bc

Before I Die (Tagalog)

book_age12+
15.4K
FOLLOW
69.4K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
manipulative
badboy
beast
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

This story is about a girl named Sweetie who is very cheerful, noisy and childish. Sweetie is sick but it did not change her kind character just because of it. She met Gino inside their campus. Gino was beating two freak guys. He was a bad a*s, delinquent, and a leader of a dangerous g**g. But not after he met Sweetie. Everything about him changed. He fell in love with her. But what would be his reaction if he finds out that Sweetie is sick and dying?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gino "SINO ANG MAS MAGALING SA ATIN NGAYON?" maangas kong tanong. Hawak ko sa kuwelyo ang isa sa dalawang lalaking gustong bumugbog sa’kin. "I-ikaw boss, ikaw!" takot na sagot nitong puchang hawak ko. Pinatumba ko silang dalawa ng sabay. Naglalakad ako dito sa corridor ng building sa school nang bigla nilang hilahin ang itaas ng damit ko mula sa likuran ko at akma nila akong bugbugin. Pero sila ang nabugbog. "Ang aangas wala namang binatbat. Sinong nag-utos sa inyo para patumbahin ako?" maangas kong tanong ulit habang hawak-hawak ko pa din siya sa collar at sa pa siya itinulak sa pader. Ako lang ang pwedeng maging maangas sa eskwelahan na 'to kung gusto pa nilang sikatan ng araw. Hindi niya sinagot ang tanong ko kundi nakatingin lang sa may likuran ko. "Ugh!" napahiga sa pagkakasiko ko ang isa. "Wag ninyo akong subukan kundi SUSUNUGIN KO KAYO NG BUHAY!" alam kong sinusubukan akong saktan mula sa likod ng isa pero pasensiya siya, inunahan ko na siyang sikuhin. "SINONG NAG UTOS SA INYO?! Kapag hindi ninyo sinabi, I'M GONNA SMASH YOUR UGLY s**t-FACE ON THE GROUND!" itinaas ko na ang kamao ko para bugbugin muli itong walang kwentang tao na 'to kung sakaling hindi niya sabihin kung sino ang nag-utos sa kanila para dispatyahin ako. Walang awa akong makakapatay ng tao dito sa eskwelahan kapag nagkataon. Teka, let me rephrase it. Hindi naman ako pumapatay nang nasa huwisyo ako. Pwede na siguro ang magfifty-fifty sila. Wala akong pakialam kung anong mangyari sa kanila basta gusto kong malaman kung sinong hudas ‘yon! "S-si Maximillion, Boss! M-maawa ka sa’kin ‘wag mo akong saktan!" umiiyak siyang ipinagdikit ang dalawang palad at nagmamakaawa. Pumalatak ako. "Na naman? Ano na naman ang gusto ng gunggong na mukhang pera na yon, ha? Milyones na nga ang pera niya pati pangalan. Baka gusto niyang maging Maxibillion?" magkasosyo ang pamilya ng Max na ‘yon at ang pamilya ko sa eskwelahang ito. Kahit private ito, maraming pumapasok dito dahil sa ganda ng kalidad ng edukasyon nito. Ako lang DAW ang sumisira nito. Isa DAW akong masamang ehemplo. Kaya kahit mga guro walang laban sa’kin. Hindi nila ako kayang paalisin dahil anak DAW ako ng kasosyo ng may-ari. Tss. "H-hindi ko alam, Boss! Ang sabi niya, i-ibigay mo na daw ang shares ninyo dito sa eskwelahan ng pamilya mo sa kanya. Na-nasisira daw ang image nito ng-ng-ng dahil sa’yo!" "Anong sinabi mo?" biglang nagpinting ang tenga ko sa narinig ko. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa collar niya at lalo pa siyang idinikdik siya sa pader. "Waaa! Boss, maawa ka sakin napag-utusan lang ako!" he's begging me for mercy. Bugbog sarado na ang mukha niya at wasak ang gilid ng bibig. Maga na rin ang dalawang mata niya pati ang kasama niya na di na makatayo sa sahig. Pinilay ko, eh. "Sabihin mo sa mukhang perang balasubas na ‘yon na hindi mangyayari ‘yon! Ako ang hari dito at walang makikialam sa mga pag-aari ko kung ayaw niyang mamahinga habambuhay!" "O-opo boss! S-sasabihin ko!" Teka lang. "Hmm... I've changed my mind. Wag na lang," biglang sumaya ang mukha nitong stupid na 'to. "T-talaga? Salamat, Boss!" "Magpapasalamat ka pa ba kung babaliin ko na ng todo ang leeg mo?" I showed him my evil grin at akmang susuntukin ko na itong lalaki. "HOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOYYYYY!" "Back up?" matabang kong tanong sa hawak kong lalaki. Umiling lang ito ng mabilis na nangangahulugang 'hindi'. Napatingin ako sa sumigaw na babae sa may di kalayuan dito sa corridor. ‘Langya naman, oh. Sarap kutongin ng babaeng ‘yon. Hindi ko na natuloy ang pagsira sa magang mukha nitong hinayupak na 'to. "Mga kuya! Sandali i-pause ninyo munaaa!" lumapit siya sa amin at hinarangan ako. Nasa harapan siya ng lalaking susuntukin ko. She's looking at me seriously. Hanggang balikat ko lang siya kaya nakaangat ang mukha niya sa'kin. Mukha siyang bata na naghahamon ng away. "Kuyang nabugbog, umalis ka na pati ‘yong nakahandusay do’n, oh. Ako na bahala dito," seryoso pa niyang sagot. Anak ng--! Tumakbo ng mabilis ‘yong binubugbog ko kasama ‘yong isa. "HOY KUTO. SINONG NAGSABING PAALISIN MO SILA? GUSTO MONG MANGYARI DIN SAYO ‘YON HA?" I said in a very serious tone at nakatingin lang pababa ang mata ko sa kanya. Hanggang tuluyan ng makaalis ang dalawang kampon ni balasubas. Hawak ko sa leeg itong kuto na 'to ngayon. Nanggigigil ako sa kanya. Pakialamera. "Hala! Napunta sa leeg ko yung kuto? Sa ulo ‘yon eh. Wait... wala naman akong kuto, ah," hinawakan niya ang buhok niya at sinuklay gamit ang kamay na animo'y tinitingnan kung may kuto nga siguro. Kainis naman. Galing yata to sa Mars. "Ikaw ang tinutukoy kong kuto! Tanga ka ba?! O talagang may mental disorder ka lang?!" inalis ko na ang pagkakahawak ko sa leeg niya. Ibang klase tama nito sa ulo. Tsk-tsk. "Sinong tanga? ‘Yong kuto? Ang sakit mo namang magsalitaaa!" and then she pouted her plump lips. "Tsaka pwede bang magkaroon ng mental disorder yung kuto? Amazing, ha!" "Hoy, babaeng topakin, sumisinghot ka rin ba? Lakas na ng tama mo itigil mo na yan." "Ha? Sumisinghot? Anong sumisinghot?" putek na babaeng 'to. Parang ayoko na rin yatang suminghot kung matutulad ako sa kanya. "Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang timang na katulad mo? Tss," I need to get outta here at baka mahawa pa ako ng babaeng 'to. "Sinong timang? Ang sakit mo naman magsalita!" nagpameywang siya sa magkabilang tagiliran. Nagpapacute ba 'to? Pwes, hindi siya cute! Mukha siyang kutong kabute! Bakit ba biglang sumulpot 'tong kutong kabute na 'to dito? Oo, mayroong uri ng gano’ng bagay dito at siya ‘yon! Napansin ko na hindi siya nakasuot ng uniform kundi pang-sibilyan. "Hoy, kuto! Get out of my sight if you wanna live longer! Kahit babae ka pa hindi ako magdadalawang isip na baliin ang leeg mo!" inis na sabi ko. "Eh? Hindi na nga ako magtatagal dito, eh. Babalik na ako sa totoong mundo ko," Suddenly, her innocent face became sad. The f**k is she talking about? Alien nga siya? She's insane! Pero... bakit parang sumikip ‘yong dibdib ko? "Oy. May superpowers ka ba at bigla na lang umeepekto ang mood mo sa’kin? Sumikip ‘yong dibdib ko," Tengene ba't ko sinabi ‘yon? Ako yata ang natitimang saming dalawa. She laughed