Sweetie
Napasigaw ako.
May braso! May brasoooo! Nakadantay ‘yong braso sa tiyan ko. Nagising na lang ako na nasa malambot akong kama.
Wala na si purificacion. Wala na...
Nagising ang katabi ko. Nakadapa kasi siya at nakaharap sa left side ang ulo niya. Humarap siya sa right side kung saan ako nakahiga.
"Gino wala na si purificacion..." iyak ko sa kanya. Kinusot niya ang mata niya at iniangat ang ulo.
"Ano? Sinong Purificacion?" antok na tanong niya.
"Ano...yung ano..." iiih! ‘Di ko masabi baka magulat siya.
"Anong ‘ano’? Tsk! Doon ka nga! Ang ingay mo natutulog pa ako, eh!" tumalikod siya sa’kin at natulog ulit. Uwaaa! Si purificacion! Ang puri ko! Waaa! Bata pa ako, eeh!
"Ginooo... Anong nangyari? Bakit tayo magkatabi?" naiiyak kong tanong.
~*~
Hindi alam ni Sweetie na wala namang nangyari sa kanila ni Gino. Pagod ito sa pagbabantay sa kanya at kulang pa sa tulog kaya naman knockout talaga ang hari at kilabot.
"Uy, Gino panindigan mo ito..."
"Sabi ng wag kang maingay, eh! Wala pa akong tulog! Napagod ako sa’yo! Lumabas ka na nga! Istorbo!" binalot ni Gino ang buong katawan niya sa kumot at natulog muli.
Dahil sa sinabi niya, mas lalong nabigla si Sweetie at lalong umiyak.
"Ginooo! Panindigan mo ako! Waaaa! Anong ginawa mo sa’kin!" iyak ng iyak si Sweetie habang nakaupo sa kama. Dahil sa ingay niya, napaupo rin si Gino at humarap sa kanya na naiirita.
"Ano ba! Walang nangyari! Nilagnat ka kagabi at hindi ako nakatulog kakabantay sa’yo. Pagod ako kaya ‘wag mo akong istorbohin! Lintek!" bumalik siyang muli sa higaan at binalot ang katawan sa kumot.
Kumurap-kurap ito.
Para namang bata si Sweetie na natauhan sa iniiyak niya kanina. Pagkatapos ng isang minuto ng pagloading ng mga sinabi ni Gino sa utak niya, niyugyog niya ito.
"Talaga?! Akala ko wala na si purificacion, eeh! Thank you sa pag-aalaga Gino! Thank youuu!"
Sa inis ni Gino sa maingay na isip-batang babae, napatayo na talaga ito at sumigaw.
"Lintek! Ang ingay-ingay mo! Tulog ‘yong tao, oh! Hindi mo ba alam ‘yon?! Gusto mong sapak?!" Imbis na umiyak o tumahimik na lang si Sweetie, ngumiti pa ito.
"Ikaw talaga. Sabi na, eeh. Ang bait-bait mo talaga. Gusto na tuloy kita." walang muwang na sabi ni Sweetie. Nagulat si Gino sa sinabi niya at naisipang hindi na lang ituloy ang pagtulog at maligo na lang.
"Tumigil ka nga diyan. Sasapakin na kita, eh. Ituloy mo na ang paglilinis ng kwarto ko. Magluto ka ng almusal," utos ni Gino at naglakad papunta sa closet para kumuha ng damit.
"Eh? ‘Di ka na matutulog ulit?"
Tumingin ng masama si Gino sa kanya. "Sa tingin mo makakatulog pa ako sa ingay mo?" humarap na itong muli sa closet.
"Sorry. Masaya lang ako kasi ang bait mo sa’kin." natutuwang sabi ni Sweetie.
"Wag ka ngang tumawa. Para kang mangkukulam." inis na sabi ni Gino.
"Hihi,"
"Sige mang asar ka pa." badtrip na sabi ni Gino.
"Sorry po!"
"Maglinis ka na nga!" pagkasabi noon, pumasok na ito sa banyo at naligo. Tumayo naman si Sweetie at ginawa ang sinabi ni Gino.
Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga muna sila sa sala at naisipang interview-hin ni Gino si Sweetie. Nakaupo sa sofa si Gino samantalang kaharap nito si Sweetie.
"Ano bang gusto mong malaman, Gino?" tanong ng dalaga habang nakapangalumbaba ito sa mesang nakapagitna sa kanila.
