Melo
Kaasar 'tong mga kumag na 'to. Akala mo naman walang nakakatawa sa mga pangalan nila. Humanda kayo sa’kin!
"Ahh. Sweetie? Bakit Sweetie?" tanong ko do’n sa babaeng weird. Grabe ang ka-weirduhan nito. ‘Di ba niya napapansin na hindi maganda kung makikipag-usap siya sa mga katulad namin?
Umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa mesa na puro pulutan at beer.
"Sweetie ang nickname ko. Sweet daw kasi ako sabi ng mama ko. Pero ang totoong pangalan ko ay Love. Kasi daw full of love daw ang naramdaman niya nang mabuhay ako dito sa wonderful earth," kwento ni Sweetie este Love. Este Sweetie. Hay, kahit ano na lang diyan!
"That was cool Sweetie!" puri ni Bid.
"Thankyou! Eh, kayo anong pangalan niyo?" tumingin siya kay Bid.
Ang cute ng babaeng ‘to kung tutuusin. Para siyang anghel, eh. Ang soft pa ng boses niya. Napakamasayahin. Ni wala sa expression ng mukha niya na nasaktan siya kanina sa malakas na pagsampal at pagsabunot sa kanya no’ng lintek na Max na ‘yon. Nakakatakot siyang saktan mapa pisikal man o damdamin. ‘Yan ang nakikita ko kay Sweetie. Bagay nga niya ang nickname at pangalan niya.
"Ako si Bid,"
"Bakit Bid?" tanong ni Sweetie.
"Ano kase--" di ko na pinatapos magsalita si Bid.
"Mahilig kasi sa bidding ang mga magulang niya. Kaya Bid." sagot ko at tumawa ng malakas.
Sinamaan ako ng tingin ni Bid.
"Wow ang galing naman!" puri ni Sweetie.
"Ako naman si Rio,"
"Ako si Lui. Magkapatid kami ni Rio," nakipagshakehands pa sila kay Sweetie.
"Oohh... Bakit Rio and Lui?" maamong tanong ni Sweetie.
Nagkatinginan ang magkapatid. Sige kayo na magsalita! Natatawa ako, grabe.
"Kase favorite game character ang Mario and Luigi ng mga magulang namin no’ng kabataan nila. Kaya hayan. Mario and Luigi ang tunay naming pangalan." napakamot pa sa batok si Rio.
Teka bakit tahimik ang iba? Di man natawa? Palibhasa nakakatawa rin ang mga pangalan. Tss.
"Woow! Ang cool ng mga pangalan niyo."
Anong cool do’n? Napaka-weird ng babaeng to. Bakit kaya dinala siya dito ni Gray? Ngayon lang siya ulit nagdala ng babae dito simula no’ng mawala si...
Ay tange! Di ko dapat sabihin ‘yon!
"Ako naman si Al," pakilala ni punso. Hindi siya dwende at hindi maliit ang height niya.
"Bakit Al?" tanong ni Sweetie na sobrang interesado talaga sa mga pangalan namin.
"Kase may alaga silang punso sa likod ng bahay nila. Kaya Alpunso. Este Alfonce." ako na ang nagkwento para kay Al. At tumawa ako.
Sinamaan ako ng tingin ni Al. Bakit? Tama naman ako ah. Problema ng mga ‘to?
"Ako naman si Ace. Magpinsan kami ni Melo,"
"Bakit Ace and Melo?"
"Wala! wa--" pinigil ako ni Bid, Lui, Rio at Al. Tahimik si Ace.
"Kase pinaglihi siya sa water melon!" hagalpak ng tawa sina Bid, Lui, Rio at Al. Sinamaan ko naman sila ng tingin at natahimik sila.
"Ang cool din naman pala ng sa’yo eh!" masayang sambit ni Sweetie.
Eh? Weird niya talaga.
"Si Ace, pinaglihi sa Jelly Ace. Kaya Ace" kwento ko.
