"What kind of food is this?" Tanong niya matapos makita ang mga pagkain inorder nito.
"Vegetables! Bakit?" Sagot sa kaniya.
"Wala bang iba?"
"Wala na, eh?"
"Wala man lang chicken or beef na sinama mo sa order mo?"
"Wala, eh?"
"Ayaw ko niyan? Pa order ka ulit?"
"Bakit masarap naman ito ah! Gulay pampatibay ng sikmura."
"Hindi ako kumakain ng gulay?"
"Kaya naman pala lampa lampa kasi kulang ka ng nutrisyon sa katawan."
"What?"
"Sayang ito kung hindi mo kainin..."
"Hindi mo ako mapapakain niyan. Umorder ka ulit at ilayo mo sa akin iyan kung gusto mo ikaw na umubos diyan. Anong tingin mo sa akin baboy!"
"Hindi naman sa ganon. Okay. Hindi ko naman alam na hindi ka kumakain ng gulay. Sabi mo kanina kung ano ang sa akin iyon lang din sayo."
"Kumakain ako kahit mabaho pa iyan... Kahit kainin ko pa iyan sa--?"
"Bastos mo ah!"
"Ano?"
"Ano-ano iyang mukha mo! Maka order na nga marami ka pang sinasabi diyan, ganiyan ba kayo mga lalaki kung ano- ano na lang pumapasok sa isipan."
"Nope! Bakit hindi pa ba iyan kinakain?" Makahulugang tanong niya sa babae. Nagkulay pula ang mukha ng dalaga sa bastos na bunganga niya.
"Hindi ah!"
"Uhm, really?"
"Bakit ba?"
"Sayang... Masarap pa naman... Abot langit ang sarap..."
"Ayaw ko marinig iyan utang na loob!" Tinakpan nito ang magkabilaang tainga.
"Hahaha!"
"Bastos mo kahit kailan!"
"Let's try..."
"Hoy! Hindi pa sira ulo ko para pumatol sayo!"
"Ikaw bahala."
"Naka order na ako. Ikaw na bahala dito pagdating ng order mo matutulog na ako."
"Iiwan mo ako dito. Hindi ba linisin mo pa itong sugat ko?"
"Nagbago na isip ko bukas ng umaga pagod na ako eh?"
"Iyong pinagkainan mo ilagay mo diyan sa lababo ako na maghugas. Nakakahiya diyan sa mga kamay mong hindi pa nakaranas ng kalyo eh?"
"Alam na ba ng pamilya mo ang nangyari sayo? Paano kana kung tuluyang mawalan ka ng lisensiya?"
"Hindi pa... Sigurado akong malulungkot sila sa nangyari sa akin. Pero wala na akong magawa eh? Ang tanggapin na lang at kung sakali man uuwi na ako ng probinsya at magtatanim ng kamoteng kahoy."
"Marry me. When you carry my last name they can't hurt you."
"Hahaha! Ano iyan?"
"That's proposal.. if you like!"
"Ayaw ko naman magpakasal sa taong hindi ko gusto. Isa pa po, sagrado ang kasal para sa akin. Kung magpapakasal man ako doon sa taong mahal ko..."
"Okay. I'm also allergic sa kasal n kasal na iyan... but I only allowed you to use my name."
"Ayaw ko. Salamat na lang... Pero hindi ko kailangang magpakasal sayo para lang gamitin ka. Minsan na akong nagkamaling pumili at nagmahal sa maling tao. Ayaw ko ng maulit pa."
"Well... Ikaw bahala. But s*x with me is it okay with you?"
"Ha?"
"Nevermind..."
"Diyan ka na nga... Mauna na akong matulog sayo."
Kinabukasan maagang nagising si Samantha para maglinis sana. Pero may dumating na tagalinis tuwing weekend daw ito naglilinis sa mansion at sa hapon ay uuwi na. Wala siyang magawa ang magkulong gusto niya sana tumulong pero hindi pumayag ang mga ito. Para na raw sila inagawan ng trabaho. Hindi pa naman gising ang lalaki. At kung pagluluto naman siya wala namang iluluto.
Tumunog ang cellphone niya kahapon pa ito nakapatay. Ngayon niya lang ulit bubuksan. Baka tumatawag na ang mga magulang niya at nag-aalala na ito sa kaniya.
"Hello?"
"Samantha?"
"Gena?"
"Yes, ako to! Kumusta kana? Okay ka lang ba? Sorry ha? Hindi ko talaga alam paano ka tulongan. Natatakot rin ako... "
"Huwag ka mag-alala okay na ako... At safe na ako."