"Kasambahay kita dito sa condo. So, dapat alam ko ang background mo. Mamaya nakawan mo pa ako dito." tinaasan siya ng kilay ni Gino.
Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ni Gino.
"Uy, hindi naman ako gano’n! Masama ‘yon, eeh! Hinding-hindi ko kayang gawin ‘yon. Ang sabi ng mama ko, masama ang magnakaw. Kaya," umiling ito ng mabilis, "hindi ko magagawa sa’yo ‘yon."
Tumango-tango naman ang binata. "Dapat lang. Dahil sa ORAS na malaman kong iniisahan mo ako, hindi lang sapak ang aabutin mo."
Ngumisi lang si Sweetie.
"’Wag kang mag-alala Gino hindi mangyayari ‘yon."
"Uh-huh. Iche-check ko ang background mo. Anong totoong pangalan mo?"
"I'm Love Salvacion. But my nickname is Sweetie. Love kasi lovely girl daw ako sabi ni mama at Sweetie kasi sweet girl din daw ako." nakangiting sambit ni Sweetie. Tumango-tango si Gino at hinimas-himas ang baba.
"Ampanget ng pangalan mo. Hmm... Ilang taon ka na? Saan ka nakatira? Sinong mga magulang mo?"
"Ang ganda kaya ng pangalan ko! Hmm... I'm 18 years old. Nakatira ako sa Pampanga. Hindi ko kilala ang mga magulang ko, eeh."
Nagulat si Gino sa huling sagot ni Sweetie. "Liar. Galit ka siguro sa mga magulang mo kaya naisipan mong maglayas at ayaw ng bumalik pa. Tsk tsk tsk." nailing-iling pa ito.
Nagpakawala ng inosenteng ngiti ang dalaga.
"I’m telling you the truth. Hindi ko sila kilala. Ang sabi ng mama ko, baby pa lang ako iniwan na daw ako ng mga magulang ko sa ampunan." Makikita sa mukha ni Sweetie ang pangungulila nito sa mga magulang niya.
"You mean, ampon ka lang ng tinutukoy mong mama?"
"Parang gano’n na nga."
"Nasaan siya? Bakit hindi ka umuwi sa inyo?"
"Wala na akong uuwian pa. Wala na si mama. Kinuha na siya ni Lord. Ayaw akong kupkupin ng mga kamag-anak niya dahil... pabigat lang daw ako." hindi na napigilan ng malungkot na dalaga ang pagtulo ng kanyang luha kaya naman yumuko ito.
Kumalabog naman ang dibdib ni Gino sa mga narinig. "S-sorry sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya." medyo taranta naman na sambit ni Gino.
Bakit ba ako nadadala sa kwento ng buhay ng babaeng ‘to? Hindi ko mapigilan, eh. Ani Gino sa kanyang isip.
Pinunasan ni Sweetie ang kanyang luha at iniangat ang mukha nito. Binigyan niya ng ngiti si Gino.
"Okay lang naman sa’kin. Kaya nagpapasalamat ako sa’yo kasi tinanggap mo ako. Tapos inalagaan mo pa ako no’ng nagkasakit ako. Ang saya ko kasi bukod sa mama ko, may katulad mo na kayang alagaan ako." Sa pag-ngiti muli ng dalaga, may kakaibang naramdaman si Gino na hindi mawari kung ano.
Napaiwas ito ng tingin sa dalaga.
"A-ano ba yan ang drama mo. Next na!" natatarantang sabi ni Gino. Nagtaka si Sweetie sa sinabi niyang 'next na'. Kaya naman pumasok sa isip niya ang pagtatanong rin dito.
"Eh ikaw bakit ka nakikipag-away lagi? Paano ka naging ganyan?" parang batang tanong ni Sweetie.
Sa tanong niya, parang nawala sa huwisyo si Gino at naalala lahat ng masasakit na nangyari sa kanya. Natulala ito at napayuko.
"Dahil sa...kanya...iniwan niya ako... Siya lang ang nag-iisang tama sa buhay ko... Pero iniwan niya lang ako. Isa akong pagkakamali ng mga magulang ko kaya ayaw nila sakin. Ipinakasal sila dahil nabuo ako. Nakakainis. Sana pina-abort na lang nila ako." galit at hinagpis ang nararamdaman ni Gino habang inaalala ang lahat ng mga sinabi inya. Nanlilisik rin ang mga mata niya.
Hindi niya alam kung bakit niya ito nasasabi kay Sweetie. Basta ang alam lang niya, gusto nitong mailabas ang sama ng loob sa pamilya. Lumapit naman si Sweetie sa kanya at hinagod ang likod ng nakayukong si Gino.
"Alam mo, hindi ka isang pagkakamali Gino. May importanteng dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo. Naniniwala akong tama kang nabuhay sa mundong ito at handa akong tulungan ka sa lahat ng pagkakataon. Simula ng pinatira mo ako dito, ikaw na ang tinuring kong pamilya bukod kay mama. Dahil katulad niya, tinanggap mo ako. At bilang pamilya mo, tutulungan kita kahit anong mangyari. Nandito lang ako para sa’yo Gino." malumanay na sabi ni Sweetie.
Sa pangalawang pagkakataon ay may umukit na ngiti sa labi ni Gino dahil kay Sweetie. Na ramdaman nito ang simpatya at pang-iintindi ng dalaga at nakaramdam ng pag-gaan ng loob.
~*~
Ace
"Pare, penge nga yosi. Ala pa si Boss." binigyan ako ng yosi ni Rio na kasalukuyang nagbi-billiard dito sa mini bar naming pito. Kasama niyang naglalaro si Lui.
"Antagal naman ni Gray. May laban pa tayo mamaya, eh." reklamo ni Bid. Naglalaro sila ng chess ni Al.
"Baka busy siya kay Sweetie." tawa-tawang sabi ni Al.
"Hoy. ‘Wag mo ngang ginaganyan si Sweetie. Upakan kita, eh." singit ni Melo.
Teka, simula ng makilala namin ang weird na babaeng ‘yon, parati na lang tulala si Melo.
"Melo." tawag ko sa lalaking nakaupo sa stool at umiinom ng alak. Ang layo ng tingin! Mapagtripan nga.
"Bakit? Gusto mo sapak?"
"Sira. Pansin ko palagi ka na lang tulala. Babae ba ‘yan?"
"Manahimik ka. Wag mo akong istorbohin." pagkasabi no’n, kumuha muli siya ng alak at ngsalin sa baso niya.
"Si Sweetie ba, Insan? Natamaan ka yata do’n, eh." tumawa ako ng tumawa sa sinabi kong iyon dahil imposibleng mangyari ‘yon.
"Gago! Tigilan mo ako Ace, kundi gigilitan ko yang leeg mo." asar na pagbabanta niya.
"Sabi na, eh! Babae nga ‘yan. Leeg na naman kasi ang sinabi mo. Gusto mo mahalikan ‘yang leeg ng babaeng iniisip mo?" hagalpak ko ng tawa.
Ganyan ‘yan. Kapag sinabi niyang gigilitan nya ako sa leeg, babae ang iniisip nyan. Weird ‘yang pinsan ko ewan ko ba.
"Hoy, Mario brothers, peram nga niyang mga bola ng billiard at ibabato ko lang dito sa lintek na jelly ace na ‘to."
"Oy, ba't nasali si Jelly dito?!" napaupo ako ng diretso sa couch na inuupuan ko.
Kapatid ko ‘yon. Si Jelly. Matanda ako ng isang taon sa kanya. Napakasadista ‘non. Parang lalaki kung mambugbog. Mana sa kuya.
"Pareho lang naman kayo ng kapatid mong ‘yon, eh. Gusto mo gawin kong babaeng-babae?" tumigil sa paglalaro ng chess si Al at nakisali sa pag inom ni Melo.
"Langya ka. Subukan mong galawin ang kapatid ko titirisin kita na parang garapata."
Mahal ko ang kapatid ko kahit panay ang pambubugbog sakin no’n. Sasapakin ko tong Al na ‘to, eh.
"Biro lang! Cool ka lang, dude." ani Al.
"Heh! Manuno ka sana! Gagi!" Habang nag-aaway kami ng mga kumag na ‘to, dumating na ang kanina pa naming hinihintay.
Teka, hindi siya nag iisa.
"Hello, mga kuyaaa!" masiglang bati ng isang pamilyar na boses.
Si Sweetie.
Anong ginagawa niya dito? Bakit hindi ito natatakot sa’min? At bakit dinala siya dito ni Gray?