Chapter 15

1410 Words
Pagpasok ni Elise sa kanilang eskuwela ay naratnan niya ang mga kaibigan. "Sissy, sorry. Hindi naman kasi namin ini-expect na gano'n ang mangyayari," ani ni Khien pero tila tulala pa rin si Elise na parang ang lalim ng iniisip. Sa sobrang pamimilit ng tatlo ay bigla nilang niyakap ang kaibigan kaya napasigaw si Elise. "Aray! Ano ba? 'Di ako makahinga! Bitiwan n'yo ako please!" "Patawarin mo muna kaming tatlo para bitiwan ka na namin sa pagkakayakap!" asar ni Angel. "Okay! Okay! Sige at pinapatawad ko na kayo! Bitiw!" sigaw ni Elise kaya bumitiw rin sila. Tumabi naman si Akira sa kanya. "Elise besty, bakit itong nagdaang oras ay tulala ka? Malayo ang tingin at walang tinitingnan. In love ka ba?" "Hay naku! Siyempre, naghalikan sila ni Edwin. Ito naman, 'di ka ba nanood?" ani Angel. "Ah! Oo, 'yong halos bugbugin ng kuya niya si Edwin dahil doon! 'Yong nangyari sa prom." Napatawa si Akira. Biglang tumunog ang cellphone ni Elise kaya tiningnan niya kung sino ito. Walang iba kundi si Neil kaya't sinagot niya ang tawag nito. Nagtaka ang magkakaibigan dahil mahina at matamlay ang pagsagot ni Elise sa cellphone nito. Nakakapanibago sa kanila ang ikinikilos ng kaibigan. "Oo, Kuya. Punta na ako riyan. Bye!" Sabay binaba na ni Elise ang gadget. "Sis, bakit ganyan mo na sagutin ang kuya mo sa cellphone? Parang natalo sa sugal," pagtatakang tanong ni Khein. "Sensiya na, may sore throat ako. Sige na at aalis na ako. Sinusundo na niya kasi ako," ani Elise. ~~~ Pagkapasok ni Elise sa loob ng kotse ni Neil ay muli na naman itong binalot ng katahimikan. Hanggang sa pinaandar na ni Neil ang sasakyan at lumarga. Habang nagmamaneho si Neil ay nagtaka si Elise dahil hindi iyon papunta sa bahay nila. "Kuya, saan mo ako dadalhin?" inis nitong tanong. "Basta, surprise." Ngumiti si Neil. "Baka may gawin ka sa akin na 'di maganda, ha! 'Di ba sabi mo may nararamdaman ka para sa akin?" anang Elise. "'Yon ay kung may nararamdaman ka. Kung wala ka naman nararamdaman na higit pa sa kapatid sa akin, ang nararamdaman ko sa 'yo ay tulad ng dati na bilang kapatid din." Ngumiti si Neil. "Kuya, ano ba? Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Natatakot si Elise dahil dumadaan na sila sa may kakahuyan. 'Di kalaunan ay bumaba na sila sa destinasyon sa kung saan dinala ni Neil si Elise. Ito'y sa amusement park ng kanyang ama. Napakaganda nito, parang Disneyland ang dating at napakalaki. "Wow! Kuya! Saan 'to?" "Grabe ka naman, bunso. Pagmamay-ari ito ng papa mo." "Wait, hindi papa ko. Papa natin, Kuya. Correction! 'Tsaka bakit mo ko dinala rito?" pagtatakang tanong ni Elise. "Basta, sasabihin ko sa 'yo pagpasok natin sa loob. Halika!" Ngumiti si Neil sabay hila niya ng kamay nito. ~~~ Pagpasok nila sa loob ng malaking amusement park, ipinaliwanag na ni Neil ang lahat na sa kanya muna ito ipinamahala ni Bong para praktis bago sa kanya maipasa ang malaking business ng furniture nila. "Kuya, paano si Uncle Lanto? 'Di ba sa kanya pinagkatiwala ito at siya rin ang nagpatayo nito?" pagtataka ni Elise. "Hindi ko alam, eh. Basta lang ibinigay sa akin to ni Papa. Wala na siyang sinabi sa akin na balita patungkol kay Uncle Lanto." "Bale palamunin na lang siya ngayon, Kuya?" "Oo, parang gano'n nga." "Kuya, puwedeng ano." Napatigil si Neil at napatingin kay Elise dahil tila may hihingin ito. "Ano 'yon?" "Puwedeng 'pag iniwan mo na 'to at pagtuunan mong hawakan ang furniture business, ako naman ang mamamahala nitong amusement park? Kukunin ko kasi college course ko ay Business Management. I want to be an entrepeneur someday gaya mo at ni Papa. Kaya ko naman dahil ga-grad nga ako ngayon bilang valedictorian gaya mo, 'di ba? I swear, Kuya. 'Di ka mabibigo. Kaya ko mamuno kahit babae ako! Promise," pagmamakaawang pilit ni Elise. Humarap si Neil sa dalaga na ikinakaba nito sabay hinawi niya ang buhok nito't isinabit sa magkabilang tainga ni Elise kaya namula pa ito lalo. "Alam mo, you don't have to, dahil sinisigurado ko sa 'yo na 'pag tumanda ka ay gagawin kitang prinsesa ng buhay ko. 'Yong hindi mo na kailangan magtrabaho at ang gagawin mo lang ay alagaan ang mga anak natin." Biglang kinilig nang sobra si Elise, lalo na't tinitigan siya ni Neil sa mata nang napakalagkit na tila sila lang dalawa ang naroon sa kinatatayuan nila. "Puwede ba kitang halikan muli?" seryosong tanong ni Neil pagkatapos niyang titigan si Elise mula mata pababa nang pababa sa malalambot nitong labi. "Sakay muna tayo ng carousel." Sabay iniwasan siya ni Elise at kumanan ang ulo sa harapan nilang malaking carousel. Tumakbo ito patungo roon at sumunod naman si Neil at nagsimula nilang sakyan ang ibang palaruan sa amusement park na 'yon. "Kuya, dito muna tayo!" tuwang hiling ni Elise habang hinihila ang kamay ni Neil. "Wait, ano 'yan? Hindi! Hindi ako sasakay niyan. Takot ako!" "Ano ba, Kuya, para ka namang bakla. You know, in life, you should fight or face your fear kaya tara na! Sakay na tayo rito sa roller coaster," pamimilit na pang-aasar ni Elise. Wala namang nagawa si Neil, pinaupo na siya ni Elise roon sa upuan ng roller coaster hanggang nagsimula na itong umandar. Pagkatapos noon ay bumaba na sila. Sobrang namuti si Neil pagkababa niya sabay sinigawan siya ni Elise habang tawang-tawa ito. "Ano ba kasi, Kuya? Tinitingnan mong halos pumutok na ang mga ugat ko sa kakasigaw. Ikaw, never bumuka ang bibig?" nakatawang ani Elise. "'Di ko kasi alam na sisigaw pala. Ang sakit tuloy ng puso ko." "Kung gano'n, ulitin natin. Tara, Neil?" Nagulat si Elise nang hawakan siya ni Neil sa kamay at sumenyas na ayaw na niya. Ngunit ayaw talaga magpatalo ni Elise. Sumakay muli sila at 'di nabigo si Elise dahil sumakay sabay natuto ring sumigaw si Neil sa roller coaster sa pangalawang beses nilang sinubukan. Pagkatapos nila roon ay natuwa si Neil. "Gano'n pala ang technique. Dapat sumisigaw." "Oo, Kuya. Tara, doon tayo sa water splash." Sabay hila ni Elise sa kamay nito. "Wait, baka mabasa ako." "Kung mabasa, e 'di may bilihan naman ng damit. Ano ba, Kuya? Ginagamit mo ba utak mo?" Sabay diretso silang sumakay ng water splash. Pagkatapos niyon ay nabasa sila kaya pumunta sila roon sa isang store at bumili ng souvenir na T-shirt. Nang hinubad ni Neil ang kanyang polo ay napatitig si Elise sa matipuno niyang katawan. Maskulado at napakaganda ng proporsyon nito. May apat siyang abs at malalaki ang braso at may suot suot ng kulay silver na plain na kuwintas. Biglang nahuli ni Neil si Elise na nakanakaw ng tingin sa kanyang katawan kaya nahiya si Elise at kunwari tumingin-tingin kahit saan. "Ano na, Kuya, tara?" anang Elise nang makapagpalit na sila. Hinubad din ni Elise ang kanyang jacket dahil iyon lang ang nabasa. Halos sinubukan nilang sakyan ang lahat ng rides sa amusement park ng kanilang papa. Para silang bumalik sa pagkabata pagkatapos nilang sakyan ang lahat. Nang uuwi na sila habang kumakain ng popcorn, nagsalita si Elise. "Kuya, mag-last na tayo sa carousel. Gustong-gusto ko 'yon, hindi extreme at relaxing na umiikot-ikot lang. Tutal ay libre naman tayo, let's watch as the sun sets while riding!" tuwang pilit ni Elise. Pinagbigyan naman siya ni Neil... Habang umiikot sila ay parang ang saya-saya nilang dalawa. Hindi nila masukat kung gaano kaganda iyong sandaling iyon. Ang daming nangyari dahil sa amusement park. Nagsimula na silang sumakay sa carousel at doon din naman sila magpapaalam. Parang takbo ng relasyon nila, na paikot-ikot gumalaw pero nasasakyan nila ang isa't isa. Nare-relax silang umiikot ito na pataas at pababa. Nalulusutan ang problema nang sabay. They feel so much comfortable with each other. Nang wala na ang sunset, nagbigay na si Neil ng sensyas na umuwi na sila. Nang bumababa na si Elise, bigla siyang natapilok sa carousel. Buti na lang at naalalayan at nasalo siya ni Neil. Habang hawak ng binata ang kanyang katawan ay biglang nagkabanggaan ang kanilang mga mata. Bigla na naman muli tumibok nang mas mabilis at malakas ang puso nila sa isa't isa dahil sa pagdidikit ng kanilang katawan. Halos magkalapit na ang kanilang mukha na kulang lang ay magdikit muli ang kanilang labi. Naiilang na si Elise kaya siya na ang nagsalita para umiwas. "Kuya, okay na ako. Tara na at umuwi na tayo." "Sige," sagot ni Neil sabay ibinaba niya sa pagkakabuhat si Elise at bumalik sila sa parking lot upang umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD