Gino
"Gino, waaiit!" dinig ko ang pagtawag ni kuto sa'kin mula sa loob ng clinic pagkasara ko ng pinto.
Aaahh! Bahala ka diyan ginugulo mo buhay ko! Peste!
"Gino-- AHH!"
May narinig akong kalabog. Napatigil ako. Papasok ba ako? Bakit naman? Wala naman akong pakialam sa kanya. Ginugulo nga niya ako, eh. Tsk. Tengeneng buhay naman 'to, oh. Teka. Bakit ko ba pinoproblema ‘yang kuto na ‘yan? Isang malaking TSK! Bahala nga siya sa buhay niya. Ginawa ko na ang sinabi no’ng matandang tindera kaya manigas siya do’n sa loob ng clinic!
Biglang bumukas ang pinto, "Gino," iyak niya. "’Yong balakang ko,"
Nasaan siya? Sumilip ako sa bumukas na pinto pero wala siya sa kama niya. Walang tao. Di kaya, patay na siya? Sana. Nang mawala na siya sa landas ko!
"Gino," iyak na naman niya. "Ang chakit. Tulungan mo ako,"
"Hoy, magpakita ka!" iginala ko ang mga mata ko sa loob. Dinig ko lang ang iyak niya. Parang kaluluwang nananakot.
"Nandito akooo..."
"Saan nga?! Tengene, ‘wag mo nga akong takutin! ‘Di ako natatakot sa multo. f**k!"
"Sumilip ka pa..." atungal niya.
Walang’yang babaeng 'to. Ginagawa niya akong katawa-tawa. Ayoko na! May laban pa ako sa hideout!
Pero sumilip pa din ako, "Hoy! Wag mo akong gawing tangang katulad mo! Mamatay ka na!"
"Andito ako sa ibaba..." iyak niya. Tumingin naman ako sa ibaba.
Anak ng kabayo. Kaya pala ‘di ko makita nakahandusay siya sa sahig.
"Anong ginagawa mo dyan? Do’n ka nga sa kama mo!"
"’Di ako makatayo. Nanghihina ako..."
"Anong gusto mo? Buhatin na naman kita? ASA! Bahala kang manghina diyan! Istorbo ka sa BUHAY ko!" kaasar! Lalakad na sana ako nang bigla niyang hawakan ang binti ko.
"Kapag ba humingi ng tulong ang minamahal mo hindi mo ba siya tutulungan?" ang soft ng boses niya na parang katulad ng isang batang nangungulila. Nakatingin siya sa'kin na parang nagdaramdam.
That made me stop. Hindi ko alam pero bumilis ang t***k ng puso ko.
"Kahit ‘di mo ako mahal tulungan mo naman akong makatayo puh-leeeaaase?"
"Sino ka ba para mahalin? Ayoko sa mga MAHIHINA! Ano ba kasing ginagawa mo diyan, ha?! Umaabuso ka na, ah! Bitiwan mo nga binti ko!"
Bumungisngis naman siya litaw ang maliliit at cute niyang ngipin. "Okay lang kahit ‘di mo ako mahal basta ang mahalaga, may minamahal ka."
Ang weird ng babaeng ‘to, ah. Kakaiba siya sa lahat. Sinabihan ko na siya ng masasakit na salita at lahat-lahat pero wa-epek. Punung-puno pa rin siya ng saya kahit na may masakit sa kanya. Aish! Mabuhat na nga at nang makaalis na dito! Lintek!
"Aray, aray! Natamaan mo balakang ko dahan-dahan nomooon."
"’Wag ka ngang maarte diyan! Ibagsak kaya kita?" banta ko habang karga na pangbagong kasal pabalik sa higaan.
"Wag naman!" she pouted. Ang hilig mag-pout ng kutong to, kaimbyerna. "Uy, pwede pakidala ako sa Dean's Office? Sayang ‘yong oras may importante pa kasi akong pupuntahan, eh."
"Hoy! Sumosobra ka na, ah. Ano mo ako, alalay? May paa ka kaya lumakad ka mag isa!" talagang kumikibot na ang ugat sa sentido ko. Nakakarami na talaga ang babaeng kuto na ‘to!
"Dalhin mo na ako do’n, puh-leeaase? Mag-aapply lang ako as a Student Assistant. Baka payagan ako dito sige naaa," para siyang batang nagmamakaawa.
"E, kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" tiningnan ko siya sa mata ng seryoso.
"Gino I need your help..." hayan na naman ang teary puppy eyes niya.
Para akong nahi-hypnotize sa inosente niyang titig. Parang sinasabi ng mata niyang tulungan ko siya. Parang nangungulila ang titig niya sa mga mata ko kaya di ko maiwasan ang mapatingin sa ibang bagay.
"H-hindi ka na makakapasok dito ng gano’n lang. Dapat ka munang mag-enroll tapos do’n ka mag-apply as a Student Assistant. Kailangan mo rin magbayad kahit installment muna sa kukunin mong kurso. Hindi pwedeng wala kang babayaran kaya wala ka ng chance," sabi ko sa kanya habang nakatingin sa ibang bagay. Ayoko siyang tingnan sa mata. Hindi ako mapakali.
Shit! Ano bang nangyayari sa’kin! Ako ang tinaguriang hari at kilabot sa eskwelahang ito pati na rin sa labas. Pero bakit ganito? ‘Lang’yang babaeng 'to ‘di ko magawang sapakin.
Kapag nainis ako, automatic na tatama ang kamao ko sa mukha ng taong kausap ko. Kahit babae pa. Madalang lang kapag babae. Lalo na kung kinukulit nila ako kagaya ng kuto na 'to. Sa katunayan mas matindi 'tong isang 'to kaysa sa iba kaya nga ba nagtataka ako at hindi ko siya magawang sapakin.
"Gano’n ba? Sayang naman pala kung gano’n. Ano ng gagawin kooo?" maluha-luha niyang sabi. Para siyang nawalan ng pag-asa sa nalaman niya. Parang doon nakasalalay ang buhay niya. Kahit ‘di ko pinagbubutihan ang pag aaral ko, alam ko naman ang mga patakaran dito dahil kami nga ang may-ari nito.
"Bahala ka na do’n! Teka nga, kanina pa kita buhat, ah! Diyan ka na! Perwisyo ka, eh!" binitawan ko na siya sa kama.
"Ay, ang galing di na gaano masakit ang balakang ko. May superpowers siguro mga kamay mo. Ang galing!" tumayo siya at nakakapaglakad na ng maayos.
Di kaya niloloko ako nito para magpabuhat lang?
"Tss. Sinong maniniwalang may superpowers ako? Ikaw lang dahil baliw ka. Walang superpowers ang tao tandaan mo yan,"
"Eh? Mayro’n kayaaa! May superpowers ang mga tao nooo!" pilit niya.
"Tsk! Di ako baliw! Makaalis na nga!" Bago pa siya makapagsalita, lumabas na ako sa clinic at lumakad na palabas ng eskwelahan.
Kainis na babaeng yo’n. Nasayang ang oras ko ng dahil sa kanya. Late na ako sa pustahan sa hideout. Shete talaga. Nilakad ko na ang daan papunta sa hideout na malapit lang sa school. Tagong-tago yo’n kaya safe akong nakakapunta.
Biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko yo’n sa bulsa ng pants ko at nang makita kung sino ang tumatawag, sinagot ko.
“HOY GRAY! ‘Tangina ikaw na lang hinihintay! Asan ka ba?!” sigaw ng puchang si Ace. Inilayo ko ng konti ang phone. Lakas ng boses eh.
"Pucha, wag ka nga sumigaw! May inasikaso lang ako maghintay sila!" sabay patay ko sa call.
Nang makadating sa hideout, "Asan sila?" tanong ko kay Melo habang naglalakad papasok sa loob.
"Sa loob na lahat. Inip na sila" sagot ni Melo.
"Isara mo ang gate. Walang makakalabas dito ng walang nababali ang leeg," seryosong sabi ko. Sabay na kaming pumasok sa pinakaloob ng hideout pagkatapos niyang isara ang gate.
"Ramdam ko na ang tensyon dito, ah." maangas kong sabi habang minamasid ang grupo ko at ang grupo ng mga goons.
"Bakit ngayon ka lang, Boss? Di na kami makapagpigil sa mga kumag na ‘to," angal ni Al. Lumapit siya sa'kin kasama ang apat pang miyembro namin.
"Nangangati na ang kamao ko. Gusto ko ng bumasag ng bungo!" inip na sabi ni Ace.
"’Wag kayong atat. Si Max lang naman yan" I grinned.
May kasama siyang benteng tauhan na nakablack formal suit na mukhang goons kasama pa ang dalawang hinayupak na binugbog ko kanina. Nakaupo si Max sa sirang couch habang nasa magkabilang gilid niya ang dalawang yo’n.
Bilis magsumbong ng dalawang ‘yon, ah. Wala akong pakialam.
"Hoy, Max, gusto mo ba talagang makuha ang shares namin?" tiningnan ko siya ng matiim. Napatayo naman siya at sumabay naman ang mga tauhan niya.
"Gano’n na nga. Kaya humanda ka! BOYS!" sa isang tawag lang niya, pinaikutan kami ng bente niyang tauhan at pwede kaming atakihin anumang oras.
"Hindi mo ba ako kayang labanan, ha, mama's boy? Tsk tsk." umiling-iling pa ako. Humagalpak naman ng tawa ang anim na kasama ko.
"Sinong mama's boy?! Isusumbong kita sa kanya!" saway ni Max.
"Pffffftt!!!" sina Melo, Al, at Ace. Napatalikod pa sa pagpipigil ng tawa.
"Wala na, finish na!" Ani Ace. Humagalpak kami nila, Bid, Lui, at Rio. Hindi na namin napigilan ang mga tawa namin.
"Biruin-- mo yun?!" sabi ni Ace sa bawat pagitan ng pagtawa niya. Naiiyak na siya sa sobrang tawa habang hawak-hawak pa ang tiyan.
"Bakla siya, sister!" sagot naman ni Bid na boses bading. Nahampas pa niya likod ni Rio sa sobrang tawa.
Baliw talaga 'tong mga kasama ko. Bakla nga yata ‘tong si Max. Galit na galit siya sa mga pinagsasabi nitong mga 'to. Namumula na ito sa sobrang galit.
"Pati tauhan mo mukhang umaayon samin," singit ni Lui. Kitang-kitang nagpipigil ng tawa ang mga tauhan niya.
"TUMIGIL KAYO! ANO PANG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN?! SUGURIN NIYO NA MGA YAN!" saway ni Max. Umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit.
"Teka, teka. Kapag nanalo ka, SA’YO na ang matagal mo ng gustong angkinin sa'kin. Pero kapag ako ang nanalo," tiningnan ko siya ng ubod ng sama. "Ayoko ng makita ang NAKAKASUKANG PAGMUMUKHA mo. Maliwanag ba?" maangas kong sabi sa kanya.
"OO! DAMI PANG SATSAT! SIMULAN NA!" sigaw ni Max. Walang kung anu-ano, biglang sumugod ang mga tauhan niya saming pito.
~*~
Sweetie
Uwaaa! May g**o! May away! May riot! May p*****n! May--may--may-- uwaaa!
Sinundan ko si Gino nang hindi niya namamamalayan. Sabi na nga ba at hindi maganda ang mangyayari, eh. Nagtago ako sa likod ng mga malalaking kahon dito sa parang warehouse na bodega. Mabuti na lang at hindi ako nakita kanina nung... Melon ba yun? Nakalimutan ko na ang pangalan.
Nakaupo lang ‘yong kamukha ni Suneyo ng Doraemon do’n sa sirang couch habang nakatayo sa magkabilang side ang dalawang binugbog kanina ni Gino. Medyo malapit lang ako sa kanila kaya kitang-kita ko sila.
May isang tumilapon sa ere.
Uwaaaa! Natilapon ‘yong isang tauhan ni Suneyo sa mga kahon sa sobrang lakas ng pagkakasipa sa kanya ni Gino!
Pinagtulungan siya ng iba pang tauhan pero wa-epek ang pambubugbog nila sa kanya. Para siyang action star sa mga movies. Amazing!
Pati yung anim niyang kasama ang gagaling makipaglaban. Ni wala silang bahid na pasa sa mukha. Ang gugwapo lahat, grabi!
Maliban na lang sa mga tauhan ni Suneyo na bugbog sarado at duguan.
Uwaaa! Dugo?! May dugo ako sa mukha! Natalsikan ako ng dugo sa ilong no’ng isang tauhan!
"Hoy! Anong ginagawa mo dito babae?! Kasama ka siguro nila!" duro sakin ni Suneyo. Waaa! Na-expose pala ako sa pinagtataguan ko no’ng matalsikan ako ng dugo!
"Aray, aray! Matatanggal ang buhok ko Suneyooo!" sinabunutan niya ang buhok ko patalikod ang chakit!
"Tumahimik ka! Ako si Maximillion Pegasus at hindi si Suneyo!" galit si Suneyo lumalaki na butas ng ilong niya. Baka siya si Damulag!
Nakita kong napatumba lahat ni Gino at ng mga kasama niya ang dalawampung tauhan ni Suneyo. Tinadyakan ni Gino sa dibdib ang kahuli-hulihang tauhan ni Suneyo na ikinapuruhan niya at nawalan ng malay. Nakatalikod si Gino samin ni Suneyo. Uwaaa! Ginooo!
"Ayos!" sigaw nung Melon. Naghigh-five silang pito sa bawat isa. Tingnan niyo naman akooo!
Tinakpan kasi ni Suneyo ang bibig ko kaya di ko matawag si Gino.
"Pano ba y--" Hindi na natuloy ni Gino ang sasabihin niya. Humarap na siya sa wakas!
"Teka, pano nakapasok ‘yan?" tanong ni Melon nang mapansin na rin ang nangyayari.
"Ililigtas pa ba natin?" tanong no’ng isa nilang kasama kay Gino.
Waaa! Poker face 'tong si Gino. Ayaw na niya yata akong tulungan. Napasobra na yata ako...
"Sige lang, Gino, masasaktan ang babaeng 'to kapag pinaalis mo ako!" parang baliw kung tumawa si Suneyo. Mukha na talaga siyang nababaliw. May hawak siyang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko. Paano niya iyon nakuha?
Nakatitig lang ako kay Gino na may pagmamakaawa. Waaah! Gino tulungan mo ako! ‘Wag mo akong iiwan ditooo! Naiiyak na lang ako sa nangyayari dahil baka gilitan ako ng leeg ni Suneyo ano mang oras niya gustuhin!
Dahil nakatakip ang kamay ni Suneyo sa bibig ko, kinagat ko siya, "ARAY!" naalis na ang mabaho niyang kamay!
"Gino! Uwaaa! Tulungan mo ako!"
Natalon-talon si Suneyo sa sakit habang hawak ako. Dinig ko ang mga usapan ng mga kasama ni Gino kung tutulungan daw ba nila ako. Grabe di man siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa’kin. Ayaw na niya akong tulungan.
"KAYONG DALAWA! HAWAKAN NIYO NGA ‘TONG LINTEK NA BABAENG ‘TO!" sinunod siya no’ng dalawa. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay.
At sinampal ako ng buong lakas ni Suneyo.
"AHH!" aray! Ang chakiiit! Nadisporma na yata ang pisngi ko sa sobrang sakit ng pagkakasampal sa’kin ni Suneyo. Ang bigat ng kamay niya.
Naramdaman ko na lang na umiikot ang paningin ko at nalasahan ang dugo sa labi ko habang nakayuko. Nanghina ako sa sampal ni Suneyo.
"TINGNAN MO ANG GINAWA MO! LINTEK KA! MAMATAY KA NA!" sinabunutan na naman niya ako at inangat ang mukha ko kaya naman nakita ko ang galit na galit na mukha ni Suneyo habang nakatutok ang hawak niyang kutsilyo sa leeg ko.
Para akong nawawala sa sarili. Nahihilo ako. Ang sakit ng katawan ko. ‘Di ako makahinga.