"Saan ka ba ngayon tumuloy para madalaw kita."
"Saka na lang Gena... Kapag malamig na ang sitwasyon, baka mamaya madamay ka pa, gaya ko mawalan ng trabaho. Pero huwag kang mag-alala kakayanin ko ito mag-isa laban lang..." Sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi.
"Nag-alala ako sayo Sam... Alam mo ba may mga taong pumunta dito hinanap ka nila."
"Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko hindi ko alam saan ka?"
"Salamat. Sige, ingat ka diyan. Huwag ka mag-alala sa akin. Ligtas naman ako."
"Hayop talagang Miguel na iyon instead na ipagtatanggol ka mga kasinungalingan naman ang sinasabi sa publiko! Bakit hindi niya sabihin ang totoong nangyari. Siya naman ang dahilan kung bakit nagawa mo iyon."
"Wala na tayong magagawa pa." Sabi niyang mabigat ang loob. Matagal din ang samahan nila ni Miguel pero hindi niya akalain na mauuwi sa ganito ang lahat.
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim sa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nagkikita naramdaman niya ang pag-alala sa kaniya ni Gena. "Paano kana?"
"Huwag mo akong isipin Gena. Saka ligtas naman ako dito. Huwag kang mag-alala, ha?" Sabi niya sabay punas sa mga luha niya sa pisngi.
"Sige. Ingat ka ha!?"
"Oo.."
"Hello, doktora... Gising na po si Señorito pinapatawag ka niya." Rinig niyang sabi ng isang dalaga.
"Huwag muna akong tawaging doktor hindi na ako doktor ngayon." Sabi niyang nakangiti dito.
"Hayaan niyo na po malaki lang talaga ang paggalang ko sa mga doktor na gaya mo lalo pa pangarap ko rin maging doktor balang araw." Masayang sabi sa kaniya.
"Ganon ba. Matutupad mo rin iyan." Nakangiti sabi niya dito.
"Talaga po ma'am?"
"Samantha na lang o Sam..."
"Okay, po Ate Sam... Ganda ng pangalan niyo bagay sayo ganda mo. Ako nga po pala si Maria Dolores... Maria na lang for short. Hehe!"
"Okay. Maria... Salamat, ha?"
"Saan po?"
"Sa magandang pakikitungo niyo sa akin. Ang bait niyo sa akin kahit hindi niyo pa ako lubos nakilala."
"Naku po Ate Sam? Bago po kami pumunta dito sa mansion pinaalam na po ni Señorito na may besista siyang Doktor... At akala pa nga po namin matandang doktor. Iyon pala magandang dilag. Hehe!"
"Ganon ba?"
"Opo. At katunayan po. Gusto po ni Señorito maging stay. in na po kami dito. Kasi po ang trabaho niyo po ay si Sir lang wala ng iba."
"Ha?"
"Bakit po? Hindi po ba nasabi sayo?"
"Hindi pa naman..."
"Mabuti pa po hali na kayo baka mainip si Señorito. Mainipin pa naman iyon. Hehe!"
"Sige. Bakit hindi kayo stay-in dito para naman may kasama si Sir niyo dito sa laki ba naman dito sa mansion niya."
"Ano po kasi Ate Sam, madalas po kasi hindi umuuwi dito si Sir Gabriel, parang ngayon lang siya umuwi dito after anim na buwan. Nagulat nga lang po kami ng makita siya dito at may kasamang magandang dilag. Hehe!"
"Ha? May iba paba siyang bahay inuwian maliban sa mansion nato?"
"Uhm, opo... Mayroon po siyang condominium sa Makati, Quizon city, Davao, Cebu at Visayas. Hindi lang po iyon marami pa siyang mansion sa iba't ibang panig ng mundo dun po siya umuwi minsan kapag mayroon siyang business client." Madaldal nitong sabi.
"Ah."
"Opo, kaya swerte talaga ang mapangasawa ni Sir? Bukod sa gwapo na ubod pa ng yaman. Sana makatagpo ako ng prince charming gaya ni Sir..."
"Malay mo..."
"Sana nga noh?"
"Kamusta naman siya bilang amo niyo?"
"Si Sir Gab po? Naku! Mabait naman po kapag lahat ng gusto niya sinusunod at ayaw niya sa taong sinungaling at magnanakaw! Basta nasa kaniya po ang loyalty mo."
"Marami kang alam?"
