Melo "Hello, mga kuyaaa!" Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Sweetie. Sinama pala siya ni Gino. Ewan pero natutuwa ako kapag nakikita ko siya. Baliw na kung baliw. Sinusunod ko lang kung anong gusto ng puso ko. Ang gusto nito, palaging makita si Sweetie. "Sweetie ano ‘yang dala mo?" pagkalapit ko sa kanya, nakita kong may hawak siyang dalawang malalaking plastic bag. Napakagentleman talaga nitong Gray na ‘to, oo. Kita kasi sa mukha ni Sweetie na nabibigatan na siya. "Nagluto kasi ako ng lunch para sa inyo. Pasensiya na kung natagalan si Gino, ha?" "Ayos lang ‘yon Sweetie! Gutom na nga kami, eh." singit ni Rio na nasa likod ko. "Sige kain muna kayo bago tayo makipagbakbakan mamaya." Nanlaki ang mga mata ko. Binatukan siya ni Gray. "Bakbakan ka diyan. ‘Di ka kasali manonood ka