Chapter 5

1402 Words
Gino 11:00 PM na nang mapatingin ako sa wall clock ko. Kakagising ko lang ngayon matapos kong palayasin ang Sweetie na ‘yon dito sa condo ko. ‘Di na tuloy ako makatulog sa lintek na babaeng ‘yon. Kaasar! Napatayo pa ako sa kama ng wala sa oras. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng beer. Bumalik ulit ako sa kwarto at do’n na uminom. Gusto kong kumain. Pero tengene lang walang laman ang ref kundi tatlong piraso ng itlog. Puro alak. Gusto kong batukan ang tatay kong gurang para ibalik ang mga credit cards ko. Pero shete lang next month pa niya ibabalik dahil sa nadamage ko sa isang walang kwentang Bar. May pera pa naman ako at makakabili ng pagkain para ilagay sa ref. Ang kaso puro noodles na lang kinakain ko. Nakakasawa shete. Makabili na nga lang ng chichirya sa mini stop. Lumabas ako ng condo at pumasok sa elevator. May kasabay akong magshota. Mukhang kakatapos lang nilang gumawa ng hiwaga, ah. Wala akong pakialam. Napansin kong tinitignan ako ng babae sa salamin. Nasa likod ko sila ng kasama niyang lalaki. Taksil. "Hoy ikaw. Bantayan mo ‘yang babae mo. Ang likot ng mata." matalim kong sabi sa lalaking kasama ng babae. Pagkasabi no’n, bumukas na ang elevator at lumabas na ako. Narinig kong nagsalita ang babae at ganoon na lang kabilis ang paghihiwalay nila. Taksil na babae. Dapat diyan dinudukot ang mata. May kamay na pumulupot sa braso ko. Yung taksil. Shete. "Hi, honey. Wanna go out with me?" she asks in a flirty way. Tumigil ako sa paglalakad. "Hoy, lumayas ka sa paningin ko kung ayaw mong ingudngod kita sa putikan." matalim kong sabi. Tiningnan ko siya ng masama. Yung tingin ng isang halimaw. Mas gusto mo ng lamunin ka ng apoy kaysa makipagtitigan sa’kin. Nagulat siya pero pandalian lang. Lakas ng loob ng babaeng kaladkarin na 'to. Tae. She caressed my face, "No, honey, I know you want me too. Let's spend the whole night together," Halatang sanay na ‘to. Hmm... I wanna play with this b*tch. "You're right. I want you. I really want you." wika ko. She grinned. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at humarap sa kanya. Hinapit ko siya malapit sa’kin. "I want you..." unti-unti ako lumapit sa kanya, "I want you..." "Don't be so excited, honey," she caressed my face down to my chest. Para siyang barakong babae. Para siyang sumasabak sa illegal car race. Pula ang buhok. Well, I'm not scared, though. Wala akong kinatatakutan. "Do you want to--" Napaupo siya sa sahig sa lakas ng pagtulak ko. "I don't wanna see your f*ckin' face again here. So, better get lost, b*tch!" Tumalikod na ako. Bago pa ako humakbang, sumigaw siya. "You'll pay for this you bastard!" Habang nakatalikod ako, sinilip ko siya sa sulok ng mata ko. Natawa ako at napailing. Gusto ba niyang kalabanin ang isang Gino Castelvi? Baka pagsisihan niyang nabuhay pa siya sa mundo. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad hanggang sa makalabas na ako ng building. At nagulat ako sa nakita ko. Bakit nandito pa 'to? May dalawang hinayupak na lalaki ang sinasamantala ang isang kutong natutulog. Malapit nang mahawakan ng isa ang mukha ni Sweetie nang magsalita ako. "Hoy," tawag ko. Tumingin sila sa’kin at tinignan ko sila ng napakamasama. Para silang nakakita ng halimaw sa gabi. Lumapit ako sa kanila. At akmang susuntukin ng may pumigil sa braso ko. "Gino waaag! Mga kuya, alis na po kayo daliii!" "Bakit mo ako pinigilan?! Pakialamera ka talagang kuto ka." Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "Mananakit ka na naman kasi, eh. Kawawa naman ‘yong mga kuya!" sigaw nito sa'kin na akala mo galit na galit pero hindi halata dahil sa maamo niyang boses. Hindi niya alam ang sinasabi niya. ‘Di niya nakitang pinagsasamantalahan siya ng dalawang hinayupak na pinatakas niya. Tsk. Tangna, eto na naman ako. Ano bang nangyayari sa’kin kapag kaharap ko ‘tong kuto na 'to, ha? Wala ng silbi para sabihin pa sa kanya ‘yon. Isa siyang pagong. Slow. Tsk. Makaalis na nga at nang makakain na ako, lintek! "Umuwi ka na nga sa bahay mo! Perwisyo ka." "Wala na akong bahay, eh. Pinaalis ako. Patirhan mo na kasi ako sa condo mo puh-lease? Kahit ‘di na ako magsweldo okay lang sa’kin. Sige naaa," at ginamit na naman niya ang mata ng isang tutang naiiyak. Nagitla ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Aish! Wag ka sabing--" Teka. Napaisip ako. Kapag pumayag ako, may magluluto at maglilinis na ng condo ko. ‘Di na rin gagastos para magpa-laundry. Magkakaroon pa ako ng utusan na walang sweldo. Hmm… "Teka, marunong ka bang magluto?" Biglang sumaya ang mukha niya at tumango tango. "Eh, maglaba?" "Syempre nomon!" "Maglinis?" "Oo na oo! One thousand percent!" masigla niyang sabi. Pumayag na kaya ako? "Hmm..." "Payag ka na puh-lease?" "... Sige payag na ako. PERO!" Magsasaya sana siya pero natigilan siya. "Sige kahit ano pa ‘yan papayag ako!" puno pa rin siya ng sigla. Gabing-gabi na, saan niya kaya nakukuha ang enerhiya na ‘yan? "Ipagluto mo ako ngayon nagugutom na ako," "Hating gabi na , eh. Wala nang bukas na tindahan sa ganitong oras. Malayo ang palengke dito," "Eh di lakarin mo! Arte! Bilisan mo na!" "Teka, ano bang laman ng ref mo? Baka may pwedeng iluto sa mga nakastock mo do’n," How I wish. Pero tatlong itlog lang ang mayroon doon. Alangan namang iluto niya ang beer at gawing sabaw? "Tatlong itlog lang. May bigas pero ‘di ko sinasaing. Tinatamad ako." ‘Di lang talaga ako marunong. Pero tinatamad din. ~*~ "Sige okay na ‘yon. Ipagluluto na lang kita ng pritong itlog at ipagsasaing na rin." nakangiti nitong sabi. Nasa loob lang ako ng kwarto ko at nanonood ng WWE habang nagluluto siya sa kusina. "Gino, halika luto na ang pagkain," nakangiti nitong sabi nang sumilip siya. Tumingin ako sa babaeng naka-apron sa may pintuan ng kwarto. Tumayo na ako at lumabas para kumain. "Bakit dalawa ang plato?" Umupo na ako. Umupo din siya na kaharap ko. "Makikikain na din ako. Di pa ako kumakain, eh." sabi nito na nakahawak sa kanyang maliit na tiyan. "May pinagusapan ba tayo sa pagkain?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha? Ah-eh... oh, sige..." nalungkot ang mukha niya. Tumayo siya at kinuha ang plato niya para ibalik siguro sa kusina. Ang lungkot niya. Aish! Naawa na yata ako? Tsk! Lintek talaga 'tong babaeng 'to ‘di ako makatanggi sa kanya. Pansin ko rin ang pamumutla niya. "Kumain ka na." paiwas kong sabi. Dahil doon napatigil siya sa paglalakad. Umupo siya ulit. Dahil glass ang mesa, nakita ko ang mukha niya. Nabuhayan siya at ngumiti ng malawak. "Salamaaat!" "Tss." "Wait! Pray muna tayo." awat niya. Parang awat ng isang mediator sa isang away sa kalye. Naka letter T kasi yung kamay niya at talagang nakaladlad. Mukha siyang ewan. "Bakit pa? Kaartehan," saway ko. Hinampas niya ang kamay ko bago ko pa makuha ang kanin. The hell! Hinampas lang naman niya ang kamay ng hari at kilabot! Who in this f*****g world would do that to me?! "Teka! Kahit kailan hindi kaartehan ang pagpapasalamat sa Panginoon, Gino. Magpasalamat muna tayo sa Kanya dahil binigyan niya tayo ng pagkain." Pumikit siya at yumuko. Ipinagdikit niya ang mga palad niya. Tiningnan ko lang siya habang kumikibot ang ugat sa sentido ko. I am really, really close to snapping out at patumbahin ang babaeng ‘to. But then, sa tuwing nakatitig ako sa kanya, nawawala iyon sa isang iglap. Who is this freaking girl? "Lord, salamat po sa blessing na 'to na ibinigay Mo samin. Busugin Mo po kami sa pagkain na nakahain sa harapan namin. Salamat po. Amen," Napaka isip-bata naman ng babaeng kuto na 'to. Sobrang kinaiinisan ko ang mga katulad niya, eh. Pero ngayon may kasama akong katulad niya sa condo ko, putek. "Pwede na? Tumango-tango siya. Pagkatapos kumain, pumasok na ako ng kwarto habang hinuhugasan niya ang mga plato. 12:30 na ng madaling araw pero ‘di pa rin ako makatulog. Tsk. May babae pa sa condo ko. Pumayag akong tumira siya dito dahil libre ang ibibigay niyang serbisyo sa'kin. At… dahil sa teary puppy eyes niya. Aish! Mangkukulam yata ‘yon, eh! Walang’ya kinulam yata ako?! This is crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD