Inihatid na ni Neil si Elise sa parlor at nagkita-kita na silang magkakaibigan.
"Ano na? Ready na ba tayong mag makeover lahat?" tanong ni Akira.
"Oo, dahil kumpleto na tayo. 'Andito na si Miss President," sagot ni Khien.
"Oh! Ano pa hinihintay natin? Let's go na! For JS prom, girl! Woohh!" anang Angel.
Sabay-sabay silang nag-makeover sa baklang kapatid ni Angel na si Melvin.
Makalipas ang ilang oras, tapos na ang tatlo at naglalamangan sila.
"Ako pinakamaganda sa inyo at sigurado akong matotorete ang partner ko," saad ni Angel.
"Excuse me, dumi lang yang kagandahan n'yo sa kuko ko, 'noh!" sabi ni Khien.
"Magsitigil kayo. Ako ang tunay na diyosah!" singit ni Akira hanggang sa nagsitawanan sila nang sabay-sabay.
Biglang nabuksan ang pinto at muntikan nang malaglag ang kanilang mga panga nang dumaan at nagpakita sa kanila si Elise. Ang kaibigan nilang laging nakakuba, makapal ang salamin, laging nakatirintas, laging mahahaba ang suot na ngayo'y tila nagniningning na bituin sa gabi dahil sa mala-Kim Kardashian niyang gown na kulang lang ay lumadlad ang kanyang dibdib at nakalugay ang kanyang buhok na wavy, dagdag ang makeup niyang mala-Ariana Grande.
"Oh, s**t! Ano'ng ginawa mo sa kaibigan namin, Kuya?" sigaw ni Angel.
"Excuse me! Ate, hindi Kuya! Nakakalimutan mo 'ata na transgender ako. 'Tsaka, don't worry! May chaliko naman 'yan na tube kaya nakatago pa rin ang totoy niya, noh!" sigaw ng baklang kapatid ni Angel na si Melvin sabay iniangat ang chaliko.
"Grabe, sissy! 'Di ka namin nakilala. Ngayon ko lang napagtanto na ang lakas pala ng s*x appeal mo!" ngising sabi ni Khien hanggang sa sikuin siya ni Akira.
"Bakit s*x agad? Papalitan ko na nga itong gown ko pati makeup ko! Kakaasar! Ang dudumi ng utak n'yo!" sigaw na galit ni Elise nang mapasigaw sina Akira, Khien at Angel para pigilan siya. "'Wag! Nag-jo-joke lang kami! Tara na at punta na tayo sa JS prom!"
"'Asan ang purse ko?" tanong ni Elise kaya iniabot naman ito sa kanya ni Melvin.
Ni-dial na ni Elise ang cellphone niya hanggang sa sumagot na si Neil.
"Hello, Kuya! Sunduin mo na kami. Handa na kami and we're totally ready sa JS," ngiting saad ni Elise.
~~~
Pagkatapos ng OJT ni Neil ay dumiretso na siya sa parlor kung saan naroon si Elise at mga kaibigan niya dahil usapan nila ay siya ang maghahatid sa kanila papunta sa JS prom.
Nang pagpasok na pagpasok niya ay sinorpresa muna siya ng tatlong kaibigan ni Elise.
Nakapamulsa siya habang nagtataka. "Oh, girls! Mukhang ready na kayo at ang gaganda ng ayos n'yo! 'Asan na bunso ko? Bakit ganyan ang ngiti ninyo?"
Bigla silang sabay-sabay na tumingin sa isang pinto hanggang sa mabuksan ito at iniluwa si Elise na sobrang magarbo ang gown na bagay na bagay sa porselana niyang balat. 'Yong tila inaasar na n***o ay pumuti bigla sa 'di alam na dahilan. Dahil siguro sa pagsusuot ni Elise ng mahahaba at sabong pampaputi.
Unang beses din nila ito makitang nakalugay ang buhok kaya gulat na gulat sila.
Pakiramdam tuloy ni Neil ay nalaglag ang puso niya at mas lalong bumilis ang paghinga niya't pinagpawisan nang malamig sa noo habang papalapit sa kanya ang napakaganda niyang kinakapatid.
Hanggang sa hinawakan ni Elise ang kanyang braso at nagsalita, "Tara na, Kuya?"
~~~
Pagdating nila sa prom, sumama pa rin sa kanila si Neil kaya nagpasalamat naman ang apat sa kanya.
"Pupunta ba si Shamcey?" tanong ni Neil. "Ang tagal nang hindi siya nagpaparamdam sa akin. Nakaka-isang linggo na, bunso!"
"Ewan ko, kasalanan mo 'yan, Kuya. Tayo na sa loob," inis na sambit ni Elise at pumasok na sila sa loob.
~~~
Nagsimula na ang JS prom at may kanya-kanya na silang partner. Ngunit naiiyak si Elise dahil 'di pa rin dumarating si Edwin at nagsimula na ang sayawan.
"Sis, okay ka lang d'yan?" tanong nang may pag-aalala ng mga kaibigan niya dahil nag-aya na ang kada partner nila para sumayaw.
Tinatago naman ni Elise ang kanyang mga luha. "Bakit, mukha ba akong 'di okay? Sige na, magsayaw na kayo. Hinihintay na kayo ng kanya-kanya ninyong partner, noh!"
"Kasi 'di ka sinipot ni Edwin. Tingnan mo sa paligid at baka may wala pang partner," suhestiyon ni Angel kaya napatingin si Elise sa buong lugar. Kaso ay puro na may partner. Pati ang pinakapangit sa batch nila ay may mga partner na rin.
Mag-isa lang siyang nakaupo roon. Nakakahiya pa naman dahil kung sino pa ang Student Council President ay siya pa itong walang partner sa buong JS prom. Sayang lang ang gown niya at pag-aayos niya dahil sa wala rin naman itong silbi, dahil walang nag-aya.
Napapamura na lang siya sa kanyang isip.
Buwiset ka kasi, self. Sana 'di ka na lang nakinig sa mga kaibigan mo. Sabi ko sa 'yo, lahat ng lalaki ay hindi puwedeng pagkatiwalaan. Ayan tuloy, nakakahiya. Isang aral na 'to na mga kontrabida 'yang kunwari mong sissy. They are doing this intentionally. Hindi ko na kaya, pero para matapos na ang drama, ikaw na lang self, ang humanap ng partner mo para 'di ka na mapahiya. I'm sure walang tatanggi sa 'yo dahil ikaw ang President ng Student Council, sabi niya sa isipan.
Kaya tumayo na siya mismo sa kinauupuan niya at nagsimula na sa pinaplano niya. Kada may makita siyang mga lalaking tila nakaupo na walang partner ay nilalapitan niya at nagpakapal-mukha nang inaya sila kung puwede niyang maging partner sa sayawan.
Ngunit nabibigo siya dahil lahat yata ay takot sa kanya. 'Yong iba na kahit walang partner sa JS prom ay nagpapanggap na may partner para lang 'wag pumayag na makatambalan siya.
Kaya malapit nang umiyak si Elise dahil lahat na lang ng mata ay nakatitig sa kanya na tila may masamang pahiwatig.
Hanggang sa nagulat siya nang may dalawang lalaki sa harapan niya na nagbubulungan at narinig niya kung ano iyon.
"Buti nga d'yan sa feminist na 'yan. Karma na niya 'yan dahil manhater siya. Parang sinampal na siya sa mukha dahil walang gusto maka-partner siya."
Agad niyang nilapitan ang dalawang lalaking naka-tuxedo. "Ano ulit ang sinabi n'yo?" sigaw niya habang pinandilatan ang mga ito. Nang sasampalin na niya sila ay nagulat siyang may pumigil at humawak sa kamay niya.
Walang iba ito kundi si Neil.
"K-kuya, 'di ba outsider ka?" nagtatakang tanong ni Elise. Ngunit biglang hinila ni Neil ang kanyang baywang papunta sa gitna ng sayawan.
Hindi alam ni Elise pero parang kinilig siya na ka-partner niya ang kuya niya.
"Kuya, why are you doing this to me? Na lagi mo akong sini-save from humiliation?"
"Because I love you," namumulang sabi ni Neil.
"I-I-I love you too, Kuya."
"Shh... Stop calling me Kuya. Kunwari ako partner mo kaya kunwari rin ay ako ang boyfriend mo ngayon na kasayaw mo. Magpanggap tayo." Ngumiti si Neil habang nakatingala si Elise sa kanyang guwapong hitsura dahil ang guwapo rin ni Neil sa mga oras na 'yon.
"Okay, then what?" tanong ni Elise sabay tinaasan niya ng kilay si Neil.
"Elise, I just want you to know that you look so gorgeous. Ang ganda-ganda mo. Those soft lips make me want to kiss you. You are not a small princess anymore, ang bilis ng panahon. You're indeed a very beautiful queen in my eyes. That's why I am happy to dance with the queen. Just remember this, I will always be your slave. I am all yours, baby and you'll be mine. You are everything to me and I love you, baby girl! Elise, mahal na mahal kita simula pa noong mga bata tayo. Ikaw ba, mahal mo 'ko?" bulong ni Neil sa tainga niya habang nagsasayaw sila na tila nakikiliti si Elise at kinikilig na 'di niya maintindihan. At iyong kamay ni Neil ay nagsimulang bumaba't naglakbay papunta sa puwitan niya. It makes them feel more tense.
"Oo, mahal kita!" singhal ni Elise sabay nagkatitigan sila sa mata at mas lalong lumalim ang paghinga dahil sa kaba.
Nang hahalikan na ni Neil si Elise ay biglang umilag ito at natawa sabay napalakpak at sumigaw. "Kuya, para tayong real couple. Kakakilig naman! Okay ba acting natin bilang mag-jowa?"
Ngunit mas nagulat silang dalawa nang may lumapit sa kanila. Isa ring singtangkad ni Neil, mestisuhin, puwedeng pumantay sa kaguwapuhan ni Neil at maayos ang kanyang porma at matipuno na tila seryosong nakamasid sa kanilang dalawa.
"Elise, will you dance with me?"
Nagulat si Elise sa bagong anyo ni Edwin. Tila hindi siya makapaniwala na ganito rin pala ka-guwapo ang partner kapag walang salamin at hindi weirdo.
Medyo may nabuong inis sa katawan si Neil dahil sa nagulat siya sa inasta ng kinakapatid dahil sa natahimik ito at namula. Kaya no choice kundi ipasa niya si Elise kay Edwin.
"Ingatan mo bunso ko, ha! Kundi lagot ka sa akin." Tila naging bully 'di oras si Neil kaya natawa si Elise.
"Don't worry, Kuya, close kami niyan. At least dumating siya, kaysa hindi, 'di ba?"
Iniwan sila ni Neil habang nakapamulsahan ito.
Isinayaw naman ni Edwin si Elise. "Sorry nga pala kung late ako. Nagpa-guwapo talaga ako para sa 'yo. Pinilit kong pantayan at gayahin ang datingan ng kuya mo para lang magustuhan mo ako," nahihiyang sambit ni Edwin.
"Huh? What do you mean, Edwin?"
"May gusto ako sa 'yo, Elise simula pa noon. Kaya masaya ako at ako ang napili mo ngayong JS prom kaya di 'ko pinalagpas ang pagkakataong ito. Pero huli na rin natin ito. Thank you for saving the last dance for me. Babalik na ako sa America pagkatapos nito, gaya ng sinabi ko sa 'yo. Kasi sa totoo lang ay magpapa-chemotheraphy ako roon," nahihiyang sabi ni Edwin na tila 'di makatingin nang diretso sa mata ng dalaga.
Napangiti na lang si Elise at niyakap niya nang mahigpit si Edwin. "Salamat ha! Kasi dumating ka pa rin. Hindi mo ako binigo, Edwin." Sabay hinalikan niya ito sa noo na kinagulat ng binata. Tapos sumunod naman ay sa pisngi na mas namula si Edwin. Hanggang sa huli ay sa labi na mas lalong naiyak at namula na parang nangamatis si Edwin dahil parang first kiss nito iyon at galing pa sa matagal nitong crush na dalaga.
"Good luck sa pag-che-chemo mo sa Amerika. Always think positive at makaka-survive ka sa pagsubok na 'yan. Hindi ako nagkamali na piliin ka dahil nakakapantay ka na ngayon kay Kuya. Sana maging close kayo," sunod na sabi ni Elise nang biglang may humablot at humila sa mga kamay niya at bigla siyang nalayo kay Edwin.