First Time

275 Words
Alas-tres na ng madaling araw, tinawagan ako ng isa sa mga boss ko. Maghanda daw ako ng damit na good for four days. Magdala daw ako ng pang-business attire dahil iyon ang isusuot habang may conference. 'Wag daw akong pumasok mamaya para makapag-ayos ako ng gamit. Pumunta na lang daw ako sa office around two in the afternoon since three daw ng hapon ay susunduin ako ng shuttle na maghahatid sa amin sa airport. Mamaya na lang ulit. Matutulog pa ako. Kailangan ko ng beauty rest at baka mamaya doon ko na pala makikita ang forever ko. Continuation... Pinadala ako ng boss ko bilang representative ng company para sa annual conference of Builders Association of the Philippines. Wala akong reklamo maliban sa malayo ang location. Last year sa Manila lang ang napili nila, pero hindi ako ang pinapunta. Ngayon sa Bacolod ang napili ng BAP saka nila ako pinadala. Three days pa naman ang conference. Yes, pangarap ko na makapunta dito pero hindi para magtrabaho. Gusto ko pasyal lang eh. Ang maganda lang dito, free accomodation sa isang five-star hotel. BUHAY PRINSESA! BUHAY MAYAMAN! Wala pa namang ginawa ngayon, pahinga muna daw kasi baka napagod kami sa byahe. First time ko makasakay ng eroplano. Grabe! As in grabe! Parang nasa airbus lang naman ako. Kung nalaman ko lang na ganoon lang pala ang feeling sana hindi na ako kinabahan ng bongga. Tinakot kasi ako ng isa sa mga boss ko. Delikado daw sumakay sa eroplano dahil madalas daw ang turbulence. Ako naman natakot agad-agad. Uto-uto eh. Ano ba naman ang malay ko, insosente pa ako kasi nga hindi pa ako nakasakay doon. Now I know!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD