She only had one boyfriend her entire life, kaya nga malapit na niyang patunayan sa nagsabi ng “Habang may buhay may pag-asa” na hindi ito totoo.
Unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Zed na mahahanap pa niya ang kanyang “The One”. Madalas na nga siyang tumambay sa mga mall na malapit sa pinapasukang kumpanya after office hours at nagbabaka-sakali na makikita at makikilala na niya ito.
Kung gaano siya kadalas tumambay sa mall at umasa na makikilala na niya ito ay ganoon din kadalas siyang umuuwing bigo at luhaan. But everything is about to change ngayon na ipapadala siya ng kanyang pinapasukang trabaho sa Bacolod. Siya ang napiling representative ng kumpanya ngayong taon para sa annual conference ng Builders Association of the Philippines.
Kung kailang sumuko na siya at tanggap na niya na magiging forever alone na siya ay saka naman may biglang nagparamdam sa ‘yo. Isang lalake na thru text ang ginagawang pagpapa-pansin, at isang naman na medyo creepy dahil tumatawag ito sa kanyang trabaho. Isa na kaya sa kanila ang The One at Forever na hinahanap ni Zed? At kung wala sa dalawa, mahahanap pa kaya niya ito?