heartily. "Siguro meron. Tinablan ka, eh," naningkit ‘yong mata niya dahil sa ngiti niya. Her innocent face is filled with happiness when she smiles. Parang ‘yong kapag may problema ka bigla mo na lang makakalimutan kahit panandalian lang? Anak naman ng alien oh, what the f**k am I saying? Nahawa na yata ako sa babaeng kuto na ‘to. Makaalis na nga at magyoyosi pa ako. "Hey, I don't wanna see your effin' face again in here so start walking away or else I'm gonna kick your a*s out of this school, got that?" I said in a cold tone sabay ibinulsa ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pants ko at lumakad na palayo sa kanya. "GINO, WAIT!" Ano raw? How the f**k did she know my name? Pucha naman, oh. Alien nga? May superpowers? Nakakaalam ng pangalan ng tao? Bago pa ako makaharap, nasa likuran ko na pala siya at kinakalabit ng paulit-ulit ang balikat ko. "Kuya Gino, can I ask you something, puh-lease?" nagpuppy eyes siya at pumunta sa harapan ko. Teka, bakit nagpapacute yata ‘to? "Pa'no mo nalaman ang pangalan ko, ha?" I asked with an evil look at nagcross arms pa ako. Paharang-harang siya sa dinadaanan ko. Tsaka wala akong gintong panahon para makipag-usap sa mga WALANG KWENTANG katulad niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung paano niya nalaman ang pangalan ko. "Yung ID mo," sabi niya at ngumiti. Nakakaasar na 'tong babaeng kuto na to, ah. Kanina pa ngumingiti. Parang walang pinoproblema. Sarap kutusin, eh. Kung siya walang problema, ako mayroon! Hindi pa ako nakakapagyosi! Tsaka sa ID niya nakita pangalan ko? Anak naman ng kuto, oh. Nahawa na agad ako sa katimangan ng babaeng 'to. Hindi ko kaagad naisip yon! s**t lang. "Get out of my way, rat." tinabig ko yung balikat niya para dumaan. Nakaharang, eh. Ayoko sa lahat ay yung mga mahihina. Nakakainis kasi sila. Wala silang lugar sa mundong 'to kung mahina sila. Hindi na sila dapat binubuhay pa kaya dapat ng iwan. "KUYA GINOOO! Wait for meee!" sigaw na naman nung babaeng kuto. Kanina pa to, ah! Isa na lang at makakatikim na talaga siya sa’kin. "Miss! Don't shout! Class hours na!" may biglang lumabas na Professor sa isang room. Oo, oras na ng klase at nagbubulakbol pa ako. Di ko na kailangan mag-aral. Pamilya ko naman ang may-ari nito kaya suhol lang at ga-graduate din ako. Ganyan ang buhay eh. Madaya. "Sorry po, Ma'am," humingi ng paumanhin si kuto at pinagbigyan naman ng Professor kaya pumasok na ulit sa room. Bago pa ako tawagin no’ng baliw na babae, nakalayo na ako sa building. Di na ako napansin ng Professor dahil habang nag-uusap sila no’ng babaeng baliw, naglakad na ako. Sa wakas at makakapagyosi na ako. Nasa labas na ako ng school sa harapan at tumambay muna doon . "Pasindi nga," sabi ko do’n sa may tindera. "Hijo, ang aga mo naman yata lumabas. Half-day lang ba klase mo?" tanong no’ng matandang tindera habang sinisindihan ko sa nakasabit na lighter sa tindahan niya ang yosi na kinuha ko mula sa bulsa ko. Nasa may sixty above ang edad ng tindera. "Paki mo?" sagot ko nang matapos sindihan ang yosi. "Aba! Walang galang na bata ito! Hindi ka dapat nagyoyosi, hijo, kundi nag- aaral." "Alam mo wala kang pakialam sa akin, tanda. Kaya manahimik ka na lang dyan." inis kong sabi. "Aba't wala pang modo!" "Lola, pagpasensiyahan niyo na po itong si Gino. Kulang lang po kasi yata siya sa pansin kaya kung anu-ano ang sinasabi," biglang singit ng isang babae na kahawig nang ku-- "Ikaw na naman?! Pucha naman, oh! Lumayas ka nga sa harapan ko!" tinulak ko siya ng malakas na ikinabagsak niya sa lupa. "Aray ko naman!" napahimas siya sa may balakang na ikinapuruhan ng pagtulak ko. Masama talaga ako kaya walang aangal. "Kay sama naman ng ugali mong bata ka!" sigaw nung tindera na lumabas pa ng tindahan para tulungang tumayo itong kutong 'to. "O-okay lang po ako, lola. Salamat po." tinulungan siyang tumayo no’ng tindera at pinagpag ang likuran nito. "Ineng, ipabarangay mo na itong nanakit sa’yo hindi mo dapat palampasin ang ginawa niya!" galit na sigaw no’ng tindera. Nakatingin lang ako do’n sa babaeng tinulak ko. Parang... namutla siya. "H-hindi na po. Okay lang ako tsaka kilala ko po siya," turo niya sakin. Ako? Kilala niya? Tss. Stalker yata? "Eh, iyon ba gusto mo, Ineng? Kung ako lamang sa sitwasyon mo ay ipakukulong ko pa itong batang ito, eh. Napakasama ng budhi! Ikaw naman boy, tulungan mo itong si ineng nang bumuti ang kalagayan. Masakit ang pagkakabagsak, eh. Aba, ay kung hindi mo ito tinulungan ay ipapabarangay kita sa ginawa mo sa’kin," sabi no’ng matandang tindera na galit na nakatingin sakin. Nakakaasar naman ‘tong araw na ‘to. Ang daming epal sa buhay ko na hindi ko naman kilala. Wala akong nagawa kundi tulungan ‘yong babaeng ‘yon at dinala sa clinic ng school. "Diyan ka na," sabi ko. Nakahiga na siya at nagpapahinga nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na ikinabigla ko. "Thank you sa pagbuhat sa'kin hanggang dito, ah?" she smiled innocently that made my heart pound. Ano bang mayro’n sa babaeng 'to, ha? Natatakot na yata talaga akong suminghot ng m*******a. Sobra na ‘yong nakikita at nararamdaman ko. Parang pati ako nababaliw na. "Nagpapasalamat ka sa'kin? Sa'kin talaga?" matabang kong tanong. "Kanino pa ba?" nakangiti niyang tanong. "Ibang klase ka talaga eh, no? Muntik na ngang mabali ang likod mo nang dahil sa'kin tapos magpapasalamat ka? ‘Wag kang magpapasalamat sa isang demonyo." Tama. Ganun ako. Masama ako. Kita naman ang pinag-gagawa ko sa tindera at do’n sa dalawang kampon ni balasubas di'ba? Kaya bagay lang sa’kin na tawagin akong gano’n. "What are you saying? Kung demonyo ka nga, bakit mo pa sinunod ‘yong gusto ni lola na tulungan mo ako dito? Tsaka ‘di ka naman gano’n, eh. I know you are a good person." she said calmly. Pinagsasabi nito? "You don’t know anything about me," I said coldly. Parang biglang sumikip ang kalooban ko. Naalala ko na naman. Hay. Tsaka napansin ko lang na kanina pa hawak ng babaeng 'to ang kamay ko kaya binawi ko kaagad ito. May naramdaman kasi akong uneasiness. Yuck. Bakla na rin yata ako? Kainis na babaeng 'to maiwan na nga! "Aalis na ako." "Wait! Itatanong ko lang kung saan yung Dean's Office. Iniwan mo kasi ako kanina, eh." "Lumiko ka lang bandang right paglabas mo dito tapos makikita mo na." sabi ko ng nakatalikod. "Okay, thank you, Gino!" Before I knew it, I felt my lips widen a bit when I heard her soft and happy voice saying my name.  Aish! Tengene yan! Ano bang ginagawa ko?! Baliw na ba ako? Lumabas na ako ng clinic palayo sa babaeng ‘yon. Mangkukulam yata, ampotek. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
201.4K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.3K
bc

A Night With My Professor

read
513.3K
bc

That Professor is my Husband

read
507.5K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.1K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
253.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook