Kabanata 1 Unang tagpo
Gabrielle Cariñoso Ricci. He's a playboy and s*x addicted. Hindi siya mabubuhay kung sa isang araw hindi siya maka kantot ng isang babae tila ito na ang routine niya. Hanggang isang araw kinakailangan niyang kitain ang family doktor dahil sa kakaibang naramdaman niya sa dibdib. Iniisip niyang ang family doktor ang madadatnan niya sa clinic nito. But he makes a mistake because he will see a different doctor and it's not just a doctor. Her face is beautiful. At parang manika ang mukha... Pero masungit ito sa kaniya. Nacha'challenge siya sa babae dahil sa pagtataray nito. Pakialamera rin ito sa lifestyle niya at pagiging babaero. Lahat na lang bawal. Paano siya mabubuhay sa araw-araw kung maraming bawal.
Hanggang sa nagkasakit na siya at umabot pa sa puntong nagmamakaawa siya dito para bigyan ng gamot. Hindi siya makahinga at hindi maigalaw ang boung katawan. Kung hindi naagapan pwide niyang ikamatay or ika' stroke. Mabuti na lang nagamot siya kaagad ng magaling na doktor na palagi niyang sinusuway sa check- up at medication. Hindi niya yata kayang maulit pa ang susunod na pag atake baka matuluyan na siya sa susunod na atake. Paano ang maiiwan niyang mga chicks!
"Thank you, doll?" Tinaasan siya nito ng kilay at binalik sa lamesa ang hawak nitong chart.
"Tungkolin ko gamotin ang pasyente nangailangan ng tulong. Kahit pa ang tigas ng kaniyang ulo!" Prangkang sabi nito sa kaniya. Maganda ang hugis ng mukha nito at ang mapupula nitong labi ay lagi siyang inaakit na halikan ito pero syempre ayaw niyang magalit ito.
"Ouch!" Kunwaring nasasaktan pero ang totoo mas lalo itong cute sa paningin niya kapag galit. Sometimes namumula rin ang pisngi nito kapag tinitigan niya. Hindi niya alam kung bakit.
"Uhm, sa tingin ko okay kana at kailangan ko ng lumabas marami pa akong pasyente asikasuhin."
"Babalikan mo ba ako dito?" Sabi niya dito bago pa ito makalabas ng pinto.
"Yes of course! Pero bukas na kasi tapos na iyong check-up ko sayo."
"Ma mimiss kita.." sabay kindat niya dito. Hindi siya takot sa mga mata nitong laging nanlilisik sa sama ng tingin sa akin.
"Mr. Gabriel Ricci, dito ako bilang doktor mo hindi ang landiin ako!" Nakangusong sabi nito sa lalaki.
"Bawal ba? Does a boyfriend get mad at you when I flirt with you, doll?" Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
"Wala. Pero mayroon akong fiance... At ayaw ko siyang saktan. Please, stop flirting to me!" Pakiusap nito sa kaniya. Ramdam niyang pagsasabi nito ng totoo.
"Okay, pero pwide naman sigurong maging kaibigan ka di'ba doktora?"
"Hindi ako nakikipaglapit sa aking pasyente." Prangkang sabi nito.
"Taray... Pero pasyente mo ako hanggang sa gumaling ako.." sa malambing na boses.
"Sisikapin mong gumaling agad dahil nakakasawa ang mukha mo pag lagi kong nakikita dito sa hospital!" Hindi nakangiting sabi nito sa akin.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Guwapo naman ako at mabait." Inirapan siya nito ng disgusto sa mga sinasabi niya dito.
"Gwapo... Mabait..." Sabay iling nito sa kaniyang mukha.
"Grabe ka sa akin doktora.. pagdating sa akin ang sungit mo pero kahapon nakita ko sino- sino na lang nginingitian mo." May pagtatampong sabi niya dito.
"Wala ka ng pakialam kung sino ang ngitian ko. Ikaw nga diyan kung sino-sinong nurse ang nilalandi!" Ngumisi siya sa pakiramdam na nagsisilos ito. Parang sarap sa pakiramdam.
"Are you jealous, doll? Kung nagsisilos kang kausapin sila. Sige, hindi ko na sila kausapin ikaw na lang, sayo lang ako titingin." Sabay kindat sa mga mata nitong napatingin sa doktora. Napansin niyang pamumula ng mukha nito.
"Excuse me. Hindi ako nagsisilos! Pwide ba tumigil kana diyan sa kakaisip mo nagsisilos ako!" Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na nangungulit ng makaramdam ng pagkaantok.
"Okay, sinabi mo, eh? Baka lang naman magbago ang isip mo at hiwalayan mo ang fiance mo, at ako na ipapalit mo. Willing ako doktora." Paberong sabi niya dito. Bago ipikit ang mga mata ng hindi mapigilan ang pagbigat ng talukab ng mga mata niya. Hindi niya na narinig ang huling sinabi ng doktora. Kung ano man iyon wala siyang pakialam. Walang makakapigil sa kaniyang makuha ito.
"Doll..."
"Yes, Mr. Ricci? And please, don't call me that name! Hindi doll ang pangalan ko. I'm Samantha Lalaine Osmeña." Kalmadong sagot sa kaniya na hindi tumingin sa gawi niya. Bakit cute parin ito sa paningin niya kahit lagi siya nitong sinusungitan ng doktora. Hindi rin niya maintindihan bakit pagdating sa kaniya mainit ang dugo nito.
"May nakakatawa ba sa pangalan ko." Inis nitong sabi sa akin. Umayos siya ng upo at pinapanood ito sa pag check sa health niya. Dalawang araw na siyang na confine pero wala man lang dumalaw sa kaniya sa hospital kahit ang pamilya niya. Talagang mas priority nila ang negosyo kaysa anak nilang nag- aagaw buhay na nga, hindi paring magawang kamustahin ng mga ito.
"No!"
"Then, bakit nakatawa ka diyan?" Hindi nakangiting tanong sa kaniya.
"Umagang umaga nagsusngit ka naman. Bakit dok, nag-away ba kayo ng fiance mo?" Wika niya.
"Nakakainis lang iyang pagmumukha mo. Iyan na laging nakikita ko. Kapag lumabas kana dito huwag kana babalik ha? Wala kabang kamag-anak?"
"No!" Nakita niya ang papungay ng mga mata nito. Pakiramdam niya naawa ito sa kaniya.
"Ah, kaya naman pala..."
"Nang alin?"
"Kulang ka sa pagmamahal kaya nagkaganiyan ka."
"Ganon ba iyon, dok? Kapag kulang sa pagmamahal nag overheat na ang puso ko. Ibig sabihin kapag minahal kita matutunaw ang puso ko." Pag-iiba niya ng tanong dito. Tinaasan lang siya ng kilay.
"Shh... puro ka kalukuhan Mr. Ricci. Hindi nakakatuwa iyang mga joke mo!" Saway nito sa kaniya ng doktora.
"Kakabagin daw ang pinipigilang kilig." Palipad hanging sabi niya sa dalaga.
"Ako kinikilig in your dreams Mr. Ricci!"
"Our dream, doll." Kunting kibot pa at makukuha niya rin ito. Wala pang babaeng tumatanggi sa gwapong mukha nito. Wala pa.
"Diyan kana nga! Baka nanaginip ka ng gising!" Inis siya nitong tinalikuran. Nakangiti naman siyang sinundan ito ng tingin.
"Dok, masakit ko dito!" Pahabol niyang sabi. Agad naman itong lumapit na may pag-aalala.
"Saan?" Sinuri nito kaagad ang dibdib niyang masakit.
"Hinga ka ng malalim ha? Babalik rin sa normal ang paghinga mo!" Sabi nito. Halos magkalapit na ang mga mukha nila pariho.
"Dok, paano kung sayo lang ito tumitibok ang puso ko.. sayo lang ito maging normal ang tibok." Hindi ngumingiting tumitig sa mukha ng doktora.
"Ano ba talaga Mr. Ricci? Niluluko mo lang ba ako?" May inis sa boses na binitiwan siya nito.
"Hindi. Totoo ang naramdaman ko sayo." Pumikit ito at humugot ng malalim na hininga saka pinamaywangan siya nito na seryoso ang mukha.
"Sorry, Mr. Ricci. Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo hinding hindi pa rin kita magustuhan. Alam mo bakit kasi mataas ang standard ko pagdating sa lalaking gustuhin ko. Please lang stop courting me!" Tumalikod na ito agad bago pa siya magsalita. Umigting ang panga niyang nakasunod ng tingin sa dalaga. Hindi siya titigil hangga't hindi ito nahuhulog sa kaniya. Kahit na paulit-ulit siya nitong binabasted. Lalo lang siyang pinapainit ng babae.
Walang imik na pumasok sa loob ng kaniyang silid si Doktora. Seryoso ang mukha nito ni sulyapan siya hindi nito ginawa. Talagang seryoso itong hindi siya kakausapin. "Sorry..." Kusang lumabas sa kaniyang bibig ang salitang iyon. Hindi parin ito kumibo at pagkatapos aalis na kunting pagusuri lang sa heart niya.
"Okay, I won't be a nasty doctor anymore. sorry if, I bother you."
"Okay... Tomorrow pwide ka ng lumabas. Lumabas na ang mga test result. Wala naman nakikitang damage sa puso mo. Pahinga lang kailangan mo Mr. Ricci... At iwasan ang dating nakasanayan. Iyon lang!" Hinawakan niya ito sa kamay bago pa ito makalabas at pinisil.
"Thank you. Hindi mo talaga ako magustuhan kahit kunti doll?" Narinig niya ang paghinga nito ng malalim sabay bawi sa kamay nito.
"Hindi!"
"Okay. Thank you... Nakilala kita. Kahit papaano sumaya naman ako. Kahit pa sandali lang.. at nagkakulay ang mundo ko ng dahil sayo..." Pinalungkot niyang boses.
"Maiwan na kita mag rounds pa ko." Tanging nasabi nito sa kaniya. Talagang tutuhaning hindi siya kailanman magugustuhan. Magpapahinga lang siya pagkatapos muling mangungulit dito. Walang magdidikta sa kaniya kung kailan siya susuko.
Kinabukasan ibang doktor ang humarap sa kaniya. Hindi niya nakita si Samantha bago umalis. Ang sabi may meeting daw ito sa labas kaya naman ibang doktor ang umasekaso sa descharge slip niya. Pero hindi siya naniniwala alam niyang sinasadya nito para iwasan siya.
"Hay... Hindi na bali puntahan ko na lang sa clinic niya." Magpapaalam lang naman siya pagkatapos alis na agad. Pero ang plano niyang pumunta sa clinic nito hindi natuloy ng dumating ang mga kaibigan niya sa hospital. Sinundo siya ng mga ito at nagtatalo pa sa harapan niya na parang aso at pusa walang may gusto magpakumbaba. Lalo lang siyang na stress sa dalawa. Hindi nagsasawa...