"Marami po talaga dito na po ako lumaki eh? Hehe?"
"Nasa pool po Sir? Hali ka po sa Pool... Hatid lang kita doon tapos iwan na kita may pasok pa kasi ako."
"Sige. Maria, salamat." Nakangiting sabi niya dito.
"Ikaw na rin magdala nitong gagamiting panlinis sa sugat ni Sir? Hindi ko po alam bakit nagkaroon siya ng sugat. Kawawa naman si Sir, nahihirapan pa naman kumilos. Alam niyo po ba Ate Dok?"
"Uhm, nasaksak kasi siya ng mga taong hindi kilala."
"Ano? Pagkawalang puso naman. Sigurado ako kapag gumaling si Sir, Gabriel ay resbakan sila na walang patawad."
"Ha?"
"Huwag ka po maingay Ate Dok, Ha?" Lumingon ito sa paligid bago bumulong sa kaniya.
"Minsan ko ng nakita si Sir, bumaril ng tao..."
"Ano?"
"Shhh..." Sabay takip sa bibig niya gamit ng daliri nito.
"Oo. At kitang kita ng mga mata ko. Hindi ko naman sinasadya makita eh?"
"Bakit?"
"Narinig ko malaking atraso sa kaniya iyong tao. Kaya nagawa niya iyon at malamang ganon din mangyayari sa gumawa kay Sir ngayon. Nakakatakot talaga iyan si Sir, Gabriel."
"Hindi ba naman siya nakulong sa nagawa niyang kasalanan."
"Hindi. Maraming connections alam mo kasi sa panahon ngayon kayang kaya na lang tapalan ng pera ang batas."
"Oh, sige, Ate Dok? Gang dito na lang ako, ha? Ikaw na pumunta kay Sir? Huwag mong sabihin sa kaniya iyong malaman mo, ha? Ikaw lang talaga ang napagsabihan ko nito kasi magaan ang loob ko sayo... At mukha ka naman mabait."
"Walang problema. Salamat sa pagtitiwala mo Maria?"
Kinuha niya na ang dala nitong medicine kit. Nagkahiwalay sila ni Maria pagdating sa dulo. Siya na mag-isang tumungo sa Pool. May kausap ito habang palapit siya dito.
"f**k! Stop the operation!" Malakas nitong mura sa kausap.
"No! Stop it now!" Pinukpok nito ng malakas ang ibabaw ng mesa nasa harapan nito. Dahilan upang sumigaw siya sa gulat.
Pinatay nito ang tawag ng makita siya. Magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay.
"Bakit ang tagal mo?" Mainit na ulong tanong sa kaniya.
"Ah. Kasi..."
"Linisin mo na ngayon ang sugat ko!"
"Sige. Lilinisin ko na po..."
"Slowly... It's painful to me."
"Okay."
"Ready, tatanggalin ko na to benda mo, ha?"
"Okay. Go on..."
Huminga siya ng malalim at sinisimulan na ang pag-alis ng benda na ngayon may bahid ng dugo. Papalitan niya ng bago. Pagkatapos linisin.
"Sabihin mo lang kung masakit, ha?"
"Okay." Malamig nitong sabi sa kaniya ng lalaki.
"Iniinom mo pa ba ang mga gamot mo?"
"Minsan..."
"Ha? Bakit?" Kunot-noong tanong niya dito.
"Nakakalimutan ko." Simpleng sagot naman nito.
"Dapat uminom ka po sa tamang oras. Kaya hindi ito gumagaling, eh? Hanggang ngayon malaki pa rin. Haist!"
"Next time..."
"Huwag po pasaway Mr. Ricci, ha? Dapat sundin ang bilin ng doktor."
"Sorry po, Dok?"
"Tss..."
"Tapos na ba yan?" Inip nitong tanong.
"Oo, patapos na po sandali lang po..."
"Nagugutom na ako, eh?" Reklamo nito.
"Heto na po tapos na..." Sabi niyang nakangiti ng bahagya sa lalaki.
Binaba ng dalaga ang damit nito matapos palitan ng benda ang malalim nitong sugat.
"Thank you..."
"Lagi mong inomin ang gamot mo. Ako na magpapainom sayo palagi ng gamot upang hindi mo nakakalimutan at gumaling iyan agad."
"Okay. Trabaho mo namang painomin ako araw araw ng gamot doktora." Sabi nitong nakangiti.
"Oo na po..." Mahinahong sagot niya sa binata. Hindi pa rin ito nagbago pasaway pa rin pasyente.