Pagdating ko kanina sa conference hall kung saan gagawin ang ipinunta ko dito, hinarang ako ng babae na nasa entrance.
Miss: Good morning Ma'am, sa BAP conference po?
Ako: Yes. (At ngumiti rin ako)
Miss: What's your name please, kailangan lang po for the attendance and name tag.
Ako: kailangan ba talaga real name? Hindi pwedeng nickname lang?
Nginitian ako ni Ate, kaya tuloy akala ko papayag siya.
Miss: pasensya na po Ma'am pero kailangan po real name with family name.
Shet naman kasi, kailangan ba talaga?
Ako: Zed Lorena.
Miss: I'm sorry Ma'am, but there's no Zed Lorena on my list.
Nayayamot na ako. Ayoko lang kasi talaga na sinasabi ang pangalan ko, hindi ko maatim.
Ako: fine. It's Merzedez Chevy I. Lorena.
Ayoko talaga sa pangalan ko. Period!
To be continue...
May nakita akong lalake kanina. Gwapo! Hindi sa pagiging feeling pero lagi ko s'yang nahuhuli na sumusulyap sa akin. Shet na walang kasing lupet! Ito na po ba talaga, Lord? Dito po ba talaga sa Bacolod nakatadhana na magkakilala kami?
Dahil excited akong isulat ang pangyayari na ito, kahit na nasa gitna kami ng conference nagawa ko itong isulat.
Mamaya na lang ulit, baka mahuli ako.
To be continued...
Nag-breakfast break, lunch break, snack time, at dinner hindi pa rin ako nilapitan o kinausap ng lalake na iyon. Hindi naman ako pangit, maganda rin naman ang porma ko, hindi rin naman ako mabaho, pero wala talaga.
Bakla yata.