"Pffffftt!" hagalpak ng tawa kaming lahat. Sumali na rin si Sweetie.
At si Ace naman ang tumingin ng masama saming anim.
~*~
Sweetie
Ang cool talaga ng mga pangalan nila. Pati na rin ‘yong kay Ace! Ang kukulit pala nila? Magkakasundo kami ng mga ‘to, eh.
"Mga kuya. Pwede ba akong sumali sa inyo? Para ako na gumamot sa mga sugat ninyo." Nanlaki ang mga mata nilang lahat matapos ko iyon sabihin.
"Sinong nagsabing pwede kang sumali?" Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Gino na galing pang banyo.
Uwaaaa!! Ang sexy nyaaa! Ang mata kooo! Napatakip ako ng mata.
"A-ah boss Gray una na kami. Sa uulitin!" sabi ni Ace at tinapik ang balikat ni Gino at lumabas kasama ang iba pa. Kaming dalawa na lang ni Gino. Siomai...
Takip mata pa din ako. Topless kasi siya eh. Siomai naman oohh...
"Hoy, kuto lumayas ka na,"
Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko. Naka T-shirt na siya. Inalis ko na pagkakatakip sa mata ko.
"H-ha?"
Umupo siya sa sofa na kaharap ko, "Bingi ka ba? Ang sabi ko, LUMAYAS ka na,”
Nakasabit ang dalawang kamay niya sa sandalan ng sofa, "Pero kase, ano eh. Uhm, thank you pala sa pagligtas mo sa’kin kay Suneyo, ha? Sabi ko na nga ba at mabait ka, eh."
"’Di ako mabait. Alam mo bang isang pagkakamali ang makasama mo ang tulad ko? Masama akong tao pati na mga kausap mo kanina. Pwede kitang saktan anumang oras ngayong nasa loob ka ng condo ko," tinignan niya ako ng masama.
"Hindi! Ang babait nga din nila, eh. Tawanan kami tapos nagkwentuhan tapos nagpakilala pa sila tapos, tadaa! Close na kami!"
"Baliw! Masasama kaming mga tao! Sa tingin mo magpapauto sila sa kahibangan mo? Lumayas ka na nga! Panira ka ng araw, eh." tumayo siya at lumakad papuntang kusina.
Asar na asar siya sakin. May nagawa ba akong ‘di maganda? Oo nga pala. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Niligtas niya ako sa mga kamay ni Suneyo. Naperwisyo ko siya dahil sa pagpasok ko sa hideout nila. Waaaa! Ginooo...
Bumalik siya sa upuan dala ang dalawang beer. Ininom niya ang isa. Walang umiimik samin. Naiiyak ako. Uwaaa! Galit sakin si Gino...
~*~
Gino
Nakakabingi ang katahimikan.
"Alam mo ba... ikinwento ko sa mga kasama mo ang pangalan ko," bigla siyang nagsalita sa gitna ng katahimikan. Di ko siya pinapansin para lumayas na siya, "Ang sabi ko sa kanila, Sweetie ang nickname ko. Kasi ang sabi ng mama ko, sweet daw akong bata," Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya at parang may inaalaala siya.
Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na bumilis ang t***k ng puso ko. Ganito palagi sa tuwing ngumingiti siya.
Ah! Ayan na naman ang weird kong pakiramdam shete na ‘to, ah!
"Paki ko?" naasar na ako.
"Wala naman. Gusto ko lang i-share ang legend ng pangalan ko.” natawa niyang sabi. “Ang totoo kong pangalan ay Love," masaya nitong sabi.
So, Love pala ang pangalan niya. Well, bagay niya. Kabaliwan lang ang salitang ‘yon at baliw siya!
"Bagay mo," sabi ko sabay inom ng beer.
"Talaga? Sabi nga ng mama ko bagay ko daw, eh." masaya na naman niyang sabi.
Hayan na naman siya. Ang saya-saya niya lagi. ‘Di ba niya nararamdaman ang sakit ng katawan? Tss.
"Layas na!" sigaw ko.
