Stress Outlet

163 Words
Ayoko talaga ng Monday! Ang daming trabaho kahit na pumasok naman ako ng Sunday. Kaya nga kapag may nagpo-post ng tungkol sa hinanakit nila dahil Lunes na ulit ay napapa "I feel you" na lang ako. Every damn time. Gumala ulit ako sa mall, pero hindi para maghanap ng itinadhana sa akin ng langit. Pumunta ako ng mall para maglabas ng lahat ng pagod ko. Kung ang iba sa spa ang punta ako sa Sports Zone. Sa ayaw at sa gusto nila KAKANTA AKO! Hindi maganda ang boses ko. Alam ko 'yon, hindi na kailangan na ipagsigawan pa. Trip ko talaga ang kumanta ngayon kaya kahit bumagyo pa kanina walang makakapigil sa akin. Sinulit ko talaga. Ang tagal ko naghintay. Labing-dalawa ang kinanta ko! Pag-uwi ko sa bahay akala ko liliparan na ako ng tsinelas kasi hindi ko nasagot ang MGA tawag ng nanay ko. Buti na lang unan lang ang ibinato sa akin. Thank you Lord, ang buti Mo po sa akin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD