Gino
"Magbabayad ka sa pagkagat--"
Hindi na nagawang ituloy pa ni Max ang kanyang sasabihin na SONA.
Pinatumba namin ng sabay-sabay nina Ace at Melo ang dalawang hinayupak na humahawak kay... ano ba pangalan ng kuto na 'to? Tsk. Pati na 'tong gunggong na si Max.
Hindi ko alam pero nang makita kong nasasaktan at hinang-hina na si uhh... kuto, biglang kumuyom ang mga kamay ko at nasugod si Max. Sobrang galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘yon.
Ano bang nangyayari sa’kin? Wala akong pakialam sa iba pero sa kanya... ‘Tangina! Ayoko ng ganito! Kailan ba ako naawa sa mga tao? Hindi ako marunong maawa. At hindi ako marunong tumulong lalo na ang magmahal! Mga KABALIWAN lang mga ‘yon!
"Gray! Iwan ba natin ‘tong babae?" tanong ni Rio nang makalapit sa'kin.
Napatingin ako sa babaeng nakahandusay sa sahig at hinang-hina ang katawan. May sugat siya sa labi at namumutla ang kanyang mukha.
"Kailan pa ba natutong tumulong si Gray sa mga nasasangkot sa g**o natin?" wika ni Bid.
"Tara na, Gray, inom muna tayo sa condo mo!" anyaya ni Al.
‘Di ko pinansin ang mga sinasabi nila. Binuhat ko ang nanghihinang katawan ng babae at dinala sa kotse. Sumunod ang lahat sa'kin.
"Gray! Kotse ko ‘yan!" sigaw ni Melo.
"Sa condo." sabi ko sabay pasok sa kotse ni Melo katabi ang babae.
"Woo! Libre na naman tayo ni Gray!" Ani Lui.
Pumasok sila sa kanya-kanya nilang sasakyan. Ang iba motor ang gamit. Pumasok at umupo na si Melo sa driver's seat.
"’Di mo pa ba nakukuha ang sasakyan mo, Gray?" tanong ni Melo habang pinaaandar ang kotse.
"Next month ko pa makukuha sabi ng gurang kong tatay." naiinis lang ako sa tuwing naaalala ko ang gurang na ‘yon.
"Tsk. Napapadalas na pagsakay mo sa kotse ko, ah!"
"May sinasabi ka?" tiningnan ko siya ng masama sa salamin sa harapan niya.
"Ikaw naman di mabiro."
"Ayusin mo biro mo, Melo, at nang hindi madisporma ‘yang pagmumukha mo." asar. Isa pa 'to.
"Yes, boss!"
Habang umaandar ang sasakyan, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa babaeng nakahandusay sa tabi ko. Hinang-hina siya. Napuruhan ata ni Max. Lintek ‘yon!
Bakit ko ba tinulungan ang babaeng kuto na ‘to?! Dapat iniwan ko na lang, eh. Perwisyo pa ito ‘pag nagkataon. Tsk!
"Gray bakit mo pa isinama ‘yan? Himala!" biglang sambit ni Melo.
"Tangina, ‘wag mo akong pakialaman!"
"'To naman palaging high blood. Siguro babae mo ‘yan, ano? Kailan ka pa nagdala ng mga babae sa condo. Gray?"
"Magtanong ka pa at ihahagis kita diyan sa bintana," pinapa-init ng taong 'to ang ulo ko.
"Okay, okay. Chillax, Bro!"
Pagkaraan lang ng ilang minuto, nakarating na kami sa condo ko na nasa second floor lang ng Castelvi Building. Amin ‘to. Kaya diretso lang ako sa pagpasok.
"Ang sarap mag-relax pagkatapos makipaglaban!" sabi ni Al. Humiga siya sa kama ko.
"Tabi dyan!" saway ko sa kanya.
"Bakit nadala mo pa ‘yan, Boss? Sana iniwan mo na lang. Magsumbong pa yan, eh." reklamo ni Al. Tumayo siya at umalis sa kama ko.
"Get out! Gusto mong basagin ko yang bungo mo?!"
"Sabi ko nga lalabas na, eh." sagot niya. Kumaripas siya ng takbo papunta sa sala.
Kaasar! Pakialamero! Bakit ko nga ba dinala dito ang babaeng 'to?
Aaahh! Baliw na ako!
Umiling-iling ako ng mabilis baka sakaling magising ako sa kahibangan na ginawa ko. Inihiga ko siya sa kama at umupo ako sa gilid at marahan kong pinagmasdan ang mukha niya.
Mukha siyang anghel.
Nanlaki ang mata ko sa naisip kong ‘yon. Di na ako sisinghot! Mababaliw ako lalo! Tengene yan! Kailan ba ako nagdala ng babae dito sa condo simula ng iwan niya ako? Pesteng babaeng ‘to naalala ko na naman! Ayoko na!
Wala akong dinalang babae dito kundi si... Wala! Wala na akong dapat isipin pa tungkol do’n! Tumingin akong muli kay kuto. Hahayaan ko muna siyang magpahinga diyan. Paaalisin ko na lang kapag nagising. Lumabas na ako ng kwarto para maligo. Amoy pawis na ako.
~*~
Sweetie
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Una sa left tapos sa right. Tapos pumikit ulit at biglang dumilat ng pagkalaki-laki.
Waaa! Kanino bahay 'to!
Ang kalat.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Ramdam ko pa rin ang sakit sa pisngi ko. Nagmasid ako sa kwarto. Ang daming bote ng beer. Kung saan-saan nakakalat ang mga damit na panlalaki...
Panlalaki? Uwaaa! Sinong nagdala sa’kin dito?! Ang huling naalala ko, nawalan ako ng malay sa isang hideout. Tapos... ‘di ko na alam ang nangyari. Baka kinuha ako ni Suneyo. Naiiyak tuloy ako.
Sumilip ako sa pinto. May anim na lalaki ang nagkakasiyahan. Teka. Kasama ‘yan ni Gino, ah.
Dinala ako ni Gino dito?! Waaaa! Ang bait niya talaga. Sabi ko na, eh.
"Gising na pala ‘yong babae, eh." sabi no’ng Melon nang makita akong sumisilip. Siya lang ang pamilyar sa kanilang anim. Narinig ko lang kay Gino ang pangalan niya.
Holoo! Paano na?! Baka hinihintay nila akong magising para gawing chop-chop lady...
Pero mukha naman silang mababait, eh. Kahit na mukha silang gangsters sa suot nila. Hindi naman siguro nila ako sasaktan. Tinulungan nga nila ako para makawala kay Suneyo pati do’n sa dalawang humahawak sakin kanina, eh.
Lumabas na ako at lumapit sa kasiyahan nila.
"Mga kuya, salamat nga pala sa pagtulong ninyo sa’kin kanina, ha?" nakangiti kong sabi. Napatingin lahat sila sa’kin nang magpasalamat ako. Napakamot ako sa ulo ko nang magkatinginan sila. "Bakit mga kuya? Sabi ko thankyou!"
Nagkatinginan na naman sila sa bawat isa at pagkatapos ng isang segundong katahimikan ay nagtawanan silang lahat. Napakunot na lang ako ng noo. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagpasalamat lang naman ako, ah.
"Ikaw ang kauna-unahang nagpasalamat samin, ‘Te." Tawa pa din sila ng tawa.
"Talaga? Ang saya naman!" grabi, totoo ba ‘yon? Nakakatuwa naman! Ako daw ang pinakaunang nagpa-thank you? Natahimik na naman sila bigla at nagkatinginan. Ang weird naman nila.
"Miss, hindi mo ba kami kilala?" tanong no’ng Melon habang nakatingin sa’kin ng mariin.
"Ikaw si Melon di'ba?" tanong ko. Nanlaki ‘yong mata ni Melon na parang may nasabi akong mali. Sabay na nagtawanan na naman silang lahat. Ano ba kasing nakakatawa? Melon naman talaga ang pangalan niya di'ba?
"Miss, Melo! Hindi Melon!" namumulang sabi ni Melo.
Melo? Ahh. Kaya pala tawanan sila. Eh, sa di ko alam, eh.
"Ahh. Akala ko kasi Melon, eh." sabi ko. Tawanan na naman silang lahat.
"Miss beautiful, anong pangalan mo?" tanong no’ng isa.
"Ako si Sweetie," nakangiti kong sabi.