabi na niya sa 'yo no'ng JS prom at nalinaw na adopted brother mo lang siya o ampon siya. Ngunit kahit ampon siya ay sana'y ituring mo pa rin siyang parang tunay na kapatid o kuya mo dahil gano'n daw siya sa 'yo. Aalagaan ka pa rin niyang parang nakakabatang kapatid."
Nabuksan muli ang pinto at si Lanto ito't nakisingit sa usapin ng pamilya nila.
"Mukhang nagkakasayahan kayo, ha! Anong meron, Kuya?" tanong nito.
"Alam na ng bunso ko na hindi niya tunay na kapatid si Neil. Wala nang sikre-sikreto sa pamilyang ito. Masaya ako at humantong na sa ganito." Sabay hawak nito sa balikat ni Neil. "Salamat Neil, you never failed me. Salamat at maayos ang pagkakasabi mo kay Elise."
"Papa, paano ang furniture na kumpanya? Ako na lang hahawak!" wika ko.
"Hindi, hija, dahil masyado ka pang bata. 'Pag naka-graduate ka na ng college, saka natin 'yan pag-uusapan," sagot sa kanya ng ama.
"Bale, Kuya Bong ibig sabihin ay ako na mamamahala ng business mo? Tutal ay naitaguyod ko na nang mabuti ang amusement park natin, 'di ba? Katibayan na 'yon na maaasahan mo ako, Kuya." Ngumisi si Lanto.
"Pasensiya na, Lanto at hindi ko sa 'yo ipagkakatiwala iyon sapagkat ga-graduate na si Neil bilang isang c*m laude. Parang mas safe sa kanya ang furniture business ko. Neil, anak, kaya mo ba?" Ngumiti ang ama habang nakatingin kay Neil.
"Oo, kayang-kaya. Basta lang para sa inyo, gagawin ko ang lahat. Hinding-hindi ko kayo bibiguin," sagot ni Neil habang nakapamulsa.
Ngunit tila kinabahan si Elise nang makita na kumuyom ang kamao ni Uncle Lanto niya. Tila hindi ito sang-ayon sa desisyon ng papa niya ukol kay Neil. Parang nanlilisik ang mga mata nito na handang pumatay ng tao.
Buti na lang at nagbasag ng katahimikan iyong cellphone ni Bong at sinagot nito iyon saglit at pagkatapos ay inaya si Neil na samahan ito sa factory ng furniture business nila.
Natatakot pa rin si Elise sa hitsura ni Lanto.