"Wait! Uhm, Gino, bakit Gray ang tawag nila sayo?" parang naku-curious na tanong niya. Nakapangalumbaba siya sa mesa habang nakatingin sa'kin.
"Wala ka na dun! Layas na!"
"Eh? Sige naaa," ang kulit ng kuto na ‘to!
"’Wag ka nga makulit. Umalis ka na sabi, eh!" Siya lang ang kauna-unahang nangulit sa hari at kilabot. Nakakaasar na! Sasapakin ko na ‘to.
"Ayoko! Lintek labas na!" Bigla ay humikbi siya. Unti-unting bumilis ang agos ng mga luha niya.
"Hoy! ‘Wag ka ngang umiyak!" Lintek na babaeng ‘to. Para siyang tutang naiiyak. Ang cute lang. Aish! Mababaliw ako sa babaeng ‘to!
"Gray ang tawag sa’kin dahil walang kulay ang buhay ko. Puro kaguluhan lang. Hindi masaya. Ano okay na? Layas na! Lintek!" kinwento ko na para tumigil na siya. Nakakakonsensiya ang lintek niyang teary puppy eyes, putek.
Tumayo siya, "Ahhh. E di bigyan natin ng kulay!"
"Ang sabi ko lumabas ka na di’ba? Gusto mo masapak?"
Umupo siya ulit, "Uhm, ang totoo kasi nyan, gusto kong mamasukan bilang maid mo dito sa condo mo," nakangiti na nitong sabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at muntik ko ng maibuga ang ininom kong beer.
"ANO?!"
Seryoso ba siya? Walang naglalakas loob na lumapit sakin kahit na sino pagdating sa mga ganitong bagay.
Hindi ba talaga siya natatakot sa’kin? Isa akong napakasamang tao. Walang nakakatagal sa pag-uugali ko. Wala ni isa. Sira ulo lang ang makakalapit sa’kin. Kakaiba talaga ang babaeng ‘to. Baliw nga talaga.
"Ang sabi ko, mamamasukan akong maid. Wala na kasi akong matitirhan. Wala ring pera. Walang kamag-anak. Walang trabaho. Kaya sige na Ginooo. Puh-lease?" lumapit siya sa’kin at ipinagdaop ang palad, nagmamakaawa.
Walang-wala siya? Siya na lang mag-isa? Ayokong maniwala pero nakikita ko sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo.
"Ayoko! Wala akong maibibigay na sweldo sa’yo! Lumayo ka nga!" dumidikit na, eh!
"Okay lang kahit wala akong sweldo. Basta patirhan mo lang ako okay na okay na’ko do’n. Puhlease?" naiiyak na naman niyang sabi.
"’Wag ka ngang makulit! Wala kang lugar dito. Walang extrang kwarto kaya HINDI PWEDE!"
"Kahit dito na lang ako sa sofa okay na ako. Sige na Ginooo."
Ano ba namang araw ‘to! Bakit ba dumating ang bwisit na babaeng ‘to dito, ha?! Perwisyo!
I gripped her collar, "LINTEK! PWEDE BA LUMAYAS KA NA!? SAKIT KA NG ULO, EH! THE HELL! I'M PISSED! MASASAKTAN NA KITA KAPAG HINDI KA PA LUMABAS!" inilabas ko na sa bibig ko ang kailangan kong sabihin para lumayas siya sa paningin ko. Hindi ako makakatagal sa makulit na katulad niya!
Maluha-luha siyang tumitig sa'kin.
"S-sorry," tumayo siya at tumakbo habang umiiyak palabas ng condo ko.
Yung mata nya.
Napaupo ako.
Tama ang ginawa ko. Tama ‘yon. ‘Wag kang makonsensiya. ‘Wag. Kailan pa ako natutong makonsyensiya? Sino ba siya? Lintek! Bato na ang puso ko kaya ‘wag dapat akong maawa sa kanya.
Aish! Makatulog na nga sa kwarto! Lintek yan!